All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 1081 - Chapter 1090

2479 Chapters

Kabanata 1081

Pagkatapos magtanong ni Madeline, naramdaman niya na bumilis ang tibok ng kanyang puso. 'Dugo yun ng tao.' 'Pero di ba dapat pula ang dugo ng tao? Bakit ganun ang kulay nun?' Habang nag-iisip ng malalim si Madeline, sumagot sa kabilang linya ng phone ang forensic physician, "Ganito kasi, ayon sa imbestigasyon namin, mukhang nagmutate ang sample ng dugo na 'to. Sa imbestigasyon namin, may nakita rin kaming hindi matukoy na kemikal sa sample na kailangan pa naming imbestigahang maigi para malaman namin kung ano ito. "Pero walang duda na dugo yun ng tao." Kampante ang tono ng forensic physician nang ulitin niya ang huli niyang sinabi. Humigpit ang hawak ni Madeline sa kanyang phone. Pagkatapos ay nagsalita siya, "Salamat." Pagkatapos niyang ibaba ang tawag, nagpaulit-ulit sa kanyang isipan ang mga sinabi ng forensic physician. 'Dugo yun ng tao. 'At ito ay dugo ng tao na nagmutate.'Sigurado si Madeline na si Jeremy ang huling may hawak ng note na iyon, ngunit hindi siya s
Read more

Kabanata 1082

Nagtataka siya sa mga kinikilos ni Daniel. Bakit niya siya binigyan ng isang hundred-dollar note? "Kung ayaw mong umalis, itago mo yang hundred-dollar note na yan." Seryoso ang ekspresyon ni Daniel. "Kumakain ng maraming enerhiya at oras ang kilalanin ang isang tao hanggang sa mahulog ang loob niyo sa isa't isa, at kasama na ako dun. Kung ayos lang sayo, mula sa araw na 'to, ikaw na ang magiging katuwang ko." “...”“...”Nagulat sila Madeline at Ava sa mga sinabi ni Daniel. 'Nagtatapat ba ng pag-ibig niya si Daniel para kay Ava o nagpopropose siya ng kasal?' "Ava, hindi ko inasahan na umabot na pala sa ganito ang relasyon niyo ni Dan," ang sabi ni Madeline. "Kung ganun, hindi ka dapat umalis. Mabuting tao si Dan na maaasahan mo." Subalit, tulala si Ava at hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Mabilis ang tibok ng kanyang puso. "Dan, anong sinasabi mo?" Lalong napuno ng pagmamahal ang mga mata ni Daniel. "Ava, ayaw kong mawalan ng kahulugan yung nangyari satin noong g
Read more

Kabanata 1083

Kinabahan si Madeline kaya nagpatuloy siya sa pagtatanong, ngunit sinabi ni Fabian na hindi maganda na pag-usapan nila ito sa phone. Kaya naman, inimbitahan niya si Madeline para magkita sila sa isang lugar. Sa mga oras na ito, umalis na si Madeline sa airport dahil ayaw niyang maistorbo sila Daniel at Ava. Subalit, pagkaalis ni Madeline, hindi mapakali si Ava at bumilis ang tibok ng puso niya. Pulang-pula rin ang kanyang mukha. Subalit, hinawakan ni Daniel ang kamay ni Ava at naglakad sila sa may tabing kalsada na para bang wala lang ito. Pakiramdam ni Ava ay nananaginip siya, ngunit isa lamang itong magandang panaginip at wala nang iba pa. Nagmaneho si Madeline papunta sa lugar kung saan sila magkikita ni Fabian. Pagbaba pa lang niya ng sasakyan, agad na lumapit sa kanya si Fabian at seryosong nagtanong, "Hey, alam mo ba kung nasaan si Jeremy ngayon?" "Pinapunta mo ako dito para lang itanong kung nasaan si Jeremy?" Nagtaka si Madeline. "Bakit mo siya hinahanap? May kinala
Read more

