All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 1101 - Chapter 1110

2479 Chapters

Kabanata 1101

Naramdaman ni Jeremy na tumalon ang kanyang puso habang tinaas niya ang kanyang ulo para tingnan si Madeline. Ngunit hindi siya gising. Wala siyang malay na hinawakan ang kanyang kamay pero mahigpit pa rin ang kanyang kapit. "Jeremy, wag mo na kong iwan ulit…" sabi niya habang tulog. Hindi niya alam na katabi niya si Jeremy. Hinawakan ni Jeremy ang kanyang kamay ay hinalikan ang likod nito. May matinding pagmamahal sa likod ng kanyang gwapong mga mata. "Linnie, kahit saan man ako magpunta, ikaw pa rin ang natatangi ko." Umupo si Jeremy sa kama at kuntentong tinignan ang natutulog na mukhang iyon. Pinainom niya ng gamot si Madeline. Pagkatapos nito, nanatili lang siya roon at tahimik siyang pinanood. Nanatili siya roon buong maghapon. Nang maramdaman niyang hindi na gaanong mainit ang kanyang noo, sinukat ni Jeremy ang kanyang temperatura at napansin na bumaba na nga ang kanyang lagnat. Nakahinga na siya nang maluwag at nagpasyang umalis. Naglabas siya ng isang jewelry
Read more

Kabanata 1102

Sinubukan ni Naomi na suyuin si Ryan gamit ng oportunidad na ito. "Rye, magbalikan na tayo okay? Ako ang tunay na nagmamahal sa'yo." Habang patuloy na ginugulo ni Naomi si Ryan, kalaunan napabitaw siya kay Madeline. Tumakbo palabas ng pinto si Madeline at patungo sa hangin at ulan ng taglagas. "Jeremy, Jeremy!" Sumigaw siya sa harap ng kawalan. "Kung di mo ako mapakawalan, edi bakit ka nagtatago sa akin? Tingin mo ba di ako masasaktan kapag pinagtaguan mo ako?" Nakatayo si Jeremy sa sulok at natuwang umuulan ngayon. Kahit paano di siya maaamoy ni Madeline. Tumakbo si Ryan palapit at hinawakan si Madeline nang makita niya itong nakadamit ng manipis sa habang nakatayo sa gitna ng ulan. "Eveline, kumalma ka." Pinakalma siya ni Ryan nang hawakan niya ang nagpupumiglas na Madeline bago ito dalhin sa loob. Di matiis ni Naomi kung paanong nag-aalala si Ryan kay Madeline. Dahil dito, sumingit siya sa harapan nila para pigilan sila. "Madeline, mang-aagaw ka! Inakit mo ang fi
Read more

Kabanata 1103

Hindi nakalimutan ni Jeremy na gustong makuha ni Lana ang impormasyon an ito mula sa kanya, pero wala siyang pakialam. Ngayon, gusto na lang niyang mawala ang mga taong sumira sa relasyon nila ni Madeline. Habang nakatingin sa mukha ni Naomi na nagiging kulay lilak na, bigla niyang narinig ang natatarantang boses ni Madeline na sinasabi sa kanya, “Jeremy, tumigil ka na sa paggawa ng isa pang pagkakamali.”‘Hindi, Linnie. Hindi ko na gagawin pa an g mga pagkakamaling yun. “Kung ayaw mong gawin ko ang anumang bagay na labag na sa limitasyon, hindi ko gagawin.’ Malapit nang huminto sa paghinga si Naomi. Sa sandaling yun, naisip niya na malapit na niyang makita ang Diyos nang biglang binitawan siya ni Jeremy. Bumagsak sa lapag si Naomi at huminga ng malalim. Inangat niya ang kanyang ulo, at nang makita niya ang lalakeng nakatayo sa kanyang harapan na parang si Satanas, binaluktot niya ang kanyang sarili na parang bola. “Ti-titigil na ako sa panggugulo kay Eveline. P-pakiusap,
Read more

