Uniwas ang mga mata ni Jackson nang makita niya ang ngiti ni Meredith. "May kailangan akong ipapirma kay Dad." Ngumiti si Meredith nang makita niya ang workbook na nasa kamay ni Jackson. "Paano kung ako na lang ang pumirma niyan?" Pinisil ni Jackson ang gilid ng kanyang workbook at umaasang tumingin kay Jeremy. "Ipapirma mo na lang 'yan sa mom mo. 'Wag kang masyadong magpapagabi." Sabay sinara ni Jeremy ang pinto ng kanyang kwarto. Pagtingin sa nakasarang pinto, napalitan ang lahat ng liwanag sa mga mata ni Jackson ng isang hindi maintindihang takot at kadiliman. Pagtalikod niya, mabilis siyang naglakad papunta sa kanyang kwarto. Sa pagsara ng pinto, kaagad na nawala ang ngiti sa mukha ni Meredith. Hindi siya natutuwa, sumugod siya sa kwarto ni Jackson. Sinipa niya ang pinto sa sandaling isasara niya pa lang ito. Nasa dulo ng dila ng Jackson ang salitang "Mom" pero hindi niya tinangkang tawagin si Meredith ng ganito. "Anong problema, Jack? Ako ang nanay mo? Bakit pa
"Ikaw po ba 'yan, Maddie?" Habang seryosong nakatitig kay Madeline, nabuo na rin ang loob ni Jackson na magtanong. Nabigla ng ilang segundo si Madeline sabay sumagot habang nakangiti. "Hey, buddy. Ako ang nanay ni Lilian. Pwede kong sabihin pangalan ko kung gusto mo? Ako nga pala si Vera Quinn." Nakangiti siyang nagpakilala, napansin niya na kasalukuyan siyang tinitignan ni Jackson.Napakaperpektong tignan ng maliit na mukha sa kanyang harapan, isa itong resulta ng magandang lahi ni Jeremy. Sa kung anong dahilan, hindi mapigilang maramdaman ni Madeline na parang may mabigat na dinadala ang maiitim na mata ni Jackson Siguro dahil sa ilaw. Ano nga naman ang magiging problema ng isang bata? Lumitaw sa isipan ni Madeline ang alaala kung paanong hiniwaan ni Meredith ang pisngi ni Jackson. Naaalala pa niya kung paanong tumulo ang dugo habang umiiyak ang bata. Napakasakit siguro nito. Nang makita niya ang mahamis na pisngi ngayon, nakahinga nang maluwag si Madeline. Buti n
"Hey, Jackie? Alam mo ba kung bakit one plus one ay equals to two? "Bakit two apples plus one banana is equals three? "Jackie, Jackie. Gusto mo ba ng mushrooms?" Na para bang naging isang Libro ng mga Tanong, sunod-sunod na nagtanong si Lily kay Jackson habang kumikinang ang kanyang mga mata na puno ng buhay. Limang taon pa lang si Jackson pero mukhang mas matanda siya mag-isip sa kanyang edad. Seryoso niyang sinagot ang bawat isa sa mga tanong ni Lily. Uulitin niya ang kanyang mga sinabi kapag nagpakita ng pagkalito si Lily. Sa una ay natatakot si Madeline na baka may mangyaring masama kung maging magkaibigan sina Lily at Jackson. Pero nawala ang kanyang pag-aalala nang dahil sa eksena sa kanyang harapan, si Jackson ay parang isang maunawaing kuya na minamahal ang kanyang nakababatang kapatid nang walang humpay. Natunaw ang puso niya sa kanyang nakikita. Ngunit, hindi nagtagal ang ngiti ni Madeline. Mayroon rin sanang kapatid si Lilian na mamahalin siya kung buhay pa
Hindi kailanman inasahan ni Madeline na tatakbo si Jackson sa kanyang mga braso at tatawagin siyang 'mom'. Natatakot at nag-aalala siguro si Jackson. Binaon niya ang kanyang maliit na katawan sa kanyang mga braso. Para bang ang tanging paraan lang para mabawasan ang kanyang takot ay ang hawakan siya nang mahigpit gamit ng kanyang dalawang kamay habang nananatiling nakapikit ang kanyang mga mata. Kumirot ang puso ni Madeline sa bahid ng takot sa kanyang maliliit na mga pisngi. Ang tagal na rin simula noong nakaramdam siya ng ganitong sakit na bumabalot sa kanyang dibdib. Tinaas niya ang kanyang kamay para marahang hawakan ang ulo ni Jackson, mahinahon ang kanyang boses. "Ayos na ang lahat, Jack. Ayos lang ang lahat." Sa kanyang mga salita na nakakagaan ng loob, nakita ni Madeline na kumalma si Jackson. "Okay lang ba si Jackson, Mommy?" Lumapit si Lily at inosenteng nagtanong. "Okay lang siya. 'Wag kang mag-alala." Ngumiti si Madeline. "Gumawa si mommy ng merienda. Bigyan
