Ang gamot na yun ang magpapahaba ng buhay ni Jeremy! “Bakit hindi ko mahanap yun? Kung nalaglag ito mula sa itaas, dapat nandito lang yun. Nasaan na ba yun…” Bulong ni Madeline sa kanyang sarili. Malapit na siyang umiyak dahil sa sobrang kaba na nararamdaman niyia. Pagkabukas niya ang ilaw ng kanyang phone, naghanap siya muli sa bawat sulok ng halamanan pero hindi pa rin niya nakita ito. Isang mabigat at madilim na pakiramdam ang bumalot sa kanya, at pakiramdam ni Madeline ay nahihirapan siyang huminga at dumidilim ang kanyang paningin. Mas magdurusa si Jeremy kapag hindi niya nahanap ang gamot na yun. Hindi. Kailangan niyang mahanap yun!Tinikom ni Madeline ang kanyang bibig at naisip na hanapin ito sa ibang angulo. Pagtayo niya, pakiramdam niya ay tumining ang kanyang utak habang unti unting dumidilim ang kanyang paningin. “Linnie.” Bumalik na ang ulirat ni Jeremy at nilapitan si Madeline para suportahan ito nang makita niya na parang hihimatayin na ito. Kumirot ang
Nang maramdaman ni Jeremy ang yakap ni Madeline, kaagad niyang nilingon ito. Nakita niya si Madeline na yakap siya ng mahigpit habang nakapaa. Hindi siya nagdalawang-isip na buhatin si Madeline. Nalungkot ng husto si Madeline, at gamit ng natitira niyang lakas, niyakap niya ang leeg ni Jeremy ng mahigpit at binaon ang hapong hapo niyang mukha sa pagitan ng leeg nito. “Jeremy, pansinin mo ako.” Parang paiyak na si Madeline ng sabihin niya ito dahil sa tono ng boses nito, mahina di tulad ng kanina. Lalo lang lumala ang kirot na nararamdaman ni Jeremy. Paano naman niya matitiis si Madeline na hindi pansinin? Gusto niyang pagaangin ang pakiramdam nito, pero ang narinig lang niya ay ang paghingi ni Madeline ng patawad. “Alam kong naging malupit ako sayo kanina, pero hindi ko naman sinasadya.” Tumigil sa paglalakad si Jeremy, binaba ang kanyang ulo, at hinalikan ang pisngi ni Madeline. Nilapit niya ang kanyang labi sa tenga nito. “Ano bang pinagsasasabi mo? Paano naman ako ma
”Jeremy, hindi ko hahayaan na may mangyari sa iyo na masama,” Nangako si Madeline sa kanyang sarili. Nang marinig ni Jeremy ang mga salitang ito, parang lumukso ang tibok ng kanyang puso. ‘Anong sinabi niya? ‘Hindi niya hahayaan na may masamang mangyari sa akin? ‘Anong ibig niyang sabihin dun?’Nalito si Jeremy, pero ang pwede lang niyang gawin ay ang magpanggap na tulog. Lumingon si Madeline at bumalik sa paghiga sa kanyang kama pagkatapos niyang patayin ang mga ilaw. Gamit ang liwanag ng buwan na nagpapaliwanag ng madilim na gabi, tinignan ni Jeremy si Madeline na natutulog. Nahihirapan siyang makatulog. ...Nang malaman ni Karen na nasugatan si Madeline at kailangan na maospital, kinabukasan ay ginawan niya ito ng isang masustansiyang pagkain at inabot kay Jeremy ang isang imbitasyon. “Jeremy, ito ay ang imbitasyon para sa ika-80 kaarawan ni Sir Calver. Gaganapin ito sa bkas ng gabi. Dalhin mo si Eveline.” Paalala ni Karen habang nagsasandok ng isang mangkok ng lu
Sa sandaling yun, si Madeline ay nasa isang kotse na patungo sa hotel na kung saan gaganapin ang kaarawan ni Sir Calver. Pumunta siya sa banyo ng hotel, nagpalit ng damit, at tinali ang kanyang buhok. Hindi na nag-abala pa si Madeline na maglagay ng make-up at naglakad palabas ng banyo ng nakasuot ng kaswal na sapatos.Nakatanggap siya muli ng tawag mula kay Ryan. Kaagad sinagot ni Madeline ang tawag, “Andito na ako.”“Nandito ka na?” Nagulat si Ryan. “Kung ganun ay maghanap ka ng lugar para hintayin ako. Parating na ako.” “Mag-usap na lang tayo kapag nakarating ka na.” Mabilis na ibinaba ni Madeline ang tawag at naglakad papasok sa may bulwagan ng mag-isa. Habang naglalakad siya sa may pasilyo, pakiramdam ni Madeline ay may sumusunod sa kanya. Lumingon siya sa kanyang likuran pero wala siyang nakita. Nag-isip muna sandali si Madeline bago huminto para lumingon at mabilis na naglakas pabalik. Nang makarating siya sa may emergency stairwell, huminto siya at tinignan ang
