Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Kabanata 1071 - Kabanata 1080

Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1071 - Kabanata 1080

2479 Kabanata

Kabanata 1071

Tinignan ni Madeline ang bagay na iniabot ni Ava. Isa itong larawan nilang dalawa noong araw na nakapagtapos sila ng kolehiyo. Ang dalawang babae sa larawan ay may parehong magagandang ngiti. Ang saya na naramdaman nilang dalawa noong araw na iyon ay parang kahapon lang ito nangyari, ngunit sa isang iglap, pito o walong taon na pala ang nakalipas. "Maddie, nakikilala mo ba kung sino pa yung nasa picture?" Nang bigla itong itanong ni Ava, tinignan ito ni Madeline at nakita ang isang pamilyar na mukha sa madla sa itaas na kaliwang bahagi ng larawan. "Noong inaayos ko ang mga gamit ko kanina, nakita ko ang larawang ito. Bago ito, di ako naniniwalang minahal ka talaga ni Jeremy. Pero Maddie, naniniwala na ako." Mula sa tono ni Ava, naririnig ni Madeline na talagang pinakawalan na nito ang galit niya kay Jeremy. Bilang pinakamalapit na kaibigan ni Madeline, noon pa kinamumuhian ni Ava si Jeremy. Kahit na di na kinamumuhian ni Madeline si Jeremy, sa ginawa nito noong una, kinam
Magbasa pa

Kabanata 1072

Ibinulong niya ang pangalan ni Madeline, hinaplos ang mukha nito sa larawan at umubo nang malakas. Kaagad siyang uminom ng painkiller pero di pa rin niya mapigilan ang lasa ng dugo na nagmumula sa kanyang lalamunan. Pinunasan ni Jeremy ang dugo mula sa kanyang labi gamit ng isang tissue at tinignan ang mantsa ng dugo. Isa itong madilim na kayumanggi at di ito mukhang normal na sariwang dugo. Bukod pa riyan, mayroon isang matinding sakit sa kanyang puso at ang daliri niya ay kusang nanginginig. Sa sandaling umabot sa huling bahagi ang lason na gawa ni Adam, di lang nito papahirapan ang katawan ng tao, ngunit papahirapan din nito ang pag-iisip ng tao. Pinalipas ni Jeremy ang gabi sa kwarto ng opisina. Sa sandaling bumangon siya kinabukasan, nakatanggao siya ng tawag mula kay Lana. Matapos makalabas ng ospital ng babae, kaagad at masigla nitong sinabi kay Jeremy na gusto nitong sumama siya para makipagkasundo. Ang totoo ay gusto talaga ni Jeremy na mag-isip ng dahilan para
Magbasa pa

Kabanata 1073

Natulala si Lana at tinitigan ang malamig na mata ni Jeremy. Lumingon siya bigla para tumingin sa pinto, maging ang matabang lalaki. Ilang matatangkad na lalaking naka-suit at leather shors ang lumapit sa kanila nang may asul na badge sa kanilang mga leeg. "Sino kayo? Sinong nagpapasok sa inyo? Di niyo ba nakikitang nakareserba ang kwartong ito? Lumayas kaagad kayo!" Itinaboy sila ni Lana nang naiinis, malinaw na di napapansin ang pagiging seryoso ng sitwasyon. Syempre di umalis ang mga lalaki pero tinignan nang seryoso si Lana. Ang pinunong nakasuot ng itim na suit ay ipinakita ang badge nito kay Lana. "Kasama namin ang Interpol. May pruweba kami na gumagawa ka ng mga ilegal na transaksyon. You have the right to remain silent, but anything you say can be used against you in court. "..." 'Interpol?! 'Ang International Criminal Police Organization?!' Tinignan ni Lana ang mga taong lumitaw sa harapan niya nang hindi makapaniwala habang nagbablangko ang utak niya sa sandali
Magbasa pa

