Kahit na wala pang tatlong taong gulang si Lily, napakamaliksi nito. Nang makita na sasaktan siya ni Meredith, kaagad niya itong iniwasan. Iniunat ni Meredith ang kanyang kamay at hangin lamang ang tinamaan niya. Lalo siyang nainis at iniabot ang kanyang daliri para kurutin ang mukha ni Lily. Binuksan ni Lily ang maliit niyang bibig at kinagat ang likod ng kamay ni Meredith. "Ah!" Sigaw ni Meredith. Ibinuka ni Lily ang kanyang bibig at kumurap ang kanyang malalaki at magagandang mga mata. "Aunty, sabi ni mommy na ang mga nananakit ng bata ay masasamang tao. Dahil isa kang masamang tao, pwede akong sumigaw at saktan ka." "Ano? Anong sinabi mo?" Hindi inakala ni Meredith na dadating ang araw na sesermonan siya ng isang maliit na babaeng wala pang tatlong taong gulang! Nanggigigil siya. Nang makita na tumalikod si Lily at naglalakad papunta sa tindahan, nagmamadali siyang hinabol ni Meredith, nakalimutan sa sandaling iyon na nakaapak ang paa niya sa glass bead. Kaagad na gum
"Salamat Kuya. Iniligtas mo na naman si Lily." Kumurap si Lily kay Jeremy gamit ng kanyang purong tignan at parang salamin na mata. "Nandito na ang mommy ko, pwede mo na po akong ibaba Kuya." Tinignan ni Jeremy ang batang babaeng karga niya at isang mahinhing ngiti ang lumitaw sa malamig niyang mukha. "Ang pangalan mo ay Lily?" "Opo…" Masunuring tumango si Lily ngunit kaagad na kumunot ang kanyang nakakatuwa at maliit na kilay bago siya umiling. "Si Mommy lang ang tumatawag sa akin na Lily, pero si Dad hindi." Dad. Hindi kailanman naramdaman noon ni Jeremy na napakasakit ng dalawang salitang ito. Napakasakit at di pamilyar. Naisip niya si Jackson. Nitong nakaraang tatlong taon, hindi pa niya narinig si Jackson na tinawag siyang 'Dad'. Nababagabag na tumibok ang kanyang puso bigla sa di malaman na dahilan. Ibinaba niya si Lily at tumakbo ito sa tabi ni Madeline. "Mommy, binalak akong saktan ng aunty na ito kanina pero tumumba siya. Buti na lang iniligtas ako ni kuya."
Hindi mapigilan ni Madeline na mapahinto sa kanyang paglalakad. Tinignan niya si Meredith na sinabi ang mga salitang iyon habang nabalot ng pagdududa ang kanyang puso. Bakit parang kapareho ng karanasan niya ang nakaraan nina Meredith at Jeremy? Higit pa roon, sa April Hill rin ba sila unang nagkakilala? "Jeremy, wala na akong iba pang kailangan, pero hindi ko talaga kayang mawala ka sa'kin. 'Wag mo kong iwan, okay?" Bumalik ang isipan ni Madeline nang marinig niya ang mahinang boses ni Meredith. Nakita niya ang luhaang mga mata ni Meredith habang tinitignan si Jeremy. Kahit na hindi sumagot si Jeremy, naglabas siya ng panyo para balutin ang sugat ni Meredith. Nag-aalala pa rin siya masyado para kay Meredith."Jeremy…" "'Wag ka nang magsalita. Dadalhin kita sa ospital." Malambing na tinignan ni Meredith si Jeremy, "Jeremy, dahil kasama kita, hindi ko masyadong nararamdaman ang sakit. Alam ko na poprotektahan mo ko habangbuhay." Narinig ni Madeline ang mga salitang i
Hindi pwede. Nang makita niya na tumalikod si Madeline para umalis ay ngumiti si Jeremy. "Miss Vera, mukhang iniiwasan mo ako?" Lumingon si Madeline at tumawa. "Mr. Whitman, hindi naman tayo lubos na magkakilala simula pa lamang. Hindi ko kailangang iwasan ka." Mabilis niyang dinala sa kotse si Lily at bumalik sa apartment. Pagkatapos niyang maligo, naghahanda siya para patulugin si Lily nang tumunog muli ang kanyang phone. Nang tinignan niya ito, si Meredith pala ang tumatawag. Naglakad sa balkonahe si Madeline para sagutin ang tawag, at narinig mula sa kabilang linya ang nagtatanong na boses ni Meredith, "Vera Quinn, nasaan si Jeremy? Kasama mo ba siya?" Tumawa si Madeline nang may mababang boses. "Miss Crawford, bakit ka nagtatanong sa'kin kung nasaan ang fiancé mo? Kakaiba ka talaga." "Vera Quinn, di mo na kailangang magpanggap! Hindi ba nagparetoke ka para maging kamukha ng ex-wife ni Jeremy at makuha ang atensyon niya?" Puno ng galit ang boses ni Meredith. "Maki
