Sa sandaling ito sa loob ng Whitman Manor. Tamad na nakaupo si Jeremy sa tabi ng kama. Hawak niya ang kanyang phone habang nanonood ng isang video na naging viral. Sa video, nawala ang magandang reputasyon ni Meredith nang dahil sa nakakatakot niyang ugali. Bigla na lang, nagsimula siyang magtaka kung ito ba talaga ang batang babaeng kanyang nakilala noong bata pa siya, si Linnie. Hindi niya ito masyadong pinag-isipan, pero ang kanyang mga mata ay bumaling kay Madeline. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kamukha niya talaga ito. Subalit, kahit na magkamukha sila, hindi nito mababago ang katotohanan na iniwan na siya ni Madeline habangbuhay. Habang nag-iisip si Jeremy, lumitaw sa kanyang isipan ang matamis na mukha ni Madeline. Sumakit na naman ang kanyang puso… Maddie… "Jeremy, tulog ka na ba?" May kumatok sa pinto, at sa sumunod na sandali ay narinig mula sa labas ang boses ni Meredith. "Jeremy, sa tingin ko nakita mo na ang video, tama ba? Sinisiraan nila ako. Pwede
Sa kabilang banda, mabagal na uminom ng kape si Madeline. Tinignan niya ang malaking halaga ng pera na pumasok sa kanyang bank account sa kanyang phone. Iniangat niya ang salamin at tinignan ang kanyang repleksyon. Hinawakan niya ang lugar kung nasaan noon ang kanyang mga sugat. Subalit, nakakaramdam pa rin siya ng hapdi kahit na dahan-dahan niya lang itong hinawakan. Binaba niya ang salamin at inikot ang kanyang eleganteng katawan. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa isang fashion boutique sa tabi. Ang lahat ng mga mayayaman at makapangyarihang upper-class elite ng Glendale ay pupunta sa auction na gaganapin sa pinakaengrandeng six-star hotel doon. I-aauction nila ang isang malaking shop sa pinakamataong parte ng plaza sa city center. Matagal nang pinagkakainteresan ni Meredith ang shop na iyon. Ilang beses na rin niyang binubulong kay Jeremy na bilhin ang shop na ito para sa kanya. Noon, ninakaw niya ang diary ni Madeline at ang jewelry design draft na kanyang iniwan n
Nakikita ni Madeline ang nasirang ngiti ni Meredith mula sa ilalim ng kanyang sunglasses. Lumapit siya habang nananatiling kalmado. Nararamdaman niya ang mga titig ng lahat sa kanya. Noon, hindi niya alam kung paano gumamit ng makeup o magbihis ng maganda. Hindi nga rin niya alam paano maglakad suot ang high heels. Sa mga panahong iyon, isa siyang ugly duckling na mamatahin kahit ng isang pulubi. Pero nag-iba na ang lahat ngayon. Ang lahat ng bagay ay oras rin. Tatlong taon ang nagdaan, hindi na siya ang Madeline Crawford na nakilala nila noon. Matamis na ngumiti si Madeline habang kalmadong nakaupo sa bakanteng upuan sa likod ni Meredith Kanina pa nakatingin sa kanya si Jeremy. Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya sa kanya. Nang mapansin ni Meredith na ang atensyon ni Jeremy ay na kay Madeline, hinigpitan niya ang kanyang kamao sa galit. Talagang gumaan ang loob ni Jeremy sa p*tang Madeline na iyon. Kung hindi, bakit siya tititig sa kanya dahil lang sa kamukha n
Pagkatapos niyang sabihin iyon, napatingin sa kanya ang lahat sa gulat. Sa sobrang galit ni Meredith ay muntikan na niyang mapunit ang placard. Nananadya ba ang babaeng ito? Sino ba siya sa tingin niya? Paano niya nagawang kalabanin siya? Paano ito hahayaan ni Meredith? Tinaas niyang muli ang placard. Akala ng lahat ay magdadagdag pa ng ilang milyong dolyar si Meredith, ngunit nagdagdag lang siya ng 500,000 dollars. Sa sandaling masabi niya ito, simpleng nagsalita si Madeline, "20 million." "Wow…" Sabi ng lahat. Hindi na ito makayanan ni Meredith. Pinigilan niya ang kanyang galit at tinignan nang masama si Madeline. Pinilit pa niyang ngumiti na parang inosente at mahinhin. "Miss, inupahan ka ba ng ibang tao para pumunta dito at sadyaing taasan ang presyo? Alam ng lahat na bibilhin ng fiancé ko ang shop na 'to para sa'kin bilang birthday present. Hindi kaya nag-eenjoy ka sa pagnanakaw ng mga bagay mula sa iba?" "Pagnanakaw? Hindi ba dun ka magaling, Ms. Crawford?"
