All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 1161 - Chapter 1170

2479 Chapters

Kabanata 1161

"Lilian!" Tumakbo si Fabian papunta sa kotse, pero mabilis na umandar ang kotse papalayo sa kanya. Lumingon sa paligid si Fabian at nagpasyang pahintuin ang isang lalaki na sumakay sa isang scooter. Sinuotan niya ng helmet ang ulo ni Jackson sabay binuhat siya papunta sa scooter. "Kumapit ka!" Tumango si Jackson at mahigpit na niyakap ang baywang ni Fabian. Tinignan ni Fabian ang kotse na humaharurot papalayo gamit ng kanyang matatalim na mga mata at mabilis itong hinabol. Ngunit halatang nakapaghanda ang mga taong iyon at nakalayo sila kay Fabian na nakasunod sa likuran ng kotse. Kailangang ihinto ni Fabian ang motor. Tinignan niya ang maingay na sangang daan at sinuntok ang upuan. "Bw*sit!" Nakatapos nang maaga si Madeline sa trabaho sa araw na iyon at nais niyang sunduin ang dalawang bata mula sa paaralan bago dumating si Jeremy. Ngunit pagkarating niya sa kindergarten, sinabi sa kanya na nasundo na sina Jackson at Lilian. Nag-aalala si Madeline na baka may binabal
Read more

Kabanata 1162

Pero maliban kay Ryan, sino pa ba ang gagawa nito? "Sorry, hindi ko nabantayan nang maayos si Lilian." Seryosong humingi ng tawad si Fabian. Hindi rin siya sinisi ni Madeline dahil alam niyang mabait si Fabian kay Lilian. Sa sandaling ito ay tumunog ang phone ni Madeline. Galing sa isang hindi kilalang numero ang tawag. Sinagot niya ito nang walang pag-aalinlangan. Diretsong nagsalita ang tao sa kabilang linya. "Ikaw ba si Eveline? Nasa'kin ang anak mo ngayon. Kung ayaw mong masaktan ang anak mo, humanda ka na magpadala ng 20 million sa account ko. Sasabihin ko sa'yo mamaya ang nakatakdang oras." Naisip ni Madeline na baka isa itong kaso ng kidnap for ransom at nananatili siyang kalmado. "Narinig mo ba, Eveline?" Akala ng lalaki ay hindi siya narinig ni Madeline kaya naiinip siyang nagsalita. "Hindi ka ba naniniwala na nasa kamay ko ang anak mo? Kung ganon, ipapakausap ko siya sa nanay niya ngayon." Nang matapos ang mga salita ng kidnapper, parang napaso ang puso ni Mad
Read more

Kabanata 1163

Noong una, akala ni Madeline ay isa itong tawag mula sa mga kidnapper, pero isang boses ng babae ang narinig mula sa kabilang linya ng phone. "Eveline, nag-aalala ka ba na baka hindi mo mahanap ang pipe mong anak?" Biglang huminto ang mga hakbang ni Madeline at nagtanong nang may malamig na boses, "Sino ka?" "Hindi mo kailangang malaman kung sino ako. Kailangan mo lang malaman na malapit nang makita ng pipe mong anak ang mga magulang mo. Hmph," ngumisi and babae sabay binaba ang tawag nang wala nang iba pang sinabi. Sumakay si Jeremy sa kotse at nakita si Madeline na nakatayo sa malayo at mukhang nakatulala. Bumaba siya ng kotse at lumapit sa kanyang muli. "Linnie, dito ka muna sa bahay kasama ni Jack. Uuwi nang ligtas si Lilian." Biglang nahimasmasan si Madeline at hinawakan ang kamay ni Jeremy. "Jeremy." "Wag kang mag-alala." Naintindihan ni Jeremy ang pag-aalala sa mga mata ni Madeline. Malambing niya siyang pinatahan at tinignan ang kanyang kaakit-akit na mga mata. "Mag
Read more

