Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 2001 - Kabanata 2010

2479 Kabanata

Kabanata 2001

Hindi inakala ni Karen na maglalakas-loob ang babaeng ito na kausapin siya nang ganito. Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib. Hindi siya makapagsalita saglit sa galit niya. Kaagad siyang pinakalma ni Madeline. “Mom, kalma. Sasamahan kita sa taas para makapagpahinga ka saglit.”Hinawi ni Karen ang kanyang kamay at nagsalubong nang maigi ang mga kilay niya. “Wag kang mag-alala sa akin. Hindi ko maintindihan ang ginagawa mo, at ayaw ko ring mangialam.”Sinabi ni Karen at tumalikod. Bago umakyat, tinitigan niya si Hannah nang naiinis at sinabi, “Wala akong pakialam kung anong ginagawa niyong dalawa, pero kung gusto mong sumama sa pamilyang ito, kailangan mamatay muna ako!”Pabalang na sinabi ni Karen habang malinaw ang kanyang galit. Nagtinginan si Madeline. Nalungkot sila sa loob nila, pero ngayong ganito na ang kinalabasan ng mga pangyayari, ito na lang ang tanging paraan. Kahit ayaw ni Hannah sa ugali ni Karen, masaya siyang pwede na siyang manirahan dito. Pagkatapos mag
Magbasa pa

Kabanata 2002

Habang naiinis, tinitigan ni Hannah nang masama si Madeline. “Anong ginagawa mo?”Itinaas ni Madeline ang matalas at seryosong mata niya bago matapang na sabihin, “Ang sabi ko, wag mong hawakan ang mga gamit ko.”Pagkatapos niyang paalalahanan nang seryoso si Hannah, hinawi niya palayo ang kamay ni hannah at tumalikod. “Alis. Wag mong guluhin ang trabaho ko. Pwede kang uminom ng tsaa ngayon.”Nang magsalita si Madeline, napansin niyang hindi nagsasalita si Hannah, ngunit sa halip ay nakarinig si Madeline ng ilang paggalaw. Lumingon siya para tumingin at napansin niyang inaabot pa rin ni Hannah ang pabangong ginawa niya. Ito pa lang ang natatapos na produkto sa kasalukuyan, at nakapaghanda na ng apppointment si Madeline para masubukan ng kliyente ang pabango ngayong gabi. Napansin ni Hannah na kumukunot ang noo ni Madeline, kaya siguro napagtanto niyang mahalaga kay Madeline ang pabango. Ngumisi siya. Hinawakan niya nang mataas ang bote ng pabango at nagpanggap na binitawan
Magbasa pa

Kabanata 2003

Sabay na huminto sa paglalakad si Madeline at Jeremy.Puno ng lungkot ang mga mata ni Hannah, at ang maganda niyang mukha ay hindi natitinag. “Mr. Whitman, pumayag kang tumira ako sa bahay mo at pananagutan mo ako, pero sinasamahan mo pa rin si Eveline araw-araw. Paano mo ako matutulungang mapanatag?”Direktang nagtanong si Hannah, ngunit nang itanong niya ito, nagmukha siyang ignorante at makitid ang utak. Ngunit gaano kakitid ang utak ng isang taong handang magpagamit kay Carter para makamit ang kanyang layunin? Pagkatapos marinig ito, malinaw na ayaw ni Jeremy na mag-abalang magpaliwanag kay Hannah. Humigpit ang hawak niya sa balikat ni Madeline nang bahagya nang ibaba niya ang kanyang tingin at bumulong siya kay Madeline. “Linnie, wag nating hayaang maapektuhan ng mga hindi importanteng tao ang araw natin,” Marahan niyang sinabi habang ang mata niya ay maamo at puno ng pagmamahal. “Tara na.” Ayaw ni Madeline na patuloy pang asikasuhin si Hannah kaya ngumiti siya at tuma
Magbasa pa

