Noong marinig niya ang mga sinabi ni Madeline, agad na nanlamig ang ekspresyon ni Jeremy. Tinikom niya ang kanyang mga labi at biglang hinablot ang baba ni Madeline. Hindi inasahan ni Madeline na gagawin ito ni Jeremy. Pero, nagawa pa rin niyang makaiwas agad. "Mr. Whitman, may fiancée ka na. Please magkaroon ka naman ng respeto para sa sarili mo." Ang paalala niya kay Jeremy. Subalit, malamig ang ekspresyon ni Jeremy at tiningnan niyang maigi si Madeline. "Sinasabi mo na hindi ka si Madeline, pero may lakas ka ba ng loob para ipakita mo sakin yung kaliwang dibdib mo?" Hinding-hindi niya makakalimutan ang nunal sa kaliwang dibdib ni Madeline. Kitang-kita ito sa maputi at makinis niyang kutis. Pagkatapos niyang sabihin yun, sumama ang loob ni Madeline. "Mr. Whitman, nagbibiro ka ba? Sa tingin mo ba ipapakita ko sayo yung dibdib ko? Please bitiwan mo 'ko." Tinitigan niya ang magagandang mata ni Madeline. "Nagsisisi ka ba? Kaya ba ayaw mong ipakita sakin? Madeline, bakit hin
Noong marinig iyon ni Jeremy, napahinto siya habang binubuklat niya ang mga dokumento. "Makakaalis ka na." Hindi na nagtanong pa si Ken bago siya umalis. Mabilis na binasa ni Jeremy ang mga dokumento, at simple lang ang impormasyong nakapaloob dito. Si Vera Quinn ay mula sa F Country. Lumaki siya sa F Country at hindi pa siya nakapunta sa Glendale noon. Nag-aral siya ng psychology sa university at marami siyang pinagkakaabalahan. Halos walang impormasyon tungkol sa social life niya. Sinabi lang dito na may matalik siyang kaibigang lalaki. Ang boyfriend niya. Pakiramdam ni Jeremy ay may tinik sa kanyang dibdib. Noong una silang magkita sa KFC, naalala niya na may suot siyang singsing sa kanyang palasingsingan. Ikakasal na kaya siya? Nagsindi ng sigarilyo si Jeremy at bumugha siya ng maputing usok. Natakpan ng usok ang kanyang mukha. Nagsimulang lumipad ang kanyang isipan habang tinitingnan niya ang litratong ito. Pagkalipas ng ilang sandali, binaling ni Jeremy ang at
Sanay na si Jeremy na magkita sila ng ganito. Tinaas niya ang mga kilay niya at tiningnan niya ng maigi ang mukha ni Madeline. Halatang hindi niya nakalimutan na may dalawang malalim na sugat sa kanang bahagi ng mukha ni Madeline. Hindi naghilom ang mga sugat na iyon hanggang sa huling hininga niya. Subalit, hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mukha, at napakakinis ng kanyang balat. Sa madaling salita, napakaganda niya. "Ms. Vera, mukhang nakatadhana talaga tayong magkita." ang sabi ni Jeremy. Tumingin si Madeline kay Jeremy at ngumiti. "Mukhang mahinahon ka ngayon Mr. Whitman. Hindi mo na ako napagkamalang yung namatay mong ex-wife." Nagsalubong ang mga kilay ni Jeremy, para bang hindi siya nasiyahan sa kanyang narinig. Subalit, hindi na lang siya nag-ingay at sa halip ay ngumiti na lang siya at sinabing, "Pwede ba kitang yayaing mag-dinner?" Nagsalubong ang mga kilay ni Madeline. "Hindi pwede ng dinner, pero libre ako ngayong lunch time." Masaya si Jeremy na pumayag s
Noong makarating sa restaurant si Meredith, agad niyang nakita si Jeremy na nakaupo sa tabi ng bintana. Kahit na yung likod lang ni Jeremy ang nakita niya, sigurado si Meredith na hindi siya nagkakamali.Subalit, walang nakitang babae na kasama ni Jeremy si Meredith. Pagkatapos niyang makapag-isip-isip, naisip niya na baka pumunta lang sa washroom yung babae. Hindi na nag-abala pa si Meredith na batiin si Jeremy at dumeretso na siya sa washroom. Habang nag-iikot siya, wala siyang nakitang babae na nakasuot ng damit na kapareho ng babae sa litrato. Nagmura si Meredith at nag-ayos bago niya pinuntahan si Jeremy. Subalit, pagdating niya sa inuupuan ni Jeremy, napansin niya na wala na rin si Jeremy doon. Nagmadali siyang bumaba sa elevator ngunit nakita niya na paalis na ang puting sports car ni Jeremy, at sakay nito ang isang babae. Nanggalaiti sa galit si Meredith, at agad niyang tinawagan si Jeremy. Walang sumagot sa tawag niya. Kinagabihan, nagdedesign ng mga bagong alahas s
