'Ang magsimula ulit ay napakadaling sabihin kaysa gawin, Jeremy. 'Dahil ang lahat ng sakit ka pinaranas mo sa akin at sa lahat ng peklat at sugat na iniwan mo ay di kailanman mabubura! 'Ang katotohanang minahal kita ay nakaraan na. 'Poot na lang ang nararamdaman ko para sa'yo!' Sa sandaling iyon, lumapit si Eloise kasama si Meredith. "Mukhang masaya ka Old Master. Anong pinag-uusapan ninyo ng dalagang ito?" "Anong 'dalagang ito'? Si Madeline ito." Naiinis na idiniin ng old master. "Hindi, Lolo. Hindi ito si Madeline. Patay na si Madeline noong nakaraang tatlong taon pa. Ang babaeng ito ay si Miss Vera Quinn, sadyang kamukha lang niya si Madeline." Nakangiting ipinaliwanag ni Meredith, pagkatapos tumingin siya kay Jeremy. "Diba tama naman ako Jeremy?" Habang nakangiti, sigurado siya na lalapit si Jeremy para bulungan siya. Sa halip ay sumimangot ito sa inis. Nagalit ang old master, sumimangot nang titigan niya si Madeline. "Kalokohan! Siya si Madeline!" "Di talaga siya
Tanner Long! Ang hampaslupang yan! Paano siya nakapasok? Namuo ang pagkalito at pagkabahala sa sikmura ni Meredith. Tinuturo ni Tanner si Vera, sinasabing siya ay isang multo habang nanlalaki ang mga mata niya at balot ng takot ang kanyang mukha! Nangangahulugan lang ito na napgkamalan niyang si Madeline si Vera sa gulat. Ang magulat ay nangangahulugang baka may masabi siyang mga bagay na di niya dapat masabi! Subalit ngumisi si Madeline sa takot na sigaw ni Tanner. Mula sa sulok ng kanyang mga mata, pinanood niyang mabalot ng kaba ang mukha ni Meredith. Pagkatapos, nilapitan ni Madeline si Tanner nang mukhang naguguluhan. Nang magkatinginan sila ni Madeline, lalong lumaki ang takot ni Tanner nang magsimula siyang sumigaw. "Ah! I-ikaw nga… ikaw nga yan!" Kasabay ng epekto ng alak, naniwala siya na talagang minumulto siya ni Madeline! Dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa niya sa buhay niya, natural na maramdaman niya ang ganito kalaking pagkakasala. Tumaas an
Takot na takot si Tanner, namumutla ang kanyang mukha at nanlaki ang kanyang mga mata sa takot. "Umalis ka, Madeline! Wag mo na kong guluhin! Bi… Binayaran lang ako para gawin 'yon!" "Tanner Long!" Kaagad na pinutol ni Meredith ang kanyang sinasabi at kinakabahang tinawag ang mga bodyguard. "Dali, ilabas niyo ang taong 'yan!" Tinuro ng nanginginig na daliri ni Tanner si Meredith at hindi siya pinansin. "Madeline Crawford! Kung… Kung magmumulto ka para maghiganti, siya ang multuhin mo! Utos 'yon lahat ni Meredith!" Sa mga salita ni Tanner, pakiramdam ni Meredith ay nanlamig ang kanyang buong katawan. Habang nararamdaman ang pambihirang lamig na pumapalibot sa kanya, hindi niya maisip ekspresyon sa mukha ni Jeremy. "Anong nangyayari? Sino ang lalaking 'to? Anong ibig sabihin ng mga sinasabi niya?" Kaagad na lumapit si Mrs. Whitman para magtanong. Natatarantang binago ni Meredith ang usapan. "Mrs. Whitman! Siya si Tanner Long. Magkalaguyo sila dati ni Madeline. Sila rin ang
At ganoon na lamang ay naisiwalat ang katotohanan nang dahil sa mga sinabi ni Tanner. Kaagad na nagdilim ang ekspresyon sa mukha ni Jeremy habang nagliyab ang lagim sa kanyang mga mata. Sa kanyang galit, tinaas niya ang kanyang kamao at sinuntok ang pisngi ni Tanner. Tumalsik si Tanner ng ilang hakbang at tumumba. Nahilo siya sa lakas ng suntok nito. Nabasag ang mga baso at plato sa lapag nang tumama siya sa mahabang mesa sa kanyang likuran. Pero hindi huminto si Jeremy. Sa halip, hinila pa niya si Tanner para suntukin nang dalawang beses. Tumulo ang dugo mula sa gilid ng bibig ni Tanner habang nagulo ang kanyang mukha. Subalit, walang nagtangkang pigilan si Jeremy. Nakakatakot tignan ang lalaki sa sandaling iyon. Inisip ng lahat na kapag masyado silang lumapit ay mapapaso sila sa apoy ng galit na nakabalot sa kanya. Paulit-ulit na iniisip ni Jeremy na nagkamali siya sa nagdaang tatlong taon. Lalo na sa usapin tungkol sa kalinisan ni Madeline. Hindi niya maisantabi
