Kaagad na tumakbo palabas ang mga pulis para obserbahan ang pinanggalingan ng tunog. Binuntutan sila ni Madeline at nakita na may isang basag na plorera sa sahig sa ibaba ng kwarto. Nakabukas ang bintana ng balkonahe. Ang kurtina ay gumegewang kasabay ng hangin. "Napakaposible na tumalon si Jeremy mula sa bintana para tumakas. Kayo, dalian niyo at habulin niyo siya!" Kaagad na inutusan ng lider ang kanyang mga tauhan. Tumingin si Madeline sa taas ng balkonahe. Naniniwala siya na kayang tumalon ni Jeremy. 'Pero 'aksidente' niya bang mababasag ang plorera at ipaparinig sa iba?' Habang kinakatok niya ang ulo niya, isang pamilyar na anino ang naaninag niya. Kumislap ang mata niya nang makatinginan niya ang malalim na mata na pagmamay-ari ni Jeremy. Kumakabog nang malakas ang dibdib ni Madeline. Nang makita si Jeremy na paalis, kaagad siyang umaakyat at sadyang hinarangan ang pulis na dala ang grupo nito. "Sir, naniniwala talaga ako na di papatay ng tao ang asawa ko. Tingin ko
Nang magpupumiglas na si Madeline, narinig niya ang isang pamilyar na boses. "Shh, ako ito." Isang malalim ng boses ng lalaki ang kumiliti sa kanyang tainga habang hinihila siya kito sa kalye. Matapos siguruhin na nakaalis na ang mga taong bumubuntot sa kanila, tumawag ng cab ang lalaki at dinala si Madeline papasok ng kotse. Sa loob ng kotse, tinitigan ni Madeline ang mukha ng lalaki at mukhang di natutuwa. "Ikaw ang nagpadala sa akin ng mensahe kanina?" Tanong niya. Sa loob niya, inakala niya na mula ito kay Jeremy. Napansin ni Fabian ang pagkadismaya sa mukha ni Madeline. Ngumiti siya nang bahagya at sinabi, "Nadismaya ka ba?" Nabalitaan na niya ang tungkol sa pagpatay kay Lana. Nakangiti si Fabian pero tinignan lang siya ni Madeline sa mata. "Sa pananaw ko, dapat lang kay Lana yun, pero masasabi ko mismo sa harapan mo na hindi ang asawa ko ang pumatay." "Alam kong sasabihin mo yan." Para bang inasahan na ito ni Fabian. Tumawa siya. "Ang natitirang pamilya na mayro
"..." Alam ni Madeline na sadya itong sinabi ni Fabian. Napansin din niya na ang pulis at ang press ay nakatingin sa kanila, isang 'magkasintahan'. Sadyang ginamit ni Fabian ang kanyang pangangatawan para harangan si Madeline at 'niyakap' siya nang pumasok sila ng kwarto. Sa sandaling pumasok sila, kumawala si Madeline kay Fabian. "Fabian, anong motibo mo sa pagpapanggap at pagdala sa akin dito?" "Linnie." Narinig ang malalim at magaspang na boses ni Jeremy mula sa likod. Nabigla si Madeline at kaagad na umikot. Ngumiti sa tuwa si Madeline sa sandaling makita niya ang gwapong mukha nito. "Jeremy!" May mainit at maliit na ngiti si Jeremy nang yakapin niya si Madeline. "Wag kang mag-alala, ayos lang ako." Di nagsalita si Madeline. Inilulubog lang niya ang kanyang sarili sa braso ni Jeremy, naghahanap ng seguridad. Nakita ni Fabian ang eksena at umiling habang nakangiti. "Mission accomplished." Tapos umikot siya para umalis ng kwarto. Nang mapansin na nasa paligid pa r
"Mga pulis?" Lumaktaw ng tibok ang puso ni Madeline. Kaagad siyang kumilos at pinagtago si Jeremy sa kwarto. Ding dong, ding dong! Nagpatuloy ang pagtunog ng doorbell, at nag-alala si Madeline dito na baka mahuli si Jeremy. Tumungo si Madeline sa banyo. Binasa niya ang kanyang wig at nagsuot ng isang bathrobe. Tapos inilabas niya ang isang malaking tuwalya at nagpanggap na nagpapatuyo ng buhok na para bang katatapos lang niyang maligo. Doon lang niya binuksan ang pinto. "Bakit ang tagal mo? Anong ginagawa mo sa loob?" Tanong ng isang batang pulis nq mukhang nagtataka. Nagpanggap na naiinis si Madeline nang yumuko siya para punasan ang kanyang buhok habang tinatakpan ang kanyang mukha. Sinabi niya nang parang tinatamad, "Hoy officer, di mo ba nakikitang naliligo ako? Anong problema dito?" Pinagmasdan ng pulis ang kwarto. "May iniimbestigahan kaming murder case sa kwarto dito. Walang mga guest ang pwedeng manatili sa kahit anong kwarto sa palapag na ito. Pakiusap mag-impake ka
