All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 141 - Chapter 150

2479 Chapters

Kabanata 141

Naging mas malamig ang mukha ni Jeremy. "Madeline, sinasabi ko sayo na pirmahan mo ang mga papeles." "Di ko yan gagawin," sinabi ni Madeline habang may kakaibang kalmadong tono. Nakita ni Jeremy si Madeline na nakaupo sa harap niya habang walang kibo at nakatingin sa malayo ang mga mata nito. Di ito tumingin sa mata niya kahit isang beses. Naramdaman ni Jeremy na bumubugso ang galit sa kanyang dibdib. "Madeline, wag mong sinusubok ang pasensya ko. Alam mo ang magiging kapalit niyan." Nang harapan siya ng pagbabanta at pagbabala, walang takot sa mukha si Madeline. Sa halip ay ngumiti pa ito. "Jeremy, huling beses ko na itong sasabihin sayo. Di ko pipirmahan ang divorce papers mo. Kung gusto mong pakasalan si Meredith, sige lang. Pagkatapos hintayin mo na lang ako na kasuhan ka ng bigamy.""Madeline Crawford!" Galit na galit si Jeremy. "Huling beses na din kitang tatanungin. Pipirmahan mo ba o hindi?" "Hindi!" Matindig na sinabi ni Madeline. Nanlamig ang mukha ni Jeremy. Nan
last updateLast Updated : 2021-06-25
Read more

Kabanata 142

Pagkatapos niyang sabihin ito, nakaramdam si Madeline ng init sa likod ng kanyang kamay. Mahigpit na hinawakan ni Jeremy ang kanyang kamay at pwinersa siya na isulat ang kanyang pangalan na 'Madeline Crawford' sa huling pahina. Pangalan niya ito ngunit sulat-kamay ni Jeremy. Pagkatapos ni Jeremy, tinabig niya palayo ang kamay ni Madeline at kinuha ang mga papeles. Tinignan niya ang pangalan sa papel at nakaramdam siya ng pagkabahala sa kanyang puso. Di lang siya hindi mapanatag, nakaramdam din siya ng matinding bigat na dumidiin sa kanya. Tumingin siya sa baba at tinignan si Madeline na nasa sahig pa rin. Maputla ang mukha niya at may luha sa kanyang mga mata. Bukod pa dito, may dugo sa labi niya na tila ba kinagat niya nang malakas ang kanyang labi. Balisa at nakakaawa siyang tingnan. Sumimangot si Jeremy. "Madeline, may hiling ka ba?" "500,000 dollars," walang alinlangan sagot ni Madeline. Pagkatapos marinig ni Jeremy ito, nanghahamak siyang nangutya. "Mukhang handa ka
last updateLast Updated : 2021-06-25
Read more

Kabanata 143

Hinigpitan ni Jeremy lalo ang hawak sa manibela. Nagsimula siyang maghinala kung may problema ba sa mata niya. Subalit, halatang si Madeline ang may problema sa mga mata nito. Bulag siya. Talagang bulag siya. Di siya nagbibiro noong sinabi niya na nahihirapan siyang pirmahan ang divorce paper. Totoo iyon. Subalit, maayos naman siya kanina. Bakit bulag na siya ngayon? Nanood si Jeremy habang gumagapang si Madeline sa lapag na may hinahanap at lumuluha. Pakiramdam niya na kakapusin siya ng hininga. Bumibigat ang niyebe at nagsimula na ding bumuhos ang ulan. Umalis na ang mga tao sa paligid niya, at nawalan ng tao ang kalye. Subalit, may hinahanap pa rin si Madeline. Umiiyak siya. Labis siyang nababahala, mukhang isang batang nawalan ng paborito nitong laruan. Malungkot na lumabas ng kotse si Jeremy. Unti-unti siyang lumapit kay Madeline at kakaiba ang bigat ng mga hakbang niya. Subalit, di nito napansin ang presensya niya. Nasa lapag pa rin ang payat nitong katawan ha
last updateLast Updated : 2021-06-26
Read more