”At ito ang para sa asawa ko!” "..."“P*tang *na mo, Lana!” Mukhang sumiklab ang galit ni Madeline at hinawakan niya sa leeg si Lana at hinigpitan ang pagkakahawak niya dito. Mukhang hindi komportable si Lana. Naka nganga ito na para bang gusto nitong umubo. Namula kaagad ang mukha nito sa isang iglap. Pero, mukhang hindi pa bibitaw si Madeline anumang oras. “Ang sama sa pakiramdam, ano? Alam mo ba kung gaano kasakit mamatay? Nakakapagpasaya ba sayo ang pagpapahirap ng ibang tao? Tikman mo ngayon kung paano mapahirapan ng ibang tao! Ano ang pakiramdam? Masarap bang pakiramdaman?!” “Eveli—ikaw… Uheh, uheh!” “Hindi ako makapaniwala na nakalaya ang isang katulad mo. Heh.” Tumawa si Madeline, lalong lumamig ang mga titig nito. “Kung hindi ka kayang parusahan ng batas, kung gayun ay ako na mismo ang magpaparusa sayo. Para sa anak ko at sa lalakeng pinakamamahal ko, kailangan ko silang maipaghiganti.” "..."Malumanay ang boses ni Madeline pero malakas. Lalo pang lumamig ang t
Hindi maipaliwanag ni Madeline kung ano ang nararamdaman niya sa mga sandali na yun. Sa sandaling nakita niya si Jeremy, biglang napawi ang sama ng kanyang loob. Kumalma ang tibok ng kanyang puso dahil sa paglitaw ni Jeremy. Sa kabilang banda, malaking baliktaran naman ng nararamdaman ni Madeline ang pakiramdam ni Ryan. Nang sasabihin na niyang asawa niya si Madeline, lumitaw si Jeremy ng hindi inaasahan. Tinitigan muna ng malamig ni Jeremy si Ryan mula ulo hanggang paa bago muling tignan si Madeline. Malumanay ang kanyang mga mata habang sinabi niya, “Mahal, halos nahirapan akong makahanap ng mapaparadahan. Pasensya na kung nahuli ako ng kaunti.” Kaagad naunawaan ni Madeline kung ano ang gustong ipahiwatig ni Jeremy. Ngumiti siya at nilapitan si Jeremy. “Jeremy, sakto lang ang dating mo.” Tinignan ni Jeremy ng malamig ang babaeng katabi ni Madeline. “Oh, talaga? Nag-aalala na nga ako na kapag natagalan pa ako, baka may mga pakialamero’t pakialamera ang biglang manggulo s
Pagkatapos ay pinuri ng matanda si Ryan, na sinabi, “Si Mr. Jones ay natatangi rin. Sa tulong ng mga magagaling na tulad niyo sa Interpol, tiyak ko na mababawasan ang kasamaan sa mundong ito.” Nang sinabi niya ito, nginitian ni Jeremy si Ryan na nakangiti rin. “Tama si Sir Calver. Naging mas mahirap ang naging sitwasyon ni Mr. Jones. Naatsan siyang protektahan ang pamilya ko, pero sa bandang huli, nagkamali ng pagkakaintindi ang lahat at inakala nila ay may relasyon sila ng asawa ko. Na ang totoo, wala naman talagang asawa si Ryan nung simula pa lang.” Nang sabihin ito ni Jeremy, hinigpitan niya ang kanyang yakap kay Madeline. Matalim ang kanyang tingin nang nagpatuloy siya sa pagsasalita, “At ang asawa ko ay kailangan lang sakyan ang lahat ng to para sa trabaho ko at dalhin ang walang laman na titulo bilang Mrs. Jones sa loob ng kalahating taon. Na ang totoo, si Eveline ay nanatiling si Mrs. Whitman. Ito ang isa sa mga bagay na hindi nagbago.” Kahit na nakangiti si Jeremy habang
Nang maharap si Madeline sa mga pagdududa ni Jeremy, ang tanging nagawa lang niya ay itikom ng mahigpit ang kanyang kamao. Naramdaman niya na unti unting bumabaon ang mga kuko niya sa kanyang palad bago dahan dahang sinabi, “Jeremy, merong mga bagay na hindi ko pa pwedeng sabihin sayo ngayon, pero pakiusap magtiwala ka sa akin. Hindi ako gagawa ng bagay na ikakasakit ng loob mo.”“Kung hindi ako naniniwala sayo, hindi sana ako nakatayo ngayon dito.” Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline at ibinaba ang kanyang ulo para makalapit dito. “Linnie, asawa mo ako. Pwede mo akong pagkatiwalaan at asahan anumang oras.” Nang marinig niya ang malumanay an boses na puno ng pagpapasensya at kalinga, nakaramdam n g kirot si Madeline sa kanyang dibdib. Tinitigan niya ang nag-aabang na mga mata nito pero wala siya masabi. “Jeremy, ako—” “Mr. and Mrs. Whitman.” Isang lalake ang lumapit sa kanila at binati sila. Hinawakan ni Madeline ang kamay ni Jeremy at magalang na nginitian ang bisita.