Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 151 - Kabanata 160

2479 Kabanata

Kabanata 151

Galit na galit na sumigaw si Jeremy, dahilan para mabilis na tumalikod at mapatakbo sa takot si Meredith. Wala nang nangahas na pumasok sa kwarto. Wala ding nakakaintindi kung bakit ganito ang inaasal ni Jeremy. Alam ng lahat ng nasa Glendale na mahal ni Jeremy si Meredith, pero ngayon, ayaw niyang pakawalan ang katawan ng yumao niyang ex-wife. Anong nangyayari? Nalaman ni Daniel ang tungkol sa pagkamatay ni Madeline mula kay Adam. Agad siyang pumunta sa ospital sa sandaling marinig niya ang balita ngunit pinigilan siya sa labas ng operating room. Nakipaglaban muna siya sandali sa mga bodyguard ni Jeremy. Pagkatapos ay bumukas ang pinto at lumabas si Jeremy. Nang makita niya si Jeremy, tinakasan ni Daniel ang mga bodyguard at tumakbo patungo sa lalaki. "Mamamatay-tao ka Jeremy! Pinatay mo si Maddie!" Sigaw niya kasabay ng pagsuntok niya kay Jeremy. Sinalo ni Jeremy ang kamay ni Daniel at tinignan niya siya Daniel gamit ang namumula niyang mga mata. "Ang sabi ko, walang pw
Magbasa pa

Kabanata 152

Ang gaan pakinggan ng limang salitang sinabi niya. Tila ba parang naubos na niya ang lahat ng enerhiya sa kanyang katawan. "Di ko na ibibigay si Madeline sa iyo Jeremy! Ang makilala ka ang pinakamalaking kamalasang nangyari kay Madeline. Makukuntento ka lang ba kapag nadurog mo na ang mga buto niya?" Nang pakinggan niya ang mga bintang ni Ava, naramdaman ni Jeremy na pumipintig ang kanyang sentido. Iniabot niya ang kanyang kamay at ang tono niya ay pirmi. "Ibigay mo siya sa akin!" "Hindi! Mas gusto ko pang mamatay kaysa ibigay si Maddie sa iyo!" Nang makita ni Jeremy na ayaw ibigay ni Ava sa kanya ang abo ni Madeline, pakiramdam niya na sasabog na siya. Inabot niya ito para hablutin, at syempre, nakuha niya ito. Dinala niya ang mga abo ni Madeline at tumakbo papunta sa kotse. Narinig niya ang pagmumura ni Ava sa likuran niya, kaya kaagad niyang pinaharurot. Pagkatapos ay umalis siya sa eksena na parang isang magnanakaw. Mula pa noong bata siya, nakukuha lagi ni Jeremy ang
Magbasa pa

Kabanata 153

Matagal na niyang iniisip araw-araw na pakasalan si Jeremy para maging siya ang tunay na Mrs. Whitman. Subalit, tatlong taon na ang nagdaan ngunit hindi man nagbago ang kanilang relasyon. Tatlong taon na ang nakalipas at hindi na siya makapaghintay. … Isa itong maliwanag at maaraw na hapon. Isang nakakatuwang batang babae ang nakahawak sa palda ng isang binibini sa Glendale Airport. "Mommy, Mommy, nagugutom ako." Lumingon ang babae nang marinig niya iyon. Nagwagayway ang mahabang buhok niya nang lumingon siya. Isang maamong ngiti ang makikita sa kanyang napakagandang mukha. Dinampot niya ang batang babae na mukhang duwende. "Papakainin kita ng masarap mamaya." Nagsimula siyang maglakad matapos niyang kargahin ang bata. Isang elegante at matatag na aura ang sumunod sa kanya na parang anino niya. Habang naglalakad, nakakuha siya ng maraming papuri at mga titig sa kanyang ganda at katawan. Nang makahanap sila ng lugar na tutuluyan, inilabas niya ang batang babae. "Mommy,
Magbasa pa