Kabanata 1104

Nang makita ni Lilian si Fabian, nagkaroon ng ngiti sa mukha nito. Kahit na hindi ito nagsalita, pinakita ng kilos nito na gusto niyang mapalapit kay Fabian. Binitawan ni Madeline ang kamay nito at hinayaan si Lilian na lumapit kay Fabian. Umupo si Fabian at kinarga ang nakakatuwang bata. "Lily, namiss mo ba ako?" Tumango si Lilian. Naramdaman ni Fabian na umiinit ang puso niya nang makita niya ang inosenteng mukha nito. Di tutol si Madeline kay Fabian. Naisip niya na rin na nakakaantig ang eksenang ito sa harapan niya. Nakikita niya ang pag-aalala ni Fabian kay Lilian. Dati makulit siya pero ngayon mukhang nagbago na talaga siya. "Fabian, nandito ka ba para sa akin?" Tanong ni Madeline. Tumango si Fabian. Ayos lang sa kanya na pinaglalaruan ng batang babae ang buhok niya. "Di magtatagal mapaparusahan na si Lana. Pero ayaw niyang umamin na siya ang nagsimula ng apoy sa Montgomery Manor. Pinipilit niya na si Jeremy ang nagsimula ng apoy. Tinawagan ng pulis ng F Cou
Read more

Kabanata 1105

Sobrang lamig ng hangin sa maagang bahagi ng taglamig. Parang nababalot ito ng tinik habang bumabalot ito sa sugatan niyang puso, na nagpapalala sa nararamdaman niyang sakit. Inunat ni Madeline ang nanginginig niyang mga kamay para abutin ang kard na inaabot sa kanya ni Ken. Nang makuha niya ito, pakiramdam niya ay nahawakan niya ang malalamig na mga daliri ni Jeremy. "Kailan pa nangyari to?" Pinigilan niya ang kanyang kalungkutan at kalmadong nagtanong. "Ngayong araw ang ika-49 na araw," Sagot ni Ken at tinignan ang lapida na nasa kanyang harapan bago bumuntong-hininga. "Ang dahilan kung bakit pinili ni Mr. Whitman ang lugar na ito at ang rason kaya maiksi ang lapida ay dahil sa nagsisisi siya sa nangyari sa mga magulang mo. Kaya, kapag namatay siya, gagamit siya ng napakamababang uri ng pagluhod sa kanila sa pag-asa mapagbayaran niya ang mga kasalanan niya sa mga magulang mo." Hindi na mapigilan ni Madeline ang kanyang mga luha nang marinig niya ang sinabi ni Ken. Nagsimu
Read more

Kabanata 1106

Matapos basahin ang liham, walang-tigil na lumuluha si Madeline. Itinaas niya ang kanyang namumula at luhaang mata para tignan ang walang pangalang puntod bago ito hawakan. "Paano kita malilimutan?" Ngumiti siya habang tumutulo ang luha sa kanyang mata. Ang malamig na hangin ay nanuot sa kanyang katawan at nakaramdam siya ng nababasag sa loob niya. Bigla siyang bumangon at tumakbo sa harap ng puntod ni Eloise at Sean bago lumuhod nang may kalabog. "Mom, Dad, pakiusap patawarin niyo si Jeremy, pakiusap…" Malungkot na nagmakaawa si Madeline. Walang ideya si Lilian kung bakit umiiyak nang sobrang lungkot si Madeline. Ngunit tumakbo din siya palapit at lumuhod gaya ng nanay niya. Lumuhod silang dalawa sa harapan ng puntod habang hinaharap ang malamig na hangin ng taglamig. Isa sa kanila ang umiiyak habang ang isa ay nakikiramay. Ang lalaking nasa itim na kotse sa pasukan ng sementeryo ay itinaas ang manipis nitong mata para tignan ang eksena sa harapan nito. Tapos inilayo n
Read more

Kabanata 1107

Nagtaka si Madeline kaya sinundan niya si Lilian papunta sa salaming bintana sa kabilang gilid. Kakaiba ang kinikilos ni Lilian at paulit-ulit niyang tinuturo ang salamin. Tinignan ni Madeline kung saan ito nakaturo pero wala siyang nakita. "Lily anong gusto mong makita ko?" Ngumiti si Madeline at nagtanong. Kinurap ni Lilian ang kanyang mata at hinawakan ang kamay ni Madeline. Tapos dinala niya ito sa pinto. Sumunod sa kanila si Jackson nang nagmamadali nang makita niya ito. Hindi pa nakita ni Madeline na ganito ang ikinilos ng anak niya noon. Nagsimulang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang maramdaman niya may mangyayari kasunod. Hinawakan ni Lilian ang kamay ni Madeline at pumunta sa kabilang gilid ng kalsada. Tapos naglakad sila palabas ng gusali. "Lily, gusto mo bang pumunta dito?" Nagtingin sa paligid si Madeline at wala siyang napansing kakaiba. Kumikislap ang mata ni Lilian. Nagtitingin din siya sa paligid. Para bang may hinahanap siya. Ngunit di niya maha
Read more