Para pagkatiwalaan siya ni Jackson Whitman sa kanyang murang edad ay isang bagay na hindi inasahan ni Madeline. "Pwede ba kitang tawaging Ate Vera simula ngayon?" Umaasang nakatingin si Jackson kay Madeline. Tumango si Madeline at ngumiti, naguguluhan ang kanyang isip kapag naaalala niya ang pagtawag sa kanya ni Jackson na 'mom' kanila lang. "Syempre naman." Nang marinig niya ang kanyang sagot, sa wakas ay ngumiti rin si Jackson. Ito ang unang beses ni Madeline na makitang ngumiti si Jackson, tatlong taon man ang nakakaraan o tatlong taon ang nakalipas ngayong araw na ito. Lumitaw ang dalawang dimples sa gilid ng bibig ni Jackson habang siya ay ngumingiti. Nakakagaan rin siyang tignan kagaya ni Lilian. Bumaha ang mainit na pakiramdam sa kanyang dibdib nang dahil sa mala-anghel na ngiti ng bata. Hindi nagtagal ay dumating si Jeremy. Gusto niya sanang pumasok sa bahay pero hindi siya hinayaan ni Madeline. "Sa susunod sana paki-alagaan mo ang anak mo nang mas maayos, M
Nakaramdam ng pagkabagabag si Jeremy nang mapansin niya ang pagiging sarkastiko at panghahamak sa mga mata ni Madeline. Pagtikom niya sa kanyang bibig, tumutok ang kanyang titig sa mga mata ni Madeline. "Mabuti kung tititigil mo ang paghahanap sa akin, Mr. Whitman. Ayaw ko talagang tinatrato akong isang patay na tao." Walabg pake siyang tinanggihan ni Madeline. "Di na ito mangyayari ulit." Nagsalita si Jeremy matapos ang sandaling katahimikan. Habang nakatuon sa kanya ang kanyang titig, yumuko siya at lumapit sa kanya. "Ipinapangako ko sa'yo, di na yun mangyayari ulit." Bahagyang tumawa si Madeline. "Inaamin mo ba na sinusubukan mo ako noong isang araw, Mr. Whitman?" Nanatiling tahimik si Jeremy sa kanyang pagtatanong. Siguro nga. Habang alam ng buong mundo kung gaano kamahal ni Madeline si Jeremy, si Jeremy lang ang nakakaalam na minahal niya ito pabalik. Ang totoo ay, nawala sa sarili si Jeremy noong isang araw. Hindi niya siya sinusubukan, hindi. Nagpantasya siya
Habang nakatitig sa mga mapangmatang shop assistant at sa aroganteng si Meredith, basta na lang naglabas ng card si Madeline at ibinato ito sa mukha ng isang shop assistant na nagbantang tatawag ng security. "Pulutin mo at tignan mo, tapos sabihin mo sa akin kung pwede kong makuha ang damit na iyan o hindi." Nang mabigla sa pagiging kalmado ni Madeline, kaagad na pinulot ng shop assistant ang card. Nang mabasa ang mga nakasulat dito, kaagad siyang nahiya. Namula siya at yumuko at nanghingi ng paumanhin kay Madeline. "I'm sorry, I'm sorry! Di ko alam na ikaw pala si Miss Quinn! Sorry talaga! Patawarin mo ako!" Nang makita ang reaksyon ng kasamahan nila, lumapit din ang iba pang mga shop assistant at binasa ang nakasulat sa card na binato ni Madeline. Kaagad na nagbago ang mga mukha nila at nagsimula silang humingi ng tawad kay Madeline. Nabigla si Meredith nang biglang manghingi ng tawad ang mga shop assistant kay Madeline at trinato siya nang may paggalang. "Anong ginagawa
Bumalik si Meredith sa pamamahay ng Montgomery nang puno ng galit. Nang makita ang kanyang pagbalik, ipinagsalin siya ng kasambahay ng tsaa at dinalhan siya ng isang plato ng pagkain. "Anong problema Miss Meredith? Heto oh, kumain ka ng prutas para maalis ang galit mo." Nakangiting sinabi ng kasambahay. "Sino ka ba para mangialam?" Umirap si Meredith nang naiinis. "Nasaan ang nanay ko?" Narinig ang tunog ng isang kotse mula sa pinto pagkatapos niyang magtanong at tumitig ang kasambahay sa pinto. "Sa tingin ko nakauwi na si Madam." Kasabay nito, kaagad tumayo si Meredith. "Sabihin mo sa nanay ko nasa kwarto ako kapag nagtanong siya." Nang iutos niya, dinampot niya ang kanyang bag at nagmadaling umakyat. Napansin ng kasambahay at tinitigan nito ang paalis na si Meredith nang may poot sa kanyang mga mata. "Ikaw ang pumatay kay Brittany Meredith Crawford! Namumuhay pa sana nang masaya si Brit bilang pinakamatandang anak kung di ka lang biglang nagpakita at inagaw ang pwesto n