'Salamat.' Ang salita na kanyang mahinang sinabi ay nanatili sa kanyang tainga. Ngunit, mabigat itong bumagsak sa puso ni Jeremy. Nang makita ni Jeremy ang napakagandang mukha sa kanyang harapan, pakiramdam niya ay naging estatwa siya. Sa sandaling iyon, nawala ang kanyang pakiramdam at kamalayan. Pakiramdam niya ay baka nananaginip siya. Ang magandang mukha sa kanyang harapan ay nakakasilaw. Napakasakit! 'Maddie!' Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na isigaw ang kanyang pangalan sa kanyang puso. Nakatulog nang mahimbing ang kanyang puso sa nagdaang tatlong taon at bigla itong nagising. Bahagyang ngumiti si Madeline nang makita niya ang reaksyon ni Jeremy. 'Nagulat ka ba, Jeremy?''Hindi pa patay ang ex-wife mo na kinasusuklaman mo.''Pero, hindi na ako ang Madeline Crawford na sobra kang minahal na inabandona niya ang kanyang respeto at pagmamahal sa kanyang sarili pati na mismo ang kanyang sarili.' "Pasensya na Mr. Whitman. Mayroon pa akong aasikasuhin ka
Noong marinig niya ang mga sinabi ni Madeline, agad na nanlamig ang ekspresyon ni Jeremy. Tinikom niya ang kanyang mga labi at biglang hinablot ang baba ni Madeline. Hindi inasahan ni Madeline na gagawin ito ni Jeremy. Pero, nagawa pa rin niyang makaiwas agad. "Mr. Whitman, may fiancée ka na. Please magkaroon ka naman ng respeto para sa sarili mo." Ang paalala niya kay Jeremy. Subalit, malamig ang ekspresyon ni Jeremy at tiningnan niyang maigi si Madeline. "Sinasabi mo na hindi ka si Madeline, pero may lakas ka ba ng loob para ipakita mo sakin yung kaliwang dibdib mo?" Hinding-hindi niya makakalimutan ang nunal sa kaliwang dibdib ni Madeline. Kitang-kita ito sa maputi at makinis niyang kutis. Pagkatapos niyang sabihin yun, sumama ang loob ni Madeline. "Mr. Whitman, nagbibiro ka ba? Sa tingin mo ba ipapakita ko sayo yung dibdib ko? Please bitiwan mo 'ko." Tinitigan niya ang magagandang mata ni Madeline. "Nagsisisi ka ba? Kaya ba ayaw mong ipakita sakin? Madeline, bakit hin
Noong marinig iyon ni Jeremy, napahinto siya habang binubuklat niya ang mga dokumento. "Makakaalis ka na." Hindi na nagtanong pa si Ken bago siya umalis. Mabilis na binasa ni Jeremy ang mga dokumento, at simple lang ang impormasyong nakapaloob dito. Si Vera Quinn ay mula sa F Country. Lumaki siya sa F Country at hindi pa siya nakapunta sa Glendale noon. Nag-aral siya ng psychology sa university at marami siyang pinagkakaabalahan. Halos walang impormasyon tungkol sa social life niya. Sinabi lang dito na may matalik siyang kaibigang lalaki. Ang boyfriend niya. Pakiramdam ni Jeremy ay may tinik sa kanyang dibdib. Noong una silang magkita sa KFC, naalala niya na may suot siyang singsing sa kanyang palasingsingan. Ikakasal na kaya siya? Nagsindi ng sigarilyo si Jeremy at bumugha siya ng maputing usok. Natakpan ng usok ang kanyang mukha. Nagsimulang lumipad ang kanyang isipan habang tinitingnan niya ang litratong ito. Pagkalipas ng ilang sandali, binaling ni Jeremy ang at
Sanay na si Jeremy na magkita sila ng ganito. Tinaas niya ang mga kilay niya at tiningnan niya ng maigi ang mukha ni Madeline. Halatang hindi niya nakalimutan na may dalawang malalim na sugat sa kanang bahagi ng mukha ni Madeline. Hindi naghilom ang mga sugat na iyon hanggang sa huling hininga niya. Subalit, hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mukha, at napakakinis ng kanyang balat. Sa madaling salita, napakaganda niya. "Ms. Vera, mukhang nakatadhana talaga tayong magkita." ang sabi ni Jeremy. Tumingin si Madeline kay Jeremy at ngumiti. "Mukhang mahinahon ka ngayon Mr. Whitman. Hindi mo na ako napagkamalang yung namatay mong ex-wife." Nagsalubong ang mga kilay ni Jeremy, para bang hindi siya nasiyahan sa kanyang narinig. Subalit, hindi na lang siya nag-ingay at sa halip ay ngumiti na lang siya at sinabing, "Pwede ba kitang yayaing mag-dinner?" Nagsalubong ang mga kilay ni Madeline. "Hindi pwede ng dinner, pero libre ako ngayong lunch time." Masaya si Jeremy na pumayag s