Share

Kabanata 1183

Author: Sixteenth Child
Hindi maganda ang pakiramdam ni Madeline, pero hindi niya matukoy kung alin sa parte ng katawan niya ang ganun ang pakiramdam.

"Jeremy, nahihilo ako." Si Madeline, na pagod, ay napahawak sa kamay ni Jeremy. "Tulungan mo nga akong makabalik sa kwarto natin ng makapagpahinga na ako."

Habang nagsasalita siya, bigla siyang nahirapan huminga. Dahan dahan naging malabo ang mukha no Jeremy sa kanyang paningin.

Ilang segundo lang, nawalan na siya ng malay.

"Linnie! Linnie!"

Nabigla si Jeremy at binuhat ang walang malay na Madeline.

"Linnie!"

Binuhat siya ni Jeremy at natayarantang sinakay sa kanyang kotse.

Narinig nila Jackson at Lillian ang pangyayari at lumingon para tignan ang nangyayari.

Lumabas din si Karen sa loob ng bahay. Nagulat siya nang nakita niyang naging aligaga si Jeremy habang buhat buhat si Madine na walang malay.

"Jeremy! Anong nangyari kay Madeline?!"

"Hindi ko alam. Dadalhin ko siya sa ospital." Ang bilis ng tibok ng puso ni Jeremy, pero pilit niyang pin
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 1184

    Tinignan niya ang pitaka na hawak niya at nagsimula na siyang makaisip ng kung anu-ano. 'May mahalagang bagay siguro sa loob ng pitakang to. Dahil kung wala, hindi niya magagawang tumalon sa ilog.' Iniisip ni Jeremy habang binubuksan niya ang pitaka. Gusto niyang malaman kung ano ba ang laman ng pitaka na nag-udyok kay Madeline para ibuwis ang buhay nito. At sa sandaling yun ay may isang nars na aligagang lumabas ng emergency room. Isinangtabi ni Jeremy ang kanyang ideya na pagsilip sa laman ng pitaka at kaagad na pinahinto ang nars. "Kamusta na ang asawa ko? Bakit siya dinudugo ng husto?" Nag-aalala din pati ang nars, pero nang mapansin nito na nag-aalala din si Jeremy, pinaliwanag niya ang nangyayari, "Mukhang may matalim na bagay na nakasugat sa kaliwang hita ng inyong asawa, kaya siya malakas ang pagdurugo."Pero ang dugo niya ay Rhesus negative, isang pambihirang uri ng dugo! Ang aming ospital ay walang ganung dugo sa aming blood bank. Kailangan naming kumuha sa ibang

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 1185

    Tumingin sa ibaba si Jeremy at nakita ang isang maliit na bote ng gamot at pinulot ito. Ang bote ay kasing laki halos ng kanyang hinlalaki at puno ng isang walang kulay at walang amoy na likido. Wala rin nakalagay kung ano ang bote na ito. Wala siyang alam kung ano ang laman nito, pero naalala niya ang eksena na tinurukan siya ni Madeline ng kung ano sa dalawang okasyon habang natutulog siya. Nilingon niya si Madeline na wala pa ring malay. Bakas ang kalituhan sa kanyang mga mata. 'Ito ba ang itinuturok mo sa akin, Linnie?'Ano ba ito? 'Masyado bang mahalaga ang bagay na to kaya ka tumalon ng ilog para lang mabawi ito?' Nag-isip ng malalim si Jeremy pero walang pumasok na ideya sa kanya. Pero, wala siyang balak na tanungin si Madeline. Ibabalik na niya sana ang lahat ng gamit sa loob ng pitaka ng may mapansin siyang tao na nakatingin mula sa may bintana ng kwarto mula sa kanto ng kanyang mata. Nilingon niya ito at biglang umalis ang taong nakatingin. Kakaiba ang kin

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 1186

    Nasa ibang lugar din ang isipan ni Madeline, kaya binago nila ang kanilang usapan. "Nagugutom ako, Jeremy. Pwede mo ba akong bilhan ng makakain?" "Ano bang gusto mong kainin?" "Kakainin ko ang kahit na ano basta bili ng asawa ko." Umaeko na parang buwan ang mga mata ni Madeline nang ngumiti ito. Pagkahalik niya sa kanto ng labi nito,lumingon si Jeremy para tulungan si Madeline na makaupo ng maayos sa kama bago siya umalis. Nang makaalis si Jeremy, pinilit na inangat ni Madeline ang kanyang pagod na katawan para abutin ang kanyang pitaka sa may tabi. Bumalik na ang alaala niya. Sumabit nga marahil ang kaliwang hita niya habang nasa ilog siya. Ngayong naisip niya ito, marahil isang bato ang nakasugat sa kanya. Naisip ni Madeline habang binubuksan niya ang kanyang pitaka. Pero, pagkatapos niyang halungkatin ang laman ng kanyang pitaka, ang nahanap lang niya ay ang kanyang mga susi, maliit na pitaka, at lipstick. Ang pinakamahalagang bote ng gamot ay nawawala! Bumilis ang t

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 1187

    Sumigaw si Madeline para pigilan ang babae, pero huli na ang lahat.Balak talaga ng babaeng yun na ibato ang gamot!Tumalon si Madeline para saluhin ang bote, pero tumalsik na ito palabas ng balkonahe at bumagsak sa lupa. Sinubukan niyang abutin ang bote para saluhin pero hindi na niya naabutan ito. “Hindi!”Nang makita ang eksenang ito mula sa maliit na bintana ng pinto, biglang binuksan ni Jeremy ang pinto at tumakbo papunta kay Madeline. Ang babaeng nakasalamin ay nagulat na makita si Jeremy na biglang pumasok sa silid. Nang makita nito na hindi napansin ni Jeremy ang presensya niya, nakahinga siya ng maluwag pero hindi rin siya natuwa. Sumulpot si Jeremy sa tabi ni Madeline at hinila ito papunta sa kanya sa gulat habang pinapanood ito na inaabot ang gamot para saluhin ito. “Linnie! Anong ginagawa mo?” Hinawakan ni Jeremy ang mukha ni Madeline habang bakas sa mukha nito ang matinding sakit. Nakatitig siya sa namumula at natatarantang mga mata nito. “Ano bang nangyayari?