Kabanata 1164

Nang makita niya si Madeline na paparating, bumaba si Ryan mula sa kotse at binuksan ang pintuan ng kotse para sa kanya. "Sumakay ka sa kotse." Sa sandaling ito ay nag-aalala si Madeline para kay Lilian at hindi niya gustong maabala kay Ryan. "Sa tingin mo ba talaga sasama ako sa'yo?" "Gusto mo ba ang reagent na kayang magtanggal ng lason mula sa katawan ni Jeremy?" Tinaas ni Madeline ang kanyang mga mata na puno ng pagdududa at tinitigang maigi ang kalmadong lalaki. "Sakay." "Hindi ako sasakay sa kotse mo." Desididong tumanggi si Madeline. "Kahit nasa sa'yo nga ang gamit, hindi mo yun ibibigay sa'kin nang ganoon kadali. Hindi na kita pagkakatiwalaan." Malamig na tumalikod si Madeline. "Kung sumuko ka ngayon, ibig sabihin ay gusto mong makita si Jeremy na mamatay sa harapan mo gamit ng dalawa mong mga mata. Alam mo ba kung anong magiging itsura ng taong natamaan ng lason na to?"Nerve cramps, naaagnas na balat… Walang makakakilala sa kanila sa huli. Magdudusa sila nang m
Read more

Kabanata 1165

Kasabay nang marinig ang kanyang boses, mabilis niyang sinugod ang lalaki na para bang isang espada. Kahit na malaki ang lalaki, mahina lang siya. Nang makita niyang sumugod si Jeremy, binato niya ang bag na hawak niya at tumakbo. Kasabay nito ay tumawag siya. "Nahanap nila ako! Kunin mo ang batang yan, dali! Kung hindi gumana, patayin mo ang hostage!" 'Patayin ang hostage!' Narinig ni Jeremy ang tatlong salitang iyon. Paano niya ito matitiis? Tumalon siya at sinipa nang malakas ang likod ng lalaki. Sumigaw ang lalaki at bumagsak sa lapag. Ngunit mabilis siyang bumangon muli at nagbalak na tumakbo nang isang tao ang biglang lumitaw sa kanyang harapan. Sa sandaling hindi siya makailag, sinipa siya sa dibdib ng taong nasa kanyang harapan. Pagkatapos ay bumagsak siya papunta kay Jeremy. Gusto niyang tumayo muli ngunit parang nabali ang mga buto niya sa dibdib. Namumutla ang kanyang mukha sa sakit. Hindi niya maituwid ang kayang sarili. Gulat na tinignan ni Jeremy si Fabian
Read more

Kabanata 1166

Malamig na tumingin sa mukha ni Fabian ang maalam na mga mata ni Jeremy. "Fabian, alam mo ba kung bakit ako nagkaganito?" Nang marinig ni Fabian na sabihin ito ni Jeremy, punong-puno siya ng galit. Tinignan niya si Jeremy, napansin niya ang kanyang kulay abong buhok at kulay amber na mga mata. Mayroon ngang malaking pagbabago mula sa nakaraang Jeremy. Hindi niya ito maintindihan, pero narinig niya si Jeremy na nagsalita nang may naiinis na tono, "Ang mabuti mong kapatid na si Lana ang gumamit ng isang uri ng lason para magkaganito ako." "Ano?" Nagulat si Fabian. "Hindi ba gustong-gusto ka niya? Paano niya magagawa ang ganitong bagay sa'yo?" "Heh," ngumisi si Jeremy, "Ang ganung klaseng babae, sa tingin mo ba gusto niya talaga ako? Sa mundong ito, si Linnie lang ang tunay na nagpapahalaga sa'kin." "..." Walang masabi si Fabian. Mas lalo siyang nandiri sa kung bakit siya nagkaroon ng kapatid na kagaya ni Lana. Saglit na nanahimik ang paligid sa kotse. Pagkatapos ng ilang sa
Read more

Kabanata 1167

Hindi inasahan nina Jeremy at Fabian ang ginawa ng lalaki. Nang makita nila ang kotse na napalibutan ng apoy, sabay na tumakbo sina Jeremy at Fabian papunta kay Lilian. Parang nabitin nang napakataas ang puso ni Jeremy. Mamula ang kanyang mga mata nang tinignan niya ang bata na napahinto nang dahil sa kanyang kalamigan. Ilang hakbang lang ang layo nilang dalawa, pero parang pinaghiwalay sila ng libo-libong kabundukan at ilog. Nagmadali si Jeremy, pero bigla na lang ay sumabog nang malakas ang kotse. "Lilian!" Natatarantang sumigaw si Fabian. Lumipad ang maliit na katawan ni Lilian mula sa malakas na hangin ng pagsabog. Nagkalamat ang tingin ni Jeremy habang nagmadali siyang saluhin si Lilian na pabagsak sa lapag. "Lillian!"Niyakap niya ang bata. "Lillian! Lillian!"Nanghihinang kinurap ng batang babae ang kanyang bilugang mga mata. Habang nakatingin sa lalaki sa kanyang harapan, gumalaw ang kanyang maliit na bibig. “Daddy.”Kahit na walang boses na lumabas mula sa
Read more

