Tumakbo siya papunta kay Carter, may malamig at matalim na ikaw sa kanyang magagandang mga mata. "Asan ang asawa ko? Saan mo dinala si Jeremy?" Hindi nagmamadaling ngumiti si Carter nang tinignan niya si Madeline na puno ng kaba ang mukha. "Dapat matapos na ang isyu sa pagitan namin ni Jeremy. Hindi ba ayos na to? Gusto niyang maging ligtas ang anak niya kaya pinagpalit niya ang kaligtasan niya para sa anak niyo." Habang pinapakinggan ang mga salita ni Carter, biglang tinaas ni Madeline ang kamay niya at hinablot ang kwelyo ni Carter. "Carter, dalian mo at sabihin mo sa'kin. Nasaan ang asawa ko?" Hindi pinansin ni Carter ang kinakabahang pagtatanong ni Madeline, tinulak niya ang kamay ni Madeline at masamang ngumisi. "Makakaasa ka na humihinga pa rin siya at tumitibok pa rin ang puso niya. Hindi pa siya mamamatay sa ngayon." 'Hindi pa mamamatay sa ngayon?' Naramdaman ni Madeline na huminto ang kanyang puso; mas naging sigurado na siya na nasa isang mapanganib na lugar
Nang marinig nina Madeline at Fabian ang tunog ay sabay silang tumingala. Maraming matatangkad na lalaki na nakasuot ng espesyal na kagamitan ang pumalibot kay Carter. Para naman kay Carter, para bang alam niya kung sino ang mga taong ito kaya hindi siya nagulat, sa halip ay ngumisi lang siya. "Nahanap niyo ko." Tinaas niya ang kanyang mga mata nang may pagkamuhi. Nang manlalaban sana siya, isang pamilyar na boses ang narinig mula sa likod ng grupo ng mga tao. "Hindi ka nila nahanap. Sinabi ko sa kanila na nandito ka." Nang matapos ang boses, lumitaw si Shirley sa paningin ni Carter. Dahan-dahan siyang lumapit kay Carter habang ang kanyang mahinang katawan ay nakaupo sa wheelchair. Ngunit, nagulat si Shirley na makita sina Madeline at Fabian. Hindi niya alam na nandito si Madeline. Kahit na hindi niya kilala si Fabian, alam niya na siya ang sumusuporta kay Lillian dito sa F Country. Tinignan ni Carter si Shirley na papalapit sa kanya at mayroong pangungutya sa kanyang m
"Tama ba ako? Gusto mong mamatay kasama ko." Walang pakialam na tumingin si Shirley sa kanyang harapan. Umihip ang malamig na hangin at bigla siyang ngumiti. "Oo, matagal na akong napapagod na mabuhay. Kung gusto mong mamatay, isama mo ko. Namimiss ko na ang nanay at tatay ko, at si Addy…" Nanlumo ang mga mata ni Carter nang marinig niya ang mga salita ni Shirley. Bahagyang gumalaw ang kanyang lalamunan; para bang isa itong hikbi. "Sige." Binuka niya ang kanyang labi at nagsabi ng isang salita. "Kung ganun, pumunta tayo sa impyerno nang magkasama." Sinabi niya ang mga salitang iyon na walang pag-asa at hinigpitan ang hawak niya sa leeg ni Shirley. Walang pakialam si Shirley at hinayaan si Carter na higpitan pa nang higpitan ang kanyang palad, pagkatapos ay pinikit niya ang kanyang mga mata. "Carter, bitawan mo si Shirley!" Sinubukan ni Madeline na pigilan si Carter, ngunit pinigilan siya ni Fabian. "Delikado doon! Wag kang pupunta doon! Baliw siya." "Pero hindi
Habang nalulungkot, tinawag ni Shirley si Carter, at gamit ng kaunting pwersa, nailiko niya ang kanyang wheelchair at bumagsak sa katawan ni Carter. Nang makita ito, kaagad na tumakbo si Madeline sa tabi ni Shirley at sinubukan itong tulungang bumangon. “Shirley, bumangon ka muna.”“Hindi, hindi ako babangon!” Nagmatigas si Shirley at niyakap nang mahigpit ang braso ni Carter. “Hindi manganganib ang buhay niya, Shirley. Dapat alagaan mo ang katawan mo,” Sinabi ni Madeline. Ngunit hindi bumitaw si Shirley. Umiyak siya at umiling. Ang walang malay na si Carter lamang ang nakikita niya ngayon. “Eveline, hindi tayo pareho ng nararamdaman. Wala kang pakialam kahit mamatay pa siya, pero ako may pake ako.”“May pake din ako!” Diniin ni Madeline. Natulala si Shirley nang marinig niya ito. Tinignan niya si Madeline nang may pagdududa at nakita ang seryosong mukha ni Madeline. “Tinago ni Carter si Jeremy sa ibang lugar at gusto kong malaman kung nasaan si Jeremy. Kaya tulad mo, u
