All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 171 - Chapter 180

2479 Chapters

Kabanata 171

Katatawag lang sa kanya ni Meredith kanina, at agresibo ang tono niya noong magkausap sila. Paano siya biglang malulungkot at mukhang gagawa ng kung anong katangahan? Subalit, nakita niya na seryoso ang mukha ni Jeremy. Tila naniwala siya sa narinig niya at nag-aalala na siya sa kaligtasan ni Meredith. "Kung busy ka Mr. Whitman, bababa na lang ako ngayon." Tumingin si Jeremy kay Madeline, tila nag-aalinlangan siya. Ilang sandali pa ang lumipas bago niya ihininto ang kotse. Bumaba ng kotse si Madeline at kumaway kay Jeremy. "Mr. Whitman, sa susunod na lang." Pagkatapos nun, tumalikod siya at umalis. Hindi agad umalis si Jeremy at tiningnan niya sa kanyang rearview mirror si Madeline na naglalakad palayo habang nagpapaulit-ulit sa isip niya ang nangyari kanina. Bakit nagmadali siyang abutin si Vera kanina? Malinaw ang sagot sa kanyang puso. Saka lamang lumingon si Madeline nang marinig niyang umandar ang kotse ni Jeremy. Agad siyang tumawag ng taxi para sundan ang kotse
Read more

Kabanata 172

Sumakay ng isang taxi si Madeline at umalis. Habang tinitingnan niya ang mga karatula sa daan, masakit sa mata niya ang mga salitang 'April Hill'. Pakiramdam niya ay nadungisan ang malinis niyang puso. Napakadumi. Noong makahabol si Jeremy, hindi niya nakita si Madeline at tanging isang sasakyan lamang na dumadaan sa kalsada ng April Hill ang nakita niya sa malayo. Muling sumama ang loob niya, naglaho ang damdamin niya sa kailaliman ng dagat na kalapit ng April Hill. 'Wala na siya.' 'Iniwan na niya ako tatlong taon na ang nakakaraan.' Muli niyang pinaalalahanan ang sarili niya, ngunit kahit kailan ay hindi naman niya tinanggap ang katotohanang iyon. "Jeremy, anong problema?" Nagmadali si Meredith na sundan si Jeremy, hindi niya maintindihan ang mga kinikilos at ekspresyon ni Jeremy. Tiningnan siya ni Jeremy, tila walang emosyon ang kanyang boses. "Sumakay ka na." Nagmadaling sumakay sa kotse si Meredith. Tapos na ang palabas niya, at balak niyang samantalahin ang pa
Read more

Kabanata 173

Ang nanay niya… Hindi, nanay siya ni Meredith. Tinawanan ni Madeline ang sarili niya, napuno ng mga alaala ng pagsampal sa kanya nila Eloise at Sean ang kanyang isipan. Naalala pa nga niya yung huling sipa sa kanya ni Sean na naging dahilan ng pagsuka niya ng dugo. Hindi sila tumingin sa kanya hanggang sa huli. Napakahigpit ng hawak ni Madeline sa pinto, at sa mga sandaling iyon, nilabas ni Eloise ang phone niya para tawagan si Meredith. "Mer, labas ka na. Dadalhin kita sa spa mamaya, pagkatapos pwede tayong maghanap ng isusuot mo. Birthday mo na bukas, at magpopropose na din sayo si Jeremy. Gusto kong masiguro na ikaw ang pinakamaganda bukas. Gagawin kitang pinakamagandang prinsesa sa buong mundo. Dear, ikaw pa rin ang pinakamamahal kong anak."Prinsesa? Pinakamamahal na anak? Ah.Gustong tumawa ni Madeline nang marinig niya ang lahat ng iyon. Ayaw na niyang marinig pa ang mga sasabihin ni Eloise. Pagtalikod niya, hindi niya napansin ang isang empleyado niya na may d
Read more

