Dumapo kay Madeline ang lahat ng tingin sa sandaling bumaba siya ng kotse… Sa loob, nakasimangot si Jeremy. Isang malalim na tingin ang lumitaw sa kanyang nagyeyelong mata nang mainis siya kasi di sinasagot ni Madeline ang kanyang tawag. Nang bigla niyang naramdaman na may humila sa pantalon niya. Pagtingin niya sa baba, nakita niya ang walang ganang mukha ni Jackson. "Nasaan si Big Sis Vera? Wala pa ba siya?" Sabik ka sabik na si Jackson sa pagdating ni Madeline. Naramdaman ni Jeremy na ang layo ng puso niya nang titigan niya ang kanyang anak. Ang makita si Jackson ay laging nagpapaalala sa kanya kung paano niya sinira ang abo ng anak nilang dalawa ni Madeline. Bumilis ang tibog ng puso niya sa inis tuwing naaalala niya ang mga huling salita ni Msdeline nang jawakan nito ang kanyang kwelyo sa kanyang isipan. "Jack," Narinig ang boses ni Meredith. Humigpit ang pagkakahawak sa pantalon ni Jeremy nang maglaho ang liwanag sa kanyang mata. Bumitaw siya para tumakas para
Naging buwan ang mga mata ni Madeline sa nagulat na reaksyon ni Jeremy. "Anong problema Jeremy? Ako ito… si Madeline." "..." Madeline! Tumagos sa puso ni Jeremy ang pangalan na ito na parang isang matalim na kutsilyo at hindi siya makahinga. Kinurba ni Madeline ang sulok ng kanyang mga labi sa gulat na titig ni Jeremy. Lumapit siya. "Anong problema Mr. Whitman? Akala ko ba ikaw ang nagsabi sa akin na dumalo sa pagdiriwang ng anibersaryo bilang dati mong asawa?" Nabalot ng kanyang malambot na boses ang kumakabog na puso ni Jeremy na parang mahigpit ka lambat. Nang marinig ang sagot niya, naramdaman ni Jeremy na unti-unting kumalma ang puso niya. 'Ganun pala ha?' Habang nakatitig sa napakaganda nitong itsura, naramdaman niyang nalunod sa lungkot ang kanyang puso. Subalit, siniguro ni Jeremy na sarilinin ang damdaming ito. Mabilis siyang sumagot nang may malambing at mapang-akit na ngiti. "Nandito ka na." Ngumiti si Madeline. "Oo, nandito na ako." Ayaw na ni Mered
Ngumiti si Madeline. "Nakita mo ba mismo Mrs. Montgomery? Paano ka nakakasiguro na si Madeline Crawford ang walang hiyang babae tulad ng sinasabi mo?" "Syempre sigurado ako! Pinanood ko mismo gamit ng aking mara kung gaano kawalang hiya at walang awa si Madeline Crawford! Paulit-ulit niyang sinasaktan ang pinakamamahal kong anak at apo. Kamatayan ang pinakamagaang parusa para sa isang babaeng tulad niya!" Itinikas ni Eloise ang kanyang panga, nagbanggit ng mga salitang puno ng poot at pandidiri kay Madeline. Tila ba hindi sapat ang kamatayan para pagaanin ang poot sa kanyang puso. Ilang segundo ang makalipas, nakarinig si Madeline ng panghahamak mula kay Eloise. "Kahit kamukha mo si Madeline Crawford,', Miss Vera. Umaasa ako na ititigil mo ang pagiging walang hiya gaya ng babaeng iyon!" Nang may nangmamaliit na tingin, umalis si Eloise sa tabi ni Madeline at bumalik kay Meredith. Naghawak-kamay ang 'mother-daughter' duo, mukhang mas malapit na sa isa't isa. Kinagat ni Mad
Namutla si Tanner nang ituro niya si Madeline na kasalukuyang naghuhugas ng kamay. Sa gulat, gumapang siya habang nakahawak sa pader dahil tila ba nawalan ng lakas ang kanyang binti. Ito ang unang pagkakataon na dumalo siya sa ganito kagarbong pagdiriwang. Dahil dito, uminom siya nang marami para masulit ito. Sa ilalim ng epekto ng alak, lumutang sa paningin niya ang nakakahumaling na ngiti ni Madeline. Nagdoble ang mukha nito nang nagsimula itong lumapit sa kanya. Hindi siya makahinga! Sa sobrang takot na tignan siya sa mata, nagsimula siyang mabulol. "Mad-Madeline Crawford! Bakit ayaw mo akong tantanan? Ang taong hinahanap mo ay si Meredith! Di ako!" Nang makita si Tanner na nanginginig sa harapan niya, lumapit si Madeline nang tumutunog ang kanyang high heels habang nakangiti. "Tinatanong mo ako kung bakit ka minumulto ng espiritu ni Madeline? Sigurado akong alam na alam mo kung bakit." "Ah!" Tumakbo si Tanner papunta sa banyo ng lalaki, takot na takot. "Hindi ko alam!
