Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Kabanata 1171 - Kabanata 1180

Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1171 - Kabanata 1180

2479 Kabanata

Kabanata 1171

Diretsong nagtanong si Madeline, at tumawa ang babae sa kabilang linya. "Eveline Montgomery, di mo kailangang maging pursigido na malaman kung sino ako. Di magtatagal magkikita din tayo." "Ayaw kong makipagkita sa isang taong nagtatago sa madilim na sulok at ngumingisi. Wag ka nang tumawag," Binalaan ito ni Madeline at nang ibababa na niya ang linya, nagsalita ulit ang babae. "Ayaw mong makipagkita sa akin, pero nasasabik ako sa pagtatagpo natin. Bilang regalo para sa pagkikita natin, isipin mo lang ang pipi mong anak na nakaratay sa ospital habang kritikal ang kalagayan niya." "Anong sinabi mo? Anong ibig-sabihin mo?!" Biglang may naisip si Madeline. "Ikaw ba ang nag-utos na dukutin ang anak ko?" "Tama ka, ako yun." Kaagad itong inamin ng babae. "Pero wag kang mag-alala Eveline. Di kita gagalawin. Sa halip gusto kong maging ligtas at maayos ka para masaksihan mong pinapahirapan ko ang mga nasa paligid mo at pagdudusahin kita!" Pagkatapos banggitin ng babae ang huling salita
Magbasa pa

Kabanata 1172

"Siguro, dapat mamatay na lang ang mga taong gaya ko. Noong nakaraan, sinaktan kita at pinahirapan kita ng husto. Ngayon naman, sinaktan ko ang anak natin. Masahol pa ako sa hayop!" Galit si Jeremy sa kanyang sarili. Muli niyang inangat ang kanyang kamao at sinuntok ang pader, hindi niya alintana ang sakit na naramdaman niya kasunod nito. "Huwag mo na akong intindihin, Linnie. Please, tigilan mo na ang pagmamahal sa isang gaya ko, na isang masamang tao na hindi pinahalagahan ang asawa niya. Hindi mo ako dapat pag-aksayahan ng oras mo. Dapat humanap na lang kayo ng isang lalaking maaasahan niyo at kalimutan niyo na lang ako ng mga bata."Tumingin sa kanya si Madeline pagkatapos niyang magsalita. Namula ang mga mata ni Madeline. Sinampal niya sa mukha si Jeremy. "Alam mo ba kung anong pinagsasasabi mo? Jeremy Whitman, sinusubukan mo pa rin ba akong saktan hanggang ngayon? Buong buhay ko, maliban sayo, sino pa ba ang mamahalin ko?! Sabihin mo sakin, anong dapat kong gawin para tulu
Magbasa pa

Kabanata 1173

Nakilala ni Madeline ang boses ng babae. Ito ang mismong tao na nanggugulo sa kanya sa phone nitong mga nakaraang araw, ang babaeng nagsabi na si Lillian ang pipeng anak ni Madeline!Matapos siyang makilala ni Madeline, tila nakahanda ang babae sa pagkikita nila. Ngumisi siya. "Eveline, sinabi ko sayo na malapit na tayong magkita. Nagulat ka ba?" Hindi alam ni Madeline kung saan niya narinig ang boses na ito, ngunit naalala niya ang mukha ng isang taong kilala niya sa masamang ngiti ng babaeng ito. "Nandyan ka pa ba, Ms. Montgomery?" Narinig sa phone ang nagtatakang boses ng researcher. Naisip ni Madeline na tanggalin ang sunglasses ng babae ngunit hindi niya ito tinuloy. "Pasensya na. Nakikinig ako." Agad na sumagot si Madeline. Subalit, noong muli niyang iangat ang kanyang ulo, napansin niya na wala na ang babae. Tanging isang mabangong amoy lamang ang naiwan. Alam ni Madeline na sinasadya ng babae na manggulo at hindi na siya nag-aksaya pa ng oras sa may parking lot. Bi
Magbasa pa

