Bumilis ang tibok ng puso ni Madeline dahil sa hindi niya inaasahan na gising na pala si Jeremy! Kaagad niyang pinindot at timarak ang lahat ng likido sa katawan ni Jeremy bago mabilis na tanggalin ang karayom. Habang aligaga, tinago niya ang karayom kanyang likuran at nag-isip ng mabuti kung paano ipapaliwanag kay Jeremy ang lahat. Hindi nagtagal ay bumangon si Jeremy, at mukhang antok pa ito. Tinitigan niya ito sa mga mata na nakatitig din sa kanya. "Bakit ka nagising, Linnie?" "..." Nakonsensya si Madeline at iniwasan ang tingin ni Jeremy. Naguluhan si Madeline. 'Hindi ba napansin ni Jeremy na may tinurok ako sa kanya?' Naisip ni Madeline na hindi napansin ni Jeremy ang ginawa niya. ‘Kung nakita niya, tinanong na niya sana kung ano ang ginawa ko.’“Pupunta ako ng banyo,” Paliwanag ni Madeline, “Ikaw? Bakit ka nagising? Nagising ba kita?”Umiling si Jeremy, mukhang antok pa rin. Humiga siya muli sa kama at sinabi, “Naisip ko rin na pumunta sa banyo.”Habang nagsas
Pakiramdam ni Madeline ay lumubog sa kailaliman ang kanyang puso. Muling nagtanong ang doktor, na ngayon ay nakaturo kay Jeremy, “Lillian, hindi mo ba nakikilala ang gwapong lalake na to?”Nilingon ni Lillian si Jeremy. Pero, pagkalipas ng mga ilang sandali, lumingon siya uli at umiling. ‘Hindi niya makilala si Jeremy.‘Sinusubukan niyang ipahiwatig na hindi niya kilala si Jeremy.’“Lillian, subukan mong mag-isip ng maigi. Bakit hindi mo siya kilala? Siya ang tatay mo. Ang tatay mo na mahal na mahal ka,” sabi ng doktor. Umiling si Lillian at sumimangtot, naguguluhan at bumalik sa pagkakayakap kay Madeline. Nagtataka si Madeline kung kanino siya maawa sa dalawa nang makita niya ang reaksyon ni Lillian. Tinignan niya si Jeremy, na magkasalubong na ang mga kilay habang namumugto na ang mga mata nito dahil sa pagsisisi at pagdurusa. Binasag ni MAdeline ang katahimikan, natatakot na baka mag-isip ng mga hindi magagandang bagay si Jeremy. “Doktor, anong nangyayari sa anak ko
Napansin ni Ryan na hindi natutuwa si Madeline pero alam niya na hindi siya matatanggihan nito. Hangga’t mahal niya si Jeremy, gagawin niya ang lahat ng utos ni Ryan. Kalmadong pinaandar ni Ryan ang kanyang kotse at hindi nilista ang mga kailangan kahit lumipas ang mahabang oras. Abala siya sa paghanga kay Madeline. “Ang ganda mo ngayon. Ang emerald mong kwintas ay lalong nagpaganda ng balat mo,” Puri ni Ryan kay Madeline. Hindi ala ni Madeline kung may napansin bang kakaiba si Ryan habang lumingon siya sa bintana. “Hindi ko kailangan ng mga papuri mo. SAbihin mo na ang mga kailangan mo.” Tinignan ni Ryan si Madeline na seryoso ang ekspresyon ng mukha. “Itong Huwebws ng gabi, magkakaroon ng isang pagsasalo-salo. Ang organizer ay ang pamilya ni Sir Calver. Hindi mo siya marahil kilala, pero dati siyang miyembro ng interpol. Nang magretiro siya, natanggap niya ang titulo na Sir. Maituturing siya na isang sikat na tao sa Glendale. Ang araw na yun ay ang ika-80 niyang kaarawan.”