Kabanata 2004

Hinawakan niya nang marahan ang kamay ni Madeline at ang malalim at nakakahumaling niyang mata ay puno ng pagsisisi. “Kung nanatili akong tahimik noong sandaling iyon, hindi sana mangyayari ang masamang bagay na ito,” Nagsisising sinabi ni Jeremy. “Noong gumawa ng eksena si Hannah nitong nakaraang araw, nagkaroon ng epekto ang mga ginawa niya sa shares ng Whitman Corporation at Montgomery Enterprise. “Kapag patuloy pa siyang gumawa ng gulo, Linnie, ang mga project at order na mayroon ka ay mate-terminate dahil sa kanya. “Sa ngayon, kailangan mo itong pagdusahan. Ito lang ang tanging paraan.”Habang pinapakinggan si Jeremy na unti-unting humihingi sa kanya ng tawad, ngumiti nang mapagpatawad. “Ako ang nakaisip nito, kaya di ko nararamdamang naaagrabyado ako. Kailangan natin itong unahin. Kahit anong mangyari, tingin ko di naman maaapektuhan ni Hannah ang relasyon natin. Sa halip, tingin ko hindi siya dapat kaawaan.”Naglabas ng pambihirang malamig ngunit magandang kinang ang m
Magbasa pa

Kabanata 2005

Si Hannah, habang iniisip na kailangan niyang bumabugin nang matagal si Madeline bago pumayag si Madeline ay hindi inasahang papayag nang ganito si Madeline. Ngumiti siya sa tuwa, pero tumingin siya nang maiig kay Madeline. “Dahil nangako ka sa akin, hindi mo pwedeng talikuran ito.”“Di ko babawiin ang sinabi ko at ang mga pangako ko, pero gusto kong ipaalala sa’yo na ang paggawa ng perfume ay hindi madali, kaya wag kang susuko kalagitnaan.”Nang marinig niya ang mga salita ni Madeline, tumawa nang nanghahamak si Hannah. “Salamat sa pagiging maunawain, pero makakaasa kang naranasan ko na ang lahat ng paghihirap mula noong bata pa ako, kaya noon pa ako walang takot at hindi ako natatakot na maghirap.”Ayon sa mga sinabi ni Hannah, naunawaan na ni Madeline kung bakit masyadong matapang ang ugali ni Hannah. Lumalabas na ang lahat ng ito ay dahil sa kanyang karanasan sa buhay. Ngunit ang pagiging matapang ay hindi isang ugaling dapat ipagmalaki. “Eveline, pwede na ba akong m
Magbasa pa

Kabanata 2006

Nang marinig niya ang sinabi ni Madeline, dahan dahan na tumango si Hannah, pero ang mga mata niya ay puno ng pagdududa at pagkamuhi. “Eveline, mukhang malakas ang loob mo.” “Kung wala kang lakas ng loob, hindi magbabayad ng malaking halaga ang mga kustomer para pagawain ako ng pabango para sa kanila.”“Hmph.” Tumawa si Hannah, na nagpapahiwatig ng kanyang pagsuway. “Naniniwala ako na kahit ano pa man ito, hangga’t seryoso mo itong ginagawa, gagantimpalaan ka! Magaling ka man sa paggawa ng pabango, pero mas mainam pa rin na magsanay.” Narinig ni Madeline ang masyadong malakas na loob na salita ni Hannah, at ayaw na niyang sagutin ito. Matagal na niyang alam na ganito si Hannah. Bukod sa mga pagkakataon na medyo natatakot siya sa harapan ni Carter, makasarili siya at mapagmataas. Walang sinabi si Madeline. Hinayaan lang niya na manatili si Hannah sa loob ng laboratoryo. Si Hannah, na mukhang nakatuon ang pansin sa pag-aaral, ay pinapanood si Madeline na gumawa ng pabango.
Magbasa pa

Kabanata 2007

“Magkamali?”Nagdududa, inangat ni Madeline ang kanyang mga mata at tinignan si Hannah, pagkatapos ay pinaliwanag niya ang sitwasyon ng may kalmadong tono. “Anong klaseng pagkakamali ang tinutukoy mo? Ang isang kontrata ay pinipirmahan sa bawat order, at ang parehong partido ay obligadong sundin ang nakasaad sa kontrata.” Wala pang karanasan si Hannah sa mga bagay na may kinalaman sa negosyo, kaya nung nagtanong si Madeline, nagulantang siya. Ngunit, syempre, gusto niyang tanungin kung ano ang mangyayari kapag si Madeline ang nagkamali. Pagkatapos niyang mag-isip ng mabuti, nagsalita si Hannah. “Miyembro din ako ng Whitman family, kaya may pakialam din ako tungkol sa sitwasyon sa Whitman Corporation, syempre. Ano sa tingin mo ang tinatanong ko?”“Miyembro ng Whitman family?”Bahagyang ngumiti si Madeline nung narinig niya ang mga salitang iyon. Pakiramdam ni Hannah ay hinahamak siya ni Madeline nung nakita niya ang ngiti ni Madeline. “Anong ningingiti-ngiti mo? Hindi
Magbasa pa