Kabanata 174

Mukhang nahihiya si Meredith habang hinihintay niya ang sagot ni Jeremy. Masaya siya sa nangyayari. Hindi niya inakala na habang sumisigaw ang lahat na magpropose na si Jeremy, maririnig niya ang boses ng taong kinaiinisan niya. Nanlamig ang ngiti sa mukha ni Meredith habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin sa sobrang sama ng loob niya. "Bakit siya nandito?!" Ang sabi ni Meredith. Agad na lumingon si Jeremy noong marinig niya ang boses ni Madeline, at sumalubong sa kanya ang mukha ng babaeng gabi-gabi niyang napapanaginipan. Kasunod nito, lumingon din ang lahat ng tao sa direksyon kung saan nagmula ang boses. Isang elegante at magandang babae ang nakita nila, ngunit nang tingnan nila siya ng maigi, nanlaki ang mga mata nila Eloise at Sean sa pagkagulat!"Ikaw… Madeline?! Paanong… Paanong nangyari 'to?" Namutla ang mukha ni Eloise, halatang napaatras siya sa takot. Kung wala si Sean sa tabi niya, baka nawalan na siya ng malay sa sobrang pagkagulat. Sumulpot ang isang pat
Read more

Kabanata 175

Agad na sinira ng mga sumunod na salita ni Madeline ang kasiyahan ni Meredith. "Oo, yung nanay mo ang tinutukoy ko." "Ano?" Nagmistulang nasampal sa mukha si Meredith. "Anong kinalaman nito sa Mom ko?" "Kahapon kasi, pumunta yung nanay mo sa shop ko para bumili ng dalawang set ng jewelry para sayo." Mahinahong nagpaliwanag si Madeline. Sa wakas ay naintindihan na ni Meredith ang nangyayari, kaso naglaho na ang ngiti sa kanyang mga labi dahil dito. Habang pinapanood nila ang nangyayari, nagkapalitan ng tingin sila Eloise at Sean. "Anong tawag ni Meredith kay Madeline? Ms. Quinn?" Puno rin ng pagdududa si Sean, hindi niya alam kung ano nang nangyayari. Noong sandaling hinarap ni Madeline si Meredith, agad silang lumapit dahil natatakot sila na baka may gawin si Madeline kay Meredith. Habang palapit sila, narinig nila na sinabi ni Jeremy kay Madeline na, "Tutal nandito ka na, pumasok ka na at kumain ka." "Hindi! Bakit namin papapasukin yung babaeng yan sa pamamahay namin?!"
Read more

Kabanata 176

Gusto itong tanggihan ni Meredith, ngunit kailangan niyang panatilihin ang mahinhin niyang imahe, kaya nakangiti niyang tinanggap ang regalo ni Madeline. "Salamat." Pagkatapos nito, hinila niya sa manggas si Jeremy "Jeremy, tara na. Di natin dapat paghintayin ang ibang mga bisita." "Tama, mauna na kayong dalawa." Udyok ni Eloise at Sean, puno ng saya ang kanilang mukha. "Gamitin niyo ang masayang okasyon ngayon at dalian niyong pumili ng araw para sa kasal niyo." Nahihiyang ngumiti si Meredith kay Jeremy. "Jeremy, sa wakas mapapakasalan na kita at magiging asawa na rin kita." Habang nakatingin sa nakangiting si Meredith, mahinhin din silag nginitian ni Madeline. Pagbalik nila sa hardin, ilang mga titig ang nakatuon kay Madeline, lahat ng ito ay sinusubukang hulaan ang kanyang estado at pinagmulan. Nang maramdaman ang atensyon nila kay Madeline, nagsimulang malungkot si Meredith. Nang makita na mukhang ayaw pa ni Jeremy na magpakasal, nabahala si Meredith. Nakakahiya kung
Read more

Kabanata 177

Nang tingnan ang kanyang suot, hindi siya mukhang tigasilbi ng mga Montgomery at di rin siya mukhang isang panauhin, kaya sino siya? Walang pagkakataon si Madeline na pag-isipan ito. Nagmadali siyang umakyat nang makita niyang nagpupunas ng luha ang babae at naghahanda nang umalis. Bago pa niya malutas ang misteryo sa kanyang isipan, narinig ni Madeline ang boses ni Meredith na nagmumula sa isa sa mga kwarto. Naglakad siya patungo sa kwarto at tumayo sa labas. Di niya alam paano ito nagawa ni Meredith, pero narinig niya ang boses nitong sumigaw sa tuwa, "Jeremy, napakasaya ko. Ang mapangasawa ka ang pinakahinihiling ko!" Tila ba talagang papakasalan na ni Jeremy si Meredith, at ikakasal na rin sila kaagad. "Sisiguraduhin kong tutuparin ko ang mga pangako ko." Sumunod ang boses ni Jeremy, parang isang taong laging tinutupad ang kanyang mga pangako. Pakiramdam ni Madeline na gumagasgas sa taenga niya ang mga salitang iyon. 'Jeremy, kailan mo ba tinupad ang mga pangako mo sa a
Read more

