“Narinig mo ang lahat, hindi ba?” Prinangka siya ni Carter. Kalmadong nagtanong si Shirley, “Sino si Evan? Bakit mo gustong makita ang taong iyon?” Pinagmasdan ni Carter ang kalmadong mukha ni Shirley bago naglakad papunta sa banyo. “Hindi mo na kailangan pang malaman ang bagay na iyon. Ang dapat mo lang gawin ay sundin ang mga pinag-uutos ko.” Mukhang ayaw niyang magpaliwanag, pero pagkatapos niyang sabihin ito, narinig ni Carter na malamig na tumawa si Shirley sa kanyang likuran. “Oo, hindi ko na nga dapat malaman pa. Isa lang naman akong payasong walang dignidad, at ang kailangan ko lang gawin ay ang makinig sa mga utos ni Mr. Carter at sa mga balak niya.” Biglang huminto si Carter sa kanyang paglalakad. Nang makalingon siya, nakabalik na si Shirley sa kanyang kwarto ng may dalang baso ng tubig at mahigpit na sinara ang pintuan ng kwarto. Payaso? Binaba ni Carter ang kanyang tingin at tinawanan ang kanyang sarili. Sa kasalukuyan, mukhang siya pa nga ang nagmumukhang
Naka-lock ang pintuan ng apartment mula sa labas. Hindi niya magawang buksan ang pinto, kaya paano nya matutulungan si Lillian na makatakas dito? Napabuntong hininga si Shirley at lumingon para makita si Lillian na kumukurap habang nagtatakang nakatingin sa kanya. Tinignan niya si Lillian, at ng may malumanay na ngiti, nalulungkot niyang sinabi, “Patawad, Lily. Hindi ako makaisip ng paraan para maiuwi kita sa inyo sa mga oras na ito.” Kaagad naunawaan ni Lillian kung ano ang ibig sabihin ni Shirley, at nginitian lang niya ito. Hindi niya sinisisi si Shirley. “Siya nga pala, Lily, kabisado mo ba ang numero ng mga magulang mo? Pwede kong tawagan ang mga magulang mo para sayo.” Tanong ni Shirley, saka niya biglang naalala ang card na binigay sa kanya ni Lillian nung una. Ang contact information ng mga kamag-anak ni Lillian ay nakasulat sa card na iyon. Nung naalala niya na tinapon ni Carter ang card sa may basurahan kagabi, kaagad na umikot si Shirley at pumunta sa may basur
Malinaw na narinig ni Lillian ang boses ni Fabian sa kabilang linya. Naintindihan niya rin kung ano ang gustong ipagawa sa kanya ni Fabian at gumala ang kanyang maliit na bibig. Umaasa ring nakatingin si Shirley sa maliit na mukha ni Lillian, hinihintay niya siyang magsalita. Ngunit sa sandaling ito, narinig ni Shirley ang tunog ng pagbukas ng pinto mula sa pasilyo. Napagtanto niya na baka bumalik na si Carter at napatalon ang puso niya. "Lily, dalian mo at magsabi ka ng 'Mommy' o 'Daddy' sa lalaking yan sa telepono. Kung hindi, huli na ang lahat!" Nagmamadali siyang pinilit ni Shirley, at kasabay nito, narinig niyang bumukas ang pinto. Nakatulalang tinignan ni Lillian si Shirley at pinagalaw ang kanyang kaaya-ayang kulay rosas na mga labi. "Dad…" Click!Sa sandaling masabi iyon ni Lillian, hinablot ni Shirley ang telepono mula sa kamay ni Lillian at mabilis itong ibinalik. Nagtatakang tumingin at kumurap si Lillian kay Shirley, pagkatapos ay lumipat ang kanyang mga m
Pagkatapos ng dalawang beses na biglang binaba ang tawag, pakiramdam niya ay may nangyari kay Lillian. Nagtataka siyang nag-iisip habang mas pinabilis ang kotse. Gayunpaman, hindi niya napansin ang kotse na kanina pa nakasunod sa kanya. Pagkalipas ng mga dalawampung minuto, nakarating na rin sa wakas si Fabian sa kanyang destinasyon. Simple ang dekorasyon ng apartment building na nasa kanyang harapan na nasa liblib na sulok ng isang lugar sa labas ng lungsod. Luma na at sira ang ilang surveillance camera sa kalsada kaya hindi niya nahanap ang lugar na ito noon. Nagmadali siyang sumugod sa Unit 902 na binanggit ni Shirley, pagkatapos ay tinaas ang kanyang kamay para kumatok sa pinto. "Lily, Lily, nasa loob ka ba? Si Fab to!" Binanggit ni Fabian kung sino siya, ngunit walang sumagot sa kanya. Sa kanyang kaba, kumatok nang mas malakas si Fabian, ngunit sa pwersa nito, bumukas ang pinto sa kanyang harapan. Hindi nakakandado ang pinto ng bahay. Tinulak ni Fabian ang pinto
