”Paano mo mabubuhat nang mag-isa ang tatlong maleta? Hayaan mo nang kunin ko ang isa.” Nang hindi na nagsasalita pa, kinuha ni Madeline ang itim na kahon gamit ng isang kamay at ang maleta gamit ng kabila. “Tara na Lily. Babalik na tayo sa hotel.” Narinig ni Lilian na tinatawag siya ni Madeline, ngunit nakatingin pa rin ang bata sa direksyon ni Evan nang matagal bago siya lumingon para sumunod kay Madeline. Syempre nararamdaman ni Madeline at Jeremy ang nararamdaman ni Lilian, pero hindi sila nagsalita. Pagbalik sa hotel, inilapag ni Madeline ang itim na kahon sa kama at tinawag si Lilian. “Lily, isa itong regalo mula kay Fabian. Tingnan natin kung anong nasa loob.” Kinurap ni Lilian ang malaki at maganda niyang mga mata at inabot ang maliit niyang kamay para hilahin ang ribbon at tinulungan si Madeline na buksan ang kahon. Pagkatapos itong buksan, nakaramdam si Madeline ng liwanag na tumatama sa mata niya. Nang tingnan niya nang maigi, natuklasan niyang ang laman ng kaho
Direktang nagtanong si Fabian. Nang makita niyang ibinalik ang regalo, nagkaroon ng dismaya at inis sa mga mata niya. Ngumiti nang marahan si Jeremy at sinabi, “Fabian, nauunawaan ko kung anong nararamdaman mo noong iniregalo mo ito kay Lily, pero masyado itong mahal.” “Masyadong mahal?” Malinaw na nagtaka ito sa salitang ito, tapos tumawa siya. “Ang pinakamayamang lalaki sa Glendale ay nagsabi sa akin na masyadong mahal ang regalo ko.” Naunawaan ni Jeremy ang ibig-sabihin ni Fabian at mayroon pa ring ngiti sa kanyang mukha. “Walang kinalaman ang pinagmulan kong pamilya kung mahal ba o hindi ang regalong ito. Fabian, alam ko ang nararamdaman mo para kay Lily, at pati si Linnie, pero tingin ko hindi ito nababagay kay Lily.” Tinanggihan pa rin ito ni Jeremy. Tumango si Fabian. “Umalis ka na pala.” “Aalis na ako, pero kailangan ko pa ring pasalamatan ka nang personal.” Kaagad na sumagot si Fabian, “Natanggap ko na. Makakaalis ka na Jeremy.” “Sige.” Hindi na nagsalita pa si
Ngunit mas dumami ang pulang batik sa maliit na kamay ni Lilian kumpara sa kanina. Mukhang hindi ito isang karaniwang sakit sa balat. Di nagtagal, nakarating na rin si Jeremy. Nang makita ang maliliit na pulang batik sa maliit na kamay at braso ni Lilian, nagsalubong ang kilay ni Jeremy. “Dahil ba ito sa leukemia?” Hula ni Jeremy, ngunit wala siyang tiyak na sagot. Nagsalubong ang kilay ni Madeline. “Kaunti lamang mga bukas na dermatology clinic sa gabi, Jeremy. Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin?’ “Puntahan ang doktor ni Lily.” “Si Evan ba ang tinutukoy mo?” Sa kasalukuyan, may pakiramdam si Madeline na si Evan lamang ang makakatulong sa kanilang malutas ang mga problema nila. “Bumalik na muna tayo sa hotel. Naiwan ko ang business card ni Evan sa hotel, kaya kailangan ko muna itong kunin.” “Hindi na ‘yan kailangan.” Biglang narinig ang boses ni Fabian mula sa isang tabi. Napalingon sa gulat si Madeline at Jeremy at nakita nila si Fabian na naglalakad patungo s
Nang marinig niya ang sinabi ni Carter, biglang tumaas ang kilay ni Jeremy. Tinignan niya ang munting prinsesa na karga ni Fabian sa mga sandaling iyon. Nung nakita niya ang tingin at kilos ni Jeremy, pakiramdam nila Madeline at Fabian na may maling nangyayari. Sa kalagitnaan ng kanilang pagtataka, ang taong nasa kabilang linya ay mukhang ibinaba na ang tawag. Nilapitan ni Madeline si Jeremy. “Jeremy, sino ba yung tumawag? May nangyari ba?” Binaba ni Jeremy ang kanyang tingin at nakita ang pag-aalala sa mga mata ni Madeline. Sa mga sandaling iyon, nag-alangan siya kung sasabihin ba niya ito sa kanya o hindi. Napansin din ni Madeline ang kakaibang kilos ni Jeremy, kaya nagtanong siya, “Jeremy, anong problema?” Ayaw pag-alalahanin ni Jeremy si Madeline, pero napagtanto niya na nagkaroon sila ng maraming hindi pagkakaunawaan dahil dito noon, kaya ngayon, hindi na niya pinili na itago ito. “Ang mga pantal sa balat ni Lily ay hindi galing sa isang sakit. Gawa ito ng tao,” P