Kabanata 144

Nang marinig ang boses niya, inilayo ni Jeremy ang kanyang kamay. Sa isang iglap, wala nang hawak ang kamay ni Meredith nang huminto ang saya sa mukha niya. Kasunod nito ay gumuho ang ekspresyon niya. Tinignan ng lahat ang pinanggalingan ng boses at nakita ang isang maliit na katawan. Ito ay si Madeline. Suot niya ang isang simple at eleganteng bestida. May kaunting makeup siya sa kanyang mukha. Sa kabila ng mga peklat sa kanyang mukha, maganda pa rin siya at parang lumabas siya sa isang larawan. Natukoy ng lahat na ito ay si Madeline. Siya ang dating asawa ni Jeremy. Subalit walang nakakahalata na bulag siya. Pinilit niya ang kanyang sarili na maglakad papunta sa destinasyon niya. Sinasalubong na ng katawan niya ang yakap ni kamatayan, ngunit naglalakad siya sa kabila ng hirap. Pinanood ni Jeremy si Madeline na dahan-dahang lumapit sa kanya. Pinipilit niya na tumingin sa kga mata ni Madeline, ngunit walang pokus sa mga kata nito. Di na niya mahahanap ang nag-aapoy na pag
last updateLast Updated : 2021-06-26
Read more

Kabanata 145

Ibinato ni Meredith ang kanyang boquet at nagmadaling tumakbo sa harapan ni Madeline. Nagsimula siyang humagulhol, at natural, may kaawa-awa siyang maskara sa kanyang mukha. "Maddie, ngayon ang engagement party namin ni Jeremy. Alam kong ayaw mo sa akin, ngunit sana wala kang gawing kahit ano para saktan ang taong mahal ko." "Madeline, ngayon ang engagement party ng aking anak at manugang. Kung ayaw mong mapahamak, umalis ka na!" Binalaan siya ni Sean nang may matigas na boses, gusto siyang itaboy. "Madeline, para mabuhay pa ang isang walang pusong babaeng tulad mo… Sineswerte ka na talaga. Layas! Kung hindi, pagsisisihan mo ito!" Banta ni Eloise. Labis na nadurog ang puso ni Madeline. Ngunit kalmado pa rin ang mukha niya. Mahinahon siyang ngumiti at sinabi, "Alam mo po ba kung paano basahin ang aking kapalaran, Mrs. Montgomery? Talagang nahirapan akong mabuhay hanggang ngayon." Nang marinig iyon ni Jeremy, pakiramdam nuya na ang ngiti sa mukha ni Madeline ay natatangi ang ni
last updateLast Updated : 2021-06-26
Read more

Kabanata 146

"Madeline!" Mabilis at nag-aalalang tumakbo si Jeremy papunta kay Madeline. Hindi niya alam kung gaano katinding takot ang nasa kanyang puso nang sinigaw niya ang pangalan ni Madeline. Hawak ni Jeremy ang nanginginig na katawan ni Madeline. Bumigay ang kanyang mga binti habang sumandal siya sa pader para pilitin ang kanyang sarili na makatayo. Subalit kahit na anong gawin niya ay hindi niya ito magawa. Kahit ang kanyang malay ay nagsisimula nang manlabo at mawala. Habang tinititigan ang nakakakilabot na dugo sa mga labi ni Madeline, tumalon ang puso ni Jeremy kasabay ng isang takot na kahit kailan ay hindi pa niya naramdaman. "Jeremy!" Tumakbo si Meredith habang tinitignan si Madeline na nasa bingit na ng kamatayan. Syempre, wala siyang pakialam, pero hindi siya natutuwa sa kung paano tinatrato ni Jeremy si Madeline ngayon. "Jeremy, naghihintay ang mga guest. Paano mo nagawang iwanan si Mer para habulin ang babaeng yan?" Lumapit din si Eloise. Nandidiri niyang tinignan si
last updateLast Updated : 2021-06-27
Read more

Kabanata 147

"Lumayas ka! 'Wag mo siyang hawakan!" Biglang sumigaw si Jeremy. Tumakbo siya papalabas at dinala si Madeline sa tabi ng kalsada bago nagtawag ng taksi. Natulala si Ava ng ilang segundo bago tumakbo papunta sa kanila. Nagmadali ring tumakbo palabas sina Meredith at Eloise. Wala silang oras para pigilan si Jeremy nang makita nila siyang papasok na ng isang taksi kasama si Madeline. Tinikom ni Ava ang kanyang kamao at nagngitngit ang kanyang ngipin. Hindi siya masyadong nag-isip bago sila hinabol. Umilaw ang ilaw ng emergency room habang tahimik na nakaupo si Jeremy sa upuan ng waiting room. Walang emosyon ang kanyang mukha. Nananatili pa rin sa kanyang mga braso ang init at amoy ni Madeline. Subalit, ang kanyang puting damit ay namantsahan ng dugo na kanyang sinuka. Napakaraming dugo nito at hindi ito kaaya-ayang tignan. Pinikit niya ang kanyang nga mata, napuno ang kanyang utak ng mga salitang sinabi ni Madeline bago niya pinikit ang kanyang mga mata. "Jeremy Whitman, n
last updateLast Updated : 2021-06-27
Read more

