Para pagkatiwalaan siya ni Jackson Whitman sa kanyang murang edad ay isang bagay na hindi inasahan ni Madeline. "Pwede ba kitang tawaging Ate Vera simula ngayon?" Umaasang nakatingin si Jackson kay Madeline. Tumango si Madeline at ngumiti, naguguluhan ang kanyang isip kapag naaalala niya ang pagtawag sa kanya ni Jackson na 'mom' kanila lang. "Syempre naman." Nang marinig niya ang kanyang sagot, sa wakas ay ngumiti rin si Jackson. Ito ang unang beses ni Madeline na makitang ngumiti si Jackson, tatlong taon man ang nakakaraan o tatlong taon ang nakalipas ngayong araw na ito. Lumitaw ang dalawang dimples sa gilid ng bibig ni Jackson habang siya ay ngumingiti. Nakakagaan rin siyang tignan kagaya ni Lilian. Bumaha ang mainit na pakiramdam sa kanyang dibdib nang dahil sa mala-anghel na ngiti ng bata. Hindi nagtagal ay dumating si Jeremy. Gusto niya sanang pumasok sa bahay pero hindi siya hinayaan ni Madeline. "Sa susunod sana paki-alagaan mo ang anak mo nang mas maayos, M
Nakaramdam ng pagkabagabag si Jeremy nang mapansin niya ang pagiging sarkastiko at panghahamak sa mga mata ni Madeline. Pagtikom niya sa kanyang bibig, tumutok ang kanyang titig sa mga mata ni Madeline. "Mabuti kung tititigil mo ang paghahanap sa akin, Mr. Whitman. Ayaw ko talagang tinatrato akong isang patay na tao." Walabg pake siyang tinanggihan ni Madeline. "Di na ito mangyayari ulit." Nagsalita si Jeremy matapos ang sandaling katahimikan. Habang nakatuon sa kanya ang kanyang titig, yumuko siya at lumapit sa kanya. "Ipinapangako ko sa'yo, di na yun mangyayari ulit." Bahagyang tumawa si Madeline. "Inaamin mo ba na sinusubukan mo ako noong isang araw, Mr. Whitman?" Nanatiling tahimik si Jeremy sa kanyang pagtatanong. Siguro nga. Habang alam ng buong mundo kung gaano kamahal ni Madeline si Jeremy, si Jeremy lang ang nakakaalam na minahal niya ito pabalik. Ang totoo ay, nawala sa sarili si Jeremy noong isang araw. Hindi niya siya sinusubukan, hindi. Nagpantasya siya
Habang nakatitig sa mga mapangmatang shop assistant at sa aroganteng si Meredith, basta na lang naglabas ng card si Madeline at ibinato ito sa mukha ng isang shop assistant na nagbantang tatawag ng security. "Pulutin mo at tignan mo, tapos sabihin mo sa akin kung pwede kong makuha ang damit na iyan o hindi." Nang mabigla sa pagiging kalmado ni Madeline, kaagad na pinulot ng shop assistant ang card. Nang mabasa ang mga nakasulat dito, kaagad siyang nahiya. Namula siya at yumuko at nanghingi ng paumanhin kay Madeline. "I'm sorry, I'm sorry! Di ko alam na ikaw pala si Miss Quinn! Sorry talaga! Patawarin mo ako!" Nang makita ang reaksyon ng kasamahan nila, lumapit din ang iba pang mga shop assistant at binasa ang nakasulat sa card na binato ni Madeline. Kaagad na nagbago ang mga mukha nila at nagsimula silang humingi ng tawad kay Madeline. Nabigla si Meredith nang biglang manghingi ng tawad ang mga shop assistant kay Madeline at trinato siya nang may paggalang. "Anong ginagawa
Bumalik si Meredith sa pamamahay ng Montgomery nang puno ng galit. Nang makita ang kanyang pagbalik, ipinagsalin siya ng kasambahay ng tsaa at dinalhan siya ng isang plato ng pagkain. "Anong problema Miss Meredith? Heto oh, kumain ka ng prutas para maalis ang galit mo." Nakangiting sinabi ng kasambahay. "Sino ka ba para mangialam?" Umirap si Meredith nang naiinis. "Nasaan ang nanay ko?" Narinig ang tunog ng isang kotse mula sa pinto pagkatapos niyang magtanong at tumitig ang kasambahay sa pinto. "Sa tingin ko nakauwi na si Madam." Kasabay nito, kaagad tumayo si Meredith. "Sabihin mo sa nanay ko nasa kwarto ako kapag nagtanong siya." Nang iutos niya, dinampot niya ang kanyang bag at nagmadaling umakyat. Napansin ng kasambahay at tinitigan nito ang paalis na si Meredith nang may poot sa kanyang mga mata. "Ikaw ang pumatay kay Brittany Meredith Crawford! Namumuhay pa sana nang masaya si Brit bilang pinakamatandang anak kung di ka lang biglang nagpakita at inagaw ang pwesto n
