At ganoon na lamang ay naisiwalat ang katotohanan nang dahil sa mga sinabi ni Tanner. Kaagad na nagdilim ang ekspresyon sa mukha ni Jeremy habang nagliyab ang lagim sa kanyang mga mata. Sa kanyang galit, tinaas niya ang kanyang kamao at sinuntok ang pisngi ni Tanner. Tumalsik si Tanner ng ilang hakbang at tumumba. Nahilo siya sa lakas ng suntok nito. Nabasag ang mga baso at plato sa lapag nang tumama siya sa mahabang mesa sa kanyang likuran. Pero hindi huminto si Jeremy. Sa halip, hinila pa niya si Tanner para suntukin nang dalawang beses. Tumulo ang dugo mula sa gilid ng bibig ni Tanner habang nagulo ang kanyang mukha. Subalit, walang nagtangkang pigilan si Jeremy. Nakakatakot tignan ang lalaki sa sandaling iyon. Inisip ng lahat na kapag masyado silang lumapit ay mapapaso sila sa apoy ng galit na nakabalot sa kanya. Paulit-ulit na iniisip ni Jeremy na nagkamali siya sa nagdaang tatlong taon. Lalo na sa usapin tungkol sa kalinisan ni Madeline. Hindi niya maisantabi
Walang pakialam si Meredith sa iniisip ni Old Master Whitman. Ang importante para sa kanya ay ang kay Jeremy. Tumingin ang kanyang makislap na mga mata sa malamig na lalaki. "Naniniwala ka sa'kin, di ba, Jeremy?" Malambing ang tono ni Meredith habang inaabot niya ang kamay ni Jeremy, sinusubukan niyang papaniwalain siya. Sa halip, tanging isang malamig na titig na puno ng pagdududa ang lumapag sa mukha ni Meredith mula sa gilid ng kanyang mga mata. Naglakad siya papalayo nang hindi siya sinasagot. "Jeremy, Jeremy…" Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Meredith sa sakit habang pinapanood niya ang papalayong anyo ni Jeremy. Inalo siya ni Eloise sa simpatya. "Ayos lang 'yan, Meredith. Matalino si Jeremy. Sigurado ako na hindi siya naniniwala sa ganung kasinungalingan!" Tumango si Meredith at pinunasan ang kanyang mga luha. "Hahanapin ko siya." "Meredith." Malungkot na bumuntong-hininga si Eloise. Tinaas niya ang kanyang tingin at tinignan nang masama si Madeline. Sa kabila
Hindi niya maintindihan ang tingin ng mga mata ni Jeremy. Mahigpit niyang hinawakan ang manipis na braso ni Madeline, unti-unti niya itong hinihigpitan para hindi siya makawala. Hindi na niya muling bibitawan ang kanyang kamay. Hindi na… Kalmado lang si Madeline sa harapan ng pagdududa ni Jeremy. Ngumiti siya na para bang pinapakita ang kanyang inis. "Sa pagkakaalala ko, Mr. Whitman, nangako ka sakin na hindi mo na ako pagsuspetyahan na ako ang ex-wife mo na si Madeline Crawford." Nang marinig niya ang kanyang sagot, kaagad na nawala ang pag-asa sa mga mata ni Jeremy at unti-unting kumalma ang kamay niya na nakahawak kay Madeline. Binawi ni Madeline ang kanyang kamay at uminom ng champagne. "Sa totoo lang, nakakainis na palagi na lang akong tinatrato na isang patay na tao. Kung hindi lang ako takot sa sakit, baka nga binago ko na ang mukha ko." Biglang tumingin sa kanya si Jeremy. "Wag kang magparetoke." "Hmm?" Bahagyang tinaas ni Madeline ang kanyang mga kilay. Saglit
… Balak sana ni Meredith na gamitin ang magandang araw ng pagdiriwang ng 50th anniversary ng Whitman family at hiramin ang kapangyarihan ng media para itayo ang kanyang pagkatao pati na rin ang kanyang katayuan. Hindi niya inaasahan na sisirain ng paglitaw nina Tanner at Vera ang kanyang plano! Hindi lang iyon, mayroon ding ilang mga searches sa internet na hindi maganda para sa kanya. Nagawa na lang ni Meredith na humingi ng tulong kay Eloise para burahin ang mga searches na iyon. Kahit na napigilan ang mga opinyon ng publiko, hindi pa rin siya mapakali pagdating kay Jeremy. Hindi na nakita ni Meredith si Jeremy sa buong gabing nagdaan. Hindi niya rin matawagan ang kanyang phone na napaisip si Meredith kung blinock ba nito ang kanyang number. Sa kanyang pag-aalala na baka paniwalaan ni Jeremy ang mga sinabi ni Tanner, maagang nagpunta si Meredith sa villa ni Jeremy para hintayin siya. Pinili niya rin na hindi pumasok sa bahay. Naghintay lang siya sa may pintuan. Gising