Screech! Biglang prumeno si Jeremy. Nitong alas onse bago siya mawalan ng malay, ipinarada niya ang motorsiklo sa tabi ng isang kapatagan kung saan ilang tao ang ginamit ang lakas nila para ibaba nang ligtas si Madeline. Naramdaman ni Madeline na may kakaiba nang marinig niya ang biglang nakakabinging tunog ng preno. Ngunit ang ikinabigla niya, sa sandaling bumaba siya, biglang umubo nang walang-tigil si Jeremy. Namutla nang husto ang mukha niya. "Anong problema Jeremy?!" Niyakap niya ito nang nababahala. Ayaw ni Jeremy masaksihan ni Madelime ang kanyang pagdurusa at pangit na itsura, kaya maharan niyang itinulak ito palayo. "Lumayo ka sa akin Linnie," Sinabi niya nang umikot siya. Nang wala pang dalawang hakbang, kailangan niyag ilapag ang kanyang kamay sa isang malaking puno sa tabi ng kalsada para alalayan ang kanyang sarili nang nanghihina. "Jeremy!" Di niya maiwan ito. Tumakbo siya papunta kay Jeremy at niyakap ito. "Anong nangyayari Jeremy? Masama ba ang pakiramdam
Itinaas ni Madeline ang kanyang naluluhang mata at tumingin nang diretso kung saan nakatitig si Jeremy. Sa ilalim ng araw, ang tunog ng alon ay naglalakbay sa tainga niya. Naaamoy niya ang alat ng dagat, ang amoy ng tag-araw. Ito ang April Hill一ang lugar kung saan sila unang nagkakilala at nagkasama. "Linnie, sana sa susunod na buhay mahawakan ko pa rin ang kamay mo at habulin ka sa dagat na ito. Sa oras na yun, lagi kong iisipin ang itsura mo at di na ako magkakamali ng akala. Di ko hahayaang pagdusahan mo ulit ang mga walang kwentang kahihiyan na yun." Naiyak si Madeline at isinubsob niya ang kanyang mukha sa leeg ni Jeremy nang marinig niya ang mapag-asam at nagsisising komento. "Jeremy, di ko gustong makilala ka sa susunod na buhay. Gusto ko dito ka lang sa buhay na ito." Habang nagsasalita siya, bigla siyang naging seryoso. "Jeremy, di ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo!" Sa sandaling marinig ni Jeremy ang sinabi niya, naalala nito ang gabi sa ospital noong may s
Nang sabihin niya ito, nagsimula siyang maglakad nang mas mabilis sa dagat para itapon ang mga bote. Hinawakan siya ni Madeline tapos tumakbo sa harapan niya. "Jeremy, di lang ako basta babae mo, asawa mo rin ako! Naiintindihan mo ba? Asawa mo ako! Ano ngayon kung magsakripisyo ako nang kaunti para sa asawa ko? Di ako nalulungkot na ginawa ko ito. Tingin ko sulit ito!" Sinigaw niya nang nagwawala, habang nanginginig ang paghinga niya. Tinignan ni Jeremy ang namumulang mata ni Madeline at itinikom ang kanyang kamao. Maririnig ang pagtunog ng kanyang kamao. "Jeremy, kapag binato mo sa dagat ang mga reagent, tatalon ako sa dagat a harapan mo!" "Linnie!" "Kung gagawin mo yan, edi tatalon ako!" Matindig ang mata ni Madeline. "Para sa akin, walang mas mahalaga ngayon kaysa sa reagent!" Nakita ni Jeremy ang determinasyon sa mga mata ni Madeline. Inasahan na ni Madelin na magkaroon ng ganito kalalang reaksyon si Jeremy, kaya di niya ito sinabi sa kanya. Ngunit di na niya ito mail
Tama si Jeremy. Ngunit dahil matagal nang pinipigilan ni Ryan si Madeline, medyo naguguluhan siya. Di niya alam kung paano kikilos nang mag-isa at bawiin ang kalayaan niya. "Linnie, kumapit kang maigi." Narinig niya ang kampanteng boses ni Jeremy na nagsasabi. Kumapit sa kanya si Madeline. "Jeremy, namimilipit ka sa sakit kanina lang. Kaya mo pa bang bumiyahe?" "Di ako nasasaktan dahil sa bumibiyahe ako." Alam ni Jeremy ang katawan niya. "Edi ano pala? Jeremy, pwede mo bang sabihin sa akin kung saan ka nagpunta at anong dinanas mo sa anim na buwang iyon?" Medyo nabigla si Jeremy nang banggitin niya ulit ang usapang ito. Hindi niya ito sinagot. Sa halip, pinihit niya ang hawakan at pinaandar ang motorsiklo. … Talagang bumalik si Ryan sa headquarters ng Interpol. Matapos kausapin ang mga nasa itaas, sinabi pa niya sa leader ng bureau na may pinatay si Jeremy sa Glendale at dapat nilang itumba ito. Nagpayo din siya na ipaaresto si Jeremy sa mga pulis. Sinabi ng mga nasa