Narinig ni Fabian at Evan ang ingay at sabay silang napatingin. Sa sandaling bumukas ang pinto, ang ingay ay pumasok sa kwarto at naglaho ito sa sandaling sumara ang pinto. Tinignan ni Fabian si Madeline na pumasok sa pinto, at sa sandaling ito, hindi siya nagulat. “Isa kang magaling na stalker,” Sigaw ni Fabian nang may maliit na ngiti.Nang makita ni Evan ang mukha ni Madeline, nakilala niya ito. “Ms. Montgomery? Nagpunta ka ba dahil kay Lily?”Tinignan ni Madeline ang dalawang binata sa harapan niyang nakainom ng alak at medyo lasing. Tapos tumango siya. “Tama, nandito ako para itanong kung nasaan ang anak ko.”Nang sabihin ito ni Madeline, tinignan niya si Fabian. “Nandito ka ba para lang uminom?”“Bakit? Di ba ako pwedengh uminom ng alak?” Sarkastikong tanong ni Fabian. Tapos kinuha niya ang bote at nagsalin ng isa pang baso para sa kanyang sarili. Pagkatapos nito, nilagok niya ang laman ng baso sa harapan ni Madeline. Kumunot ang kilay ni Madeline. “Mr. Johnson, d
”Oo, nagmamakaawa ako sa’yo,” Direktang umamin si Madeline, pero nabigla si Fabian dahil dito. Sa di malamang dahilan, kaagad na tumahimik ang kwarto. Sobrang tahimik na medyo naririnig na nila ang tugtugin mula sa labas. Nang makitang hindi nagsasalita si Fabian, lumapit si Madeline sa isang bangko sa tabi niya at umupo, dinampot ang isang baso at nagsalin ng isang baso ng red wine para sa kanyang sarili. Tinignan ni Fabian si Madeline nang nagtataka. “Anong ginagawa mo Eveline?”“Ayaw mo bang uminom, Young Master Johnson? Sasamahan kitang uminom.”“...”“Di pa huli para kausapin ako kapag masaya ka na.”Pagkatapos sabihin ito, uminom din si Madeline at inubos ang isang baso ng wine.Si Fabian at Evan ay nagulat sa ginawa ni Madeline. Hindi nila inasahang magiging ganito kakalmado si Madeline.Hindi rin nila inasahang iinum ng dalawang basong wine sunud-sunod si Madeline. Kumunot ang noo ni Fabian. Nang makita niyang iinumin na ni Madeline ang ikaapat na baso, inunat
Nang marinig ito ni Madeline, naantig siya. Tumingin siya kay Fabian na natutulog at naalala ang pagmamalupit nito sa kanila ni Jeremy noon. Siguro naguguluhan si Fabian sa loob niya. “Lumaki si Fab sa ilalim ng pangangalaga ng kapatid niyang si Yorick. Kahit na malupit si Yorick sa kanyang ilegal na negosyo, lagi niyang pinoprotektahan ang kanyang kapatid.” Patuloy na nagpaliwanag si Evan dahil gusto niyang mas maunawaan pa ni Madeline si Fabian. “Alam ni Yorick na hindi legal ang kanyang negosyo, kaya noon pa man, hindi niya hinayaan si Fabian na hawakan ito. Atsaka. Hindi rin alam ni Fabian na ilegal na negosyo ang ginagawa ng mga kapatid niya. “Kahit na nilabag ni Yorick at Lana ang batas at gumawa pa ng mga imoral na bagay sa ilang pagkakataon, para kay Fabian, sila ay isang mabuting kuya at ate. Kaya bilang kaibigan ni Fab, umaasa akong maiintindihan mo si Fab sa kanyang pananaw, Ms. Montgomery. Atsaka, nag-aalala talaga siya para sa anak mo.” Pagkatapos marinig ang
”Salamat,” kaagad siyang pinasalamatan ni Madeline. Tinignan niya ang oras at napagpasyahang mas mabuti kung kakausapin nila ito bukas ng umaga. Naunawaan ito ni Evan tapos inilabas niya ang name card na binigay sa kanya ni Carter nitong umaga mula sa kanyang cardholder. Kanina pa hinihintay ni Carter na sagutin ni Evan ang tawag niya. Sa kasalukuyan, natanggap niya ang tawag nito, kaya hindi siya nagdalawang-isip na sagutin ito. Nang marinig niyang gusto ni Evan na makipagkita sa kanya bukas nang umaga, tinanggap niya kaagad ito. Pagkatapos pasalamatan si Evan, tinulungan ni Madeline si Evan na dalhin ang lasing na si Fabian papasok ng kotse. Pagkatapos makitang inuuwi ni Evan si Fabian, tumayo si Madeline sa tabi ng kalyeng puno ng kotse saglit bago bumalik sa hotel. Kinabukasan, nagising siya nang maaga. Mukhang hindi siya nakatulog buong gabi dahil nangungulila siya sa kanyang munting prinsesa. Kahit alam niyang siguradong nababantayan ni Shirley si Lilian, kinamumuhi
