Agad niyang dinala sila Rose at Jon sa villa na binigay sa kanila bilang pasasalamat sa pagpapalaki kay Meredith. Nagmura si Rose habang kinekwento niya ang nangyari kay Meredith. Pagkatapos niyang malaman ang nangyari, naghinala si Meredith, ngunit napailing lamang si Jon. "Siguradong hindi si Madeline yun. Hindi ganun katapang si Madeline!" Noong una ay sigurado rin si Rose na si Vera at si Madeline ay iisa, ngunit nagsimula siyang magduda mula nang umalis sila sa estasyon ng pulis. "Meredith, sa tingin ko magkamukha lang talaga sila. Siguradong hindi siya si Madeline. Tatlong taon na siyang patay at malamang naaagnas na ang bangkay niya ngayon kung hindi siya pina-cremate. Si Jeremy mismo ang nag-uwi ng mga abo niya, kaya paano naman siya mabubuhay ulit?!"Gayunpaman, puno pa rin ng pagdududa si Meredith. "Posible ba talagang magkaroon ng dalawang tao na magkamukhang-magkamukha?" "Baka nakakita siya ng litrato ng babaeng yun at tingin niya maganda yung babae na yun, kaya
Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Madeline nang marinig niyang tawagin siya ng ganun ni Jeremy. Hindi niya inasahan na sasaluhin siya ni Jeremy ng ganun. Tumingala si Madeline at nakita niya ang nag-aalalang ekspresyon ng mukha ni Jeremy. Nag-alala ba siya sa kanya? Makikita ang pagdududa at pagtataka sa mga mata ni Madeline nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap sa lanya ni Jeremy. Ramdam din niya ang init mula sa dibdib ni Jeremy. Ito ang init na hinahanap-hanap niya noon, ngunit ngayon, balewala na ito sa kanya. "Salamat, Mr. Whitman." Ang mahinahong sinabi ni Madeline. Nahimasmasan si Jeremy sa puntong iyon at lumuwag ang pagkakayakap niya kay Madeline. Inayos ni Madeline ang kanyang damit at tumingin kay Jeremy. "Kung di ako nagkakamali, tinawag mo akong Maddie kanina? Sabi ng fiancee mo galit na galit ka daw sa ex-wife mo. Bukod sa ayaw ka niyang lubayan, inipit ka pa niya at pwinersa kang pakasalan siya. Kung ganun, di ba dapat galit ka din sakin? Bakit m
Katatawag lang sa kanya ni Meredith kanina, at agresibo ang tono niya noong magkausap sila. Paano siya biglang malulungkot at mukhang gagawa ng kung anong katangahan? Subalit, nakita niya na seryoso ang mukha ni Jeremy. Tila naniwala siya sa narinig niya at nag-aalala na siya sa kaligtasan ni Meredith. "Kung busy ka Mr. Whitman, bababa na lang ako ngayon." Tumingin si Jeremy kay Madeline, tila nag-aalinlangan siya. Ilang sandali pa ang lumipas bago niya ihininto ang kotse. Bumaba ng kotse si Madeline at kumaway kay Jeremy. "Mr. Whitman, sa susunod na lang." Pagkatapos nun, tumalikod siya at umalis. Hindi agad umalis si Jeremy at tiningnan niya sa kanyang rearview mirror si Madeline na naglalakad palayo habang nagpapaulit-ulit sa isip niya ang nangyari kanina. Bakit nagmadali siyang abutin si Vera kanina? Malinaw ang sagot sa kanyang puso. Saka lamang lumingon si Madeline nang marinig niyang umandar ang kotse ni Jeremy. Agad siyang tumawag ng taxi para sundan ang kotse
Sumakay ng isang taxi si Madeline at umalis. Habang tinitingnan niya ang mga karatula sa daan, masakit sa mata niya ang mga salitang 'April Hill'. Pakiramdam niya ay nadungisan ang malinis niyang puso. Napakadumi. Noong makahabol si Jeremy, hindi niya nakita si Madeline at tanging isang sasakyan lamang na dumadaan sa kalsada ng April Hill ang nakita niya sa malayo. Muling sumama ang loob niya, naglaho ang damdamin niya sa kailaliman ng dagat na kalapit ng April Hill. 'Wala na siya.' 'Iniwan na niya ako tatlong taon na ang nakakaraan.' Muli niyang pinaalalahanan ang sarili niya, ngunit kahit kailan ay hindi naman niya tinanggap ang katotohanang iyon. "Jeremy, anong problema?" Nagmadali si Meredith na sundan si Jeremy, hindi niya maintindihan ang mga kinikilos at ekspresyon ni Jeremy. Tiningnan siya ni Jeremy, tila walang emosyon ang kanyang boses. "Sumakay ka na." Nagmadaling sumakay sa kotse si Meredith. Tapos na ang palabas niya, at balak niyang samantalahin ang pa