”Malaki ang tiwala sa iyo ni Lily.” Seryoso ang mga mata ni Jeremy. “Hindi ba’t gusto mong alagaan si Lily? Pwes patunayan mo ngayon sa akin. Patunayan mo na aalagaan mo ng mabuti ang anak ko ng sa gayon ay pwede kong iwanan sayo ang munti kong prinsesa ng hindi nag-aalala.” Pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Jeemy, mukhang nagulantang si Fabian. Bago pa man siya makakibo, nakalapit na sa kanya si Jeremy, niyuko ang ulo nito, at hinalikan ang pisngi ni Lillian. “Lily, ako at si Mommy ay may kailangan lang asikasuhin na ilang bagay. Babalik din kami para sunduin ka mamaya. Sumama ka muna kay Fab at makinig sa lahat ng sasabihin niya, ayos ba?” Kaagad na naunawaan ni Lillian na aalis na sila Madeline at Jeremy, kaya kumunot ang munti nitong mga kilay sa pagkadismaya. “Daddy.” Ang kanyang maliit na kulay rosas na labi ay gumalaw, at tinawag niya ang kanyang ama ng malumanay. At kasabay nun, bakas ang kalungkutan at pangungulila sa mga mata nito. Kasunod ni Jeremy, malambi
Pagkatapos niyang marinig ito, tahimik na tumango si Madeline. Kinuyom niya ng mahigpit ang kanyang mga daliri, habang puno ng pag-aalal ang kanyang mga mata. “Kagabi, sinabi niya sa akin na mag-iisip siya ng plano laban kay Carter bago siya pumunta para makipagkita dito, pero nagisng ako kanina na wala na siya sa tabi ko. Hindi ko rin siya matawagan.” Habang nagsasalita si Madeline, naramdaman niya na bumilis din pati ang tibok ng kanyang puso. “Ang suspetya ko ay nagkita na sila Jeremy at Carter at baka may nangyaring masama sa kanya.” “Huwag kang mag-isip masyado, dadalhin kita kaagad doon. Baka hindi mo siya matawagan dahil sa walang signal ang lugar na kinaroroonan niya.” Pinakalma ni Fabian si Madeline at umaasa siya na tumigil na ito sa pag-iisip masyado. Umaasa si Madeline na sana ay ligtas si Jeremy, pero ang mabilis na tibok ng kanyang puso ay mukhang sinasabi sa kanya na hindi ligtas si Jeremy. Inabot sila ng sampung minuto gamit ng kotse para marating ang d
Tumakbo siya papunta kay Carter, may malamig at matalim na ikaw sa kanyang magagandang mga mata. "Asan ang asawa ko? Saan mo dinala si Jeremy?" Hindi nagmamadaling ngumiti si Carter nang tinignan niya si Madeline na puno ng kaba ang mukha. "Dapat matapos na ang isyu sa pagitan namin ni Jeremy. Hindi ba ayos na to? Gusto niyang maging ligtas ang anak niya kaya pinagpalit niya ang kaligtasan niya para sa anak niyo." Habang pinapakinggan ang mga salita ni Carter, biglang tinaas ni Madeline ang kamay niya at hinablot ang kwelyo ni Carter. "Carter, dalian mo at sabihin mo sa'kin. Nasaan ang asawa ko?" Hindi pinansin ni Carter ang kinakabahang pagtatanong ni Madeline, tinulak niya ang kamay ni Madeline at masamang ngumisi. "Makakaasa ka na humihinga pa rin siya at tumitibok pa rin ang puso niya. Hindi pa siya mamamatay sa ngayon." 'Hindi pa mamamatay sa ngayon?' Naramdaman ni Madeline na huminto ang kanyang puso; mas naging sigurado na siya na nasa isang mapanganib na lugar
Nang marinig nina Madeline at Fabian ang tunog ay sabay silang tumingala. Maraming matatangkad na lalaki na nakasuot ng espesyal na kagamitan ang pumalibot kay Carter. Para naman kay Carter, para bang alam niya kung sino ang mga taong ito kaya hindi siya nagulat, sa halip ay ngumisi lang siya. "Nahanap niyo ko." Tinaas niya ang kanyang mga mata nang may pagkamuhi. Nang manlalaban sana siya, isang pamilyar na boses ang narinig mula sa likod ng grupo ng mga tao. "Hindi ka nila nahanap. Sinabi ko sa kanila na nandito ka." Nang matapos ang boses, lumitaw si Shirley sa paningin ni Carter. Dahan-dahan siyang lumapit kay Carter habang ang kanyang mahinang katawan ay nakaupo sa wheelchair. Ngunit, nagulat si Shirley na makita sina Madeline at Fabian. Hindi niya alam na nandito si Madeline. Kahit na hindi niya kilala si Fabian, alam niya na siya ang sumusuporta kay Lillian dito sa F Country. Tinignan ni Carter si Shirley na papalapit sa kanya at mayroong pangungutya sa kanyang m