"Lumayas ka! 'Wag mo siyang hawakan!" Biglang sumigaw si Jeremy. Tumakbo siya papalabas at dinala si Madeline sa tabi ng kalsada bago nagtawag ng taksi. Natulala si Ava ng ilang segundo bago tumakbo papunta sa kanila. Nagmadali ring tumakbo palabas sina Meredith at Eloise. Wala silang oras para pigilan si Jeremy nang makita nila siyang papasok na ng isang taksi kasama si Madeline. Tinikom ni Ava ang kanyang kamao at nagngitngit ang kanyang ngipin. Hindi siya masyadong nag-isip bago sila hinabol. Umilaw ang ilaw ng emergency room habang tahimik na nakaupo si Jeremy sa upuan ng waiting room. Walang emosyon ang kanyang mukha. Nananatili pa rin sa kanyang mga braso ang init at amoy ni Madeline. Subalit, ang kanyang puting damit ay namantsahan ng dugo na kanyang sinuka. Napakaraming dugo nito at hindi ito kaaya-ayang tignan. Pinikit niya ang kanyang nga mata, napuno ang kanyang utak ng mga salitang sinabi ni Madeline bago niya pinikit ang kanyang mga mata. "Jeremy Whitman, n
Sabi nang nars habang inabot ang notice of critical illness. Lumapag sa kamay ni Jeremy ang magaan na piraso ng papel, pero pakiramdam niya ay isa itong mabigat na batong dumagan sa kanya. Hindi siya komportable sa hindi nakikitang bigat nito. Notice of critical illness… Aalis na ba siya sa mundong ito at sa kanyang paningin? Hindi niya ito hahayaang mangyari! "Jeremy, ngayon na humantong tayo sa puntong ito, pirmahan mo na ang notice at mapayapa mo nang pakawalan si Maddie." Lumapit si Meredith at pinayuhan siya habang hawak ang kanyang braso. Subalit, tinulak siya ni Jeremy at nilukot ang notice of critical illness. Namumula ang kanyang mga mata. "Anong notice of critical illness? Ayos lang naman siya nitong nakaraan ah. Paanong biglang magiging kritikal ang kondisyon niya? Kailangan mo siyang iligtas. Kung may mangyari sa kanya, 'wag mo nang isipin na mapapatakbo mo pa ang ospital na ito kahit na kailan!" Nagsimulang manginig ang nars nang makita niya ang nakakapangila
Paanong nangyari ito? Wala siyang pakialam sa kanya. Kahit kailan ay wala siyang pakialam sa kanya. Patuloy na pinapapaniwala ni Jeremy ang kanyang sarili habang pinipigilan ang kanyang emosyon. Subalit, pinilit siya ng matinding sakit sa kanyang puso na tanggapin ang katotohanan na hindi na niya maitatanggi.Nahulog na siya para kay Madeline. Hindi niya alam kung kailan ito nagsimula, pero marahan na nanirahan si Madeline sa kanyang puso.Naalala niya na mahal niya si Meredith. Minahal niya si Meredith na pinangakuan niya noong mga bata pa sila. Bakit sa halip ay naging si Madeline ang taong ito? Minasahe ni Jeremy ang kanyang sentido, hindi siya mapakali. Ang kanyang mga mata ay nakatitig sa ilaw ng operating theatre na hanggang ngayon ay umiilaw pa rin. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng isang importanteng bagay sa kumunoy ng kanyang alaala at hindi na ito mababawi pang muli. Isang buong araw na ang dumaan at hindi pa rin namamatay ang ilaw sa operating theatre. Hindi
Kaagad na nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Jeremy. Sobrang nanlaki ang kanyang mga mata na para bang malalaglag ang mga ito mula sa kanyang mga talukap. "Anong ibig sabihin niyo sa ginawa niyo ang lahat?" Tanong niya. Iyon ang mga salita na ayaw marinig ng kahit na sinong kamag-anak. Tumingin sa kanyang ang doktor at bumuntong hininga. "Isang himala na na nagawa pang mabuhay ng pasyente hanggang sa araw na ito. Nakikiramay ako." Hindi niya matatanggap ang resultang ito kahit na anong mangyari. Gusto niyang mabuhay si Madeline. Gusto niyang mabuhay si Madeline para marinig niya ang katotohanan na kanyang sasabihin. "Tinignan ko ang pasyenteng ito tatlong taon na ang nakakaraan. Noong panahong iyon, buntis siya at sinabihan ko siya na ipalaglag ang bata. Pero pinagpilitan niya na gusto niyang ipanganak ang bata. Sa tingin ko ay mas importante ang bata para sa kanya kumpara sa kanyang buhay. Ngayon na wala na siya, mabubuhay ang bata para sa kanya. Sa tingin ko ay isa na i
