Share

Kabanata 1203

Naglakad papasok si Jeremy at pinilit niyang iwasan ang dugo hangga't maaari.

Subalit, sinasabi ng kalmado niyang puso na hindi si Linnie ang babae.

Malalaman niya agad kung si Madeline ang babaeng ito kahit na nakatalikod ito.

Paglapit ni Jeremy, nakita niya ang nakakatakot na namumutlang mukha ni Lana.

Mas lamang ang pagtataka niya kaysa sa kanyang takot.

Nakakulong si Lana sa isang kulungan sa F Country, kaya bakit siya natagpuang patay sa isang hotel sa Glendale?

Tiningnan niya kung may pulso pa sa jugular vein ni Lana ngunit wala na siyang naramdaman.

Patay na siya.

Naalala ni Jeremy ang tawag ni Ryan, at sigurado siya na isa itong set-up.

Hindi siya nagtagal at naglakad siya papunta sa pinto. Noong dumaan siya sa banyo, sinilip din ito ni Jeremy.

Muli nanamang bumugso ang kanyang pag-aalala.

'Linnie, nasaan ka ba? Bakit hindi ko matawagan ang phone mo?'

Noong aalis na sana si Jeremy, biglang binuksan ng isang babaeng hotel attendant ang pinto at pumasok si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status