Tapat na tumango si Meredith. "Jeremy, kahit ano pa ang itanong mo, sasagot ako ng tapat." "Sige." Nakatuon kay Meredith ang malalim at itim na mga mata ni Jeremy. "Nakita mo ba talaga na magkasama ang g*gong Tanner na 'yon at si Madeline?" "Oo! Nakita ko 'yun ng dalawang mata ko!" Hindi nag-isip si Meredith at sumagot. Unti-unting lumalim ang itim na mga mata ni Jeremy at mayroong matinding lamig sa walang hangganang mga matang iyon. Nang maramdaman ni Meredith na biglang bumigat ang hangin sa kanyang paligid ay nataranta siya, pero nagpumilit pa rin siya. "Jeremy, totoo ang mga sinabi ko! Jeremy, paniwalaan mo ko…" "Paniwalaan kita…" Inulit ni Jeremy ang dalawang salitang iyon habang napuno ng panghuhusga ang kanyang mga mata. "Ganyan din ang pagkakasabi niya sa'kin noon, gusto niya akong maniwala sa kanya." "Ano?" Tinignan ni Meredith ang hindi nangiti na si Jeremy. "Jeremy…" Bahagya niyang binuksan ang kanyang mga labi. "Binigyan na kita ng pagkakataon." Pagkatapo
"Jeremy! Jeremy, paniwalaan mo ko! Di mo ko pwedeng iwan nang dahil lang sa sinabi ng baliw na Tanner na 'yun! Nakalimutan mo na ba yung mga araw na nandun tayo sa beach? Sabi mo ako ang pinakainosente at pinakamabait na babaeng nakilala mo! Sabi mo mananatili ka sa tabi ko at papakasalan mo ko, na palagi mo kong poprotektahan at pagkakatiwalaan habangbuhay. Jeremy, Jeremy, Jeremy!" Hindi naisip ni Meredith na hindi siya papansinin ni Jeremy hanggang sa puntong ito. Habang pinapanood na humaharurot ang sports car, pumadyak si Meredith sa galit. "P*ta ka, Madeline! Bakit di ka na lang mamatay nang payapa?!" Galit siyang tumalikod at pumasok sa villa. Nang makita niya si Jackson na dala ang kanyang school bag at palabas na, humakbang si Meredith habang inutusan ang kasambahay na bumili ng gulay. Silang dalawa lang ni Jackson ang natira sa bahay. Tinignan ni Jackson si Meredith, ang kanyang magaganda at itim na mga mata ay napuno ng pandidiri. Hawak ng kanyang maliliit na kamay
Tinignan ni Madeline ang mga mata na parang kasing lalim ng dagat sa kanyang harapan. "Anong problema?" "Sana tulungan mo kong malaman ang totoo," mahinang sabi ni Jeremy, ang kanyang malalalim na mata ay umaasa at nanunuyo. Pagkatapos makinig nang tahimik ni Madeline sa kung anong gustong ihingi ng tulong ni Jeremy ay nabigla siya. Nag-isip muna siya sandali bago tumango. "Sige, tutulungan kita.""Salamat." Pinasalamatan siya ni Jeremy. Sa sandaling ito, nakita ni Madeline ang isang maliit na ngiti mula sa mga mata ni Jeremy, pero nawala rin ito kaagad. Hindi inakala ni Madeline na babalik siya sa kanyang sarili. Dinala siya ni Jeremy sa isang beauty salon. Nakita ni Madeline na may pinakitang larawan si Jeremy sa stylist, at tumango ang stylist para ipakita ang kanyang pagkaintindi. Hindi alam ni Madeline kung anong larawan ang pinakita ni Jeremy sa stylist, pero nakita niya ang sarili niya sa salamin pagkatapos ng isang oras. Bumagay ang kanyang mahaba, maitim, at mad
Hindi pa rin siya ito. "Mabuti." Ngumiti si Madeline. "Narinig ko na ayaw na ayaw ni Mr. Whitman kay Madeline. Tatlong taon na siyang patay. Bakit tinabi mo pa rin ang damit niya sa kwarto mo?" Tinitigan ni Jeremy ang mukha ni Madeline nang marinig niya ang mga salitang iyon. "Paano mo nalaman na damit 'to ng ex-wife ko?" Kalmadong ngumiti si Madeline. "Napakasimpleng hula lang nito, hindi ba?" Nang marinig niya ang kanyang tanong ay ngumiti si Jeremy. "Tama ka." Kasabay nito, tinawagan ni Meredith si Tanner na kakalabas pa lang ng ospital. Walang nakuhang kahit na ano si Tanner kagabi pagkatapos niyang matakot sa biglaang paglitaw ng isang 'multo'. Binugbog rin siya nang matindi ni Jeremy hanggang sa matanggalan siya ng ngipin. Nawalan lang siya ng doble. Lumabas siya kaagad ng ospital sa oras na narinig niya na aabot ng libo-libong dolyar ang pagpapaayos ng kanyang ngipin. Saan siya kukuha ng ganoon karaming pera? Nang makatanggap siya ng tawag mula kay Meredith, paki