Kabanata 178

Tinaasan ni Meredith ang kanyang boses. Ito siguro ang unang pagkakataong ganito siyang nagwala sa harapan ni Jeremy. Marahas niyang hinila si Madeline na hawak ni Jeremy habang sumisigaw. "Vera Quinn! Alam kong di maganda ang pakay mo. Bibigyan ako ng regalo? Malinaw na inaakit mo si Jeremy!" Medyo naiirita si Madeline sa matinis na boses ni Meredith. Kung di dahil sa plano niya, baka sinampal na niya si Meredith. Subalit hindi ito ginawa ni Madeline at sa halip ay kumunot ang noo niya habang nagpapanggap na nahihilo. "Nagkakamali ka Miss Crawford." "Hindi ako nagkakamali! Nakita ko mismo! Ikaw bruha ka!" Nang sumigaw si Meredith, napagpasyahan niyang ihampas ang kanyang palad sa mukha ni Madeline. Pak! Hindi tumama ang palad ni Meredith. Sa halip, hinawakan ito nang mahigpit ni Jeremy. Galit na tumingin si Jeremy kay Meredith. "Tinutulungan ko lang siyang tumayo. Kailangan mo ba siyang sigawa nang ganyan?" Napakalamig ng boses niya na halos maiyak si Meredith nang mar
Read more

Kabanata 179

Kahit na puno ng galit ang mga mata niya, nagawa pa rin ni Meredith na mapanatili ang maskara niya nang mahinhin siyang ngumiti. "Patawad Miss Quinn. Mahal na mahal ko lang talaga ang nobyo ko at nagalit ako. Sana ayos lang sa iyo." Ngumiti pabalik si Madeline. "Nakikita ko kung gaano mo kamahal si Mr. Whitman. Nauunawaan ko ang nararamdaman ko. Lagi din akong nagseselos kapag masyadong malapit sa ibang babae ang boyfriend ko." Nang marinig iyon, nakaramdam si Madeline ng biglang pagbabago sa mga titig ni Jeremy at Meredith. "Miss Quinn, may boyfriend ka?" Medyo nabawi ni Meredith ang ngiti niya. Mahinhin na tumawa si Madeline. "Oo." Bahagya siyang tumango, nagpanggap na aksidenteng nakatinginan si Jeremy. Nang makita na nakatuon pa rin kay Madeline ang titig ni Jeremy, nagmamadaling inilihis ni Meredith ang usapan. "May boyfriend pala si Miss Quinn. Bakit di mo siya papuntahin dito para magkakilala kami." "Pansalamantala siyang wala sa Glendale pero tiyak na ipapakilala
Read more

Kabanata 180

Nanginginig ang boses ni Meredith nang sabihin niya, "Jeremy wag kang umalis. Saan ka pupunta? Ang kasal natin-" "Wala pa akong gana ngayon." Walang bahalang sumagot si Jeremy nang pumiglas siya sa pagkakahawak ni Meredith. "Jeremy!" Nagpatuloy sa pagsigaw si Meredith pero nakaalis na si Jeremy. Hindi maintindihan ng mga Montgomery at ng mga panauhin ang nakita nila. Pero malinaw nilang nakita ang inasal ni Jeremy. Halatang may kinaiinisan siya. Biglang nagduda ang madla. Tila ba parang di naman mahal ni Jeremy si Meredith gaya ng sinasabi sa usap-usapan. Kung hindi, bakit laging nauudlot ang kasal nila? Kahit ngayon iniwan ni Jeremy si Meredith dahil lang sa wala siyang gana. Iniangat ni Meredith ang kanyang bestida at sinundan ito. Nakita niya si Madeline na naglalakad sa harapan ni Jeremy at ipinarada nito ang kotse niya sa tabi nito at binuksan ang pinto para kay Madeline nang maginoo at niyaya ito na pumasok bago umalis. Mahigpit na hinawakan ni Meredith ang kanyan
Read more
PREV
1
...
1617181920
...
248
DMCA.com Protection Status