Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1091 - Kabanata 1100

2479 Kabanata

Kabanata 1091

Napansin ni Ryan na kakaiba ang kinikilos ni Madeline. Sinundan niya siya at nakita niya na may tinatawagan si Madeline sa phone. Pagkatapos, sa mga sumunod na sandali, narinig niya na tinanong ni Madeline ang tao sa kabilang linya ng phone, "Dr. Gordon, ako si Eveline Montgomery. Pwede ko bang malaman kung ano ang blood type ng blood sample na pinasuri ko sa inyo?" Narinig ni Ryan na nagmamadaling nagtanong si Madeline.Hindi niya alam kung ano ang sinagot ng taong kausap ni Madeline. Ang tanging nakita lang niya ay bumuntong hininga si Madeline at tila napanatag ang kanyang kalooban. Para bang nakuha niya ang sagot na gusto niyang marinig. Pagbaba niya ng phone, nakita ni Ryan na mas mahinahon na si Madeline ngayon. Pagkatapos ay pinagpatuloy niya ang paghahanda ng hapunan para sa kanilang dalawa. At noong makatapos siya sa pagluluto, umupo sila sa hapagkainan at kumain ng tahimik. May nararamdaman si Ryan para kay Madeline at gusto niya talaga siya. Subalit, alam din ni R
Magbasa pa

Kabanata 1092

Noong sandaling makita ni Daniel si Ava, kumislap ang kanyang mga mata. "Napakaganda mo ngayon." Pinuri siya ni Daniel. Naramdaman ni Ava na uminit ang kanyang mukha. Nahihiya siya ngunit nagpanggap siya na wala siyang pakialam. "Sinasabi mo ba na pangit ako dati?" Agad na nagpaliwanag si Daniel at namula ng husto ang kanyang mukha, "Syempre, hindi yun ang ibig kong sabihin. Sinasabi ko lang na mas maganda ka ngayon." Tumalikod si Ava at natuwa siya sa sarili niya. Ngayon lang niya naramdaman ang ganito. Pagsakay niya sa passenger seat, pinagmasdan ni Ava si Daniel habang nagmamaneho siya. Makisig ang itsura ni Daniel. Mukha siyang mahinahon at maamo, ngunit kasabay nito, masigla at buhay na buhay ang kanyang mga mata. Noong naging pula ang ilaw ng traffic light, hininto ni Daniel ang kotse at lumingon siya kay Ava. Walang oras si Ava para ilihis ang kanyang tingin bago nagtagpo ang mga mata nila ni Daniel. "Kanina ka pa nakatingin sakin." “...”"Noong gabing yun s
Magbasa pa

Kabanata 1093

Pagkakataon nga naman. Pareho sila ng suot ng babaeng yun. Kahit na hindi masamang magsuot ng pareho sa suot ng ibang tao, mahihiya ang mas pangit sa dalawang taong yun. Subalit, hindi ito tungkol sa itsura. Ang problema ay isang limited fall edition dress ng isang mamahaling brand ang suot nila at nag-iisa lang ito sa buong mundo. Ngayon, pareho sila ng suot na damit. Ibig sabihin lang nito na peke ang suot ng isa sa kanila. Alam ni Ava kung saan galing ang damit niya. Noong mapansin niya na hindi nakatingin sa kanya ang babae, nag-isip muna siya bago niya binitawan ang kamay ni Daniel at tumalikod siya."Saan ka pupunta?" Nagtatakang nagtanong si Daniel. Nang marinig ni Old Master Graham ang boses ni Daniel, lumingon siya habang nakikipag-usap siya sa isang grupo ng mga tao. "Nandito na si Dan." Masayang lumapit sa kanila ang nanay ni Daniel. "Dan, di ba sabi mo may susunduin kang kaibigan? Nasaan sila?" Hinablot ni Daniel si Ava na sinusubukang tumakas at pinakilala n
Magbasa pa