Kabanata 1174

Subalit, umiling lamang si Lillian at lalo lang siyang umiyak. Nadurog ang puso ni Jeremy noong makita niya ang mga luha ng bata. 'Masama siguro ang loob niya sa isang tatay na gaya ko.' Napangiti siya, iniisip niya na ito ang kabayaran sa lahat ng ginawa niyang hindi maganda. Umiyak ng matagal si Lillian habang yakap siya ni Madeline. Sa huli, nakatulog siya. Marahil dahil ito sa sobrang pagod. Muling bumalik ang doktor upang tingnan ang kundisyon ni Lillian at wala naman siyang napansin na kakaiba sa kanya. Pagkaalis ng doktor, kinausap ni Madeline si Jeremy na nakaupo lang sa isang tabi. "Jeremy, huwag kang masyadong malungkot. Bata pa si Lillian." "Kaya nga siguradong totoo ang lahat ng emosyon na pinapakita niya kasi bata pa siya." Ang sabi ni Jeremy. Malungkot niyang pinagmasdan ang batang babae na mahimbing na natutulog sa kama. “Jeremy.”"Linnie, hindi na ako magpapatalo ulit." Hinawakan ni Jeremy ang mga kamay ni Madeline. "Aalagaan kong mabuti si Lillian. Ipa
Magbasa pa

Kabanata 1175

Kikilos sana si Jeremy nang makita niya ang likidong pumapasok sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung ano ang likidong ito, ngunit napansin niya na mukhang kabado si Madeline. Bukod dito, may nararamdaman siyang malamig na nanuot hanggang sa kanyang mga buto. Nagsimula ito sa kanyang mga braso at unti-unti itong kumalat sa bawat parte ng kanyang katawan. Nang mawala ang lamig na nararamdaman niya, sumunod dito ang matinding sakit na kumalat sa buong katawan niya. Hindi maganda ang pakiramdam niya. Hindi kumilos si Jeremy at tiniis niya ang sakit. Nang makita niya na tatanggalin na ni Madeline ang karayom, agad niyang pinikit ang kanyang mga mata at nagpanggap siyang tulog. Gayunpaman, naging magulo ang kanyang isipan. Nagtataka siya kung ano ang likidong ininject sa kanya ni Madeline. At mas nagtataka siya kung ano ang dahilan kung bakit ito ginawa ni Madeline habang natutulog siya. Gayunpaman, nakahanda siyang tanggapin ito kahit na lason pa ito. Ilang beses niyang b
Magbasa pa

Kabanata 1176

Nung una silang nagkita, hinalikan pa siya ni Lillian sa pisngi ng may inosenteng tingin. Subalit, ngayon galit na sa kanya ito.Ito ang unang beses na nakaramdam ng pagkadismaya si Fabian. Wala siyang masamang balak kay Lillian at gusto niya itong protektahan at bigyan ng pagmamahal. Pero, pagkatapos niyang mag-isip ng mabuti, napagtanto niya na baka hindi ganun ang nakikita ni Lillian. Ano ba siya para kay Lillian?‘Bakit ba siya may pakialam sa pag-aalala ko?’May kausap si Madeline sa phone sa may itaas. Nang marinig niya ang ingay sa ibaba, kaagad siyang bumama.. Inaalo ni Karen si Lillian habang pinapagalitan si Fabian, “Saan kaya nanggaling ang basurang to? Ang lakas pa ng loob niya na mangidnap ng bata.”‘Mangidnap ng bata?’Tumingin si Madeline sa may main entrance at napansin si Fabian. Alam ni Madeline ang tungkol sa gawi ni Fabian kay Lillian at sinubukan niyang nagpaliwanag, “Mom, kilala ko siya. Hindi niya magagawang kidnapin si Lillian. Gusto rin ni Lillia
Magbasa pa

Kabanata 1177

Bumilis ang tibok ng puso ni Madeline dahil sa hindi niya inaasahan na gising na pala si Jeremy! Kaagad niyang pinindot at timarak ang lahat ng likido sa katawan ni Jeremy bago mabilis na tanggalin ang karayom. Habang aligaga, tinago niya ang karayom kanyang likuran at nag-isip ng mabuti kung paano ipapaliwanag kay Jeremy ang lahat. Hindi nagtagal ay bumangon si Jeremy, at mukhang antok pa ito. Tinitigan niya ito sa mga mata na nakatitig din sa kanya. "Bakit ka nagising, Linnie?" "..." Nakonsensya si Madeline at iniwasan ang tingin ni Jeremy. Naguluhan si Madeline. 'Hindi ba napansin ni Jeremy na may tinurok ako sa kanya?' Naisip ni Madeline na hindi napansin ni Jeremy ang ginawa niya. ‘Kung nakita niya, tinanong na niya sana kung ano ang ginawa ko.’“Pupunta ako ng banyo,” Paliwanag ni Madeline, “Ikaw? Bakit ka nagising? Nagising ba kita?”Umiling si Jeremy, mukhang antok pa rin. Humiga siya muli sa kama at sinabi, “Naisip ko rin na pumunta sa banyo.”Habang nagsas
Magbasa pa