Kabanata 1168

Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata niya, at nang magising siya, nakita lang niya ang dilim habang ang tanging liwanag na nakapaligid sa kanya ay ang ilaw ng kotse. Bumukas ang pinto ng kotse. Nakatayo si Ryan sa labas ng pinto, at ang boses niya ay naririnig nang bahagya. "Nandito na tayo. Lumabas ka na ng kotse." Nagtingin sa paligid nang maingat si Madeline bago lumabas ng kotse. Itinuro ni Ryan ang daan nang sumunod sa kanya si Madeline. Nagtingin siya sa paligid. Bukod sa kadiliman, may mas malalim pang kadiliman. Para bang napapaligiran sila ng itim na tela. Bukod sa hakbang nila, walang ibang ingay. Pagkatapos maglakad ng ilang milya, unti-unting nagkaroon ng ilaw sa daan. Huminto si Ryan sa harap ng pinto. Pagkatapos niya itong buksan gamit ng mata niya, tinignan niya si Madeline nang may malalim na ngiti. "Dadalhin muna kita sa dati mong kaibigan." Nang marinig ang boses ni Ryan, isang tao ang naaninag ni Madeline. Sinundan niya ang anino na naaninag n
Read more

Kabanata 1169

Tinignan ni Madeline ang lunas sa harapan niya at naisip si Jeremy. Alam niya na talagang di papayag si Jeremy na makita siyang sumusunod at tinatanggap ang mga karumal-dumal na hiling ni Ryan. Ngunit alam niya na ayaw niyang makakita ng araw na lubusan siyang masasaktan. Tinikom nang mahigpit ni Madeline ang kanyang kamao at tinignan ang lalaki sa harapan niya na hawak ang natatanging tyansa ni Jeremy. Nakatitig itong maigi. "Ryan, pwede kang humiling pero pag sumobra ka, di ako susunod." Nilapitan ni Ryan si Madeline at dinampot ang lunas sa kamay nito. Ngumiti ito nang malalim. "Ikinalulungkot ko na wala kang dahilan para tumanggo. Ayaw kong magdusa siya. Wala kang magagawa kundi pumayag." … Sa ospital. Pabalik-balik na naglalakad si Jeremy sa pasilyo nang nababahala. Ang pagiging kalmado na mayroon sila ay naglaho sa sandaling ito. May dugo pa rin sa kanyang palad na di niya nahugasan. Ang lahat ng ito ay nanggaling kay Lilian. Pumikit si Jeremy at huminga nang
Read more

Kabanata 1170

Magulo ang emosyon niya. Di pa sigurado ang kaligtasan ni Lilian. Bilang isang ama, ito lang ang magagawa niya para ilabas ang inis niya at pagkabahala niya. Sa sandaling ito namatay ang mga ilaw sa operating room. Bumangon si Jeremy at lumapit sa doktor na palabas. "Doc, kumusta ang kalagayan ng anak ko? Dumudugo siya nang husto. Saan ba siya napuruhan? Delikado ba ang buhay ng anak ko?" Tinadtad niya ng tanong ang doktor habang kumikislap sa pagkabahala ang mata niya. "Nagasgasan ng bakal ang likod ng bata. Dumudugo siya nang husto at malubha ang kalagayan. Buti na lang maaga siyang naisugod sa ospital. Sa ngayon, wala na sa panganib ang buhay niya." Napabuntong-hininga ang doktor. "Pero ang ulo ng bata ay nabagok nang husto. Kailangan nating hintayin na gumising ang bata bago magsagawa ng pagsusuri." Sinuntok ni Jeremy nang malakas ang sarili niya nang marinig niya ito. Sinisisi niya ang kanyang sarili na huminto siya sa paglalakad kanina, kung hindi ay hindi sana na
Read more
PREV
1
...
115116117118119
...
248
DMCA.com Protection Status