Hindi na gusto ni Madeline na sumama pa ang loob ni Jeremy.Tinitigan ni ryan si Adam nang makita niya na ayaw sumunod ni Madeline sa kondisyon niya. Nakuha ni Adam ang pahiwatig ni Ryan at naglakad papunta sa harapan ni Madeline. “Itong nakalipas na kalahating buwan, bumuti ang kondisyon ni Jeremy, tama?”Nakatuon ang mlalmig na titig ni Madeline sa mukha ni Adam. “Kung totoo ang gamot, malamang ay alam mo ang magiging resulta.”Alam ni Adam na may galit sa kanya si Madeline, pero hindi niya alintana ito. Sa halip, nakangiti pa siya. “Totoo ang gamot, syempre. Bukod dun, hangga’t naiturok mo ito sa tamang oras, unti unting maglalaho ang lason sa kanyang katawan. Pero…” Huminto sa pagsasalita ng ilang segundo. “Pero, sasabihin ko sayo. Sa oras na itinurok mo ang gamot sa kanya, hindi ito dapat mahinto o kaya ay magkamali ng oras, kung hindi ay magkakaroon ito ng masamang epekto. Na nangangahulugan na, kapag hindi naturukan si Jeremy ng pangatlong bote ng gamot, ang naunang d
Hindi inaasahan ni Madeline na gagawin ng magnanakaw ang bagay na yun. Malawak ang ilog na yun, pero alam ni Madeline na hindi siya dapat magdalawang-isip. Nang makita niya na inaanod na ng ilog ang kanyang pitaka, ng walang sabi-sabi, tumalon siya sa ilog. Nagulat ang mga napadaan na nakakita sa ginawa ni Madeline at nagtipun-tipkn sila para manood. "Nababaliw na ba ang babaeng yun?" "Kailangan niya bang gawin yun para lang sa isang pitaka?" "Baka maraming laman na pera ang pitaka niyang yun!" Ang mga napadaan na hindi alam ang katotohanan ay sinubukan hulaan ang nangyari, pero para kay Madeline, ang pitakang yun ay may laman na mas mahalaga sa kahit na anong bagay. Iyon ay ang magpapahaba ng buhay ng lalakeng pinakamamahal niya.Pagkatapos tumalon ni Madeline sa ilog, lumangoy siya ng ilang sandali bago nakuha ang kanyang pitaka.Tinali niya sa kanyang likod ang kanyang pitaka at ngumiti. Hindi nagtagal, inaayos ni Madeline ang kanyang sarili at doon la g niya napagta
"..."‘Nasusuka ka sa tuwing nakikita mo ako.’Hindi alam ni Ryan na yun pala ang tingin sa kanya ni Madeline.Nung una pa lang, ang impresyon niya sa ibang mga tao ay isang eleganteng mayaman. Hindi niya naisip na may tao na ang tingin sa kanya ay isang nakakadiring lalake. Nang makita niya na paalis na si Madeline, biglang lumapit si Ryan. Muli niyang hinarangan ang daraanan ni Madeline, at ng may sapat na pwersa, hinawakan niya ito sa ulo at tinangkang halikan. “Huwag mong hintayin na lumiit ang tingin ko sayo, Ryan.” Ngayon, hindi siya umiwas o pumiglas. Kalmado lang niyang sinabi ito. Biglang huminto si Ryan sa gagawin niya na ikinagulat ng lahat."Ryan, ano naman ngayon kung may alam kang baho ko? Ano naman ngayon kung ma ako ka laban kay Jeremy? Hindi ka ganun kagaling kung gumagamit ka pamamaraan na tumatapak ng iba." Napuno ng pagkadismaya at sama ng loob ang mga mata ni Ryan pagkatapos marinig ang sinabi ni Madeline. Tinulak siya palayo ni Madeline nang mapansi
Hindi maganda ang pakiramdam ni Madeline, pero hindi niya matukoy kung alin sa parte ng katawan niya ang ganun ang pakiramdam. "Jeremy, nahihilo ako." Si Madeline, na pagod, ay napahawak sa kamay ni Jeremy. "Tulungan mo nga akong makabalik sa kwarto natin ng makapagpahinga na ako." Habang nagsasalita siya, bigla siyang nahirapan huminga. Dahan dahan naging malabo ang mukha no Jeremy sa kanyang paningin. Ilang segundo lang, nawalan na siya ng malay. "Linnie! Linnie!"Nabigla si Jeremy at binuhat ang walang malay na Madeline. "Linnie!"Binuhat siya ni Jeremy at natayarantang sinakay sa kanyang kotse. Narinig nila Jackson at Lillian ang pangyayari at lumingon para tignan ang nangyayari. Lumabas din si Karen sa loob ng bahay. Nagulat siya nang nakita niyang naging aligaga si Jeremy habang buhat buhat si Madine na walang malay. "Jeremy! Anong nangyari kay Madeline?!" "Hindi ko alam. Dadalhin ko siya sa ospital." Ang bilis ng tibok ng puso ni Jeremy, pero pilit niyang pin
Tinignan niya ang pitaka na hawak niya at nagsimula na siyang makaisip ng kung anu-ano. 'May mahalagang bagay siguro sa loob ng pitakang to. Dahil kung wala, hindi niya magagawang tumalon sa ilog.' Iniisip ni Jeremy habang binubuksan niya ang pitaka. Gusto niyang malaman kung ano ba ang laman ng pitaka na nag-udyok kay Madeline para ibuwis ang buhay nito. At sa sandaling yun ay may isang nars na aligagang lumabas ng emergency room. Isinangtabi ni Jeremy ang kanyang ideya na pagsilip sa laman ng pitaka at kaagad na pinahinto ang nars. "Kamusta na ang asawa ko? Bakit siya dinudugo ng husto?" Nag-aalala din pati ang nars, pero nang mapansin nito na nag-aalala din si Jeremy, pinaliwanag niya ang nangyayari, "Mukhang may matalim na bagay na nakasugat sa kaliwang hita ng inyong asawa, kaya siya malakas ang pagdurugo."Pero ang dugo niya ay Rhesus negative, isang pambihirang uri ng dugo! Ang aming ospital ay walang ganung dugo sa aming blood bank. Kailangan naming kumuha sa ibang