Kabanata 1178

Pakiramdam ni Madeline ay lumubog sa kailaliman ang kanyang puso. Muling nagtanong ang doktor, na ngayon ay nakaturo kay Jeremy, “Lillian, hindi mo ba nakikilala ang gwapong lalake na to?”Nilingon ni Lillian si Jeremy. Pero, pagkalipas ng mga ilang sandali, lumingon siya uli at umiling. ‘Hindi niya makilala si Jeremy.‘Sinusubukan niyang ipahiwatig na hindi niya kilala si Jeremy.’“Lillian, subukan mong mag-isip ng maigi. Bakit hindi mo siya kilala? Siya ang tatay mo. Ang tatay mo na mahal na mahal ka,” sabi ng doktor. Umiling si Lillian at sumimangtot, naguguluhan at bumalik sa pagkakayakap kay Madeline. Nagtataka si Madeline kung kanino siya maawa sa dalawa nang makita niya ang reaksyon ni Lillian. Tinignan niya si Jeremy, na magkasalubong na ang mga kilay habang namumugto na ang mga mata nito dahil sa pagsisisi at pagdurusa. Binasag ni MAdeline ang katahimikan, natatakot na baka mag-isip ng mga hindi magagandang bagay si Jeremy. “Doktor, anong nangyayari sa anak ko
Magbasa pa

Kabanata 1179

Napansin ni Ryan na hindi natutuwa si Madeline pero alam niya na hindi siya matatanggihan nito. Hangga’t mahal niya si Jeremy, gagawin niya ang lahat ng utos ni Ryan. Kalmadong pinaandar ni Ryan ang kanyang kotse at hindi nilista ang mga kailangan kahit lumipas ang mahabang oras. Abala siya sa paghanga kay Madeline. “Ang ganda mo ngayon. Ang emerald mong kwintas ay lalong nagpaganda ng balat mo,” Puri ni Ryan kay Madeline. Hindi ala ni Madeline kung may napansin bang kakaiba si Ryan habang lumingon siya sa bintana. “Hindi ko kailangan ng mga papuri mo. SAbihin mo na ang mga kailangan mo.” Tinignan ni Ryan si Madeline na seryoso ang ekspresyon ng mukha. “Itong Huwebws ng gabi, magkakaroon ng isang pagsasalo-salo. Ang organizer ay ang pamilya ni Sir Calver. Hindi mo siya marahil kilala, pero dati siyang miyembro ng interpol. Nang magretiro siya, natanggap niya ang titulo na Sir. Maituturing siya na isang sikat na tao sa Glendale. Ang araw na yun ay ang ika-80 niyang kaarawan.”
Magbasa pa

Kabanata 1180

Hindi na gusto ni Madeline na sumama pa ang loob ni Jeremy.Tinitigan ni ryan si Adam nang makita niya na ayaw sumunod ni Madeline sa kondisyon niya. Nakuha ni Adam ang pahiwatig ni Ryan at naglakad papunta sa harapan ni Madeline. “Itong nakalipas na kalahating buwan, bumuti ang kondisyon ni Jeremy, tama?”Nakatuon ang mlalmig na titig ni Madeline sa mukha ni Adam. “Kung totoo ang gamot, malamang ay alam mo ang magiging resulta.”Alam ni Adam na may galit sa kanya si Madeline, pero hindi niya alintana ito. Sa halip, nakangiti pa siya. “Totoo ang gamot, syempre. Bukod dun, hangga’t naiturok mo ito sa tamang oras, unti unting maglalaho ang lason sa kanyang katawan. Pero…” Huminto sa pagsasalita ng ilang segundo. “Pero, sasabihin ko sayo. Sa oras na itinurok mo ang gamot sa kanya, hindi ito dapat mahinto o kaya ay magkamali ng oras, kung hindi ay magkakaroon ito ng masamang epekto. Na nangangahulugan na, kapag hindi naturukan si Jeremy ng pangatlong bote ng gamot, ang naunang d
Magbasa pa
PREV
1
...
116117118119120
...
248
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status