Walang pakialam si Meredith sa iniisip ni Old Master Whitman. Ang importante para sa kanya ay ang kay Jeremy. Tumingin ang kanyang makislap na mga mata sa malamig na lalaki. "Naniniwala ka sa'kin, di ba, Jeremy?" Malambing ang tono ni Meredith habang inaabot niya ang kamay ni Jeremy, sinusubukan niyang papaniwalain siya. Sa halip, tanging isang malamig na titig na puno ng pagdududa ang lumapag sa mukha ni Meredith mula sa gilid ng kanyang mga mata. Naglakad siya papalayo nang hindi siya sinasagot. "Jeremy, Jeremy…" Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Meredith sa sakit habang pinapanood niya ang papalayong anyo ni Jeremy. Inalo siya ni Eloise sa simpatya. "Ayos lang 'yan, Meredith. Matalino si Jeremy. Sigurado ako na hindi siya naniniwala sa ganung kasinungalingan!" Tumango si Meredith at pinunasan ang kanyang mga luha. "Hahanapin ko siya." "Meredith." Malungkot na bumuntong-hininga si Eloise. Tinaas niya ang kanyang tingin at tinignan nang masama si Madeline. Sa kabila
Hindi niya maintindihan ang tingin ng mga mata ni Jeremy. Mahigpit niyang hinawakan ang manipis na braso ni Madeline, unti-unti niya itong hinihigpitan para hindi siya makawala. Hindi na niya muling bibitawan ang kanyang kamay. Hindi na… Kalmado lang si Madeline sa harapan ng pagdududa ni Jeremy. Ngumiti siya na para bang pinapakita ang kanyang inis. "Sa pagkakaalala ko, Mr. Whitman, nangako ka sakin na hindi mo na ako pagsuspetyahan na ako ang ex-wife mo na si Madeline Crawford." Nang marinig niya ang kanyang sagot, kaagad na nawala ang pag-asa sa mga mata ni Jeremy at unti-unting kumalma ang kamay niya na nakahawak kay Madeline. Binawi ni Madeline ang kanyang kamay at uminom ng champagne. "Sa totoo lang, nakakainis na palagi na lang akong tinatrato na isang patay na tao. Kung hindi lang ako takot sa sakit, baka nga binago ko na ang mukha ko." Biglang tumingin sa kanya si Jeremy. "Wag kang magparetoke." "Hmm?" Bahagyang tinaas ni Madeline ang kanyang mga kilay. Saglit
… Balak sana ni Meredith na gamitin ang magandang araw ng pagdiriwang ng 50th anniversary ng Whitman family at hiramin ang kapangyarihan ng media para itayo ang kanyang pagkatao pati na rin ang kanyang katayuan. Hindi niya inaasahan na sisirain ng paglitaw nina Tanner at Vera ang kanyang plano! Hindi lang iyon, mayroon ding ilang mga searches sa internet na hindi maganda para sa kanya. Nagawa na lang ni Meredith na humingi ng tulong kay Eloise para burahin ang mga searches na iyon. Kahit na napigilan ang mga opinyon ng publiko, hindi pa rin siya mapakali pagdating kay Jeremy. Hindi na nakita ni Meredith si Jeremy sa buong gabing nagdaan. Hindi niya rin matawagan ang kanyang phone na napaisip si Meredith kung blinock ba nito ang kanyang number. Sa kanyang pag-aalala na baka paniwalaan ni Jeremy ang mga sinabi ni Tanner, maagang nagpunta si Meredith sa villa ni Jeremy para hintayin siya. Pinili niya rin na hindi pumasok sa bahay. Naghintay lang siya sa may pintuan. Gising
Tapat na tumango si Meredith. "Jeremy, kahit ano pa ang itanong mo, sasagot ako ng tapat." "Sige." Nakatuon kay Meredith ang malalim at itim na mga mata ni Jeremy. "Nakita mo ba talaga na magkasama ang g*gong Tanner na 'yon at si Madeline?" "Oo! Nakita ko 'yun ng dalawang mata ko!" Hindi nag-isip si Meredith at sumagot. Unti-unting lumalim ang itim na mga mata ni Jeremy at mayroong matinding lamig sa walang hangganang mga matang iyon. Nang maramdaman ni Meredith na biglang bumigat ang hangin sa kanyang paligid ay nataranta siya, pero nagpumilit pa rin siya. "Jeremy, totoo ang mga sinabi ko! Jeremy, paniwalaan mo ko…" "Paniwalaan kita…" Inulit ni Jeremy ang dalawang salitang iyon habang napuno ng panghuhusga ang kanyang mga mata. "Ganyan din ang pagkakasabi niya sa'kin noon, gusto niya akong maniwala sa kanya." "Ano?" Tinignan ni Meredith ang hindi nangiti na si Jeremy. "Jeremy…" Bahagya niyang binuksan ang kanyang mga labi. "Binigyan na kita ng pagkakataon." Pagkatapo