Sinabi ni Fabian ang lahat ng pagdududa niya. Natulala saglit si Shirley, tapos isang bakas ng pagsisisi ang lumitaw sa mga mata niya. “Tama lang na nagduda ka. Dati akong kasabwat ni Carter, at ginawa ko ang gusto niyang ipagawa sa akin. Isa akong tanga noon na walang respeto sa sarili at hindi marunong mag-isip para sa sarili.” Tinawanan ni Shirley ang kanyang sarili. Nang marinig ang paglalarawan ni Shirley sa kanyang sarili, nagulat si Fabian at nahiya nang kaunti. Sa kaalamang tinulungan ni Shirley si Madeline na sagipin si Lilian noon, umubo si Fabian nang dalawang beses at iwinasto si Shirley bago ito pasalamatan. “Ahem, ako, masyado lang akong nag-aalala kay Lily kaya hindi ako nag-isip bago ako magsalita. Hindi mo ito kailangang damdamin. Alam kong iba ka talaga kay Carter. Wala siyang puso.”Nagpaliwanag si Fabian. Pakiramdam niya talagang magkaiba si Shirley at Carter. Kung talagang masama ang ugali ni Shirley, hindi sana masasagip ni Madeline si Lilian. Pagka
Mayroong lamesa hindi malayo sa kanya. Nang makita ang mga gamit na nakalapag dito, natulala sagit si Madeline bago siya sumugod patungo sa lamesa. Ang phone at wedding ring ni Jeremy ay malinaw na nakikita sa gitna ng ilaw. Dinampot ni Madeline ang wedding ring at ang phone, siguradong nanggaling doon si Jeremy, pero hindi alam ni Madeline kung saan nagpunta si Madeline pagkatapos nito. Nang maalala niya ang lalim ng galit ni Carter kay Jeremy, lalong nabahala si Madeline.“Jeremy.” Pinisil ni Madeline ang singsing at phone na hawak niya at marahang tinawag ang pangalan ni Jeremy. “Hindi Eveline, kailangan mong kumalma, dapat kumalma ka.”Paulit-ulit na sinabi ni Madeline para mapakalma niya ang kanyang sarili. Tumingin siya sa pulang tuldok sa kanyang phone, na nagpapakitang malapit ang lokasyon ni Jeremy, at tapos naalala niya ang nangyari nitong umaga. Sa sandaling iyon, dinala siya ni Fabian dito, ngunit hindi nagtagal pagpasok niya, lumabas si Carter mula sa lugar n
”Sa mga oras na iyon, dumating siya sa buhay ko na parang isang liwanag, na nagpaliwanag sa madilim kong kinabukasan. Pagkatapos noon, nakabangon ako at naibalik ko ang tiwala ko sa sarili ko.”Nagbalik-tanaw si Shirley nang may maliit na ngiti sa kanyang mukha, ngunit kaagad na naglaho ang ngiti niya sa ilalim ng liwanag ng buwan. Unti-unting nawalan ng liwanag ang mata niya. “Ngunit sa huli, inalis niya ang tiwala ko sa sarili ko…”Tinawanan nang malungkot ni Shirley ang kanyang sarili, at alam ni Madeline ang ibig-sabihin niya. “Nauunawaan ko nang maigi ang nararamdaman mo.”Dahan-dahang lumapit si Madeline sa tabi ni Shirley, ngunit isang maginhawang ngiti ang lumitaw sa maliit niyang mukha. “Dati katulad mo ako. Wala akong respeto at pagmamahal sa sarili ko sa harap ng lalaking mahal ko, ngunit nalaman ko na ang magmahal nang bulag sa isang tao ay parang isang paru-parong lumalapit sa apoy. Pinapahiya ko lang ang sarili ko.”“Sa kasamaang-palad, huli ko na naintindihan
Tinignan ng lalaki ang kamang walang laman nang tulala. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Kaagad siyang tumakbo sa bintana habang mukhang natataranta at nakitang bukas ang bintana. Higit pa rito, mayroong malinaw na bakas ng paa sa bintana sa labas. Ito ang ikalimang palapag, talagang tumalon si Carter mula sa ganito kataas! Habang natataranta, kaagad na tinawag ng lalaki ang mga superior nito. Nagtinginan si Madeline at Shirley at lumabas ng kwarto nang magkasama. Di nagtagal, tinulak ni Madeline si Shirley direkta sa ibaba ng kwarto kanina. Talagang may bakas na mayroong dumaan sa halamanan. Kaya sigurado silang bumaba si Carter mula sa ikalimang palapag at tumakas. Dalawang beses siyang nabaril, at ang mga sugat sa kanyang braso at binti ay medyo malubha, ngunit nagawa pa rin niyang makatakas habang nasa ilalim ng surveillance. Hindi mapigilang mapabuntong-hininga ni Madeline. “Noon pa siyang hindi madaling mapagod, pero hindi ko inasahang magagawa niya ang g