’Kaya pala… Kaya pala…’ Napagtagni-tagni na ni Lana ang lahat! Kaya naman pala sa tuwing ginugulo niya si Madeline, pinapagalitan siya ni Yorick. Ayun pala ang utos na yun ay galing kay Ryan mismo! Gusto ni Ryan si Madeline, kaya ayaw niya na guluhin ni Lana si Madeline ng paulit-ulit! Baka dahil sa paggulo niya kay Madeline ay masira ang plano ni Ryan, kaya inutusan ni ryan si Yorick na balaan si Lana ng paulit-ulit! “Heh! Hehe, hahaha…” Tumawa ng malakas si Lana. “Ayun pala dahil lang ito sa bagay na to!” Tinignan niya si Ryan na nag;alagay ng bala sa baril. “Ryan, masyado kang magaling magtago!” “Mga tanga lang kayong lahat para hindi ito kaagad makita.” Tumawa si Ryan, at iniangat ang baba bi Lana gamit ng baril. “Akala mo ba ay nagtatrabaho para sayo si Adam? Ang ibig kong sabihin, tignan mo nga ang sarili mo at ang mga kapatid mo. Sa tingin mo ba talaga ay mararating ng Stygian Johnson Gang ang kinatatayuan nila ngayon kung wala silang natatanggap na tulong?”
Naglakad papasok si Jeremy at pinilit niyang iwasan ang dugo hangga't maaari. Subalit, sinasabi ng kalmado niyang puso na hindi si Linnie ang babae. Malalaman niya agad kung si Madeline ang babaeng ito kahit na nakatalikod ito. Paglapit ni Jeremy, nakita niya ang nakakatakot na namumutlang mukha ni Lana. Mas lamang ang pagtataka niya kaysa sa kanyang takot. Nakakulong si Lana sa isang kulungan sa F Country, kaya bakit siya natagpuang patay sa isang hotel sa Glendale? Tiningnan niya kung may pulso pa sa jugular vein ni Lana ngunit wala na siyang naramdaman. Patay na siya. Naalala ni Jeremy ang tawag ni Ryan, at sigurado siya na isa itong set-up. Hindi siya nagtagal at naglakad siya papunta sa pinto. Noong dumaan siya sa banyo, sinilip din ito ni Jeremy. Muli nanamang bumugso ang kanyang pag-aalala. 'Linnie, nasaan ka ba? Bakit hindi ko matawagan ang phone mo?' Noong aalis na sana si Jeremy, biglang binuksan ng isang babaeng hotel attendant ang pinto at pumasok si
"Ayos ka lang ba? Mag-isa ka lang ba ngayon?" Nag-aalalang nagtanong si Jeremy. Mabilis na sumagot si Madeline, "Oo, pauwi na ako." Napanatag ang kalooban ni Jeremy nang marinig niya ang sagot ni Madeline. "Sige, umuwi ka na agad. Hihintayin kita." Binaba ni Madeline ang tawag, ngunit pakiramdam niya ay parang may hindi tama. 'May nangyari kaya? Bakit alalang-alala siya sakin?' Habang nag-iisip siya ng malalim, may sumulpot na balita sa newsfeed ng phone niya. Bago pa man niya mabasa ang balita, tumawag sa kanya si Ava. Mas puno ng pag-aalala ang boses ni Ava kumpara kay Jeremy. "Maddie, totoo ba 'to?! Pinatay ni Jeremy si Lana?!" Nakaramdam ng matinding gulat si Madeline at napako siya sa kanyang kinatatayuan. Ilang sandali ang lumipas, nagtanong siya, "Ava, bakit mo tinatanong sakin yan?" "Hindi mo pa ba nakita ang balita sa internet? Kalat na kalat na yung balitang yun!" Ang sabi ni Ava, "Akala ko nakakulong sa F Country si Lana. Hindi ko inakala na makakalaya siya a
Gumaan ang loob ni Madeline sa sinabi ni Jeremy. Hindi na siya kinakabahan, ngunit mas marami siyang iniisip ngayon kaysa noon. Habang sinusubukan pa niyang intindihin kung ano ang sinasabi ni Jeremy, biglang pumasok ang mga pulis sa bahay upang hanapin si Jeremy. "Mr. Whitman, sangkot ang pangalan mo sa isang kaso ng pagpatay. Sumama ka samin pabalik ng prisinto para sa imbestigasyon." Seryoso ang mukha ng pulis na namumuno sa grupo. Habang nagsasalita siya, sinubukan niyang lagyan ng posas ang mga kamay ni Jeremy. "Sasama ako sa inyo sa prisinto para sa imbestigasyon, pero dahil wala namang ebidensya na magpapatunay na ako nga ang pumatay kay Lana, walang sinuman ang pwedeng maglagay ng posas sakin." Tiningnan ni Jeremy ang posas, at dahil kusa siyang sasama sa mga pulis, naglakad siya ng mag-isa palabas ng bahay ng walang posas. "Jeremy!" Hinabol siya ni Madeline, at pati na rin nila Jackson at Lillian. Napahinto sa paglalakad si Jeremy noong makita niya na humahabol sa
