Para bang sandaling natulala ang ekspresyon ni Fabian nang tanungin siya ni Jeremy ng tanong na iyon. Ito ba talaga ang tunay na dahilan? Hindi. Siguro hindi. Medyo makasarili pa rin siya. Ngunit, hindi maipapaliwanag sa salita ang kanyang pagiging makasarili. Ang kabuuan lang nito ay hindi niya gustong iwanan siya ni Lillian. Kahit na ganoon, anong karapatan niya na sabihing hindi niya ito gusto? Ang maliit na bata ay ang hiyas nina Jeremy at Madeline, at mayroon siyang sariling tahanan. Nang makita ni Madeline na nakatulala at tahimik si Fabian, binasag niya ang katahimikan. "Fabian, alam naming dalawa ni Jeremy na sinsero lang nagmamahal at nagpapahalaga para kay Lily. Pero sobrang nag-aalala ang pamilya namin, at gusto na rin nila siyang makita dahil ang tagal na rin simula noong kinuha mo siya. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, at umaasa ako na sana maintindihan mo rin ang nararamdaman namin bilang mga magulang." Nakiusap si Madeline. Sa sandaling ito, k
Nang makita ang nagtatakang tingin sa mga mata ng munting prinsesa niya, nagsimula ring sumakit ang puso ni Madeline. “Good girl, Lily. Babalik din kaagad si Fab.” Itinaas ni Lilian ang kanyang tingin para salubungin ang maamong titig ni Madeline na para bang tinatanong niya si Madeline kung totoo ba ito. Naunawaan ni Madeline ang ibig-sabihin ng munting prinsesa at seryosong nangako, “Ipinapangako kong siguradong babalik si Fab.” Nang marinig ito ni Lilian, ang pagtataka sa mga mata ni Lilian ay hindi na masyadong malala. Pagbalik sa kanyang upuan, masunuring umupo doon si Lilian buong oras. Nakikita ni Madeline at Jeremy na hinihintay ng bata si Fabian. Naalala nila ang unang pagkikita ni Fabian at lilian. Pagkatapos sagipin ni Fabian ang inosenteng Lily mula kay Felipe, nagkaroon ng samahan ang dalawa. Kahit noon ay pasaway si Fabian, kahit paano, unti-unti siyang naging mas maunawain. Naging mabait siya kay Lily. Sobrang bait. Nag-away pa sila ni Lana dahil kay
Sadyang lumapit ang taong ito at mukhang kilala sila nito. Kaagad na napagtanto ni Madeline na kilala ng lalaking ito si Evan. Magalang niyang nginitian si Evan bago harapin si Madeline at Jeremy. “Kayo ba si Mr. at Mrs. Whitman?” Magalang na tanong ng lalaki. Tumango si Madeline at Jeremy. “At ikaw?” “Siya ang assistant ni Fab,” Sinabi ni Evan, habang sumasagot para sa lalaki. “Assistant ni Fabian?” Nagtaka si Madeline, tapos para bang mau naunawaan siya. “Di ba pupunta si Fabian?” Ngumiti ang lalaki at tumango. “Biglang may importanteng bagay na kailangang asikasuhin si Mr. Johnson, kaya hindi siya makalabas sa ngayon. Sinabihan niya akong dalhin dito ang mga gamit ni Ms. Lily, at ang lahat ng ito ay nasa kotse. Pwede ko bang maabala si Mr. at Mrs. Whitman na sumunod sa akin at kunin ang mga ito?” Pagkatapos pakinggan ang paliwanag ng lalaki, naunawaan din ni Madeline at Jeremy. Tapos dinala nila si Lilian palabas ng coffee shop nang magkasama. Habang nililipat nila
”Paano mo mabubuhat nang mag-isa ang tatlong maleta? Hayaan mo nang kunin ko ang isa.” Nang hindi na nagsasalita pa, kinuha ni Madeline ang itim na kahon gamit ng isang kamay at ang maleta gamit ng kabila. “Tara na Lily. Babalik na tayo sa hotel.” Narinig ni Lilian na tinatawag siya ni Madeline, ngunit nakatingin pa rin ang bata sa direksyon ni Evan nang matagal bago siya lumingon para sumunod kay Madeline. Syempre nararamdaman ni Madeline at Jeremy ang nararamdaman ni Lilian, pero hindi sila nagsalita. Pagbalik sa hotel, inilapag ni Madeline ang itim na kahon sa kama at tinawag si Lilian. “Lily, isa itong regalo mula kay Fabian. Tingnan natin kung anong nasa loob.” Kinurap ni Lilian ang malaki at maganda niyang mga mata at inabot ang maliit niyang kamay para hilahin ang ribbon at tinulungan si Madeline na buksan ang kahon. Pagkatapos itong buksan, nakaramdam si Madeline ng liwanag na tumatama sa mata niya. Nang tingnan niya nang maigi, natuklasan niyang ang laman ng kaho
