Kahit na puno ng galit ang mga mata niya, nagawa pa rin ni Meredith na mapanatili ang maskara niya nang mahinhin siyang ngumiti. "Patawad Miss Quinn. Mahal na mahal ko lang talaga ang nobyo ko at nagalit ako. Sana ayos lang sa iyo." Ngumiti pabalik si Madeline. "Nakikita ko kung gaano mo kamahal si Mr. Whitman. Nauunawaan ko ang nararamdaman ko. Lagi din akong nagseselos kapag masyadong malapit sa ibang babae ang boyfriend ko." Nang marinig iyon, nakaramdam si Madeline ng biglang pagbabago sa mga titig ni Jeremy at Meredith. "Miss Quinn, may boyfriend ka?" Medyo nabawi ni Meredith ang ngiti niya. Mahinhin na tumawa si Madeline. "Oo." Bahagya siyang tumango, nagpanggap na aksidenteng nakatinginan si Jeremy. Nang makita na nakatuon pa rin kay Madeline ang titig ni Jeremy, nagmamadaling inilihis ni Meredith ang usapan. "May boyfriend pala si Miss Quinn. Bakit di mo siya papuntahin dito para magkakilala kami." "Pansalamantala siyang wala sa Glendale pero tiyak na ipapakilala
Nanginginig ang boses ni Meredith nang sabihin niya, "Jeremy wag kang umalis. Saan ka pupunta? Ang kasal natin-" "Wala pa akong gana ngayon." Walang bahalang sumagot si Jeremy nang pumiglas siya sa pagkakahawak ni Meredith. "Jeremy!" Nagpatuloy sa pagsigaw si Meredith pero nakaalis na si Jeremy. Hindi maintindihan ng mga Montgomery at ng mga panauhin ang nakita nila. Pero malinaw nilang nakita ang inasal ni Jeremy. Halatang may kinaiinisan siya. Biglang nagduda ang madla. Tila ba parang di naman mahal ni Jeremy si Meredith gaya ng sinasabi sa usap-usapan. Kung hindi, bakit laging nauudlot ang kasal nila? Kahit ngayon iniwan ni Jeremy si Meredith dahil lang sa wala siyang gana. Iniangat ni Meredith ang kanyang bestida at sinundan ito. Nakita niya si Madeline na naglalakad sa harapan ni Jeremy at ipinarada nito ang kotse niya sa tabi nito at binuksan ang pinto para kay Madeline nang maginoo at niyaya ito na pumasok bago umalis. Mahigpit na hinawakan ni Meredith ang kanyan
Walang bahala siyang ngumiti. "Kung ganon, edi bakit mo kinaibigan ang isang babaeng kamukhang-kamukha niya? Di ka ba nandidiri na tignan ang mukha ko?" Lumingon si Jeremy, nakatingin kay Madeline nang may nakakaakit na titig. "Miss Vera, maganda ka." Oo, maganda ang mukhang iyan. Kasinganda niya noon. Hindi, mas maganda pa siya nang kaunti. May simple at totoong kalidad ang kanyang mukha, perpekto sa pagkaaliwalas. Tinignan ni Jeremy ang mukhang nasa harapan niya na parang ito lamang ang pupuno sa puso niyang walang laman. Biglang tumunog ang cellphone, natigil ang kanyang paghanga. Tinignan niya ang screen at gusto itong tanggihan ngunit sinagot niya pa rin ito. "Ano yun?" Napakalakas ng hangin kaya di narinig ni Madeline ang sinasabi sa kabilang linya pero narinig niya ang walang ganang sagot ni Jeremy. "Pabalik na ako." Inakala ni Madeline na ibababa siya ni Jeremy habang nasa biyahe ngunit hindi ito huminto hanggang sa marating nila ang isang pamilyar na kanto. S
Bumulong si Jeremy kay Madeline bago siya dalhin kay Old Master Whitman. Medyo matanda na si Old Master Whitman kaya hindi na masyadong maganda ang paningin niya. Nakikita lamang niya si Jeremy na may hinihilang babaeng may mahabang buhok. Ngunit sa sandaling nasa harap na niya si Madeline, nanlaki ang mga mata niya dahil hindi siya makapaniwala nang hawakan niya ang kanyang tungkod at tumayo siya mula sa kanyang sofa. "Ikaw… ikaw si… Maddie?" Di makapaniwalang tanong ng matanda nang iabot nito sa kanya ang nanginginig nitong kanang kamay, tila ba sinusubukan kung talagang tao ang nasa harapan niya. Tinignan ni Madeline ang masigla nitong titig at hindi mapigilang malungkot. Subalit may bakas ng lambing sa loob ng lungkot na iyon. Mayroon pa ding taong nagmamahal sa kanya dito! Ngumiti siya nang iabot niya ang kanyang kamay sa matanda. "Grandpa." "Ikaw ba talaga si Maddie?" Nagagalak na tanong ng matanda. Nanood sa tabi si Mrs. Whitman habang nagdududa. "Grandpa, syempr