Kabanata 1074

"..." Halos bumigay ang kanyang kalooban nang marinig niya ang sinabi ni Jeremy. "Hindi! Imposible yan!" Sumigaw siya, di matanggap ang katotohanan na noon pa man ginagamit lang siya ni Jeremy. "Hindi Jeremy. Mahal mo ako. Dinadala ko pa nga ang anak mo. Paano mangyayaring di mo ako mahal?!" Idiniin ni Lana. Ngunit di man lang nabahala si Jeremy. Dumating ang mga tauhan ng IBCI para arestuhin si Lana. Nang makita ang nangyayari naudyok siyang bumunot ng baril mula sa kanyang bag. "Sinong makapal ang mukha ang nagbabalak na arestuhin ako?!" Itinaas niya ang kanyang tingin at tinitigan si Jeremy na kalmadong-kalmado. Unti-unti siyang nasawi. "Jeremy, wag mo akong binibiro. Sinasabi mo ba sa akin na isa kang espiya ng IBCI na ipinadala dito sa Stygian Johnson Gang? Hmph, paano mangyayari yun? Wag mong kalimutan, may lason pa rin sa katawan mo. Kung wala ako, ikaw ay一" "Tingin mo ba talaga mapapasunod mo ako gamit nun?" Sumingit si Jeremy at nagtanong pabalik. Tapos itinaas
Magbasa pa

Kabanata 1075

Nang sundan ang titig ni Jeremy, lumingon din si Lana para harapin ang pintuan. Ang mukhang nakita niya ay nagpaalala sa kanya ng gabing pinahinto siya ni Jeremy sa pasukan ng pub. Noong gabing iyon mismo, takot na takot siya na baka subukan na naman siyang patayin ni Jeremy. Sa pagkabahala, naisip niyang umalis pero pinigilan siya ni Jeremy. Nanghingi ito sa kanya ng sigarilyo at pumayag pang mag-book ng kwarto nang magkasama. Nagkaroon siya ng maligayang gabi dahil nakuha niya ang puso ng taong gusto niya. Sa susunod na araw noong aalis na sila sa kwarto, nang buksan niya ang pinto, nakita niya ang isang lalaking di kaaya-aya ang kinikilos habang nakatitig sa kanya nang malaswa. Sa sandaling iyon, dahil sobrang saya niya hindi niya ito pinansin. Ngunit sa sandaling ito, ang lalaki noong araw na iyon ay lumitaw ss harapan niya! "Lana, nakita mo na ba nang maayos? Ito ang lalaking nakabuntis sa'yo." "..." Matapos marinig ang paliwanag ni Jeremy at tumingin sa nakakasu
Magbasa pa

Kabanata 1076

Pinagmasdan ni Jeremy ang grupo ng mga taong paalis na. Saka lamang siya umalis nang mawala ang mga tao sa lugar. Malinaw sa kanya na kahit gumaling pa siya, hindi na siya makakabalik kay Madeline. Paghihiwalayin sila ng pagkamatay ni Eloise at Sean. Hindi madaling malalampasan ng pagmamahalan nila ang pader na iyon. Alam din niya na sa ngayon, walang may kayang gumamot sa lason na ginawa ni Adam. Marahil ay wala ring gamot si Adam para sa lason na ito. Matagal nang nakapagdesisyon si Jeremy. Mag-isa siyang nagpunta sa Whitman Manor, nais niyang magpaalam sa kahuli-hulihang sandali. Kasama ni Madeline ang tatlo niyang anak sa Whitman Manor. Tumingin siya sa oras, at malapit na ang oras para sunduin si Ava sa airport. Sa sandaling ito, may balitang sumulpot sa screen ng phone niya. Pinindot ni Madeline ang balita at tiningnan niya ito. Nakita niya ang ilang video clip na kinunan ng mga tao. Ang lokasyon ay sa isang sikat na restaurant sa gitna ng bayan, at sa video,
Magbasa pa

Kabanata 1077

Biglang narinig ni Karen ang boses ni Jeremy. Noong sandaling lumingon siya kay Jeremy, mabilis nang dumaan sa tabi niya si Jeremy. Nakarating siya agad sa tabi ni Lillian. Natisod si Lillian at malapit na siyang bumagsak sa sahig. Subalit, nasalo agad ni Jeremy si Lillian. Nagulat ang batang babae. Nang mahimasmasan siya, lumingon siya at tiningnan ang lalaking sumalo sa kanya. Naluluha at puno ng pag-aalala ang mga mata ni Jeremy. Nadudurog ang kanyang puso. "Ayos ka lang ba, Lillian?" Nagtanong siya, nag-aalala siya habang hawak niya ang ulo ng batang babae. Nasaktan siya nang maalala niya kung paano niya binalewala ang anak niya noong madapa ito sa harap niya. Tumingin si Lillian kay Jeremy, ngunit walang salitang lumabas sa kanyang bibig. Walang pagbabago sa kanyang ekspresyon at kumurap lang ang kanyang mga mata. Alam ni Jeremy na dahil ito sa insidenteng naganap noong nakaraan, na naging dahilan ng pagkakaroon ng masamang impresyon sa kanya ni Lillian. Sa mga mat
Magbasa pa