Pamilyar ang boses na iyon, at sinasabi na rin ng kanyang isipan na pinandidirihan niya ang may-ari ng boses na ito. Tinaas niya ang kanyang tingin. Napakaliwanag ng ilaw sa corridor at malinaw niyang nakikita ang pangit na mukha ni Tanner na lumitaw sa kanyang paningin. Noong lasing pa si Tanner, inakala niya na mukhang medyo pamilyar ang babaeng ito pagkatapos makita ang kanyang mukha mula sa gilid. Ngunit, ngayon na malinaw na niyang nakikita ang mukha ni Madeline, kaagad siyang nagulat! Umatras siya nang paulit-ulit, at dahil roon, napatid siya sa pareho niyang paa. Bumagsak siya sa kanyang kamay. Kalmadong nakatayo si Madeline sa may pintuan ng kwarto habang pinapanood si Tanner na namumutla sa takot. Para ba itong gumagapang paatras sa pagkataranta, at ngumiti siya gamit ng kanyang magagandang labi. "Sir… May problema po ba?" tanong niya nang may pagkalito sa kanyang magandang mukha. "Ayos ka lang ba? Gusto mo bang tulungan kitang tumayo?" Tinignan siya ni Tanner, nanla
Sinubukan niyang hilahin ang kanyang kamay, pero hindi bumitaw si Jeremy. "Bitawan mo ako, Mr. Whitman." "Hindi na kita pakakawalan ulit." Ano? Nagulat si Madeline sa hindi inaasahang salita ni Jeremy. Nalilito niya itong tinignan pero hindi niya inaasahan na yayakapin siya ni Jeremy. Dahil nakasuot siya ng heels, napatid si Madeline sa biglang paghila at bumagsak kay Jeremy. Wala pa sa isang segundo, naramdaman niya ang pamilyar na init sa kabila ng kanyang distansya. Hindi man siya nito minahal, pero hindi ibig sabihin na walang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Kaagad niyang inayos ang kanyang mga emosyon at sinubukang tumayo, pero niyakap siya ni Jeremy sa kanyang baywang. "Anong ginagawa mo, Mr. Whitman?" Dahil hindi siya kumportable, sinubukan ni Madeline na kumawala sa kanyang yakap. Wala ring nangyari nang dahil sa pagkakaiba ng kanilang lakas. Mula roon, biglang umakyat ang mga kamay na nasa kanyang baywang at pinagdikit si Madeline kay Jeremy bago niy
Parang baliw na tumakbo sa kanila si Meredith, nakalimutan na niya ang kanyang mabait at mahinhing maskara sa harap ni Jeremy. Tinaas niya ang bote sa ere at ihahampas ito sa mukha ni Madeline. Sa huling segundo, tinaas ni Jeremy ang kanyang kamay para pigilan si Meredith. Hinila niya papunta sa kanyang likod si Madeline. Kahit na kasing siya kanina, tinititigan nang masama ni Jeremy si Meredith, malinaw na ang kanyang isipan. "Anong ginagawa mo?" Nahirapan si Meredith na kontrolin ang kanyang galit nang makita niya na pinotrektahan ni Jeremy si Madeline. Ngunit, alam niya na ang tanging magagawa niya lang sa sitwasyon na ito ay ang umiyak at umarteng mahina. "Hindi ko talaga siya gustong saktan, Jeremy. Ayaw ko lang na makita na lagi mong kasama ang babaeng ito." Reklamo niya habang binaba ang bote. "Hindi mo ba napapansin, Jeremy? Nagparetoke pa siya para maging kamukha ni Madeline para lang maagaw ang atensyon mo. Jeremy, 'wag kang magpaloko sa babaeng 'to." Lumingon
Uniwas ang mga mata ni Jackson nang makita niya ang ngiti ni Meredith. "May kailangan akong ipapirma kay Dad." Ngumiti si Meredith nang makita niya ang workbook na nasa kamay ni Jackson. "Paano kung ako na lang ang pumirma niyan?" Pinisil ni Jackson ang gilid ng kanyang workbook at umaasang tumingin kay Jeremy. "Ipapirma mo na lang 'yan sa mom mo. 'Wag kang masyadong magpapagabi." Sabay sinara ni Jeremy ang pinto ng kanyang kwarto. Pagtingin sa nakasarang pinto, napalitan ang lahat ng liwanag sa mga mata ni Jackson ng isang hindi maintindihang takot at kadiliman. Pagtalikod niya, mabilis siyang naglakad papunta sa kanyang kwarto. Sa pagsara ng pinto, kaagad na nawala ang ngiti sa mukha ni Meredith. Hindi siya natutuwa, sumugod siya sa kwarto ni Jackson. Sinipa niya ang pinto sa sandaling isasara niya pa lang ito. Nasa dulo ng dila ng Jackson ang salitang "Mom" pero hindi niya tinangkang tawagin si Meredith ng ganito. "Anong problema, Jack? Ako ang nanay mo? Bakit pa