’Talagang nakakasuklam ako sa paningin ni Mr. Whitman?’ Lalo siyang nalungkot at tumulo ang luha ng inis sa kanyang mga mata. Sa galit, itinaas niya ang kanyang kamay at hinawi ang mga bote ng pabango sa aparador. “Jeremy, Eveline, kinamumuhian ko kayo!” Sinigawan ni Hannah si Madeline at Jeremy, tapos tumalikod siya at umalis habang walang pakialam kung ano man ang madaanan niya. Kumunot ang noo ni Jeremy. Wala siyang pakialam kay Hannah, pero nanghinayang siya sa nabasag na pabango. “Sinira niya ang ilan dito, at ngayon hindi na tama ang bilang. Sasabihan ko ang factory na mag-overtime,” Sinabi ni Jeremy nang tatawag na siya. Pinigilan siya ni Madeline at sinabi, “Di na mahalaga yun. Madaling kausap si Mr. Sutton at hindi naman masyadong marami kaya ayos lang sa kanya yan.” Yumuko si Jeremy at dinampot ang nabasag na bote ng pabango. “Nanghihinayang ako sa pinaghirapan mo.”Nang marinig ito, naantig ang damdamin ni Madeline. Ngumiti siya at naglakad sa tabi ni Jeremy
Galit na sumigaw si Carter at ibinaba ang linya. Hindi alam ni SHirley kung bakit galit na galit ito, at hindi rin niya alam kung sino ang nasa kabilang linya. Ang alam lang niya ay hindi siya dinala ni Carter para makatakas sa mga humahabol dito. Siguradong may iba itong dahilan. Tinapos ni Carter ang tawag at binato ang phone sa sofa. Nagsalubong ang kilay niya at mukhang nababahala siya nang sobra. Makalipas ang isang saglit, pumikit siya at huminga nang malalim. Pagkatapos tumunganga sa loob ng ilang segundo, pinakalma niya ang kanyang sarili at naglakad patungo sa balkonahe. Lumingon si Shirley at hindi na ulit tumingin pa kay Carter. Nauunawaan ni Carter ang kasalukuyang pakikitungo ni Shirley sa kanya. Unti-unti na siyang nasanay dito. Hindi siya nadismaya nang sobra o nalungkot dahil nararamdaman niya na sa puso ni Shirley, nandoon pa siya. “Lalabas na ako para bumili ng mga kailangan sa pang araw-araw. Dito ka lang, wag kang aalis,” Nagpaalam si Carter at nag-uto
Dumilim ang titig niya, at lumingon siya pabalik sa inarkilang kotse. Makalipas ang dalawampung minuto, nakita ni Carter si Fabian na dinadala si Lilian pabalik ng kotse. Nakaparada ang kotse niya sa likod ng kotse ni Fabian kaya madali niyang nakikita ang bawat galaw ni Fabian at Lilian. Makalipas ang isang saglit, pinaandar ni Fabian ang kotse at sumunod si Carter. Nakita niya si Fabian na dinadala si Lilian sa isang tindahan ng laruan na nagtitinda ng mga manikang Barbie. Pumunta sila para maupo sa isang dessert shop saglit bago sila umuwi sa villa. Matapos ang ilang araw ng pagmamasid, napagtanto ni Carter na ganito ang ginagaw ni Fabian tuwing ilalabas niya si Lilian araw-araw. Para naman kay Carter, nakabisa na niya ang pagkakasunod-sunod. Ang hindi matukoy ni Shirley ay kung anong ginagawa ni Carter tuwing lumalabas siya nang ganitong oras araw-araw. Sadya man ito o hindi, tinanong na niya ito noon. Pero si Carter, na malinaw na ayaw magsabi sa kanya, ay iniiba a
Habang tulala, tinitigan ni Shirley ang ginagawa ni Carter nang hindi makapaniwala. ‘Noon pa ba niya sinusundan ang kotseng yan para lang makuha ang batang babae? ‘Pero sino ang batang babaeng yun?’Habang nagugulat siya, nakita ni SHirley si Carter na mabilis na pinapaandar ang kotse para bumiyahe palayo. Sa sandaling iyon, kaagad na tumakbo si Fabian palabas ng dessert shop. Mukhang nababahala siya, at ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala. Hindi kilala ni Shirley si Fabian, pero nakikita niya kung gaanong nababagabag ito sa sandaling ito. “Driver, pakiusap simulan mo nang magmaneho,” Sinabi ni SHirley sa driver na nakatingin sa phone nito. Tumingin ang driver sa labas ng bintana at napansing wala na ang kotse kanina. “Miss, saan mo na gustong pumunta ngayon? Susundan ba natin ang kotse kanina?” Magalang na tanong ng driver. Umiling si Shirley. “Di na kailangan. Nakita ko ang tao sa kotse at hindi siya ang kaibigan ko. Nagkamali ako. Pakiusap ihatid mo ako pabali
