Nagtatakang tinignan ni Shirley si Lillian, at pagkalipas ng mga ilang sandali, nakita niya si Lillian na may inabot sa kanyang na sulat. Pinulot ito ni Shirley at nakita ang mga salitang “Salamat” na nakasulat dito. Salamat. Hindi alam ni Shirley kung matatawa ba siya o maiiyak. Wala siyang nagawang mabuti sa buong buhay niya, at nung nagsisisi na siya, nalumpo na siya. Ngayon na may nagpapasalamat sa kanya, bigla siyang nakaramdam na hindi siya isang patapon. Kahit paano, may pakinabang pa rin siya. Kahit na walang ebidensya si Fabian para patunayan na dinukot ni Carter si Lillian, sigurado naman siya na ganun na nga ang nangyari. Bukod doon, base sa hubog ng lalake na makikita sa surveillance footage ng car rental, ang tanging tao na may ganitong itsura at pangangatawan na naaalala ni Fabian ay si Carter. Ngunit, malawak na rin ang social circle ni Fabian sa F Country. Imposible para kay Fabian na hindi mahanap si Carter. Ang inaalala niya ng husto ay ang katawan
“Ikaw… Eveline, bakit ka nandito?” Sa sobrang pagtataka niya, napatitig na lang si fabian kay Madeline. Hindi niya alam kung gaano na ito katagal na nakatayo doon.Tinitigan ni Madeline si Fabian ng may seryosong ekspresyon sa mukha nito. “Sino ang kausap mo sa telepono? Anong nangyari kay Lily? Paano mo nakilala si Carter Gray?”Nagtanong si Madeline at nilapitan si Fabian. Tagus-tagusan ang apoy na nagliliyab sa kanyang mga mata, na naglalabas ng nakakatakot na kapangyarihan na nagpapanginig sa puso ninuman.“Fabian, sabihin mo sa akin, nasaan ang anak ko? Paano mo nakilala si Carter Gray?” Nung narinig ni Fabian ang sinabi ni Madeline, tahimik siyang napatulala sa kanyang kinatatayuan. Ang kanyang mga kilay ay nagsalubong, pero hindi siya nagsalita. Nang makita niya na nasa ganitong kalagayan si Fabian, kaagad na napagtanto ni Madeline ang lahat. “Nauunawaan ko na ngayon. Sa wakas naunawaan ko na.” Isang reyalisasyon ang lumitaw sa isipan ni Madeline, at lalong naging ser
Kahit na bata pa si Lillian, nararamdaman niya ang kabaitan ni Shirley at pagiging palakaibigan nito. Nahihirapan kumilos si Shirley, pero inuuna pa rin nito ang kapakanan ni Lillian at hinahatid ito sa banyo at tinutulungan itong maligo. Dahil sa walang damit na pamapalit si Lillian, pinasuot na lang uli ni Shirley ang damit na suot kanina ni Lillian. Hinatid niya si Lillian sa may bedroom, pero biglang lumitaw si Carter at pinigilan sila sa may pintuan. “Shirley, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”Tanong ni Carter ng may malamig na tono, at binaba ang kanyang tingin kay Lillian. “Hindi ko dinala ang munting nilalang na ito dito para alagaan mo.” Tinignan lang ni Shirley si Carter. “Carter, kailangan mong tuparin ang pangako mo. Dahil sa sinabi mo na hangga’t sumusunod ako sa kagustuhan mo, hindi mo sasaktan ang batang ito, kaya magpakalalake ka at tuparin mo ang pangako mo.” “Hindi ko nakakalimutan kung ano ang pinangako ko sayo, pero hindi ito nangangahulugan na kail
“Narinig mo ang lahat, hindi ba?” Prinangka siya ni Carter. Kalmadong nagtanong si Shirley, “Sino si Evan? Bakit mo gustong makita ang taong iyon?” Pinagmasdan ni Carter ang kalmadong mukha ni Shirley bago naglakad papunta sa banyo. “Hindi mo na kailangan pang malaman ang bagay na iyon. Ang dapat mo lang gawin ay sundin ang mga pinag-uutos ko.” Mukhang ayaw niyang magpaliwanag, pero pagkatapos niyang sabihin ito, narinig ni Carter na malamig na tumawa si Shirley sa kanyang likuran. “Oo, hindi ko na nga dapat malaman pa. Isa lang naman akong payasong walang dignidad, at ang kailangan ko lang gawin ay ang makinig sa mga utos ni Mr. Carter at sa mga balak niya.” Biglang huminto si Carter sa kanyang paglalakad. Nang makalingon siya, nakabalik na si Shirley sa kanyang kwarto ng may dalang baso ng tubig at mahigpit na sinara ang pintuan ng kwarto. Payaso? Binaba ni Carter ang kanyang tingin at tinawanan ang kanyang sarili. Sa kasalukuyan, mukhang siya pa nga ang nagmumukhang
