“Sino siya?”Tinignan ni Madeline si Hannah at pinakilala ito, “Kakasimula lang niyang mag-aral sa ilalim ko…” “Kamusta po kayo, Mr. Sutton. Ang pangalan ko ay Hannah Bolton, at ako ay may kaugnayan kay Mr. Whitman.”“...” Natigilan si Mr. Sutton. Alam ni Madeline na sinadya itong sabihin ni Hannah, at alam din niya na ang kliyente ay nagkamali ng pag-unawa dito. Bahagya siyang ngumiti at kaswal na tinama ang sinabi ni Hannah, “Siya nga pala si Miss Bolton, at kakasimula pa lang niya na mag-aral kung paano gumawa ng pabango sa ilalim ko. Kasalukuyan siyang nakatira sa Whitman Manor bilang parte ng kinakailangan niya sa trabaho, kaya maituturing siya na bisita ng mga Whitman.” Nang marinig niya ito, mukhang naguluhan ang kliyente. “Ah, ganun.” “Oo.” Ngumiti si Madeline at tumango bilang pagsang-ayon. Tinitigan ng masama ni Hannah si Madeline dahil hindi ito natuwa. Nung gusto niyang pagdiinan ang relasyon niya kay Jeremy, biglang siyang tinitigan ng masama ni Madeline.
Kalmado si Madeline habang nagsasalita, pero ang awra ng kanyang mga mata ay nakakasindak. Medyo nagulantang si Hannah nang makita niya ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Madeline. Tinikom ni Hannah ang kanyang mga labi, pero wala siyang sinabi ni isang salita. Simula noong una silang nag-usap ni Madeline, pakiramdam niya ay isang malumanay na binibini si Madeline na mula sa isang mayaman na pamilya. Mukhang kalmado si Madeline sa anumang sitwasyon. Ngayong gabi nga lang, iba si Madeline. Ang kanyang mga mata at pag-uugali ay napakaseryoso. Aminado si Hannah na natatakot siya sa awra ni Madeline. "Alam mo ba kung ano ang sinabi mo kanina sa harap ng kliyente?" Malamig siyang tinanong ni Madeline. Si Hannah, ay natigilan nung narinig ito, pagkatapos ay kaagad na naalala kung paano niya pinakilala ang kanyang sarili sa kliyente na nagngangalang Mr. Sutton. Sinabi niya na siya ay karelasyon ni Jeremy. Kahit na naiilang siya, si Hannah, na hindi pa rin natutuwa sa ugali
Alam niya na pinapanood siya ni Hannah, kaya sa mga oras na iyon, gusto niyang ipaalam kay Hannah na kung sino ang maybahay ng pamilya at kung sino ang tunay na mahal ni Jeremy. At para naman kay Jeremy, hindi niya pinapansin kung ano ang nararamdaman ni Hannah, syempre. Hindi nga rin niya napansin an may isa pang babae sa loob ng kotse, at si Madeline lang ang pinayagan niya na hawakan ang kanyang kamay habang naglalakad papasok ng bahay. Nung si Jackson, na kakabalik lang galing eskwelahan, ay nakita si Madeline, ang makisig na bata ay masayang tumakbo habang tinatawag siya.“Mommy, Mommy, tinawagan ko si Lily kanina lang, at sinabi niya na namimiss na niya ako. Namimiss na rin niya si Mommy at si Daddy.” Tulad nga ng sabi ng munting bata, nagsalubong ang kilay nito. “Pero mukhang pagod na pagod si Lily. Hindi pa rin ba siya magaling. Pagod na pagod. Narinig ni Madeline kung paano nilarawan ng kanyang anak na lalake ang kasalukuyang kondisyon ni Lillian. Nakaramdam
Tumingin si Hannah sa paligid ng pabrika. Napansin niya na lahat ng mga empleyado ay nakatutok sa kanilang trabaho habang kausap ni Madeline ang taong may hawak sa pabrika. Pagkatapos nilang mag-usap, susuriin ni Madeline ang pabrika. Hindi gusto ni Hannah na suriin ni Madeline ang proseso ng paggawa ng pabango. Nang makita niya si Madeline na nagpalit ng damit bago pumasok sa pabrika, naisip niya na kailangan niyang kumilos kahit na anong mangyari. Dahil dito, direkta siyang tumakbo para gumawa ng eksena. “Eveline!”Nagsusuot si Madeline ng coat para pumasok sa pabrika nang bigla na lang, nakita niya si Hannah na nagmamadaling tumakbo papasok ng kwarto habang sinisigaw ang pangalan ni Madeline. Sa kanyang pagtataka, tinignan ni Madeline si Hannah. "Mayroon ba tayong importanteng pag-uusapan? Kung hindi ito importante, kailangan ko munang suriin ang pabrika." "Syempre, importante to kasi nagmamadali akong pumunta sa'yo." Sabi ni Hannah nang may kinakabahang ekspresyon sa k
