Share

Kabanata 174

Mukhang nahihiya si Meredith habang hinihintay niya ang sagot ni Jeremy. Masaya siya sa nangyayari.

Hindi niya inakala na habang sumisigaw ang lahat na magpropose na si Jeremy, maririnig niya ang boses ng taong kinaiinisan niya.

Nanlamig ang ngiti sa mukha ni Meredith habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin sa sobrang sama ng loob niya. "Bakit siya nandito?!" Ang sabi ni Meredith.

Agad na lumingon si Jeremy noong marinig niya ang boses ni Madeline, at sumalubong sa kanya ang mukha ng babaeng gabi-gabi niyang napapanaginipan.

Kasunod nito, lumingon din ang lahat ng tao sa direksyon kung saan nagmula ang boses. Isang elegante at magandang babae ang nakita nila, ngunit nang tingnan nila siya ng maigi, nanlaki ang mga mata nila Eloise at Sean sa pagkagulat!

"Ikaw… Madeline?! Paanong… Paanong nangyari 'to?" Namutla ang mukha ni Eloise, halatang napaatras siya sa takot. Kung wala si Sean sa tabi niya, baka nawalan na siya ng malay sa sobrang pagkagulat.

Sumulpot ang isang pat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maribel Narciso
next po pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status