Nang sundan ang titig ni Jeremy, lumingon din si Lana para harapin ang pintuan. Ang mukhang nakita niya ay nagpaalala sa kanya ng gabing pinahinto siya ni Jeremy sa pasukan ng pub. Noong gabing iyon mismo, takot na takot siya na baka subukan na naman siyang patayin ni Jeremy. Sa pagkabahala, naisip niyang umalis pero pinigilan siya ni Jeremy. Nanghingi ito sa kanya ng sigarilyo at pumayag pang mag-book ng kwarto nang magkasama. Nagkaroon siya ng maligayang gabi dahil nakuha niya ang puso ng taong gusto niya. Sa susunod na araw noong aalis na sila sa kwarto, nang buksan niya ang pinto, nakita niya ang isang lalaking di kaaya-aya ang kinikilos habang nakatitig sa kanya nang malaswa. Sa sandaling iyon, dahil sobrang saya niya hindi niya ito pinansin. Ngunit sa sandaling ito, ang lalaki noong araw na iyon ay lumitaw ss harapan niya! "Lana, nakita mo na ba nang maayos? Ito ang lalaking nakabuntis sa'yo." "..." Matapos marinig ang paliwanag ni Jeremy at tumingin sa nakakasu
Pinagmasdan ni Jeremy ang grupo ng mga taong paalis na. Saka lamang siya umalis nang mawala ang mga tao sa lugar. Malinaw sa kanya na kahit gumaling pa siya, hindi na siya makakabalik kay Madeline. Paghihiwalayin sila ng pagkamatay ni Eloise at Sean. Hindi madaling malalampasan ng pagmamahalan nila ang pader na iyon. Alam din niya na sa ngayon, walang may kayang gumamot sa lason na ginawa ni Adam. Marahil ay wala ring gamot si Adam para sa lason na ito. Matagal nang nakapagdesisyon si Jeremy. Mag-isa siyang nagpunta sa Whitman Manor, nais niyang magpaalam sa kahuli-hulihang sandali. Kasama ni Madeline ang tatlo niyang anak sa Whitman Manor. Tumingin siya sa oras, at malapit na ang oras para sunduin si Ava sa airport. Sa sandaling ito, may balitang sumulpot sa screen ng phone niya. Pinindot ni Madeline ang balita at tiningnan niya ito. Nakita niya ang ilang video clip na kinunan ng mga tao. Ang lokasyon ay sa isang sikat na restaurant sa gitna ng bayan, at sa video,
Biglang narinig ni Karen ang boses ni Jeremy. Noong sandaling lumingon siya kay Jeremy, mabilis nang dumaan sa tabi niya si Jeremy. Nakarating siya agad sa tabi ni Lillian. Natisod si Lillian at malapit na siyang bumagsak sa sahig. Subalit, nasalo agad ni Jeremy si Lillian. Nagulat ang batang babae. Nang mahimasmasan siya, lumingon siya at tiningnan ang lalaking sumalo sa kanya. Naluluha at puno ng pag-aalala ang mga mata ni Jeremy. Nadudurog ang kanyang puso. "Ayos ka lang ba, Lillian?" Nagtanong siya, nag-aalala siya habang hawak niya ang ulo ng batang babae. Nasaktan siya nang maalala niya kung paano niya binalewala ang anak niya noong madapa ito sa harap niya. Tumingin si Lillian kay Jeremy, ngunit walang salitang lumabas sa kanyang bibig. Walang pagbabago sa kanyang ekspresyon at kumurap lang ang kanyang mga mata. Alam ni Jeremy na dahil ito sa insidenteng naganap noong nakaraan, na naging dahilan ng pagkakaroon ng masamang impresyon sa kanya ni Lillian. Sa mga mat
Sa kabila ng inis ni Karen sa mga ginawa ni Jeremy, hindi niya tinanggihan ang hiling ni Jeremy na kargahin ang bata. Kinarga ni Jeremy ang sanggol, at sa mga sumunod na sandali, nginitian siya ng sanggol. Umungol siya at nagsimulang mag-ingay. Subalit, hindi magtatagal ay hindi na makikita ni Jeremy ang inosenteng ngiti na ito. Yumuko si Jeremy, hinalikan ang sanggol sa pisngi at binalik niya si Pudding kay Karen. Pagkatapos ay hinawakan niya ang ulo ni Jackson at sinabing, "Jack, samahan mo ang kapatid mong babae. Kapag malaki na ang bunso mong kapatid, sabihin mo sa kanya na mahal ko siya at mahal ko kayong lahat." Pagkatapos, malungkot siyang tumalikod. "Jeremy, saan mo nanaman balak pumunta?" Tanong ni Karen. Mabilis na nakahabol si Jackson kay Jeremy. "Dad, di ba sabi mo sasana ka saming kumain? Hindi mo ba hihintaying umuwi si Mommy?" Napahinto sa paglalakad si Jeremy. "Hindi na ako karapat-dapat sa mommy mo. Jack, simula ngayon, si Ryan na ang tatay niyo." Naubo
