Kasabay nang marinig ang kanyang boses, mabilis niyang sinugod ang lalaki na para bang isang espada. Kahit na malaki ang lalaki, mahina lang siya. Nang makita niyang sumugod si Jeremy, binato niya ang bag na hawak niya at tumakbo. Kasabay nito ay tumawag siya. "Nahanap nila ako! Kunin mo ang batang yan, dali! Kung hindi gumana, patayin mo ang hostage!" 'Patayin ang hostage!' Narinig ni Jeremy ang tatlong salitang iyon. Paano niya ito matitiis? Tumalon siya at sinipa nang malakas ang likod ng lalaki. Sumigaw ang lalaki at bumagsak sa lapag. Ngunit mabilis siyang bumangon muli at nagbalak na tumakbo nang isang tao ang biglang lumitaw sa kanyang harapan. Sa sandaling hindi siya makailag, sinipa siya sa dibdib ng taong nasa kanyang harapan. Pagkatapos ay bumagsak siya papunta kay Jeremy. Gusto niyang tumayo muli ngunit parang nabali ang mga buto niya sa dibdib. Namumutla ang kanyang mukha sa sakit. Hindi niya maituwid ang kayang sarili. Gulat na tinignan ni Jeremy si Fabian
Malamig na tumingin sa mukha ni Fabian ang maalam na mga mata ni Jeremy. "Fabian, alam mo ba kung bakit ako nagkaganito?" Nang marinig ni Fabian na sabihin ito ni Jeremy, punong-puno siya ng galit. Tinignan niya si Jeremy, napansin niya ang kanyang kulay abong buhok at kulay amber na mga mata. Mayroon ngang malaking pagbabago mula sa nakaraang Jeremy. Hindi niya ito maintindihan, pero narinig niya si Jeremy na nagsalita nang may naiinis na tono, "Ang mabuti mong kapatid na si Lana ang gumamit ng isang uri ng lason para magkaganito ako." "Ano?" Nagulat si Fabian. "Hindi ba gustong-gusto ka niya? Paano niya magagawa ang ganitong bagay sa'yo?" "Heh," ngumisi si Jeremy, "Ang ganung klaseng babae, sa tingin mo ba gusto niya talaga ako? Sa mundong ito, si Linnie lang ang tunay na nagpapahalaga sa'kin." "..." Walang masabi si Fabian. Mas lalo siyang nandiri sa kung bakit siya nagkaroon ng kapatid na kagaya ni Lana. Saglit na nanahimik ang paligid sa kotse. Pagkatapos ng ilang sa
Hindi inasahan nina Jeremy at Fabian ang ginawa ng lalaki. Nang makita nila ang kotse na napalibutan ng apoy, sabay na tumakbo sina Jeremy at Fabian papunta kay Lilian. Parang nabitin nang napakataas ang puso ni Jeremy. Mamula ang kanyang mga mata nang tinignan niya ang bata na napahinto nang dahil sa kanyang kalamigan. Ilang hakbang lang ang layo nilang dalawa, pero parang pinaghiwalay sila ng libo-libong kabundukan at ilog. Nagmadali si Jeremy, pero bigla na lang ay sumabog nang malakas ang kotse. "Lilian!" Natatarantang sumigaw si Fabian. Lumipad ang maliit na katawan ni Lilian mula sa malakas na hangin ng pagsabog. Nagkalamat ang tingin ni Jeremy habang nagmadali siyang saluhin si Lilian na pabagsak sa lapag. "Lillian!"Niyakap niya ang bata. "Lillian! Lillian!"Nanghihinang kinurap ng batang babae ang kanyang bilugang mga mata. Habang nakatingin sa lalaki sa kanyang harapan, gumalaw ang kanyang maliit na bibig. “Daddy.”Kahit na walang boses na lumabas mula sa
Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata niya, at nang magising siya, nakita lang niya ang dilim habang ang tanging liwanag na nakapaligid sa kanya ay ang ilaw ng kotse. Bumukas ang pinto ng kotse. Nakatayo si Ryan sa labas ng pinto, at ang boses niya ay naririnig nang bahagya. "Nandito na tayo. Lumabas ka na ng kotse." Nagtingin sa paligid nang maingat si Madeline bago lumabas ng kotse. Itinuro ni Ryan ang daan nang sumunod sa kanya si Madeline. Nagtingin siya sa paligid. Bukod sa kadiliman, may mas malalim pang kadiliman. Para bang napapaligiran sila ng itim na tela. Bukod sa hakbang nila, walang ibang ingay. Pagkatapos maglakad ng ilang milya, unti-unting nagkaroon ng ilaw sa daan. Huminto si Ryan sa harap ng pinto. Pagkatapos niya itong buksan gamit ng mata niya, tinignan niya si Madeline nang may malalim na ngiti. "Dadalhin muna kita sa dati mong kaibigan." Nang marinig ang boses ni Ryan, isang tao ang naaninag ni Madeline. Sinundan niya ang anino na naaninag n