Kabanata 154

Sumenyas si Madeline na huwag maingay at kaagad na naunawaan ng batang babae. Itinikom nito ang ang kanyang bibig. Sa isang tabi, mapkalungkot ni Meredith na hawak mi Jeremy ang isang batang babae. Subalit, alam niya na hindi niya ito pwedeng ipakita. "Jeremy, kaninong anak ito? Bakit kanina mo pa siya hawak? Hinihintay tayo ni Jack sa labas. Tara na." Tinignan niya si Jeremy ng nakangiti, pero pagkatapos ay inirapan niya si Lilian na hawak ni Jeremy. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang maliit na ito. Kahawig pa nito ang hampaslupang si Madeline! "Mauna na kayo ni Jack. Hihintayin ko ang magulang ng batang 'to," malamig na sagot ni Jeremy. Sa sandaling iyon bumaling ang tingin niya kay Lilian. Sa di maipaliwanag na dahilan, nakaramdam siya ng koneksyon kay Lilian. Nagawa na sa wakas ni Meredith na ilabas si Jeremy gamit si Jackson. Hindi niya inakalang ganito kalamig ang magiging trato sa kanya. Hindi niya mailabas ang kanyang galit, kaya tumalikod na lamang siya hab
Magbasa pa

Kabanata 155

Nilisan na niya ang mundong ito. Ang naiwan na lamang ay ang kanyang abo. "Syempre ako ang asawa ni Jeremy. Alam ng buong Glendale ang tungkol dito!" Hindi makapaghintay si Meredith na ipaalam ang relasyon nila ni Jeremy. Sinabi ni Madeline matapos biglang mapagtanto ito. "Ah ikaw pala yung kilalang Ms. Montgomery, si Meredith Crawford?" Nang marinig ito ni Meredith, bumalik ang aroganteng ngiti sa kanyang mukha. Subalit, makalipas ang ilang segundo, dagdag ni Madeline, "Ang babaeng ginamit ang pagkatao niya para pwersahin ang kanyang kapatid na si Madeline, sa kagipitan bago agawin ang asawa ng kapatid niya! Ikaw ang kabit na iyon, si Meredith Crawford diba?" Nanlumo ang mukha ni Meredith, ngunit nagpakita siya ng inosenteng mukha. "Miss, paano mo nagagawang magsabi ng ganyang kalokohan? Kailan ko inagaw ang asawa ng kapatid ko? Noon pa kami magkasama ni Jeremy, diba Jeremy? Ang taong mahal mo noon pa ay ako at ako lamang," sinabi niya, habang nakatingin kay Jeremy na mukh
Magbasa pa

Kabanata 156

Sa sandaling ito sa loob ng Whitman Manor. Tamad na nakaupo si Jeremy sa tabi ng kama. Hawak niya ang kanyang phone habang nanonood ng isang video na naging viral. Sa video, nawala ang magandang reputasyon ni Meredith nang dahil sa nakakatakot niyang ugali. Bigla na lang, nagsimula siyang magtaka kung ito ba talaga ang batang babaeng kanyang nakilala noong bata pa siya, si Linnie. Hindi niya ito masyadong pinag-isipan, pero ang kanyang mga mata ay bumaling kay Madeline. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kamukha niya talaga ito. Subalit, kahit na magkamukha sila, hindi nito mababago ang katotohanan na iniwan na siya ni Madeline habangbuhay. Habang nag-iisip si Jeremy, lumitaw sa kanyang isipan ang matamis na mukha ni Madeline. Sumakit na naman ang kanyang puso… Maddie… "Jeremy, tulog ka na ba?" May kumatok sa pinto, at sa sumunod na sandali ay narinig mula sa labas ang boses ni Meredith. "Jeremy, sa tingin ko nakita mo na ang video, tama ba? Sinisiraan nila ako. Pwede
Magbasa pa

Kabanata 157

Sa kabilang banda, mabagal na uminom ng kape si Madeline. Tinignan niya ang malaking halaga ng pera na pumasok sa kanyang bank account sa kanyang phone. Iniangat niya ang salamin at tinignan ang kanyang repleksyon. Hinawakan niya ang lugar kung nasaan noon ang kanyang mga sugat. Subalit, nakakaramdam pa rin siya ng hapdi kahit na dahan-dahan niya lang itong hinawakan. Binaba niya ang salamin at inikot ang kanyang eleganteng katawan. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa isang fashion boutique sa tabi. Ang lahat ng mga mayayaman at makapangyarihang upper-class elite ng Glendale ay pupunta sa auction na gaganapin sa pinakaengrandeng six-star hotel doon. I-aauction nila ang isang malaking shop sa pinakamataong parte ng plaza sa city center. Matagal nang pinagkakainteresan ni Meredith ang shop na iyon. Ilang beses na rin niyang binubulong kay Jeremy na bilhin ang shop na ito para sa kanya. Noon, ninakaw niya ang diary ni Madeline at ang jewelry design draft na kanyang iniwan n
Magbasa pa