Kabanata 1094

Hindi nagpapigil si Mrs. Graham habang pinapahiya niya si Ava sa harap ng lahat. Ayaw makipagtalo sa kanya ni Ava. Ngunit nang iangat niya ang kanyang ulo, nakita niya na nakatingin ng masama sa kanya si Naya. Hindi rin nanahimik si Daniel. Agad niyang dinepensahan si Ava at sinabing, "Mom, sumusobra ka na. Pwedeng suotin ng girlfriend ko ang kahit ano at mananatili pa rin siyang girlfriend ko." "Dan, gusto mo bang galitin ang lolo mo ngayon?" Minaliit ni Mrs. Graham si Ava. "Ang tanging babae sa Glendale na nababagay na maging girlfriend mo ay si Naya." Nagmamataas na tumingin si Mrs. Graham kay Ava. "Ms. Long, saan ka grumaduate? Anong trabaho mo? Magkano ang kinikita mo sa isang buwan? May bahay ka ba o kotse?"Tumingin si Ava sa mga mata ni Mrs. Graham at ngumiti siya. "Grumaduate ako sa Glendale University at isa akong interior designer. At para naman sa sahod ko—" "Sige na, sapat na ang narinig ko," Nagsalita si Mrs. Graham. "Hindi kikita ng higit sa seven digits sa lo
Magbasa pa

Kabanata 1095

Nang marinig iyon ng babae, hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Noong maalala niya kung anong ginawa niya, nakaramdam siya ng matinding hiya. Sa sandaling ito, tumunog ang doorbell. Ayaw nang magtagal pa ni Ava kasama ng babae, kaya binuksan niya ang pinto. Pagbukas niya ng pinto, nakita niya si Madeline. "Maddie, bakit ka nagpunta dito?" Nagulat si Ava. Napanatag ang kalooban ni Madeline noong makita niya si Ava. "Ang sabi ni Dan pinatay mo daw ang phone mo, kaya nag-alala siya sayo. Tutal nasa malapit lang naman ako, dumaan na ako dito para tingnan kung ayos ka lang." "Nandito pala ang kaibigan mo, Ava. Dapat siguro umalis na ako." Hindi na pinilit ng babae si Ava. Pagkatapos, umalis siya pagkatapos niyang tumingin kay Madeline. Ang hula ni Madeline, nanay ni Ava ang babaeng kasama ni Ava sa airport noong nakaraan, ngunit hindi niya inasahan na tama pala ang hula niya. Ilang taon na niyang kilala si Ava at mula noon, akala niya ulila rin si Ava gaya niya. Sa tu
Magbasa pa

Kabanata 1096

AB.Pakiramdam ni Madeline ay dumidilim ang kanyang paningin. Noong una pa lang, naghihinala na siya kung kay Jeremy ba yung dugo na nasa tissue, ngunit noong malaman niya na A ang blood type nito, napanatag ang kanyang loob. Subalit, hindi niya inasahan na pati ang blood type nito ay magbabago pagkatapos ng mutation ng genes ng isang tao. AB ang blood type ni Jeremy. Hindi mapakali si Madeline. Pakiramdam niya ay may paulit-ulit na sumasaksak sa puso niya. "Ms. Montgomery, saan mo ba nakuha ang blood sample na 'to? Ayon sa mga pagsusuri namin, kapag hindi agad nagamot ang taong ito, mamamatay siya kapag umabot na sa stage five ang lason sa katawan niya." Parang kutsilyo na tumarak sa puso ni Madeline ang salitang 'mamamatay'. Wala siyang mga sugat, ngunit nakaramdam siya ng matinding sakit na kumalat sa buong katawan niya. Kahit na hinala pa lang niya ito, sinasabi ng sakit sa kanyang katawan na tama ang hinala niya. Pagkaalis niya sa lab, nagsimulang lumipad ang is
Magbasa pa

Kabanata 1097

Pagkatapos niya itong sabihin ay binaba niya ang tawag. Nang tinawagan siyang muli ni Madeline, nakapatay na ang phone niya. Nagsimulang umiyak si Madeline nang makita niya ang madilim na screen. Nakaramdam siya ng isang tinik na tumutusok sa loob ng puso niya. Hindi niya ito makita, ngunit pinapadugo nito ang kanyang puso. Malumanay na niyakap ni Ryan si Madeline. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya para mapagaan ang kanyang loob. Siguro wala sa mga salita niya ang makakapagpawala sa sakit ng kanyang puso. Matagal na umiyak si Madeline pero hindi niya mapawi ang tagos-butong sakit sa kanyang puso kahit na ano pang gawin niya. Sinubukan niyang kontrolin ang kanyang mga luha at emosyon habang umalis siya sa yakap ni Ryan. "Rye, alam ko na hindi patas na gawin ko to sa'yo, pero sana bigyan mo ako ng oras. Gusto ko siyang hanapin, at kung talagang hindi na siya gagaling, nakikiusap ako na hayaan mo kong samahan siya sa natitira niyang sandali sa mundo." Marahang ngumi
Magbasa pa