Tumingin ng masama ang guard kay Lana, na kasalukuyang tumatawa ng parang isang baliw. Tinaas ni Jeremy ang kanyang kamay upang senyasan ang guard, at agad na umalis ang guard.Tanging si Jeremy at Lana lamang ang naiwan sa custodial ward. Tumawa si Lana sa loob ng ilang sandali at pagkatapos ay bigla siyang nalungkot, tila nasasaktan siya habang pinagmamasdan niya ang lalaking walang anumang emosyon. "Jeremy, Jeremy, sabihin mo sakin. Hindi totoo yung mga nangyari kanina, di ba? Paano nangyari yun? Naging malapit tayo sa isa't isa nitong mga nakaraan. Masaya tayong magkasama araw-araw. Paano mo nagawa sakin 'to? "Jeremy, sabihin mo sakin, bakit?" Nang marinig ng iba ang mga sigaw ni Lana at nang makita nila ang makungkot niyang ekspresyon, kinaawaan siya ng mga taong walang alam sa insidente. Subalit, pagkatapos itong marinig ni Jeremy, lalo lang tumalim at naging seryoso ang tingin niya. Naglakad siya palapit kay Lana. Hinawakan niya ng mahigpit ang leeg ni Lana habang
Lumapit si Jeremy kay Lana at nagsalita siya ng hindi maganda. "May nilagay akong espesyal sa kapeng iniinom mo tuwing umaga at pati na rin sa gatas na inabot ko sayo kahapon." “...”"Iyon mismo ang bagay na nilagay mo sa sigarilyong binigay mo sakin, at pati na rin sa mga kinakain ko. Ang pinagkaiba lang, mas marami ang nilagay ko." "Ano?!" Nanlaki ang mga mata ni Lana. "Ikaw… Paano ka nakakuha nun?" Tumingin ng masama sa kanya si Jeremy. "Nakalimutan mo na kung ano yung inutos mo kay Adam na ibigay kay Eveline?" "..." Nagsimulang mataranta si Lana pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Jeremy. "Hindi, imposible yun! Kung talagang nainom ko yun, bakit wala akong nararanasang side effect?!" "Syempre wala kang mararamdaman kasi pinalitan ko rin yung mga sigarilyo mo." "..." Natulala si Lana sa sagot ni Jeremy. "Mula ngayon, kapag hindi mo hinithit yung mga sigarilyo na yun, unti-unti mong mararanasan yung mga naranasan ko noon hanggang sa araw na mamatay ka. "Lana, tam
Pagkatapos magtanong ni Madeline, naramdaman niya na bumilis ang tibok ng kanyang puso. 'Dugo yun ng tao.' 'Pero di ba dapat pula ang dugo ng tao? Bakit ganun ang kulay nun?' Habang nag-iisip ng malalim si Madeline, sumagot sa kabilang linya ng phone ang forensic physician, "Ganito kasi, ayon sa imbestigasyon namin, mukhang nagmutate ang sample ng dugo na 'to. Sa imbestigasyon namin, may nakita rin kaming hindi matukoy na kemikal sa sample na kailangan pa naming imbestigahang maigi para malaman namin kung ano ito. "Pero walang duda na dugo yun ng tao." Kampante ang tono ng forensic physician nang ulitin niya ang huli niyang sinabi. Humigpit ang hawak ni Madeline sa kanyang phone. Pagkatapos ay nagsalita siya, "Salamat." Pagkatapos niyang ibaba ang tawag, nagpaulit-ulit sa kanyang isipan ang mga sinabi ng forensic physician. 'Dugo yun ng tao. 'At ito ay dugo ng tao na nagmutate.'Sigurado si Madeline na si Jeremy ang huling may hawak ng note na iyon, ngunit hindi siya s
Nagtataka siya sa mga kinikilos ni Daniel. Bakit niya siya binigyan ng isang hundred-dollar note? "Kung ayaw mong umalis, itago mo yang hundred-dollar note na yan." Seryoso ang ekspresyon ni Daniel. "Kumakain ng maraming enerhiya at oras ang kilalanin ang isang tao hanggang sa mahulog ang loob niyo sa isa't isa, at kasama na ako dun. Kung ayos lang sayo, mula sa araw na 'to, ikaw na ang magiging katuwang ko." “...”“...”Nagulat sila Madeline at Ava sa mga sinabi ni Daniel. 'Nagtatapat ba ng pag-ibig niya si Daniel para kay Ava o nagpopropose siya ng kasal?' "Ava, hindi ko inasahan na umabot na pala sa ganito ang relasyon niyo ni Dan," ang sabi ni Madeline. "Kung ganun, hindi ka dapat umalis. Mabuting tao si Dan na maaasahan mo." Subalit, tulala si Ava at hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Mabilis ang tibok ng kanyang puso. "Dan, anong sinasabi mo?" Lalong napuno ng pagmamahal ang mga mata ni Daniel. "Ava, ayaw kong mawalan ng kahulugan yung nangyari satin noong g
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si