Gayon na nga, pareho nga ito ng nasa isip ni Fabian. Si Carter ang taong kumuha kay Lillian sa dessert shop nang hindi napapansin ni Fabian. Nang makita ni Fabian si Shirley na naka-wheelchair, nakakasiguro na siya. "Ang babaeng ito siguro ang tumawag sa'kin." Nang marinig iyon, hindi mapigilan ni Madeline na bumuntong-hininga. "Hindi ko inaasahan na dadalhin ni Carter si Shirley sa F Country." "Shirley?" Nagtaka si Fabian. "Shirley ba ang pangalan ng babaeng ito?" Tumango si Madeline. Mula sa surveillance footage, malinaw niyang nakikita ang anak niya na masunuring sinundan si Shirley. "Sampung minuto pa lang ang nakakaraan simula noong umalis sila. Kapag sinundan mo ang footage, malapit na natin siyang mahanap," sabi ni Madeline habang nakatingin kay Fabian. "Marami kang kilalang tao rito, kaya makakakuha ka ng real-time surveillance footage sa dadaanan nila." Nang walang sabi-sabi, kaagad na kinuha ni Fabian ang phone niya at sumunod. Ngunit, kahit na nagawa niyang t
Isa siyang matalinong lalaki at napakamabusisi, kaya paano niya ibubunyag ang sarili niya nang dahil sa kapabayaan? Syempre alam ni Carter ang iniisip ni Shirley at napakakalmado niya. Pagkatapos maglipat, sinara ni Carter ang pinto at naglakad nang tahimik papunta kay Shirley. Nagsalubong ang kilay niya nang mahigpit at tinignan si Shirley nang walang magawa. "Alam mo? Noon, palagi kang kumakampi sa'kin sa kahit na anong gawin ko at gagawin mo kaagad ang kahit na anong sabihin ko, pero ngayon…" "Carter, sinabi ko na sa'yo na hindi na ako ang taong nakilala mo noon. Napilitan akong gawin ang pagkataong ito para magustuhan mo ako, pero ngayon, gusto ko lang gawin kung ano ang sinasabi ng puso ko." Mabilis na pinutol ni Shirley si Carter sa pagsasalita, ang kanyang malamig na titig kay Carter ay mukhang dismayado at nagsisisi. "Carter, hindi na tayo makakabalik sa dati." Para bang sandaling napahinto si Carter, ngunit ngumiti siya pagkatapos. "Alam ko na hindi na tayo
Tahimik si Fabian nang inimbitahan siya ni Evan; para bang nagdadalawang-isip si Fabian. "Fab, pumunta ka na lang dito. Wala ka namang magagawa ngayon. Hayaan mo na lang na magpahinga si Lily pagkatapos niyang kumain ng hapunan. Marami kang katulong sa bahay kaya wag kang mag-alala na walang mag-aalaga sa kanya." Nagpatuloy si Evan na imbitahan si Fabian. Malinaw na hindi niya alam ang tungkol sa pagdukot kay Lillian. Pinag-isipan ito ni Fabian at sa wakas ay nagpasyang dumaan roon. Gayon na nga, nawawala ngayon si Lillian at wala siyang magagawa kahit na umuwi siya. Mas maganda pupuntahan na lang niya si Evan at kumuha ang impormasyon kung bakit nagpunta si Carter sa F Country. Hindi nagtagal, nagmaneho si Fabian papunta sa bar sa sinabi ni Evan. Kakasapit pa lang ng dilim, pero masigla na ang loob ng bar. Sa sandaling makapasok si Fabian, maraming mga sexy at maiigsi ang damit na babae na lumandi sa kanya. Mayroon pang mga babaeng lumalapit para tanungin ang kanyang num
Pero ang dalawang babae ay nagdadalawang-isip nang tignan nila si Fabian at nanatili muna saglit bago umalis. Kaagad na tumahimik ang silid at hinarang ng pinto ang lahat ng tawanan at ingay sa labas. Binuksan ni Evan ang ilaw, at kaagad na binalot ng mainit na liwanag ang kwarto. Doon lang napansin ni Evan ang lungkot sa mukha ni Fabian, at naging seryoso din ang mukha ni Evan. “Fab, may nangyari bang masama? Narinig ko na hinahanap mo daw si Carter. Anong ugnayan mo sa kanya?” Umupo si Fabian sa sofa at dinampot ang isang malinis na baso, nagsalin ng red wine para sa kanyang sarili, at ininom ito. “ Dinukot niya si Lily.” Nanlaki ang mga mata ni Evan nang marinig niya ito. “...Ano?” Sa sandaling ito, papasok pa lang ng bar si Madeline mula sa labas. Sa katotohanan, matagal na niyang sinusundan si Fabiab. Habang hinahanap ni Fabian si Carter, sinundan niya ito at nakarating siya sa lugar kung nasaan ang bar. Sa kasamaang palad, masyado siyang natagalan sa paghahan