Sa isang iglap ay dumating ang ika-50 anibersaryo ng Whitman Corporation. Tamad na binigyan ni Madeline ang kanyang sarili ng spa treatment bago pumunta sa harap ng salamin para ayusin ang kanyang makeup. Pagkatapos nito, isinuot niya ang gown na hanggang pangarap lang ni Meredith, kinuha ang kanyang designer purse at sumakay sa kotse papunta sa kauna-unahang six-star hotel ng Glendale. Umilaw ang hanay ng mga ilaw sa daan nang magsimulang dumilim. Habang nakatitig sa repleksyon ng bintana sa loob ng kotse, kumurba ang kanyang labi nang itaas niya ang kanyang kamay para ayusin ang buhok niya. Nakikita ang kagandahan ng maliit na labi ni Madeline sa likod na salamin kaya halos mawalan ng preno ang nagmamaneho. Ito ang unang pagkakataong nakita niya ang ganito kagandang babae. Sa sandaling iyon, napuno ng tao ang main entrance ng six-star hotel. Naglaban ang mga mamamahayag para sa balita habang ilang mga napadaan ang huminto para kumuha ng munting regalo. Ang mga panauhu
Dumapo kay Madeline ang lahat ng tingin sa sandaling bumaba siya ng kotse… Sa loob, nakasimangot si Jeremy. Isang malalim na tingin ang lumitaw sa kanyang nagyeyelong mata nang mainis siya kasi di sinasagot ni Madeline ang kanyang tawag. Nang bigla niyang naramdaman na may humila sa pantalon niya. Pagtingin niya sa baba, nakita niya ang walang ganang mukha ni Jackson. "Nasaan si Big Sis Vera? Wala pa ba siya?" Sabik ka sabik na si Jackson sa pagdating ni Madeline. Naramdaman ni Jeremy na ang layo ng puso niya nang titigan niya ang kanyang anak. Ang makita si Jackson ay laging nagpapaalala sa kanya kung paano niya sinira ang abo ng anak nilang dalawa ni Madeline. Bumilis ang tibog ng puso niya sa inis tuwing naaalala niya ang mga huling salita ni Msdeline nang jawakan nito ang kanyang kwelyo sa kanyang isipan. "Jack," Narinig ang boses ni Meredith. Humigpit ang pagkakahawak sa pantalon ni Jeremy nang maglaho ang liwanag sa kanyang mata. Bumitaw siya para tumakas para
Naging buwan ang mga mata ni Madeline sa nagulat na reaksyon ni Jeremy. "Anong problema Jeremy? Ako ito… si Madeline." "..." Madeline! Tumagos sa puso ni Jeremy ang pangalan na ito na parang isang matalim na kutsilyo at hindi siya makahinga. Kinurba ni Madeline ang sulok ng kanyang mga labi sa gulat na titig ni Jeremy. Lumapit siya. "Anong problema Mr. Whitman? Akala ko ba ikaw ang nagsabi sa akin na dumalo sa pagdiriwang ng anibersaryo bilang dati mong asawa?" Nabalot ng kanyang malambot na boses ang kumakabog na puso ni Jeremy na parang mahigpit ka lambat. Nang marinig ang sagot niya, naramdaman ni Jeremy na unti-unting kumalma ang puso niya. 'Ganun pala ha?' Habang nakatitig sa napakaganda nitong itsura, naramdaman niyang nalunod sa lungkot ang kanyang puso. Subalit, siniguro ni Jeremy na sarilinin ang damdaming ito. Mabilis siyang sumagot nang may malambing at mapang-akit na ngiti. "Nandito ka na." Ngumiti si Madeline. "Oo, nandito na ako." Ayaw na ni Mered
Ngumiti si Madeline. "Nakita mo ba mismo Mrs. Montgomery? Paano ka nakakasiguro na si Madeline Crawford ang walang hiyang babae tulad ng sinasabi mo?" "Syempre sigurado ako! Pinanood ko mismo gamit ng aking mara kung gaano kawalang hiya at walang awa si Madeline Crawford! Paulit-ulit niyang sinasaktan ang pinakamamahal kong anak at apo. Kamatayan ang pinakamagaang parusa para sa isang babaeng tulad niya!" Itinikas ni Eloise ang kanyang panga, nagbanggit ng mga salitang puno ng poot at pandidiri kay Madeline. Tila ba hindi sapat ang kamatayan para pagaanin ang poot sa kanyang puso. Ilang segundo ang makalipas, nakarinig si Madeline ng panghahamak mula kay Eloise. "Kahit kamukha mo si Madeline Crawford,', Miss Vera. Umaasa ako na ititigil mo ang pagiging walang hiya gaya ng babaeng iyon!" Nang may nangmamaliit na tingin, umalis si Eloise sa tabi ni Madeline at bumalik kay Meredith. Naghawak-kamay ang 'mother-daughter' duo, mukhang mas malapit na sa isa't isa. Kinagat ni Mad