Kabanata 148

Sabi nang nars habang inabot ang notice of critical illness. Lumapag sa kamay ni Jeremy ang magaan na piraso ng papel, pero pakiramdam niya ay isa itong mabigat na batong dumagan sa kanya. Hindi siya komportable sa hindi nakikitang bigat nito. Notice of critical illness… Aalis na ba siya sa mundong ito at sa kanyang paningin? Hindi niya ito hahayaang mangyari! "Jeremy, ngayon na humantong tayo sa puntong ito, pirmahan mo na ang notice at mapayapa mo nang pakawalan si Maddie." Lumapit si Meredith at pinayuhan siya habang hawak ang kanyang braso. Subalit, tinulak siya ni Jeremy at nilukot ang notice of critical illness. Namumula ang kanyang mga mata. "Anong notice of critical illness? Ayos lang naman siya nitong nakaraan ah. Paanong biglang magiging kritikal ang kondisyon niya? Kailangan mo siyang iligtas. Kung may mangyari sa kanya, 'wag mo nang isipin na mapapatakbo mo pa ang ospital na ito kahit na kailan!" Nagsimulang manginig ang nars nang makita niya ang nakakapangila
last updateLast Updated : 2021-06-27
Read more

Kabanata 149

Paanong nangyari ito? Wala siyang pakialam sa kanya. Kahit kailan ay wala siyang pakialam sa kanya. Patuloy na pinapapaniwala ni Jeremy ang kanyang sarili habang pinipigilan ang kanyang emosyon. Subalit, pinilit siya ng matinding sakit sa kanyang puso na tanggapin ang katotohanan na hindi na niya maitatanggi.Nahulog na siya para kay Madeline. Hindi niya alam kung kailan ito nagsimula, pero marahan na nanirahan si Madeline sa kanyang puso.Naalala niya na mahal niya si Meredith. Minahal niya si Meredith na pinangakuan niya noong mga bata pa sila. Bakit sa halip ay naging si Madeline ang taong ito? Minasahe ni Jeremy ang kanyang sentido, hindi siya mapakali. Ang kanyang mga mata ay nakatitig sa ilaw ng operating theatre na hanggang ngayon ay umiilaw pa rin. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng isang importanteng bagay sa kumunoy ng kanyang alaala at hindi na ito mababawi pang muli. Isang buong araw na ang dumaan at hindi pa rin namamatay ang ilaw sa operating theatre. Hindi
last updateLast Updated : 2021-06-28
Read more

Kabanata 150

Kaagad na nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Jeremy. Sobrang nanlaki ang kanyang mga mata na para bang malalaglag ang mga ito mula sa kanyang mga talukap. "Anong ibig sabihin niyo sa ginawa niyo ang lahat?" Tanong niya. Iyon ang mga salita na ayaw marinig ng kahit na sinong kamag-anak. Tumingin sa kanyang ang doktor at bumuntong hininga. "Isang himala na na nagawa pang mabuhay ng pasyente hanggang sa araw na ito. Nakikiramay ako." Hindi niya matatanggap ang resultang ito kahit na anong mangyari. Gusto niyang mabuhay si Madeline. Gusto niyang mabuhay si Madeline para marinig niya ang katotohanan na kanyang sasabihin. "Tinignan ko ang pasyenteng ito tatlong taon na ang nakakaraan. Noong panahong iyon, buntis siya at sinabihan ko siya na ipalaglag ang bata. Pero pinagpilitan niya na gusto niyang ipanganak ang bata. Sa tingin ko ay mas importante ang bata para sa kanya kumpara sa kanyang buhay. Ngayon na wala na siya, mabubuhay ang bata para sa kanya. Sa tingin ko ay isa na i
last updateLast Updated : 2021-06-28
Read more
PREV
1
...
1314151617
...
248
DMCA.com Protection Status