Kabanata 1084

Biglang napatayo si Madeline. "Nagpunta dito si Jeremy? Anong oras? Bakit siya pumunta dito?" "Dumating siya noong pag-alis mo kanina." Mukhang nababahala si Karen. "Sandali lang siya dito. Hindi siya nagpapigil kahit na anong paghabol at pagtawag sa kanya ni Jack." Noong marinig iyon ni Madeline, nakaramdam siya ng matinding sakit. Ito ay dahil sa kawalan ng puso ni Jeremy at kawalan niya ng pakialam sa kanila. "Nabrainwash na talaga ni Lana si Jeremy. Bukod sa sinaktan ka niya, binalewala pa niya ang sarili niyang mga anak. Tingnan mo, nadapa si Jack at nasugatan ang tuhod niya. Bilang isang tatay, hindi man lang siya naawa sa bata." Lalong nasasaktan si Madeline sa kanyang naririnig. Lumapit siya kay Jackson at inagat ang laylayan ng pantalon niya. Noong makita niya ang bandage sa tuhod ng bata, kinuyom niya ang kanyang mga kamao at naglakad siya papunta sa isang tabi upang tawagan si Jeremy. Hindi niya inasahan na sasagutin agad ni Jeremy ang tawag niya. Pagkatapos, nar
Read more

Kabanata 1085

Nagtatakang tumingin si Lana sa lalaking kaharap niya. "Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito?" Tumingin siya ng masama sa kanya, at puno ng galit ang kanyang mga mata. "Bakit? Nandito ka ba para saktan ako ngayong naaresto na ako at walang kalaban-laban?" Ininsulto niya ang lalaki habang nakasandal siya sa pader. "Hmph, kakaiba talaga si Eveline Montgomery. Nakuha niya ang tatlo sa apat na mayayamang pamilya sa Glendale. Ang dinig ko may gusto rin sa kanya ang nag-iisang anak na lalaki ng mga Graham. Paano siya naging mas magaling kaysa sakin?" Noong tinanong niya ang huling katanungan na iyon, nagngitngit ang kanyang mga ngipin. Napuno ng inggit ang kanyang mga mata at puso para kay Madeline. "Nawalan ka na ng karapatang makipagkompitensya kay Eveline sa kalagayan mo ngayon." Ang dahan-dahang sinabi ni Ryan. Nakasuot siya ng kulay itim na suit na bumagay sa kanyang kakisigan. Naglaho ang pagiging maamo ng gwapo niyang mukha. Sa halip ay, seryoso at mapagmataas ang kany
Read more

Kabanata 1086

Ininterrogate ni Ryan si Lana sa loob ng kalahating oras, ngunit tinanggi niya lahat ng paratang sa kanya at humingi siya ng abugado. Kung tutuusin, may pagkakataon siyang kumuha ng abugado para depensahan siya sa bawat kasong sinampa sa kanya. Subalit, hindi pumayag si Ryan na magkaroon ng pagkakataon si Lana. Noong sandaling lumabas siya sa custodial ward, natanggap ng kasamahan niya ang tawag ni Jeremy. Pagkatapos nilang mag-usap sa phone, kinausap ng lalaki si Ryan, "Gusto niyang malaman kung sino ang mga tao natin sa loob ng Stygian Johnson Gang." Tumango si Ryan, at tumango rin ang lalaking kausap niya. Mag-isang nakaupo si Jeremy sa cafe habang pinagmamasdan niya ang liwanag ng palubog na araw. Tumingin siya sa mga taong dumadaan sa labas ng bintana bago niya inalis ang kanyang tingin sa labas ng cafe. Mayroong flight ticket na papunta kung saan sa tabi ng mainit na kapeng nasa harap niya. Bigla siyang nakarinig ng ding at may nakita siyang tao na paakyat ng hagd
Read more

Kabanata 1087

Hindi alam ni Jeremy kung ano ang regalong tinutukoy ni Ryan. Subalit, kinuha pa rin niya ang susi ng kotse at pumunta siya sa pinto ng cafe. Nang makita niya ang kotse ni Ryan sa gilid ng kalsada, dahan-dahan siyang naglakad palapit sa kotse. Mainit ang sikat ng araw noong hapon na iyon. Nasisikatan ng araw ang kotse, at sa kabila ng bintana nito, nakita ni Jeremy ang magandang mukha na napapanaginipan niya araw-araw. “Linnie.”Naramdaman ng kalmado niyang puso ang saya na naramdaman niya noon. Dahan-dahang binuksan ni Jeremy ang pinto at naamoy niya ang halimuyak ng Japanese roses. "Napagod si Eveline, kaya sinabi ko sa kanya na lalabas kami para malibang siya. Sinindihan ko yung incense na ginawa niya, kaya siguradong mahimbing ang tulog niya ngayon. Pwede mo siyang samahan sa huling pagkakataon." Narinig niya ang boses ni Ryan mula sa likod niya. Agad siyang naintindihan ni Jeremy. "Salamat." "Ako dapat ang nagpapasalamat sayo. Nagawa mo ang isang mahirap na misyon
Read more

