Share

Kabanata 193

"Hey, Jackie? Alam mo ba kung bakit one plus one ay equals to two?

"Bakit two apples plus one banana is equals three?

"Jackie, Jackie. Gusto mo ba ng mushrooms?"

Na para bang naging isang Libro ng mga Tanong, sunod-sunod na nagtanong si Lily kay Jackson habang kumikinang ang kanyang mga mata na puno ng buhay.

Limang taon pa lang si Jackson pero mukhang mas matanda siya mag-isip sa kanyang edad.

Seryoso niyang sinagot ang bawat isa sa mga tanong ni Lily. Uulitin niya ang kanyang mga sinabi kapag nagpakita ng pagkalito si Lily.

Sa una ay natatakot si Madeline na baka may mangyaring masama kung maging magkaibigan sina Lily at Jackson.

Pero nawala ang kanyang pag-aalala nang dahil sa eksena sa kanyang harapan, si Jackson ay parang isang maunawaing kuya na minamahal ang kanyang nakababatang kapatid nang walang humpay. Natunaw ang puso niya sa kanyang nakikita.

Ngunit, hindi nagtagal ang ngiti ni Madeline.

Mayroon rin sanang kapatid si Lilian na mamahalin siya kung buhay pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Marilyn Lacaba
nakakaiyak nman tu......
goodnovel comment avatar
Remedios Lising Tamon
next chapter pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status