"Alam mo ang ibig kong sabihin." Hindi nagsayang ng oras si Madeline na makipagtalo kay Hannah. "Kung talagang natauhan ka na, dapat mong gawin nang maayos ang trabaho mo sa'kin. Pero kung hindi, ipapaalala ko sa'yo na wag magsasabi ng kahit na anong hindi dapat sabihin sa mga hindi naaayong oras." Mabilis at diretsong binalaan ni Madeline si Hannah. Ang kanyang mga aroganteng mata ay tumingin sa mukha ni Hannah habang pumasok siya sa pabrika. Si Hannah, na natatakot na baka makita ni Madeline ang kanyang binagong impormasyon, ay mabilis na tumakbo para pigilan siya. "Eveline! Huminto ka diyan, Eveline!" "Wag mong hahayaan ang taong iyan na makapasok ng pabrika." Nang hindi man lang lumilingon, inutusan ni Madeline ang gwardya na nakabantay sa pintuan ng pabrika baho nagpatuloy na naglakad papasok. Pinigilan ng gwardya si Hannah na makapasok. Nang makita ni Hannah na nakapasok na ng gusali si Madeline, galit siyang pumadyak. Natataranta siyang naghintay sa labas ng pint
Ang tingin sa mga mata ni Madeline ay pumigil kay Hannah sa pagsisinungaling. Si Hannah, na medyo nagsisisi, ay nag-alangan at tumingin sa labas ng bintana, pagkatapos ay malungkot siyang tumawa. "Ano pa ba ang magagawa ko? Kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko kaya kailangan kong magkompromiso, di ba?" Nagdadalawang-isip na sagot ni Hannah. "Ngayon, naiintindihan ko na na hindi talaga ako makakalaban sa'yo. Masyado akong mapagmataas at mangmang mula sa umpisa. At saka, si Mr. Whitman ay hindi isang lalaking kaya kong makuha." Sabi ni Hannah habang malungkot na bumuntong-hininga at binaba ang kanyang tingin. "Si Mr. Whitman ay isang sobrang nakakaakit na lalaki. Sarili ko lang ang masisisi ko dahil hindi ko tinignan ang pagkatao at katayuan ko. Nagpumilit ako na maniwala sa imahinasyon ko, at ngayon ay para akong isang gamu-gamo sa apoy. Hay…" Bumuntong-hininga nang malalim si Hannah pagkatapos sabihin iyon. Kalmadong tinignan ni Madeline si Hannah at nakinig sa kanya
Isang tuso at umaasang ngisi ang lumitaw sa kanyang mukha habang pinanood niya ang kliyente na magwisik ng pabango sa test paper. Pagkatapos ay pinagpag ng kliyente ang test paper, nilapit ito sa kanyang ilong, at inamoy ito. Ngunit, bago matapos na amuyin ng kliyente ang pabango, bahagyang naamoy ni Hannah ang isang mahina at pamilyar na amoy. Malinaw na ang bahagya at mahinang amoy na ito ay ang amoy ng bote ng pabango na naamoy niya sa laboratoryo ni Madeline noong araw na iyon. Iyon mismo ang amoy nito! "Ito na. Napakabango." Nahimasmasan ang kasalukuyang nakatulalang si Hannah sa mga papuri ng kliyente. Nakatulalang tinitigan ni Hannah ang kliyente na kumuha pa ng isang bote ng pabango para subukan ang amoy nito. At muli, wala itong pagkakaiba. Ang amoy ng batch ng pabango na ito ay parehong-pareho sa dinala ni Madeline sa araw ng testing! Sobrang naguluhan rito si Hannah, ngunit kasabay nito, sobra rin siyang nanlumo at nainis. "Mr. Whitman, Mrs. Whitman, sobra ko
Nang marinig niya ang tanong ni Madeline at makita ang nilalaman na tinutukoy ni Madeline, sigurado na si Hannah na matagal nang alam ni Madeline ang ginawa niya! Malaki ang pinagbago ng ekspresyon ni Hannah, ang kanyang mukha ay naging maputla at namula na para bang napahiya siya. Kalmadong tinignan ni Madeline si Hannah. "Sa sandaling iyon, pinaalala sa'yo ni Jeremy, di ba? Sinabihan ka niya na umalis sa laboratoryo sa lalong madaling panahon at huwag lang hahawak ng kahit na ano roon, pero ginawa mo pa rin." Si Hannah, na hindi gustong magpatalo nang basta-basta, ay pinagngitngit ang kanyang ngipin at nakipagtalo. "Anong hinawakan ko? Eveline, wag mo na naman akong pagbintangan!" "Alam na alam mo kung pinagbibintangan kita. Malinaw rin itong nakuha sa surveillance ng laboratoryo. Bakit? Gusto mo bang tignan?" “...”Nang binanggit ang surveillance, sandaling walang masabi si Hannah. Tinitigan niya ang kalmadong si Madeline at nawalan ng lakas si Hannah na makipagtalo.