Direktang nagtanong si Fabian. Nang makita niyang ibinalik ang regalo, nagkaroon ng dismaya at inis sa mga mata niya. Ngumiti nang marahan si Jeremy at sinabi, “Fabian, nauunawaan ko kung anong nararamdaman mo noong iniregalo mo ito kay Lily, pero masyado itong mahal.” “Masyadong mahal?” Malinaw na nagtaka ito sa salitang ito, tapos tumawa siya. “Ang pinakamayamang lalaki sa Glendale ay nagsabi sa akin na masyadong mahal ang regalo ko.” Naunawaan ni Jeremy ang ibig-sabihin ni Fabian at mayroon pa ring ngiti sa kanyang mukha. “Walang kinalaman ang pinagmulan kong pamilya kung mahal ba o hindi ang regalong ito. Fabian, alam ko ang nararamdaman mo para kay Lily, at pati si Linnie, pero tingin ko hindi ito nababagay kay Lily.” Tinanggihan pa rin ito ni Jeremy. Tumango si Fabian. “Umalis ka na pala.” “Aalis na ako, pero kailangan ko pa ring pasalamatan ka nang personal.” Kaagad na sumagot si Fabian, “Natanggap ko na. Makakaalis ka na Jeremy.” “Sige.” Hindi na nagsalita pa si
Ngunit mas dumami ang pulang batik sa maliit na kamay ni Lilian kumpara sa kanina. Mukhang hindi ito isang karaniwang sakit sa balat. Di nagtagal, nakarating na rin si Jeremy. Nang makita ang maliliit na pulang batik sa maliit na kamay at braso ni Lilian, nagsalubong ang kilay ni Jeremy. “Dahil ba ito sa leukemia?” Hula ni Jeremy, ngunit wala siyang tiyak na sagot. Nagsalubong ang kilay ni Madeline. “Kaunti lamang mga bukas na dermatology clinic sa gabi, Jeremy. Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin?’ “Puntahan ang doktor ni Lily.” “Si Evan ba ang tinutukoy mo?” Sa kasalukuyan, may pakiramdam si Madeline na si Evan lamang ang makakatulong sa kanilang malutas ang mga problema nila. “Bumalik na muna tayo sa hotel. Naiwan ko ang business card ni Evan sa hotel, kaya kailangan ko muna itong kunin.” “Hindi na ‘yan kailangan.” Biglang narinig ang boses ni Fabian mula sa isang tabi. Napalingon sa gulat si Madeline at Jeremy at nakita nila si Fabian na naglalakad patungo s
Nang marinig niya ang sinabi ni Carter, biglang tumaas ang kilay ni Jeremy. Tinignan niya ang munting prinsesa na karga ni Fabian sa mga sandaling iyon. Nung nakita niya ang tingin at kilos ni Jeremy, pakiramdam nila Madeline at Fabian na may maling nangyayari. Sa kalagitnaan ng kanilang pagtataka, ang taong nasa kabilang linya ay mukhang ibinaba na ang tawag. Nilapitan ni Madeline si Jeremy. “Jeremy, sino ba yung tumawag? May nangyari ba?” Binaba ni Jeremy ang kanyang tingin at nakita ang pag-aalala sa mga mata ni Madeline. Sa mga sandaling iyon, nag-alangan siya kung sasabihin ba niya ito sa kanya o hindi. Napansin din ni Madeline ang kakaibang kilos ni Jeremy, kaya nagtanong siya, “Jeremy, anong problema?” Ayaw pag-alalahanin ni Jeremy si Madeline, pero napagtanto niya na nagkaroon sila ng maraming hindi pagkakaunawaan dahil dito noon, kaya ngayon, hindi na niya pinili na itago ito. “Ang mga pantal sa balat ni Lily ay hindi galing sa isang sakit. Gawa ito ng tao,” P
”Malaki ang tiwala sa iyo ni Lily.” Seryoso ang mga mata ni Jeremy. “Hindi ba’t gusto mong alagaan si Lily? Pwes patunayan mo ngayon sa akin. Patunayan mo na aalagaan mo ng mabuti ang anak ko ng sa gayon ay pwede kong iwanan sayo ang munti kong prinsesa ng hindi nag-aalala.” Pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Jeemy, mukhang nagulantang si Fabian. Bago pa man siya makakibo, nakalapit na sa kanya si Jeremy, niyuko ang ulo nito, at hinalikan ang pisngi ni Lillian. “Lily, ako at si Mommy ay may kailangan lang asikasuhin na ilang bagay. Babalik din kami para sunduin ka mamaya. Sumama ka muna kay Fab at makinig sa lahat ng sasabihin niya, ayos ba?” Kaagad na naunawaan ni Lillian na aalis na sila Madeline at Jeremy, kaya kumunot ang munti nitong mga kilay sa pagkadismaya. “Daddy.” Ang kanyang maliit na kulay rosas na labi ay gumalaw, at tinawag niya ang kanyang ama ng malumanay. At kasabay nun, bakas ang kalungkutan at pangungulila sa mga mata nito. Kasunod ni Jeremy, malambi