Galit pa rin si Jeremy kay Madeline. Pakiramdam ni Madeline ay nawawala siya at nagawan siya ng mali, pero wala naman siyang makausap tungkol. Nilabas niya ang kanyang phone at tinawagan si Ava. “Ava, pwede ba kitang maistorbo? Pwede mo ba akong sunduin dito sa hotel?” Kaagad na napansin ni Ava na lasing na si Madeline base sa pananalita nito. Nang walang sabi-sabi, kaagad niyang pinuntahan ang address ng hotel na binigay sa kanya ni Madeline. Nagpatuloy si Jeremy sa paghihintay. Hinihintay niya si Madeline na sabihin sa kanya ang dahilan, pero bago pa man niya makuha ang paliwanag nito, dumating si Ava. Nakita niya si Madeline at Ava na palapit sa isa’t isa bago inalalayan ni Ava si Madeline palabas ng bulwagan. Mukhang lasing na si Madeline nang sumandal ito sa balikat ni Ava. “Anong problema, Maddie? Bakit ka nagpakalasing? Nag-away ba kayo ni Jeremy?” Nag-aalalang tanongni Ava. Nakita niya si Jeremy na nakatayo sa di-kalayuan pero hindi sila pinapansin nito. “Kailan p
”Jeremy, huwag mo kong iwan.” Habang lasing, bahagyang nakabukas ang mga mata ni Madeline at nag-aalangan. Hinawakan ni Jeremy ang kanyang kamay. Maaninag ang medyo mapulang mukha ni Madeline sa kanyang mga mata. Nangako siya, “Hindi kita iiwan.”“Iiwan mo ko.” Namumugto ang mga mata ni Madeline. “Iiwan mo ako. Iiwan mo ko…” Nagulantang si Jeremy sandali at hindi niya alam kung paano sasagot. Oo, totoo yun. Iiwanan niya si Madeline. Meron na lang siyang dalawang taon para makasama si Madeline at ang kanilang mga anak. “Linnie.” Sumikip ang dibdib ni Jeremy. Lalong namula ang mga mata ni Madeline habang yumakap ito sa kanyang leeg. “huwag kang umalis. Ayoko nang mawala ka pa uli sa piling ko.” Napalunok ng laway si Jeremy ng makaranas siya ng hindi maintindihang sakit sa kanyang dibdib. Hinimas niya ang ulo ni Madeline para aluhin ito. Pagkatapos ay narinig niyang umiiyak si Madeline. “Nung anim na taon kang nawalay sa akin, akala ko ay hindi ka na talaga babalik sa a
...Nakatulog si Madeline sa mga bisig ni Jeremy ng buong gabing yun. Tanghali ng kinabukasan ng magising siya at nakita niya si Jeremy na nakahiga sa kanyang tabi. Bigla na lang nakaramdam ng hiya si Madeline at nagsimulang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kasal na sila, kaya bakit ganito ang nararamdaman niya? Nang naisip niya ang kakaiba niyang asal kagabi, namula siya at hindi mapigilan na mapasandal sa braso ni Jeremy. Nitong nakalipas na anim na buwan, ang bawat gabi na lumipas na wala si Jeremy sa kanyang tabi ay napakalamig. Nang bumalik si Jeremy, kakaiba pa rin para sa kanya ang lahat at nung gabi lang na yun gumaling ang nasakatan niyang puso sa pamamagitan ng pagmamahal na ipinakita ni Jeremy. Tinignan ni Madeline ang buhok ni Jeremy. Pagkatapos niyang maiturok ang pangatlong dose ng gamot, ang pagbabago sa kulay ng buhok ni Jeremy ay makikita. Hindi na ito kasing pusyaw tulad ng dati. Mukhang totoo at mabisa nga ang gamot na yun. Pero, pagkatapos ng g
Diretsong nagtanong si Ryan ng may malamig na tono. Halatang hindi siya nasiyahan sa nangyari kagabi. "Huwag kang magtanong ng kalokohan," naiiritang sagot ni Madeline. "King ganun, bakit mo ginawa ang bagay na yun?" Tanong ni Ryan na may malamig na boses, bakas ang pagkadismaya sa mukha nito. "Ang kailangan mo lang naman gawin kagabi ay maging si Mrs. Jones. Hindi mo ba maunawaan yun?" "Hindi nalabag ang kasunduan nating dalawa. Hindi ko alam na pupunta si Jeremy," pagdidiin ni Madeline, "Ryan, sinubukan kong gawin lahat ng mga pinag-uutos mo noon, pero pangkaraniwang tao lang ako. Hindi ko kayang kontrolin ang lahat ng bagay na pwedeng mangyari." Pagkatapos sabihin ito ni Madeline, hindi na nagsalita pa si Ryan. Bahagya itong sumimangot at mukhang may iniisip. "Ryan, anong binabalak mo? Ano ba ang kaugnayan mo kauly Adam?" Binasag ni Madeline ang katahimikan at nagtanong. Tumingala si Ryan, tinatago ang naghahalong emosyon sa kanyang mga mata. "Tigilan mo na ang pagta