Kabanata 1088

Kinabukasan, pinuntahan ni Madeline si Lana. Pansamantala munang nilipat si Lana sa Glendale Prison mula sa custodial ward. Pagkatapos ng pag-aasikaso sa mga papeles, ipapasa siya sa pulisya ng F Country. Tumingin siya sa kanyang marumi at pagod na pagod na mukha na maskamukha ng isang multo kaysa sa tao, pagkatapos tumingin siya sa malinis at magandang mukha ni Madeline, biglang nagwala si Lana at nawalan siya ng kontrol sa kanyang sarili. Kumawala siya sa pagkakahawak ng mga guwardya sa kanya at sinugod niya si Madeline. Inangat ni Madeline ang kanyang paa at sinipa niya ang tuhod ni Lana. Pagkatapos, napaluhod si Lana sa harap ni Madeline. Nakaramdam siya ng matinding sakit mula sa kanyang tuhod. Nagngitngit ang kanyang mga ngipin at tiniis niya ang sakit. Noong mumurahin sana niya si Madeline, bigla siyang hinablot ni Madeline sa baba. Mas mataas si Madeline kay Lana, bumigat ang pakiramdam ni Lana dahil sa malamig na ekspresyon ni Madeline. Sa sandaling ito, puno ng gali
Read more

Kabanata 1089

Naramdaman ni Madeline na sumakit ang kanyang ulo noong marinig niya ang sinabi ni Ryan. Gulat na gulat siyang tumingin sa lalaking nasa harap niya. Sa sandaling iyon, hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Mahinahong nagsalita si Ryan noong makita niya ang reaksyon ni Madeline, "Eveline, pwede mo akong tanungin ng kahit ano. Sasagutin ko ang lahat ng tanong mo." Kinuyom ni Madeline ang nanginginig niyang mga kamay. "Gusto kong malaman kung nasaan siya ngayon." Sumimangot si Ryan at umiling siya. "Ang masasabi ko lang sayo ay wala na siya sa Glendale." Pagkatapos niyang pakinggan ang sinabi ni Ryan, nanahimik si Madeline bago siya nagsalita, "Kung ganun, ang tanging dahilan kaya sumama siya kay Lana at nagpanggap siya na wala siyang pakialam samin ng mga anak niya ay dahil isa siyang spy?" May gusto sanang sabihin si Ryan, ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. "May ipapakita ako sayo."Tumingin si Madeline kay Ryan. Pakiramdam niya ay hindi na niya kayang magfocus
Read more

Kabanata 1090

Noong maalala ni Ryan ang sinabi sa kanya ni Jeremy bago siya umalis, nangako siya kay Madeline, "Eveline, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mapasaya ka." Nahihiyang ngumiti si Madeline at pinigil niya ang lahat ng emosyon niya. Masayang lumapit si Karen kay Madeline noong makita niyang nakabalik na siya sa Whitman Manor. "Eveline, inaresto si Lana! "Miyembro siya ng sindikato, kaya hindi na nakapagtataka na napakasama niya! "Hmph! Bandang huli, hindi mananalo ang kasamaan sa kabutihan. Pagbabayaran niya ang lahat ng ginawa niya!" Halatang masaya si Karen. Subalit, naalala ni Madeline ang napanood niya sa video kanina. Si Jeremy mismo ang naglagay ng posas kay Lana, at sa sandaling iyon, nanlumo ang kasuklam-suklam na babaeng iyon nang maisip niya na makukulong siya. Alam ni Madeline na dapat siyang maging masaya, ngunit sa mga sandaling iyon, nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang puso. Madaling araw ng katapusan ng summer, bumili siya ng mga bulaklak at
Read more
PREV
1
...
107108109110111
...
248
DMCA.com Protection Status