Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata niya, at nang magising siya, nakita lang niya ang dilim habang ang tanging liwanag na nakapaligid sa kanya ay ang ilaw ng kotse. Bumukas ang pinto ng kotse. Nakatayo si Ryan sa labas ng pinto, at ang boses niya ay naririnig nang bahagya. "Nandito na tayo. Lumabas ka na ng kotse." Nagtingin sa paligid nang maingat si Madeline bago lumabas ng kotse. Itinuro ni Ryan ang daan nang sumunod sa kanya si Madeline. Nagtingin siya sa paligid. Bukod sa kadiliman, may mas malalim pang kadiliman. Para bang napapaligiran sila ng itim na tela. Bukod sa hakbang nila, walang ibang ingay. Pagkatapos maglakad ng ilang milya, unti-unting nagkaroon ng ilaw sa daan. Huminto si Ryan sa harap ng pinto. Pagkatapos niya itong buksan gamit ng mata niya, tinignan niya si Madeline nang may malalim na ngiti. "Dadalhin muna kita sa dati mong kaibigan." Nang marinig ang boses ni Ryan, isang tao ang naaninag ni Madeline. Sinundan niya ang anino na naaninag n
Tinignan ni Madeline ang lunas sa harapan niya at naisip si Jeremy. Alam niya na talagang di papayag si Jeremy na makita siyang sumusunod at tinatanggap ang mga karumal-dumal na hiling ni Ryan. Ngunit alam niya na ayaw niyang makakita ng araw na lubusan siyang masasaktan. Tinikom nang mahigpit ni Madeline ang kanyang kamao at tinignan ang lalaki sa harapan niya na hawak ang natatanging tyansa ni Jeremy. Nakatitig itong maigi. "Ryan, pwede kang humiling pero pag sumobra ka, di ako susunod." Nilapitan ni Ryan si Madeline at dinampot ang lunas sa kamay nito. Ngumiti ito nang malalim. "Ikinalulungkot ko na wala kang dahilan para tumanggo. Ayaw kong magdusa siya. Wala kang magagawa kundi pumayag." … Sa ospital. Pabalik-balik na naglalakad si Jeremy sa pasilyo nang nababahala. Ang pagiging kalmado na mayroon sila ay naglaho sa sandaling ito. May dugo pa rin sa kanyang palad na di niya nahugasan. Ang lahat ng ito ay nanggaling kay Lilian. Pumikit si Jeremy at huminga nang
Magulo ang emosyon niya. Di pa sigurado ang kaligtasan ni Lilian. Bilang isang ama, ito lang ang magagawa niya para ilabas ang inis niya at pagkabahala niya. Sa sandaling ito namatay ang mga ilaw sa operating room. Bumangon si Jeremy at lumapit sa doktor na palabas. "Doc, kumusta ang kalagayan ng anak ko? Dumudugo siya nang husto. Saan ba siya napuruhan? Delikado ba ang buhay ng anak ko?" Tinadtad niya ng tanong ang doktor habang kumikislap sa pagkabahala ang mata niya. "Nagasgasan ng bakal ang likod ng bata. Dumudugo siya nang husto at malubha ang kalagayan. Buti na lang maaga siyang naisugod sa ospital. Sa ngayon, wala na sa panganib ang buhay niya." Napabuntong-hininga ang doktor. "Pero ang ulo ng bata ay nabagok nang husto. Kailangan nating hintayin na gumising ang bata bago magsagawa ng pagsusuri." Sinuntok ni Jeremy nang malakas ang sarili niya nang marinig niya ito. Sinisisi niya ang kanyang sarili na huminto siya sa paglalakad kanina, kung hindi ay hindi sana na
Diretsong nagtanong si Madeline, at tumawa ang babae sa kabilang linya. "Eveline Montgomery, di mo kailangang maging pursigido na malaman kung sino ako. Di magtatagal magkikita din tayo." "Ayaw kong makipagkita sa isang taong nagtatago sa madilim na sulok at ngumingisi. Wag ka nang tumawag," Binalaan ito ni Madeline at nang ibababa na niya ang linya, nagsalita ulit ang babae. "Ayaw mong makipagkita sa akin, pero nasasabik ako sa pagtatagpo natin. Bilang regalo para sa pagkikita natin, isipin mo lang ang pipi mong anak na nakaratay sa ospital habang kritikal ang kalagayan niya." "Anong sinabi mo? Anong ibig-sabihin mo?!" Biglang may naisip si Madeline. "Ikaw ba ang nag-utos na dukutin ang anak ko?" "Tama ka, ako yun." Kaagad itong inamin ng babae. "Pero wag kang mag-alala Eveline. Di kita gagalawin. Sa halip gusto kong maging ligtas at maayos ka para masaksihan mong pinapahirapan ko ang mga nasa paligid mo at pagdudusahin kita!" Pagkatapos banggitin ng babae ang huling salita