Pagkatapos magbanta ni Jeremy, hindi na kalmado ang mukha ni Ryan. Yumuko si Ryan, ang makisig at banayad nitong mukha ay nabalot ng kadiliman. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan si Adam. "Hanapin mo kung nasaan si Lana at ibigay mo kaagad sa akin." Masunurin si Adam at kaagad tinawagan si Lana ayon sa utos ni Ryan. Dahil kailangan ni Lana ang mga gamot ni Adam para mabuhay, naglagay siya ng espesyal na ringtone para sa mga tawag ni Adam. Nagkataon, naubusan na si Lana ng gamot kahapon. Nang matanggap niya ang tawag ni Adam, natuwa siya. "Adam, ibigay mo sa akin ang gamot!" Palautos na sabi ni Lana. "Itong alas ocho ng gabi, pumunta ka sa presidential suite ng Glendale Hotel at maghintay dun. May magdadala ng bote ng gamot para sayo doon." Hindi nagmamadaling sagot ni Adam. Nagkaskasan ang mga ngipin ni Lana sa inis. "Adam, traydor ka! Nakalimutan mo na ba kung sino ang nagbigay sayo ng mga kailangan mo at nag-utos sayo na mag-research? Nang mamatay ang kapatid ko
Nang makita niya ang pagkatuso sa mga mata ni Ryan, napagtanto ni Lana na seryoso si ryan sa mga sinasabi niya. Nag-aalala siya at hindi mapalagay habang nakatingin siya sa lalake na mukhang napakamaginoo pero may nakakatakot at napakadilim na awra. “Ryan, b-bakit mo ako papatayin? Wala naman akong ginawa sayo. Ikaw—”“Ang kagaya mong tanga ay walang karapatang mabuhay sa mundo,” Malamig na sabi ni Ryan. “...”“Lana, naaalala mo pa ba ang tinanong ko sayo kahapon? Tinanong kita kung alam mo ba kung bakit ka nakabalik ng buhay sa Glendale. Sasabihin ko na sayo ngayon. Dahil yun sa akin.” “A-ano?” Sa gulat, napatitig si Lana sa lalakeng dahan dahan magsalita. “Ikaw? Paano nangyari yun? Ikaw at si Jeremy ay nagtulungan para mahuli ako para lang pakawalan ako? Heh! Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa mga sinasabi mo?!”Puno ng pagdududa si Lana. Hindi siya naniniwala na mangyayari ang bagay na yun. Nang maalala niya na parte ng Interpol si Ryan, nawala bigla ang kanyang takot.
’Kaya pala… Kaya pala…’ Napagtagni-tagni na ni Lana ang lahat! Kaya naman pala sa tuwing ginugulo niya si Madeline, pinapagalitan siya ni Yorick. Ayun pala ang utos na yun ay galing kay Ryan mismo! Gusto ni Ryan si Madeline, kaya ayaw niya na guluhin ni Lana si Madeline ng paulit-ulit! Baka dahil sa paggulo niya kay Madeline ay masira ang plano ni Ryan, kaya inutusan ni ryan si Yorick na balaan si Lana ng paulit-ulit! “Heh! Hehe, hahaha…” Tumawa ng malakas si Lana. “Ayun pala dahil lang ito sa bagay na to!” Tinignan niya si Ryan na nag;alagay ng bala sa baril. “Ryan, masyado kang magaling magtago!” “Mga tanga lang kayong lahat para hindi ito kaagad makita.” Tumawa si Ryan, at iniangat ang baba bi Lana gamit ng baril. “Akala mo ba ay nagtatrabaho para sayo si Adam? Ang ibig kong sabihin, tignan mo nga ang sarili mo at ang mga kapatid mo. Sa tingin mo ba talaga ay mararating ng Stygian Johnson Gang ang kinatatayuan nila ngayon kung wala silang natatanggap na tulong?”
Naglakad papasok si Jeremy at pinilit niyang iwasan ang dugo hangga't maaari. Subalit, sinasabi ng kalmado niyang puso na hindi si Linnie ang babae. Malalaman niya agad kung si Madeline ang babaeng ito kahit na nakatalikod ito. Paglapit ni Jeremy, nakita niya ang nakakatakot na namumutlang mukha ni Lana. Mas lamang ang pagtataka niya kaysa sa kanyang takot. Nakakulong si Lana sa isang kulungan sa F Country, kaya bakit siya natagpuang patay sa isang hotel sa Glendale? Tiningnan niya kung may pulso pa sa jugular vein ni Lana ngunit wala na siyang naramdaman. Patay na siya. Naalala ni Jeremy ang tawag ni Ryan, at sigurado siya na isa itong set-up. Hindi siya nagtagal at naglakad siya papunta sa pinto. Noong dumaan siya sa banyo, sinilip din ito ni Jeremy. Muli nanamang bumugso ang kanyang pag-aalala. 'Linnie, nasaan ka ba? Bakit hindi ko matawagan ang phone mo?' Noong aalis na sana si Jeremy, biglang binuksan ng isang babaeng hotel attendant ang pinto at pumasok si