“Boss?” Nagtataka si Carter tungkol sa address na ito. Ngumiti ang waitress at nagpaliwanag ng maigi, “Si Mr. Evan Laker. Siya ang pinaka malaking shareholder ng cafe na ito.” Nang sabihin niya ito, naunawaan ito kaagad ni Carter. Nagtanong-tanong nga naman siya at inalam ang tungkol kay Evan. Isa siyang kilalang young master ng isang mayamang pamilya sa F Country. Kahit na walang pumipigil sa kanya at gusto niya na magpakasaya, isa siyang tunay na propesyonal at talentadong doktor. Maraming mga magagaling sa kanyang pamilya at halos lahat sa kanila ay mga espesyalista sa kanilang sariling larangan.. Pangkaraniwan lang na makakita ng isang young master na nag-iinvest sa isang cafe at maging boss nito bilang katuwaan. Naalis ni Carter ang pagdududa sa kanyang puso at umakyat sa itaas. Nung nakita ng waitress na umakyat na si Carter, naglakad ito papunta sa entrance at ni-lock ang pinto ng tahimik. Gusto lang naman makakuha ng kasagutan ni Carter mula kay Evan, kaya wa
“Carter, matanda na tayo, kaya hindi mo na kailangan na magpaligoy-ligoy pa.”“Sige, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,” sa wakas ay umamin na rin si Carter. At nung nagsalita siya, lumingon siya sa paligid, at ang kanyang matalas at malalim na itim na mga mata ay nakatitig ng diretso kay Madeline. “Eveline, gusto mong makita ang anak mo, tama? Pwede tayong magpalitan.” Nagsalubong ang kilay ni Madeline. “Anong gusto mo naman mula sa akin?” “Dahil sa kilala mo sila Evan at Fabian, pwes magiging madali lang ang bagay na ito. Kumbinsihin mo si Evan na kausapin ang kanyang ama na pagalingin si Shirley, saka ko ibabalik sayo ang anak mo.” Sinabi ni Carter ang kanyang pakiusap para sa palitan. Malumanay na tumawa si Madeline. “Ako at si Evan ay mga estranghero lamang na nagkataon lang na nagkakilala. Hindi ko siya makukumbinsi, lalo na ang kapangyarihan para kumbinsihin ang kanyang ama.”“Hindi mo kaya, pero si Fabian kaya.” Puno ng lakas ng loob ang tono ni Carter. Nakita
Nung pumayag si Evan, isang masayang ngiti ang namutawi sa mga labi ni Carter. Hindi niya ito inaasahan. Gusto niya sanang gamitin si Lillian para makapaghiganti kay Jeremy, pero ngayon, si Lillian ang naging pinaka mabisa niyang chess piece. “Hangga’t hindi pa nakikipagkita sa akin ang iyong ama, hindi niyo makikita si Lillian.”“Carter!” Galit pa rin si Fabian.Nung nakita ni Carter si Fabian na nagagalit, lalong lumapad ang ngiti sa kanyang mukha. “Anong problema? Galit ka ba? Magalit ka na lang hangga’t gusto mo, pero hindi mo na mababago ang bagay na ito.”Pagkatapos itong sabihin ni Carter ng may kasamang ngiti, naglakad na siya at bumaba. Pagkahakbang niya ng dalawang palapag, muli siyang lumingon at tinignan si Evan. “Hihintayin ko ang sagot mo. Sana naman ay mabigyan mo ako ng magandang sagot sa lalong madaling panahon.” Pakiramdam ni Evan ay ngayon lang siya nakatagpo ng isang mayabang na tao na katulad nito. Ngunit, wala na siyang iba pang pagpipilian kaya
Pero, lalo lang siyang tinignan ni Madeline na puno ng pagsisisi. “Tama, maraming nagawang labag sa batas ng tao at moralidad sila Yorick at Lana. Galit ako kay Lana. Masasabi mo nga rin na kinamumuhian ko siya ng husto. Iyon ang dahilan kung bakit ko naisip na nararapat lang ang nangyari sa kanya. Naisip ko rin na dapat talagang bitayin si Yorick sa mga krimen na nagawa niya, pero nakalimutan ko ang katotohanan na pamilya mo pa rin sila.” Nung sabihin ito ni Madeline, unti unting anunawaan ni Fabian kung bakit gustong humingi ng tawad ni Madeline. “Humihingi ako ng tawad. Inisip ko lang ang kapakanan ng pamilya ko at ang nararamdaman ko nitong buong panahon na ito, pero hindi ko naisip ang tungkol sa nararamdaman mo.” Nang marinig niya ito, sumimangot si Fabian. Mukhang may namuong luha sa kanyang mga mata ng hindi niya napapansin. “Palagi kong sinasabi na kaibigan mo ako, pero hindi karapat-dapat. Bilang isang kaibigan, dapat ay naging katulad ako ni Evan. Dapat ay sinubukan ko