Tumango si Old Master Whitman, tinginan si Madeline nang maigi na parang may napansin ito. Sa loob ng kotse, naunang nagsalita si Jeremy, "Miss Vera, salamat sa pagtupad sa di makatwiran kong pabor." "Dahil napakadi makatwiran ng hiling na iyon, sana wala nang kasunod," Kalmadong sinabi ni Madeline, "Mr. Whitman, inubos mo ang oras ko. Pwede bang ihatid mo ka kaagad ako? Umuwi ka na din at patahanin mo ang nobya mo." Tinignan ni Jeremy si Madeline at nakitang malamig at naiinip ang mukha nito. Sinabi niya, "Patawad talaga at inubos ko ang oras niyong dalawa ng boyfriend mo. Pakakainin ko kayong dalawa sa susunod." "Hindi na kailangan. Baka magselos ang boyfriend ko." Tumanggi si Madeline. Hindi na nagsalita si Jeremy ar bumalik bago dalhin si Madeline sa itinakdang lugar. Tumayo si Madeline sa tabi ng maingay na kalye, tinitignan ang kanyang palad. Pakiramdam niya may init pa rin sa kanyang mga kamay. Grandpa. Talagang naaalala pa rin siya nito. Ngumiti siya, pakira
Kahit na wala pang tatlong taong gulang si Lily, napakamaliksi nito. Nang makita na sasaktan siya ni Meredith, kaagad niya itong iniwasan. Iniunat ni Meredith ang kanyang kamay at hangin lamang ang tinamaan niya. Lalo siyang nainis at iniabot ang kanyang daliri para kurutin ang mukha ni Lily. Binuksan ni Lily ang maliit niyang bibig at kinagat ang likod ng kamay ni Meredith. "Ah!" Sigaw ni Meredith. Ibinuka ni Lily ang kanyang bibig at kumurap ang kanyang malalaki at magagandang mga mata. "Aunty, sabi ni mommy na ang mga nananakit ng bata ay masasamang tao. Dahil isa kang masamang tao, pwede akong sumigaw at saktan ka." "Ano? Anong sinabi mo?" Hindi inakala ni Meredith na dadating ang araw na sesermonan siya ng isang maliit na babaeng wala pang tatlong taong gulang! Nanggigigil siya. Nang makita na tumalikod si Lily at naglalakad papunta sa tindahan, nagmamadali siyang hinabol ni Meredith, nakalimutan sa sandaling iyon na nakaapak ang paa niya sa glass bead. Kaagad na gum
"Salamat Kuya. Iniligtas mo na naman si Lily." Kumurap si Lily kay Jeremy gamit ng kanyang purong tignan at parang salamin na mata. "Nandito na ang mommy ko, pwede mo na po akong ibaba Kuya." Tinignan ni Jeremy ang batang babaeng karga niya at isang mahinhing ngiti ang lumitaw sa malamig niyang mukha. "Ang pangalan mo ay Lily?" "Opo…" Masunuring tumango si Lily ngunit kaagad na kumunot ang kanyang nakakatuwa at maliit na kilay bago siya umiling. "Si Mommy lang ang tumatawag sa akin na Lily, pero si Dad hindi." Dad. Hindi kailanman naramdaman noon ni Jeremy na napakasakit ng dalawang salitang ito. Napakasakit at di pamilyar. Naisip niya si Jackson. Nitong nakaraang tatlong taon, hindi pa niya narinig si Jackson na tinawag siyang 'Dad'. Nababagabag na tumibok ang kanyang puso bigla sa di malaman na dahilan. Ibinaba niya si Lily at tumakbo ito sa tabi ni Madeline. "Mommy, binalak akong saktan ng aunty na ito kanina pero tumumba siya. Buti na lang iniligtas ako ni kuya."
Hindi mapigilan ni Madeline na mapahinto sa kanyang paglalakad. Tinignan niya si Meredith na sinabi ang mga salitang iyon habang nabalot ng pagdududa ang kanyang puso. Bakit parang kapareho ng karanasan niya ang nakaraan nina Meredith at Jeremy? Higit pa roon, sa April Hill rin ba sila unang nagkakilala? "Jeremy, wala na akong iba pang kailangan, pero hindi ko talaga kayang mawala ka sa'kin. 'Wag mo kong iwan, okay?" Bumalik ang isipan ni Madeline nang marinig niya ang mahinang boses ni Meredith. Nakita niya ang luhaang mga mata ni Meredith habang tinitignan si Jeremy. Kahit na hindi sumagot si Jeremy, naglabas siya ng panyo para balutin ang sugat ni Meredith. Nag-aalala pa rin siya masyado para kay Meredith."Jeremy…" "'Wag ka nang magsalita. Dadalhin kita sa ospital." Malambing na tinignan ni Meredith si Jeremy, "Jeremy, dahil kasama kita, hindi ko masyadong nararamdaman ang sakit. Alam ko na poprotektahan mo ko habangbuhay." Narinig ni Madeline ang mga salitang i