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 1188

    Ang gamot na yun ang magpapahaba ng buhay ni Jeremy! “Bakit hindi ko mahanap yun? Kung nalaglag ito mula sa itaas, dapat nandito lang yun. Nasaan na ba yun…” Bulong ni Madeline sa kanyang sarili. Malapit na siyang umiyak dahil sa sobrang kaba na nararamdaman niyia. Pagkabukas niya ang ilaw ng kanyang phone, naghanap siya muli sa bawat sulok ng halamanan pero hindi pa rin niya nakita ito. Isang mabigat at madilim na pakiramdam ang bumalot sa kanya, at pakiramdam ni Madeline ay nahihirapan siyang huminga at dumidilim ang kanyang paningin. Mas magdurusa si Jeremy kapag hindi niya nahanap ang gamot na yun. Hindi. Kailangan niyang mahanap yun!Tinikom ni Madeline ang kanyang bibig at naisip na hanapin ito sa ibang angulo. Pagtayo niya, pakiramdam niya ay tumining ang kanyang utak habang unti unting dumidilim ang kanyang paningin. “Linnie.” Bumalik na ang ulirat ni Jeremy at nilapitan si Madeline para suportahan ito nang makita niya na parang hihimatayin na ito. Kumirot ang

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 1189

    Nang maramdaman ni Jeremy ang yakap ni Madeline, kaagad niyang nilingon ito. Nakita niya si Madeline na yakap siya ng mahigpit habang nakapaa. Hindi siya nagdalawang-isip na buhatin si Madeline. Nalungkot ng husto si Madeline, at gamit ng natitira niyang lakas, niyakap niya ang leeg ni Jeremy ng mahigpit at binaon ang hapong hapo niyang mukha sa pagitan ng leeg nito. “Jeremy, pansinin mo ako.” Parang paiyak na si Madeline ng sabihin niya ito dahil sa tono ng boses nito, mahina di tulad ng kanina. Lalo lang lumala ang kirot na nararamdaman ni Jeremy. Paano naman niya matitiis si Madeline na hindi pansinin? Gusto niyang pagaangin ang pakiramdam nito, pero ang narinig lang niya ay ang paghingi ni Madeline ng patawad. “Alam kong naging malupit ako sayo kanina, pero hindi ko naman sinasadya.” Tumigil sa paglalakad si Jeremy, binaba ang kanyang ulo, at hinalikan ang pisngi ni Madeline. Nilapit niya ang kanyang labi sa tenga nito. “Ano bang pinagsasasabi mo? Paano naman ako ma

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 1190

    ”Jeremy, hindi ko hahayaan na may mangyari sa iyo na masama,” Nangako si Madeline sa kanyang sarili. Nang marinig ni Jeremy ang mga salitang ito, parang lumukso ang tibok ng kanyang puso. ‘Anong sinabi niya? ‘Hindi niya hahayaan na may masamang mangyari sa akin? ‘Anong ibig niyang sabihin dun?’Nalito si Jeremy, pero ang pwede lang niyang gawin ay ang magpanggap na tulog. Lumingon si Madeline at bumalik sa paghiga sa kanyang kama pagkatapos niyang patayin ang mga ilaw. Gamit ang liwanag ng buwan na nagpapaliwanag ng madilim na gabi, tinignan ni Jeremy si Madeline na natutulog. Nahihirapan siyang makatulog. ...Nang malaman ni Karen na nasugatan si Madeline at kailangan na maospital, kinabukasan ay ginawan niya ito ng isang masustansiyang pagkain at inabot kay Jeremy ang isang imbitasyon. “Jeremy, ito ay ang imbitasyon para sa ika-80 kaarawan ni Sir Calver. Gaganapin ito sa bkas ng gabi. Dalhin mo si Eveline.” Paalala ni Karen habang nagsasandok ng isang mangkok ng lu

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 1191

    Sa sandaling yun, si Madeline ay nasa isang kotse na patungo sa hotel na kung saan gaganapin ang kaarawan ni Sir Calver. Pumunta siya sa banyo ng hotel, nagpalit ng damit, at tinali ang kanyang buhok. Hindi na nag-abala pa si Madeline na maglagay ng make-up at naglakad palabas ng banyo ng nakasuot ng kaswal na sapatos.Nakatanggap siya muli ng tawag mula kay Ryan. Kaagad sinagot ni Madeline ang tawag, “Andito na ako.”“Nandito ka na?” Nagulat si Ryan. “Kung ganun ay maghanap ka ng lugar para hintayin ako. Parating na ako.” “Mag-usap na lang tayo kapag nakarating ka na.” Mabilis na ibinaba ni Madeline ang tawag at naglakad papasok sa may bulwagan ng mag-isa. Habang naglalakad siya sa may pasilyo, pakiramdam ni Madeline ay may sumusunod sa kanya. Lumingon siya sa kanyang likuran pero wala siyang nakita. Nag-isip muna sandali si Madeline bago huminto para lumingon at mabilis na naglakas pabalik. Nang makarating siya sa may emergency stairwell, huminto siya at tinignan ang

Latest chapter

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2479

    Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2478

    Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2477

    Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2476

    Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2475

    “Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2474

    Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2473

    Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2472

    "Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2471

    Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status