Kabanata 1098

Umupa ng bahay si Jeremy malapit sa beach ng April Hill. Mula noong umalis siya, mag-isa na siyang tumira doon. Tuwing umaga, babasahin niya ang lahat ng mga message na pinadala sa kanya ni Madeline sa mga panahong ito. Pagkatapos, lalabas siya upang pagmasdan ang dagat at inaalala niya ang panahon noong magsimula ang relasyon nila ni Madeline. Noong maalala niya ang nakaraan, maayos pa ang lahat. Ang tanging bagay na hindi maayos ay ang katawan niya na pahina na ng pahina. Mag-isa lang si Madeline sa mansyon buong gabi. Paggising niya, nagsimula nanamang kumirot ang kanyang puso pagkatapos niyang tingnan ang lalaki sa litrato. Hinanap niya si Ryan upang alamin ang buong detalye tungkol sa kundisyon ni Jeremy. Sinubukan niyang kontrolin ang mga emosyon niya habang tinatanong niya si Ryan, "Rye, saan nanggaling yung lason sa katawan ni Jeremy? Alam mo siguro kung saan galing yun, tama ba?" Hindi iyon itinago ni Ryan sa kanya. "Kay Lana. Noong mawala ang mga alaala ni Jerem
Magbasa pa

Kabanata 1099

Sinara ni Madeline ang album at tumakbo papunta sa pinto. Nang makalabas siya ng pinto, inasahan niya na makikita niya si Jeremy pero wala siyang nakita. Pagkatapos, nakarinig siya ng tunog mula sa front door. Nang lumingon siya, nasulyapan niya ang isang matangkad na anyo. Nagliwanag ang mga mata ni Madeline habang hinabol niya ang taong iyon. "Jeremy!" Hindi siya magkakamali pagdating sa kanya. Walang ibang anyo na kamukha nito sa buong mundo at wala ring ibang anyo ang kayang magpatibok sa kanyang puso nang ganito kabilis. Pagkatapos, naalala niya ang nakita niya mula sa pintuan ng opisina ni Jeremy sa araw na iyon. Ang lalaki na kadikit ni Lana noon ay hindi si Jeremy. Naloko siya. Isa lang itong ilusyon na gustong ipakita sa kanya ni Jeremy. Ginawa niya ang lahat para magalit siya at kamuhian niya siya! Sumama ang loob ni Madeline sa kanyang sarili nang maisip niya ito. Tumakbo siya palabas ng pinto at nakita niya ang anyo na tumatakbo papunta sa kalsada.
Magbasa pa

Kabanata 1100

Nararamdaman niya na hindi na muling lilingon pabalik sa kanya si Jeremy. Siguro ito na ang kanilang huling pagkikita. Hinihiling niya na naririnig siya ni Jeremy na sabihin kung gaano niya siya kamahal. Natalo ng kanyang pag-ibig ang kanyang pagkamuhi na kanyang nararamdaman noon para sa kanya. Ngayon, ang natitira na lang ay malalim na pagmamahal. Tinignan ni Jeremy ang anino sa gitna ng ulan na unti-unting naglalaho mula sa salamin. Pagkatapos, sumuka na siya ng dugo na kanina pa niya pinipigilan. Habang tinitignan ang matingkad na pulang likido sa tisyu, sumandal siya sa upuan sa pagod habang nagsimulang mawalan ng pokus ang kanyang mga mata. 'Linnie, narinig kita. 'Salamat at hinayaan mo kong lisanin ang mundong ito nang walang pinagsisisihan.' Ngumiti ang kanyang maputlang labi at tinaas niya ang kanyang kaliwang kamay para tingnan ang wedding ring na muling nagbalik sa kanyang daliri. Sa gitna ng mga luha, nakita niyang kumislap ang singsing sa ilalim ng madilim
Magbasa pa
PREV
1
...
108109110111112
...
248
DMCA.com Protection Status