Ang nanay niya… Hindi, nanay siya ni Meredith. Tinawanan ni Madeline ang sarili niya, napuno ng mga alaala ng pagsampal sa kanya nila Eloise at Sean ang kanyang isipan. Naalala pa nga niya yung huling sipa sa kanya ni Sean na naging dahilan ng pagsuka niya ng dugo. Hindi sila tumingin sa kanya hanggang sa huli. Napakahigpit ng hawak ni Madeline sa pinto, at sa mga sandaling iyon, nilabas ni Eloise ang phone niya para tawagan si Meredith. "Mer, labas ka na. Dadalhin kita sa spa mamaya, pagkatapos pwede tayong maghanap ng isusuot mo. Birthday mo na bukas, at magpopropose na din sayo si Jeremy. Gusto kong masiguro na ikaw ang pinakamaganda bukas. Gagawin kitang pinakamagandang prinsesa sa buong mundo. Dear, ikaw pa rin ang pinakamamahal kong anak."Prinsesa? Pinakamamahal na anak? Ah.Gustong tumawa ni Madeline nang marinig niya ang lahat ng iyon. Ayaw na niyang marinig pa ang mga sasabihin ni Eloise. Pagtalikod niya, hindi niya napansin ang isang empleyado niya na may d
Mukhang nahihiya si Meredith habang hinihintay niya ang sagot ni Jeremy. Masaya siya sa nangyayari. Hindi niya inakala na habang sumisigaw ang lahat na magpropose na si Jeremy, maririnig niya ang boses ng taong kinaiinisan niya. Nanlamig ang ngiti sa mukha ni Meredith habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin sa sobrang sama ng loob niya. "Bakit siya nandito?!" Ang sabi ni Meredith. Agad na lumingon si Jeremy noong marinig niya ang boses ni Madeline, at sumalubong sa kanya ang mukha ng babaeng gabi-gabi niyang napapanaginipan. Kasunod nito, lumingon din ang lahat ng tao sa direksyon kung saan nagmula ang boses. Isang elegante at magandang babae ang nakita nila, ngunit nang tingnan nila siya ng maigi, nanlaki ang mga mata nila Eloise at Sean sa pagkagulat!"Ikaw… Madeline?! Paanong… Paanong nangyari 'to?" Namutla ang mukha ni Eloise, halatang napaatras siya sa takot. Kung wala si Sean sa tabi niya, baka nawalan na siya ng malay sa sobrang pagkagulat. Sumulpot ang isang pat
Agad na sinira ng mga sumunod na salita ni Madeline ang kasiyahan ni Meredith. "Oo, yung nanay mo ang tinutukoy ko." "Ano?" Nagmistulang nasampal sa mukha si Meredith. "Anong kinalaman nito sa Mom ko?" "Kahapon kasi, pumunta yung nanay mo sa shop ko para bumili ng dalawang set ng jewelry para sayo." Mahinahong nagpaliwanag si Madeline. Sa wakas ay naintindihan na ni Meredith ang nangyayari, kaso naglaho na ang ngiti sa kanyang mga labi dahil dito. Habang pinapanood nila ang nangyayari, nagkapalitan ng tingin sila Eloise at Sean. "Anong tawag ni Meredith kay Madeline? Ms. Quinn?" Puno rin ng pagdududa si Sean, hindi niya alam kung ano nang nangyayari. Noong sandaling hinarap ni Madeline si Meredith, agad silang lumapit dahil natatakot sila na baka may gawin si Madeline kay Meredith. Habang palapit sila, narinig nila na sinabi ni Jeremy kay Madeline na, "Tutal nandito ka na, pumasok ka na at kumain ka." "Hindi! Bakit namin papapasukin yung babaeng yan sa pamamahay namin?!"
Gusto itong tanggihan ni Meredith, ngunit kailangan niyang panatilihin ang mahinhin niyang imahe, kaya nakangiti niyang tinanggap ang regalo ni Madeline. "Salamat." Pagkatapos nito, hinila niya sa manggas si Jeremy "Jeremy, tara na. Di natin dapat paghintayin ang ibang mga bisita." "Tama, mauna na kayong dalawa." Udyok ni Eloise at Sean, puno ng saya ang kanilang mukha. "Gamitin niyo ang masayang okasyon ngayon at dalian niyong pumili ng araw para sa kasal niyo." Nahihiyang ngumiti si Meredith kay Jeremy. "Jeremy, sa wakas mapapakasalan na kita at magiging asawa na rin kita." Habang nakatingin sa nakangiting si Meredith, mahinhin din silag nginitian ni Madeline. Pagbalik nila sa hardin, ilang mga titig ang nakatuon kay Madeline, lahat ng ito ay sinusubukang hulaan ang kanyang estado at pinagmulan. Nang maramdaman ang atensyon nila kay Madeline, nagsimulang malungkot si Meredith. Nang makita na mukhang ayaw pa ni Jeremy na magpakasal, nabahala si Meredith. Nakakahiya kung