‘O natatakot siyang magsalita kapag nakakakita siya ng di niya kilala?’Inisip niya sa loob niya. Pagtingin niya ulit sa mukha ni Lilian, mukhang nakikita niya ang anino ni Madeline at Jeremy mula sa hubog ng mukha at sa mga mata nito. Nabigla si Shirley. Anak ba ito ni Jeremy at Madeline? Habang nagtataka dito si Shirley, sinara ni Carter ang pinto. , Malinaw na hindi niya hahayaang makawala si Lilian. “Ito ba ang anak ni Jeremy at Eveline?” Sinabi ni Shirley ang pagdududa sa loob niya. Huminto si Carter nang marinig niya ang mga salitang ito. Hindi siya nagsalita, at sinagot lang niya ng katahimikan ang tanong ni Shirley. Kaagad na naunawaan ni Shirley ang pagiging tahimik ni Carter. Tinignan niya si Lilian tapos tumawa siya. “Kung ganon, ito pala ang dahilan kung bakit nagpumilit kang magpunta sa F Country.” Nang marinig ang mga sinabi ni Shirley, walang-alinlangang tumanggi si Carter. “Hindi.” “Hindi?” Tumawa ulit si Shirley. “Carter, gusto mo pa rin maghigan
Huminto si Shirley. Hindi niya alam kung ano ang card na inabot sa kanya ni Lillian. Dahan-dahan niyang inabot ang card mula sa maliit na kamay ni Lillian. Tiningnan ito ni Shirley at nakita nita na isa itong card na naglalaman ng personal na impormasyon ni Lillian. Nakasulat dito ang mga impormasyon tungkol kay Lillian, pati na ang kondisyon ng kanyang kalusugan at kasama na rin dito ang lugar kung saan siya nakatira. Dahil dito, nasiguro ni Shirley na pipe nga si Lillian at hindi siya makapagsalita. Kaya naman, kapag naligaw si Lillian, aasa siya na may mabuting tao na tutulong sa kanya na makauwi sa bahay niya. Subalit, wala itong kwenta sa sitwasyong ito. Bakit naman ibabalik ni Carter si Lillian? Lumapit si Carter at kinuha ang card sa kamay ni Shirley nang mapansin niya ang card na inabot ni Lillian kay Shirley. Pagkatapos niyang tingnan ito, nagkaroon ng malamig at masamang ngiti sa kanyang mga labi. Tinapon niya ang card sa basurahan at tumalikod siya. Sumim
Matatandaan na si Lillian ay hindi isang normal at malusog na bata.Nasa recovery stage pa ang leukemia niya, kaya kapag hindi naging maayos ang recovery niya, malaki ang posibilidad na magkaroon siya ng relapse. Wala siyang ideya kung sino ang lalaking nakaitim na kumuha kay Lillian. Gayunpaman, alam niya na isa lamang ordinaryong kidnapper ang lalaki dahil si Lillian lang ang pinuntirya niya. Habang nag-iisip si Fabian, biglang pumasok ang isang tagapagsilbi. Akala niya ay may balita tungkol kay Lillian, ngunit nagulat siya nang makita niyang naglalakad si Madeline sa hallway. "Eveline?" Nagulat si Fabian.Alam kaya ni Madeline na nakidnap si Lillian? Hindi. Imposible yun.Ilang oras pa lang nawawala si Lillian, at siguradong nasa eroplano pa si Madeline noong mga oras na yun, kaya imposibleng maaga siyang dumating. "Ako 'to." Humakbang paharap si Madeline at lumapit siya kay Fabian. "Pasensya na kung pumunta ako dito ng walang pasabi at naistorbo kita, Mr. Johnson
Narinig ni Madeline ang pangalan ni Lillian, kaya agad siyang umikot at bumaba ng hagdan. Tila narinig ni Fabian ang mga yabag ni Madeline na pababa ng hagdan at sinadya niyang maglakad papunta sa pinto upang iwasan si Madeline.Nang mapansin niya ang ginawa ni Fabian, nagmadali si Madeline na habulin siya, ngunit noong makalapit siya kay Fabian, kakababa lang ni Fabian ng phone. "Fabian, sinong kausap mo? May kinalaman ba yun kay Lily? Saan mo dinala si Lily?" Puno ng pag-aalala ang mukha ni Madeline habang tinatanong niya si Fabian, "Fabian, magsalita ka!" Tumawa si Fabian sa harap ng mga pagtatanong ni Madeline."Eveline, huwag ka nang mag-aksaya ng oras at lakas mo. Hindi ko sasabihin sayo kung nasaan si Lillian."Napakalamig at hindi makatao ang naging sagot ni Fabian. Alam ni Madeline na ginagawa lang ito ni Fabian dahil sa sama ng loob niya sa kanilang dalawa ni Jeremy. Nakaramdam ng kawalan ng pag-asa at pagsisisi si Madeline. "Fabian, noong una tayong magkakil