May masamang kutob si Meredith, kaya nagpanggap ulit siya na napilayan ang paa niya. Inutusan niya si Rose na palalain ang kwento ng nangyari sa kanya kay Jeremy, gusto niyang bisitahin siya ni Jeremy sa tahanan ng mga Montgomery. Malaki at maganda ang silid, elegante ang mga dekorasyon nito. Pati ang cloakroom ay puno ng iba't ibang mamahaling bagay. Halatang nagpapakasaya si Meredith sa mga bagay na dapat sana'y pagmamay-ari ni Madeline. Hindi siya nakaramdam ng pagsisisi, at kahit ang pagkamatay ni Brittany ay nagpalakas lang lalo sa loob niya dahil sa ayos ng pagkakatakip niya dito. Tanging ang isang matalino at maabilidad na babaeng gaya niya ang may karapatang mamuhay ng marangya. Hindi karapatdapat na maging kalaban niya sila Madeline at Brittany. Kaya naman, bakit naman siya magpapatalo kay Vera Quinn—isang babae na bigla na lang sumulpot sa Glendale?! Habang nag-iisip siya, narinig ni Meredith ang mga yabag ni Jeremy. Agad siyang humiga sa kama na gaya ng isang pas
Noong marinig ni Meredith ang boses, nagliyab sa galit ang mga mata niya. Sa nakalipas na tatlong taon, hindi siya nasiyahan sa malamig na pagtrato sa kanya ni Jeremy. Ngayon, biglang sumulpot yung babaeng 'to para akitin si Jeremy, dahilan para magalit siya nang husto. Subalit, dahil sa nangyari sa KFC, pinipilit ni Meredith na kontrolin ang galit niya. Ngumiti siya at sinabing, "So ikaw pala yung Vera na diki ng dikit kay Jeremy…" Sinabi niya ang mga salitang iyon kasabay ng paglingon niya. Subalit, bago pa man niya matapos ang sinasabi niya, nakita niya ang maganda at nakangiting mukha ni Madeline na dahilan para agad siyang manigas sa kanyang kinatatayuan. Nanlaki ang mga mata niya at napanganga siya sa kanyang nakita. "Paano, paano… Madeline?!" Hindi makapagsalita si Meredith at umatras siya. "Imposible 'to…" Ayaw niyang maniwala sa kanyang nakita. 'Paano nangyari 'to?' 'Matagal nang naging abo yung bulag na p*tang yun, kaya paano siya sumulpot sa harap ko ngayon!'
"Ms. Crawford, pwedeng-pwede kang tumahimik kung di mo alam magsalita ng maayos. Wala namang mag-iisip na pipe ka kapag hindi ka nagsalita. Wala naman kaming ginawang kakaiba ni Mr. Whitman. Kahit na wala kang tiwala sakin, siguro naman may tiwala ka sa fiance mo, di ba?""Ikaw…" "Kung tama ang pagkakatanda ko, ikaw mismo Ms. Crawford ay isang kabit noon. Hindi ka ba natatawa sa mga pinagsasabi mo?" Hindi makapagsalita si Meredith at unti-unting sumama ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nakita niya na nagbago ang tingin sa kanila ng mga tao, kaya pinagmukha niyang nakakaawa ang sarili niya. "Ms. Quinn, hindi ko alam kung saan mo narinig yung mga tsismis na yan, pero sinasabi ko sayo, matagal na kaming may relasyon ni Jeremy. Yung kapatid kong si Madeline ang nagkagusto at nang-agaw kay Jeremy. Ngayon, patay na si Madeline, kaya hindi ko gusto na maungkat pa ang tungkol dito, pero hindi ako papayag na insultuhin mo ako ng ganun!""Ayaw mong insultuhin ka ng iba, pero ayos lang say
Pak!Nasalo ni Madeline ang braso ni Rose bago pa man tumama ang sampal sa kanya. Naaalala pa rin ni Madeline ang lahat ng sampal at pambubugbog na dinanas niya noon. Mula noong makakita siya ulit, sumumpa siya sa sarili niya na hinding-hindi na siya magpapaapi sa kahit sino! "Ikaw, bitiwan mo 'ko!" Sumigaw si Rose at nagpumiglas siya sa galit. Subalit, malakas si Madeline. Salamat sa lakas na binibigay ng galit niya, hindi na siya maaapi ng kahit sino! "Madam, mag-ingat ka sa pananalita mo! Kung nandito ka para mamili, tatanggapin ko kayo anumang oras. Pero, kung nandito kayo para manggulo, umalis na kayo ngayon din!" Tiningnan sila ng masama ni Madeline at madiing binigkas ni Madeline ang bawat salitang binitawan niya. Natulala sandali si Rose, tila nabigla siya sa inasal ni Madeline. Sa mga oras na yun, nagsimulang magalit si Jon. Sinubukan niyang tulungan si Rose. Subalit, hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Madeline. Agad niyang tinulak palayo ang kamay ni Rose.
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si