"Siguro, dapat mamatay na lang ang mga taong gaya ko. Noong nakaraan, sinaktan kita at pinahirapan kita ng husto. Ngayon naman, sinaktan ko ang anak natin. Masahol pa ako sa hayop!" Galit si Jeremy sa kanyang sarili. Muli niyang inangat ang kanyang kamao at sinuntok ang pader, hindi niya alintana ang sakit na naramdaman niya kasunod nito. "Huwag mo na akong intindihin, Linnie. Please, tigilan mo na ang pagmamahal sa isang gaya ko, na isang masamang tao na hindi pinahalagahan ang asawa niya. Hindi mo ako dapat pag-aksayahan ng oras mo. Dapat humanap na lang kayo ng isang lalaking maaasahan niyo at kalimutan niyo na lang ako ng mga bata."Tumingin sa kanya si Madeline pagkatapos niyang magsalita. Namula ang mga mata ni Madeline. Sinampal niya sa mukha si Jeremy. "Alam mo ba kung anong pinagsasasabi mo? Jeremy Whitman, sinusubukan mo pa rin ba akong saktan hanggang ngayon? Buong buhay ko, maliban sayo, sino pa ba ang mamahalin ko?! Sabihin mo sakin, anong dapat kong gawin para tulu
Nakilala ni Madeline ang boses ng babae. Ito ang mismong tao na nanggugulo sa kanya sa phone nitong mga nakaraang araw, ang babaeng nagsabi na si Lillian ang pipeng anak ni Madeline!Matapos siyang makilala ni Madeline, tila nakahanda ang babae sa pagkikita nila. Ngumisi siya. "Eveline, sinabi ko sayo na malapit na tayong magkita. Nagulat ka ba?" Hindi alam ni Madeline kung saan niya narinig ang boses na ito, ngunit naalala niya ang mukha ng isang taong kilala niya sa masamang ngiti ng babaeng ito. "Nandyan ka pa ba, Ms. Montgomery?" Narinig sa phone ang nagtatakang boses ng researcher. Naisip ni Madeline na tanggalin ang sunglasses ng babae ngunit hindi niya ito tinuloy. "Pasensya na. Nakikinig ako." Agad na sumagot si Madeline. Subalit, noong muli niyang iangat ang kanyang ulo, napansin niya na wala na ang babae. Tanging isang mabangong amoy lamang ang naiwan. Alam ni Madeline na sinasadya ng babae na manggulo at hindi na siya nag-aksaya pa ng oras sa may parking lot. Bi
Subalit, umiling lamang si Lillian at lalo lang siyang umiyak. Nadurog ang puso ni Jeremy noong makita niya ang mga luha ng bata. 'Masama siguro ang loob niya sa isang tatay na gaya ko.' Napangiti siya, iniisip niya na ito ang kabayaran sa lahat ng ginawa niyang hindi maganda. Umiyak ng matagal si Lillian habang yakap siya ni Madeline. Sa huli, nakatulog siya. Marahil dahil ito sa sobrang pagod. Muling bumalik ang doktor upang tingnan ang kundisyon ni Lillian at wala naman siyang napansin na kakaiba sa kanya. Pagkaalis ng doktor, kinausap ni Madeline si Jeremy na nakaupo lang sa isang tabi. "Jeremy, huwag kang masyadong malungkot. Bata pa si Lillian." "Kaya nga siguradong totoo ang lahat ng emosyon na pinapakita niya kasi bata pa siya." Ang sabi ni Jeremy. Malungkot niyang pinagmasdan ang batang babae na mahimbing na natutulog sa kama. “Jeremy.”"Linnie, hindi na ako magpapatalo ulit." Hinawakan ni Jeremy ang mga kamay ni Madeline. "Aalagaan kong mabuti si Lillian. Ipa
Kikilos sana si Jeremy nang makita niya ang likidong pumapasok sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung ano ang likidong ito, ngunit napansin niya na mukhang kabado si Madeline. Bukod dito, may nararamdaman siyang malamig na nanuot hanggang sa kanyang mga buto. Nagsimula ito sa kanyang mga braso at unti-unti itong kumalat sa bawat parte ng kanyang katawan. Nang mawala ang lamig na nararamdaman niya, sumunod dito ang matinding sakit na kumalat sa buong katawan niya. Hindi maganda ang pakiramdam niya. Hindi kumilos si Jeremy at tiniis niya ang sakit. Nang makita niya na tatanggalin na ni Madeline ang karayom, agad niyang pinikit ang kanyang mga mata at nagpanggap siyang tulog. Gayunpaman, naging magulo ang kanyang isipan. Nagtataka siya kung ano ang likidong ininject sa kanya ni Madeline. At mas nagtataka siya kung ano ang dahilan kung bakit ito ginawa ni Madeline habang natutulog siya. Gayunpaman, nakahanda siyang tanggapin ito kahit na lason pa ito. Ilang beses niyang b