Galit na galit na sumigaw si Jeremy, dahilan para mabilis na tumalikod at mapatakbo sa takot si Meredith. Wala nang nangahas na pumasok sa kwarto. Wala ding nakakaintindi kung bakit ganito ang inaasal ni Jeremy. Alam ng lahat ng nasa Glendale na mahal ni Jeremy si Meredith, pero ngayon, ayaw niyang pakawalan ang katawan ng yumao niyang ex-wife. Anong nangyayari? Nalaman ni Daniel ang tungkol sa pagkamatay ni Madeline mula kay Adam. Agad siyang pumunta sa ospital sa sandaling marinig niya ang balita ngunit pinigilan siya sa labas ng operating room. Nakipaglaban muna siya sandali sa mga bodyguard ni Jeremy. Pagkatapos ay bumukas ang pinto at lumabas si Jeremy. Nang makita niya si Jeremy, tinakasan ni Daniel ang mga bodyguard at tumakbo patungo sa lalaki. "Mamamatay-tao ka Jeremy! Pinatay mo si Maddie!" Sigaw niya kasabay ng pagsuntok niya kay Jeremy. Sinalo ni Jeremy ang kamay ni Daniel at tinignan niya siya Daniel gamit ang namumula niyang mga mata. "Ang sabi ko, walang pw
Ang gaan pakinggan ng limang salitang sinabi niya. Tila ba parang naubos na niya ang lahat ng enerhiya sa kanyang katawan. "Di ko na ibibigay si Madeline sa iyo Jeremy! Ang makilala ka ang pinakamalaking kamalasang nangyari kay Madeline. Makukuntento ka lang ba kapag nadurog mo na ang mga buto niya?" Nang pakinggan niya ang mga bintang ni Ava, naramdaman ni Jeremy na pumipintig ang kanyang sentido. Iniabot niya ang kanyang kamay at ang tono niya ay pirmi. "Ibigay mo siya sa akin!" "Hindi! Mas gusto ko pang mamatay kaysa ibigay si Maddie sa iyo!" Nang makita ni Jeremy na ayaw ibigay ni Ava sa kanya ang abo ni Madeline, pakiramdam niya na sasabog na siya. Inabot niya ito para hablutin, at syempre, nakuha niya ito. Dinala niya ang mga abo ni Madeline at tumakbo papunta sa kotse. Narinig niya ang pagmumura ni Ava sa likuran niya, kaya kaagad niyang pinaharurot. Pagkatapos ay umalis siya sa eksena na parang isang magnanakaw. Mula pa noong bata siya, nakukuha lagi ni Jeremy ang
Matagal na niyang iniisip araw-araw na pakasalan si Jeremy para maging siya ang tunay na Mrs. Whitman. Subalit, tatlong taon na ang nagdaan ngunit hindi man nagbago ang kanilang relasyon. Tatlong taon na ang nakalipas at hindi na siya makapaghintay. … Isa itong maliwanag at maaraw na hapon. Isang nakakatuwang batang babae ang nakahawak sa palda ng isang binibini sa Glendale Airport. "Mommy, Mommy, nagugutom ako." Lumingon ang babae nang marinig niya iyon. Nagwagayway ang mahabang buhok niya nang lumingon siya. Isang maamong ngiti ang makikita sa kanyang napakagandang mukha. Dinampot niya ang batang babae na mukhang duwende. "Papakainin kita ng masarap mamaya." Nagsimula siyang maglakad matapos niyang kargahin ang bata. Isang elegante at matatag na aura ang sumunod sa kanya na parang anino niya. Habang naglalakad, nakakuha siya ng maraming papuri at mga titig sa kanyang ganda at katawan. Nang makahanap sila ng lugar na tutuluyan, inilabas niya ang batang babae. "Mommy,
Sumenyas si Madeline na huwag maingay at kaagad na naunawaan ng batang babae. Itinikom nito ang ang kanyang bibig. Sa isang tabi, mapkalungkot ni Meredith na hawak mi Jeremy ang isang batang babae. Subalit, alam niya na hindi niya ito pwedeng ipakita. "Jeremy, kaninong anak ito? Bakit kanina mo pa siya hawak? Hinihintay tayo ni Jack sa labas. Tara na." Tinignan niya si Jeremy ng nakangiti, pero pagkatapos ay inirapan niya si Lilian na hawak ni Jeremy. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang maliit na ito. Kahawig pa nito ang hampaslupang si Madeline! "Mauna na kayo ni Jack. Hihintayin ko ang magulang ng batang 'to," malamig na sagot ni Jeremy. Sa sandaling iyon bumaling ang tingin niya kay Lilian. Sa di maipaliwanag na dahilan, nakaramdam siya ng koneksyon kay Lilian. Nagawa na sa wakas ni Meredith na ilabas si Jeremy gamit si Jackson. Hindi niya inakalang ganito kalamig ang magiging trato sa kanya. Hindi niya mailabas ang kanyang galit, kaya tumalikod na lamang siya hab