Kabanata 1078

Sa kabila ng inis ni Karen sa mga ginawa ni Jeremy, hindi niya tinanggihan ang hiling ni Jeremy na kargahin ang bata. Kinarga ni Jeremy ang sanggol, at sa mga sumunod na sandali, nginitian siya ng sanggol. Umungol siya at nagsimulang mag-ingay. Subalit, hindi magtatagal ay hindi na makikita ni Jeremy ang inosenteng ngiti na ito. Yumuko si Jeremy, hinalikan ang sanggol sa pisngi at binalik niya si Pudding kay Karen. Pagkatapos ay hinawakan niya ang ulo ni Jackson at sinabing, "Jack, samahan mo ang kapatid mong babae. Kapag malaki na ang bunso mong kapatid, sabihin mo sa kanya na mahal ko siya at mahal ko kayong lahat." Pagkatapos, malungkot siyang tumalikod. "Jeremy, saan mo nanaman balak pumunta?" Tanong ni Karen. Mabilis na nakahabol si Jackson kay Jeremy. "Dad, di ba sabi mo sasana ka saming kumain? Hindi mo ba hihintaying umuwi si Mommy?" Napahinto sa paglalakad si Jeremy. "Hindi na ako karapat-dapat sa mommy mo. Jack, simula ngayon, si Ryan na ang tatay niyo." Naubo
Magbasa pa

Kabanata 1079

Tumingin ng masama ang guard kay Lana, na kasalukuyang tumatawa ng parang isang baliw. Tinaas ni Jeremy ang kanyang kamay upang senyasan ang guard, at agad na umalis ang guard.Tanging si Jeremy at Lana lamang ang naiwan sa custodial ward. Tumawa si Lana sa loob ng ilang sandali at pagkatapos ay bigla siyang nalungkot, tila nasasaktan siya habang pinagmamasdan niya ang lalaking walang anumang emosyon. "Jeremy, Jeremy, sabihin mo sakin. Hindi totoo yung mga nangyari kanina, di ba? Paano nangyari yun? Naging malapit tayo sa isa't isa nitong mga nakaraan. Masaya tayong magkasama araw-araw. Paano mo nagawa sakin 'to? "Jeremy, sabihin mo sakin, bakit?" Nang marinig ng iba ang mga sigaw ni Lana at nang makita nila ang makungkot niyang ekspresyon, kinaawaan siya ng mga taong walang alam sa insidente. Subalit, pagkatapos itong marinig ni Jeremy, lalo lang tumalim at naging seryoso ang tingin niya. Naglakad siya palapit kay Lana. Hinawakan niya ng mahigpit ang leeg ni Lana habang
Magbasa pa

Kabanata 1080

Lumapit si Jeremy kay Lana at nagsalita siya ng hindi maganda. "May nilagay akong espesyal sa kapeng iniinom mo tuwing umaga at pati na rin sa gatas na inabot ko sayo kahapon." “...”"Iyon mismo ang bagay na nilagay mo sa sigarilyong binigay mo sakin, at pati na rin sa mga kinakain ko. Ang pinagkaiba lang, mas marami ang nilagay ko." "Ano?!" Nanlaki ang mga mata ni Lana. "Ikaw… Paano ka nakakuha nun?" Tumingin ng masama sa kanya si Jeremy. "Nakalimutan mo na kung ano yung inutos mo kay Adam na ibigay kay Eveline?" "..." Nagsimulang mataranta si Lana pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Jeremy. "Hindi, imposible yun! Kung talagang nainom ko yun, bakit wala akong nararanasang side effect?!" "Syempre wala kang mararamdaman kasi pinalitan ko rin yung mga sigarilyo mo." "..." Natulala si Lana sa sagot ni Jeremy. "Mula ngayon, kapag hindi mo hinithit yung mga sigarilyo na yun, unti-unti mong mararanasan yung mga naranasan ko noon hanggang sa araw na mamatay ka. "Lana, tam
Magbasa pa
PREV
1
...
106107108109110
...
248
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status