Naka-lock ang pintuan ng apartment mula sa labas. Hindi niya magawang buksan ang pinto, kaya paano nya matutulungan si Lillian na makatakas dito? Napabuntong hininga si Shirley at lumingon para makita si Lillian na kumukurap habang nagtatakang nakatingin sa kanya. Tinignan niya si Lillian, at ng may malumanay na ngiti, nalulungkot niyang sinabi, “Patawad, Lily. Hindi ako makaisip ng paraan para maiuwi kita sa inyo sa mga oras na ito.” Kaagad naunawaan ni Lillian kung ano ang ibig sabihin ni Shirley, at nginitian lang niya ito. Hindi niya sinisisi si Shirley. “Siya nga pala, Lily, kabisado mo ba ang numero ng mga magulang mo? Pwede kong tawagan ang mga magulang mo para sayo.” Tanong ni Shirley, saka niya biglang naalala ang card na binigay sa kanya ni Lillian nung una. Ang contact information ng mga kamag-anak ni Lillian ay nakasulat sa card na iyon. Nung naalala niya na tinapon ni Carter ang card sa may basurahan kagabi, kaagad na umikot si Shirley at pumunta sa may basur
Malinaw na narinig ni Lillian ang boses ni Fabian sa kabilang linya. Naintindihan niya rin kung ano ang gustong ipagawa sa kanya ni Fabian at gumala ang kanyang maliit na bibig. Umaasa ring nakatingin si Shirley sa maliit na mukha ni Lillian, hinihintay niya siyang magsalita. Ngunit sa sandaling ito, narinig ni Shirley ang tunog ng pagbukas ng pinto mula sa pasilyo. Napagtanto niya na baka bumalik na si Carter at napatalon ang puso niya. "Lily, dalian mo at magsabi ka ng 'Mommy' o 'Daddy' sa lalaking yan sa telepono. Kung hindi, huli na ang lahat!" Nagmamadali siyang pinilit ni Shirley, at kasabay nito, narinig niyang bumukas ang pinto. Nakatulalang tinignan ni Lillian si Shirley at pinagalaw ang kanyang kaaya-ayang kulay rosas na mga labi. "Dad…" Click!Sa sandaling masabi iyon ni Lillian, hinablot ni Shirley ang telepono mula sa kamay ni Lillian at mabilis itong ibinalik. Nagtatakang tumingin at kumurap si Lillian kay Shirley, pagkatapos ay lumipat ang kanyang mga m
Pagkatapos ng dalawang beses na biglang binaba ang tawag, pakiramdam niya ay may nangyari kay Lillian. Nagtataka siyang nag-iisip habang mas pinabilis ang kotse. Gayunpaman, hindi niya napansin ang kotse na kanina pa nakasunod sa kanya. Pagkalipas ng mga dalawampung minuto, nakarating na rin sa wakas si Fabian sa kanyang destinasyon. Simple ang dekorasyon ng apartment building na nasa kanyang harapan na nasa liblib na sulok ng isang lugar sa labas ng lungsod. Luma na at sira ang ilang surveillance camera sa kalsada kaya hindi niya nahanap ang lugar na ito noon. Nagmadali siyang sumugod sa Unit 902 na binanggit ni Shirley, pagkatapos ay tinaas ang kanyang kamay para kumatok sa pinto. "Lily, Lily, nasa loob ka ba? Si Fab to!" Binanggit ni Fabian kung sino siya, ngunit walang sumagot sa kanya. Sa kanyang kaba, kumatok nang mas malakas si Fabian, ngunit sa pwersa nito, bumukas ang pinto sa kanyang harapan. Hindi nakakandado ang pinto ng bahay. Tinulak ni Fabian ang pinto
Gayon na nga, pareho nga ito ng nasa isip ni Fabian. Si Carter ang taong kumuha kay Lillian sa dessert shop nang hindi napapansin ni Fabian. Nang makita ni Fabian si Shirley na naka-wheelchair, nakakasiguro na siya. "Ang babaeng ito siguro ang tumawag sa'kin." Nang marinig iyon, hindi mapigilan ni Madeline na bumuntong-hininga. "Hindi ko inaasahan na dadalhin ni Carter si Shirley sa F Country." "Shirley?" Nagtaka si Fabian. "Shirley ba ang pangalan ng babaeng ito?" Tumango si Madeline. Mula sa surveillance footage, malinaw niyang nakikita ang anak niya na masunuring sinundan si Shirley. "Sampung minuto pa lang ang nakakaraan simula noong umalis sila. Kapag sinundan mo ang footage, malapit na natin siyang mahanap," sabi ni Madeline habang nakatingin kay Fabian. "Marami kang kilalang tao rito, kaya makakakuha ka ng real-time surveillance footage sa dadaanan nila." Nang walang sabi-sabi, kaagad na kinuha ni Fabian ang phone niya at sumunod. Ngunit, kahit na nagawa niyang t