Tinignan ni Madeline ang lunas sa harapan niya at naisip si Jeremy. Alam niya na talagang di papayag si Jeremy na makita siyang sumusunod at tinatanggap ang mga karumal-dumal na hiling ni Ryan. Ngunit alam niya na ayaw niyang makakita ng araw na lubusan siyang masasaktan. Tinikom nang mahigpit ni Madeline ang kanyang kamao at tinignan ang lalaki sa harapan niya na hawak ang natatanging tyansa ni Jeremy. Nakatitig itong maigi. "Ryan, pwede kang humiling pero pag sumobra ka, di ako susunod." Nilapitan ni Ryan si Madeline at dinampot ang lunas sa kamay nito. Ngumiti ito nang malalim. "Ikinalulungkot ko na wala kang dahilan para tumanggo. Ayaw kong magdusa siya. Wala kang magagawa kundi pumayag." … Sa ospital. Pabalik-balik na naglalakad si Jeremy sa pasilyo nang nababahala. Ang pagiging kalmado na mayroon sila ay naglaho sa sandaling ito. May dugo pa rin sa kanyang palad na di niya nahugasan. Ang lahat ng ito ay nanggaling kay Lilian. Pumikit si Jeremy at huminga nang
Magulo ang emosyon niya. Di pa sigurado ang kaligtasan ni Lilian. Bilang isang ama, ito lang ang magagawa niya para ilabas ang inis niya at pagkabahala niya. Sa sandaling ito namatay ang mga ilaw sa operating room. Bumangon si Jeremy at lumapit sa doktor na palabas. "Doc, kumusta ang kalagayan ng anak ko? Dumudugo siya nang husto. Saan ba siya napuruhan? Delikado ba ang buhay ng anak ko?" Tinadtad niya ng tanong ang doktor habang kumikislap sa pagkabahala ang mata niya. "Nagasgasan ng bakal ang likod ng bata. Dumudugo siya nang husto at malubha ang kalagayan. Buti na lang maaga siyang naisugod sa ospital. Sa ngayon, wala na sa panganib ang buhay niya." Napabuntong-hininga ang doktor. "Pero ang ulo ng bata ay nabagok nang husto. Kailangan nating hintayin na gumising ang bata bago magsagawa ng pagsusuri." Sinuntok ni Jeremy nang malakas ang sarili niya nang marinig niya ito. Sinisisi niya ang kanyang sarili na huminto siya sa paglalakad kanina, kung hindi ay hindi sana na
Diretsong nagtanong si Madeline, at tumawa ang babae sa kabilang linya. "Eveline Montgomery, di mo kailangang maging pursigido na malaman kung sino ako. Di magtatagal magkikita din tayo." "Ayaw kong makipagkita sa isang taong nagtatago sa madilim na sulok at ngumingisi. Wag ka nang tumawag," Binalaan ito ni Madeline at nang ibababa na niya ang linya, nagsalita ulit ang babae. "Ayaw mong makipagkita sa akin, pero nasasabik ako sa pagtatagpo natin. Bilang regalo para sa pagkikita natin, isipin mo lang ang pipi mong anak na nakaratay sa ospital habang kritikal ang kalagayan niya." "Anong sinabi mo? Anong ibig-sabihin mo?!" Biglang may naisip si Madeline. "Ikaw ba ang nag-utos na dukutin ang anak ko?" "Tama ka, ako yun." Kaagad itong inamin ng babae. "Pero wag kang mag-alala Eveline. Di kita gagalawin. Sa halip gusto kong maging ligtas at maayos ka para masaksihan mong pinapahirapan ko ang mga nasa paligid mo at pagdudusahin kita!" Pagkatapos banggitin ng babae ang huling salita
"Siguro, dapat mamatay na lang ang mga taong gaya ko. Noong nakaraan, sinaktan kita at pinahirapan kita ng husto. Ngayon naman, sinaktan ko ang anak natin. Masahol pa ako sa hayop!" Galit si Jeremy sa kanyang sarili. Muli niyang inangat ang kanyang kamao at sinuntok ang pader, hindi niya alintana ang sakit na naramdaman niya kasunod nito. "Huwag mo na akong intindihin, Linnie. Please, tigilan mo na ang pagmamahal sa isang gaya ko, na isang masamang tao na hindi pinahalagahan ang asawa niya. Hindi mo ako dapat pag-aksayahan ng oras mo. Dapat humanap na lang kayo ng isang lalaking maaasahan niyo at kalimutan niyo na lang ako ng mga bata."Tumingin sa kanya si Madeline pagkatapos niyang magsalita. Namula ang mga mata ni Madeline. Sinampal niya sa mukha si Jeremy. "Alam mo ba kung anong pinagsasasabi mo? Jeremy Whitman, sinusubukan mo pa rin ba akong saktan hanggang ngayon? Buong buhay ko, maliban sayo, sino pa ba ang mamahalin ko?! Sabihin mo sakin, anong dapat kong gawin para tulu