Kabanata 2008

“Sino siya?”Tinignan ni Madeline si Hannah at pinakilala ito, “Kakasimula lang niyang mag-aral sa ilalim ko…” “Kamusta po kayo, Mr. Sutton. Ang pangalan ko ay Hannah Bolton, at ako ay may kaugnayan kay Mr. Whitman.”“...” Natigilan si Mr. Sutton. Alam ni Madeline na sinadya itong sabihin ni Hannah, at alam din niya na ang kliyente ay nagkamali ng pag-unawa dito. Bahagya siyang ngumiti at kaswal na tinama ang sinabi ni Hannah, “Siya nga pala si Miss Bolton, at kakasimula pa lang niya na mag-aral kung paano gumawa ng pabango sa ilalim ko. Kasalukuyan siyang nakatira sa Whitman Manor bilang parte ng kinakailangan niya sa trabaho, kaya maituturing siya na bisita ng mga Whitman.” Nang marinig niya ito, mukhang naguluhan ang kliyente. “Ah, ganun.” “Oo.” Ngumiti si Madeline at tumango bilang pagsang-ayon. Tinitigan ng masama ni Hannah si Madeline dahil hindi ito natuwa. Nung gusto niyang pagdiinan ang relasyon niya kay Jeremy, biglang siyang tinitigan ng masama ni Madeline.
Magbasa pa

Kabanata 2009

Kalmado si Madeline habang nagsasalita, pero ang awra ng kanyang mga mata ay nakakasindak. Medyo nagulantang si Hannah nang makita niya ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Madeline. Tinikom ni Hannah ang kanyang mga labi, pero wala siyang sinabi ni isang salita. Simula noong una silang nag-usap ni Madeline, pakiramdam niya ay isang malumanay na binibini si Madeline na mula sa isang mayaman na pamilya. Mukhang kalmado si Madeline sa anumang sitwasyon. Ngayong gabi nga lang, iba si Madeline. Ang kanyang mga mata at pag-uugali ay napakaseryoso. Aminado si Hannah na natatakot siya sa awra ni Madeline. "Alam mo ba kung ano ang sinabi mo kanina sa harap ng kliyente?" Malamig siyang tinanong ni Madeline. Si Hannah, ay natigilan nung narinig ito, pagkatapos ay kaagad na naalala kung paano niya pinakilala ang kanyang sarili sa kliyente na nagngangalang Mr. Sutton. Sinabi niya na siya ay karelasyon ni Jeremy. Kahit na naiilang siya, si Hannah, na hindi pa rin natutuwa sa ugali
Magbasa pa

Kabanata 2010

Alam niya na pinapanood siya ni Hannah, kaya sa mga oras na iyon, gusto niyang ipaalam kay Hannah na kung sino ang maybahay ng pamilya at kung sino ang tunay na mahal ni Jeremy. At para naman kay Jeremy, hindi niya pinapansin kung ano ang nararamdaman ni Hannah, syempre. Hindi nga rin niya napansin an may isa pang babae sa loob ng kotse, at si Madeline lang ang pinayagan niya na hawakan ang kanyang kamay habang naglalakad papasok ng bahay. Nung si Jackson, na kakabalik lang galing eskwelahan, ay nakita si Madeline, ang makisig na bata ay masayang tumakbo habang tinatawag siya.“Mommy, Mommy, tinawagan ko si Lily kanina lang, at sinabi niya na namimiss na niya ako. Namimiss na rin niya si Mommy at si Daddy.” Tulad nga ng sabi ng munting bata, nagsalubong ang kilay nito. “Pero mukhang pagod na pagod si Lily. Hindi pa rin ba siya magaling. Pagod na pagod. Narinig ni Madeline kung paano nilarawan ng kanyang anak na lalake ang kasalukuyang kondisyon ni Lillian. Nakaramdam
Magbasa pa
PREV
1
...
199200201202203
...
248
DMCA.com Protection Status