Tumingin ng masama si Madeline kay Ryan. "Ikaw ba yung nagpakalat ng pekeng balita sa internet?" "Sinasabi ko lang ang totoo." Kampanteng nagsalita si Ryan. "Nagkaroon ng relasyon si Jeremy kay Lana dati, tama naman ako di ba?" "Tumahimik ka!" Sumigaw si Madeline. "Ryan, alam nating pareho kung bakit naging malapit ang asawa ko kay Lana noon! Malaki ang sinakripisyo niya para sa Interpol, tapos ngayon sinasabi mo na nagkaroon sila ng relasyon? Ganyan ka ba talaga kasama?!" Hindi nasiyahan si Ryan sa mga sinabi ni Madeline at nagsalita siya na para bang nagpapaalala siya, "Imbis na sermonan mo ako, bakit hindi mo na lang hanapan ng magaling na abogado si Jeremy?" Ngumiti siya habang nakatingin siya kay Madeline na nakatingin naman ng masama sa kanya. "Hintayin mo lang na ikumpara nila ang fingerprints sa baril at sa pinangyarihan ng krimen. Hindi na makakatakas pa sa krimen na 'to si Jeremy. Buhay ang kapalit ng pagkitil ng buhay. Kahit na ibigay ko sayo ang lahat ng gamot na ka
May pinakitang mga dokumento ang mga pulis at sinabing, "May nakuha kaming matibay na ebidensya na si Mr. Whitman ang responsable sa pagkamatay ni Lana. Nandito kami para arestuhin siya." "Please huwag mo na kaming pahirapan, Mrs. Whitman." "Imposible yan! Hindi magagawang pumatay ni Jeremy!" Nagmadaling bumaba si Karen. "Baka nagkakamali kayo. Siguradong may mali sa nakuha niyong ebidensya!" "Aprubado ng mga forensic physician ang ebidensyang nakuha namin. Imposibleng ginawa lang ang ebidensyang iyon." Ang kampanteng sinabi ng pulis. "Tsaka, may natanggap kaming anonymous document na nagpapatibay sa motibo ni Mr. Whitman para patayin ang biktima. Napagtagpi-tagpi na rin namin ang oras at pangyayari na humantong sa pagpatay sa biktima, at higit sa lahat, may mga fingerprint ni Mr. Whitman sa baril na naiwan sa crime scene."'Nakita sa baril ang mga fingerprint ni Jeremy?' Hindi makapaniwala si Madeline. Nagsimulang magtanong ang pulis, "Mrs. Whitman, noong araw ng birthday
Kaagad na tumakbo palabas ang mga pulis para obserbahan ang pinanggalingan ng tunog. Binuntutan sila ni Madeline at nakita na may isang basag na plorera sa sahig sa ibaba ng kwarto. Nakabukas ang bintana ng balkonahe. Ang kurtina ay gumegewang kasabay ng hangin. "Napakaposible na tumalon si Jeremy mula sa bintana para tumakas. Kayo, dalian niyo at habulin niyo siya!" Kaagad na inutusan ng lider ang kanyang mga tauhan. Tumingin si Madeline sa taas ng balkonahe. Naniniwala siya na kayang tumalon ni Jeremy. 'Pero 'aksidente' niya bang mababasag ang plorera at ipaparinig sa iba?' Habang kinakatok niya ang ulo niya, isang pamilyar na anino ang naaninag niya. Kumislap ang mata niya nang makatinginan niya ang malalim na mata na pagmamay-ari ni Jeremy. Kumakabog nang malakas ang dibdib ni Madeline. Nang makita si Jeremy na paalis, kaagad siyang umaakyat at sadyang hinarangan ang pulis na dala ang grupo nito. "Sir, naniniwala talaga ako na di papatay ng tao ang asawa ko. Tingin ko
Nang magpupumiglas na si Madeline, narinig niya ang isang pamilyar na boses. "Shh, ako ito." Isang malalim ng boses ng lalaki ang kumiliti sa kanyang tainga habang hinihila siya kito sa kalye. Matapos siguruhin na nakaalis na ang mga taong bumubuntot sa kanila, tumawag ng cab ang lalaki at dinala si Madeline papasok ng kotse. Sa loob ng kotse, tinitigan ni Madeline ang mukha ng lalaki at mukhang di natutuwa. "Ikaw ang nagpadala sa akin ng mensahe kanina?" Tanong niya. Sa loob niya, inakala niya na mula ito kay Jeremy. Napansin ni Fabian ang pagkadismaya sa mukha ni Madeline. Ngumiti siya nang bahagya at sinabi, "Nadismaya ka ba?" Nabalitaan na niya ang tungkol sa pagpatay kay Lana. Nakangiti si Fabian pero tinignan lang siya ni Madeline sa mata. "Sa pananaw ko, dapat lang kay Lana yun, pero masasabi ko mismo sa harapan mo na hindi ang asawa ko ang pumatay." "Alam kong sasabihin mo yan." Para bang inasahan na ito ni Fabian. Tumawa siya. "Ang natitirang pamilya na mayro
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si