'Ang magsimula ulit ay napakadaling sabihin kaysa gawin, Jeremy. 'Dahil ang lahat ng sakit ka pinaranas mo sa akin at sa lahat ng peklat at sugat na iniwan mo ay di kailanman mabubura! 'Ang katotohanang minahal kita ay nakaraan na. 'Poot na lang ang nararamdaman ko para sa'yo!' Sa sandaling iyon, lumapit si Eloise kasama si Meredith. "Mukhang masaya ka Old Master. Anong pinag-uusapan ninyo ng dalagang ito?" "Anong 'dalagang ito'? Si Madeline ito." Naiinis na idiniin ng old master. "Hindi, Lolo. Hindi ito si Madeline. Patay na si Madeline noong nakaraang tatlong taon pa. Ang babaeng ito ay si Miss Vera Quinn, sadyang kamukha lang niya si Madeline." Nakangiting ipinaliwanag ni Meredith, pagkatapos tumingin siya kay Jeremy. "Diba tama naman ako Jeremy?" Habang nakangiti, sigurado siya na lalapit si Jeremy para bulungan siya. Sa halip ay sumimangot ito sa inis. Nagalit ang old master, sumimangot nang titigan niya si Madeline. "Kalokohan! Siya si Madeline!" "Di talaga siya
Tanner Long! Ang hampaslupang yan! Paano siya nakapasok? Namuo ang pagkalito at pagkabahala sa sikmura ni Meredith. Tinuturo ni Tanner si Vera, sinasabing siya ay isang multo habang nanlalaki ang mga mata niya at balot ng takot ang kanyang mukha! Nangangahulugan lang ito na napgkamalan niyang si Madeline si Vera sa gulat. Ang magulat ay nangangahulugang baka may masabi siyang mga bagay na di niya dapat masabi! Subalit ngumisi si Madeline sa takot na sigaw ni Tanner. Mula sa sulok ng kanyang mga mata, pinanood niyang mabalot ng kaba ang mukha ni Meredith. Pagkatapos, nilapitan ni Madeline si Tanner nang mukhang naguguluhan. Nang magkatinginan sila ni Madeline, lalong lumaki ang takot ni Tanner nang magsimula siyang sumigaw. "Ah! I-ikaw nga… ikaw nga yan!" Kasabay ng epekto ng alak, naniwala siya na talagang minumulto siya ni Madeline! Dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa niya sa buhay niya, natural na maramdaman niya ang ganito kalaking pagkakasala. Tumaas an
Takot na takot si Tanner, namumutla ang kanyang mukha at nanlaki ang kanyang mga mata sa takot. "Umalis ka, Madeline! Wag mo na kong guluhin! Bi… Binayaran lang ako para gawin 'yon!" "Tanner Long!" Kaagad na pinutol ni Meredith ang kanyang sinasabi at kinakabahang tinawag ang mga bodyguard. "Dali, ilabas niyo ang taong 'yan!" Tinuro ng nanginginig na daliri ni Tanner si Meredith at hindi siya pinansin. "Madeline Crawford! Kung… Kung magmumulto ka para maghiganti, siya ang multuhin mo! Utos 'yon lahat ni Meredith!" Sa mga salita ni Tanner, pakiramdam ni Meredith ay nanlamig ang kanyang buong katawan. Habang nararamdaman ang pambihirang lamig na pumapalibot sa kanya, hindi niya maisip ekspresyon sa mukha ni Jeremy. "Anong nangyayari? Sino ang lalaking 'to? Anong ibig sabihin ng mga sinasabi niya?" Kaagad na lumapit si Mrs. Whitman para magtanong. Natatarantang binago ni Meredith ang usapan. "Mrs. Whitman! Siya si Tanner Long. Magkalaguyo sila dati ni Madeline. Sila rin ang
At ganoon na lamang ay naisiwalat ang katotohanan nang dahil sa mga sinabi ni Tanner. Kaagad na nagdilim ang ekspresyon sa mukha ni Jeremy habang nagliyab ang lagim sa kanyang mga mata. Sa kanyang galit, tinaas niya ang kanyang kamao at sinuntok ang pisngi ni Tanner. Tumalsik si Tanner ng ilang hakbang at tumumba. Nahilo siya sa lakas ng suntok nito. Nabasag ang mga baso at plato sa lapag nang tumama siya sa mahabang mesa sa kanyang likuran. Pero hindi huminto si Jeremy. Sa halip, hinila pa niya si Tanner para suntukin nang dalawang beses. Tumulo ang dugo mula sa gilid ng bibig ni Tanner habang nagulo ang kanyang mukha. Subalit, walang nagtangkang pigilan si Jeremy. Nakakatakot tignan ang lalaki sa sandaling iyon. Inisip ng lahat na kapag masyado silang lumapit ay mapapaso sila sa apoy ng galit na nakabalot sa kanya. Paulit-ulit na iniisip ni Jeremy na nagkamali siya sa nagdaang tatlong taon. Lalo na sa usapin tungkol sa kalinisan ni Madeline. Hindi niya maisantabi