Kabanata 158

Nakikita ni Madeline ang nasirang ngiti ni Meredith mula sa ilalim ng kanyang sunglasses. Lumapit siya habang nananatiling kalmado. Nararamdaman niya ang mga titig ng lahat sa kanya. Noon, hindi niya alam kung paano gumamit ng makeup o magbihis ng maganda. Hindi nga rin niya alam paano maglakad suot ang high heels. Sa mga panahong iyon, isa siyang ugly duckling na mamatahin kahit ng isang pulubi. Pero nag-iba na ang lahat ngayon. Ang lahat ng bagay ay oras rin. Tatlong taon ang nagdaan, hindi na siya ang Madeline Crawford na nakilala nila noon. Matamis na ngumiti si Madeline habang kalmadong nakaupo sa bakanteng upuan sa likod ni Meredith Kanina pa nakatingin sa kanya si Jeremy. Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya sa kanya. Nang mapansin ni Meredith na ang atensyon ni Jeremy ay na kay Madeline, hinigpitan niya ang kanyang kamao sa galit. Talagang gumaan ang loob ni Jeremy sa p*tang Madeline na iyon. Kung hindi, bakit siya tititig sa kanya dahil lang sa kamukha n
Magbasa pa

Kabanata 159

Pagkatapos niyang sabihin iyon, napatingin sa kanya ang lahat sa gulat. Sa sobrang galit ni Meredith ay muntikan na niyang mapunit ang placard. Nananadya ba ang babaeng ito? Sino ba siya sa tingin niya? Paano niya nagawang kalabanin siya? Paano ito hahayaan ni Meredith? Tinaas niyang muli ang placard. Akala ng lahat ay magdadagdag pa ng ilang milyong dolyar si Meredith, ngunit nagdagdag lang siya ng 500,000 dollars. Sa sandaling masabi niya ito, simpleng nagsalita si Madeline, "20 million." "Wow…" Sabi ng lahat. Hindi na ito makayanan ni Meredith. Pinigilan niya ang kanyang galit at tinignan nang masama si Madeline. Pinilit pa niyang ngumiti na parang inosente at mahinhin. "Miss, inupahan ka ba ng ibang tao para pumunta dito at sadyaing taasan ang presyo? Alam ng lahat na bibilhin ng fiancé ko ang shop na 'to para sa'kin bilang birthday present. Hindi kaya nag-eenjoy ka sa pagnanakaw ng mga bagay mula sa iba?" "Pagnanakaw? Hindi ba dun ka magaling, Ms. Crawford?"
Magbasa pa

Kabanata 160

'Salamat.' Ang salita na kanyang mahinang sinabi ay nanatili sa kanyang tainga. Ngunit, mabigat itong bumagsak sa puso ni Jeremy. Nang makita ni Jeremy ang napakagandang mukha sa kanyang harapan, pakiramdam niya ay naging estatwa siya. Sa sandaling iyon, nawala ang kanyang pakiramdam at kamalayan. Pakiramdam niya ay baka nananaginip siya. Ang magandang mukha sa kanyang harapan ay nakakasilaw. Napakasakit! 'Maddie!' Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na isigaw ang kanyang pangalan sa kanyang puso. Nakatulog nang mahimbing ang kanyang puso sa nagdaang tatlong taon at bigla itong nagising. Bahagyang ngumiti si Madeline nang makita niya ang reaksyon ni Jeremy. 'Nagulat ka ba, Jeremy?''Hindi pa patay ang ex-wife mo na kinasusuklaman mo.''Pero, hindi na ako ang Madeline Crawford na sobra kang minahal na inabandona niya ang kanyang respeto at pagmamahal sa kanyang sarili pati na mismo ang kanyang sarili.' "Pasensya na Mr. Whitman. Mayroon pa akong aasikasuhin ka
Magbasa pa
PREV
1
...
1415161718
...
248
DMCA.com Protection Status