Kabanata 1108

"Jeremy, namimiss kita. Namimiss kita sobra…" Hinawakan ni Madeline ang nanginginig niyang kamay at sinubukan niyang pigilan ang kanyang kalungkutan. Kasabay nito, tinawagan siya ni Ava. Dahil dito, pinakalma ni Madeline ang kanyang sarili at sinagot ang tawag. Sa kabilang linya ng cellphone, parang malungkot ang boses ni Ava. "Anong dapat kong gawin Maddie? Sinabi ni Dan na gusto akong imbitahan ng nanay niya sa bahay nila." Narinig ni Madeline ang nangyari noong ika-80 kaarawan ni Old Master Graham at kung gaano naging masama ang pamilya ni Daniel kay Ava. Tulad ito noong kinontra ng mga Whitman si Madeline. Ngunit ang kaibahan lang ay kinakampihan ni Daniel si Ava. Noon wala man lang pakialam si Jeremy kay Madeline. Nang maisip niya ito, malinaw pa rin na nararamdaman ni Madeline ang sakit na naramdaman niya noon. Ngunit mas gusto niya pang pagmalupitan siya nito kaysa iwan siya nito habang-buhay. "Maddie, tingin mo ba dapat pumunta ako?" Ang naguguluhang tanon
Read more

Kabanata 1109

Piniling mabuti ni Ava ang regalong ito. Bago niya ito bilhin, hiningi niya pa ang opinyon ni Daniel. Ngunit nang tignan ni Ava ang malagim na mukha ni Mrs. Graham ngayon, alam niyang nagkamali siya. Ihinagis ni Mrs. Graham ang kahon nang naiinis bago suminghal. "Hmph, Dan, saang basurahan mo nakuha ang girlfriend mong ito? Tingin mo ba makakasama siya sa Graham family sa ganitong ugali niya?" "Mom anong sinasabi mo?" Naiinis na tanong ni Daniel. Tumayo si Naya at marahang sinabi, "Dan, natural lang na magalit si Mrs. Graham." "Anong ibig-sabihin mo?" Naguluhan si Dan at maging si Ava. Bumuntong-hininga si Naya habang mukhang walang magawa. Itinuro niya ang kahong ibinato ni Mrs. Graham. "Dan, natural lang at wala kang alam sa alahas. Pero may alam si Mrs. Graham. "Mula ito sa isa sa mga international na luxury jewelry brand. Walang makakabili ng black diamong brooch sa kahit anong bilihan sa Glendale." Mukhang mayabang si Naya nang sabihin niya ito. Kasabay nito, may m
Read more

Kabanata 1110

Matapang na sinabi ni Daniel at hinawakan niya ang kamay ni Ava bago sumumpa nang seryoso. "Makinig kayo, di ko susukuan ang babaeng mahal ko dahil sa pamilya niya. Kung gustong-gusto niyong maging biyenan ang mga Mendez, bahala kayo. Pero wag niyo akong isama sa mga di importanteng tao." "..." Nabigla si Mrs. Graham nang marinig niya ito. Noon pa mahinhin at matikas si Daniel. Ito ang unang beses na nagwala siya. Tapos hinawakan ni Daniel si Ava at umalis, iniwan ang lahat ng tao sa lamesa na nakatingin sa isa't isa sa gulat. Itinikom ni Naya ang kanyang bibig. Ito ang unang pagkakataong napahiya siya. Siya ang tanging babae sa Glendale na bagay kay Daniel, pero ngayon, natalo siya ng babaeng ito. Paano niya matatanggap ito? Matapos ihatid ni Daniel si Ava pabalik sa apartment niya, nanghingi siya ng tawad sa nangyari. Ngunit di nabahala si Ava. Sa halip, nakangiti siya nang masaya. Di maintindihan ni Daniel kung bakit nakangiti si Ava at hindi siya galit. Kabado s
Read more
PREV
1
...
109110111112113
...
248
DMCA.com Protection Status