Kinabukasan, pinuntahan ni Madeline si Lana. Pansamantala munang nilipat si Lana sa Glendale Prison mula sa custodial ward. Pagkatapos ng pag-aasikaso sa mga papeles, ipapasa siya sa pulisya ng F Country. Tumingin siya sa kanyang marumi at pagod na pagod na mukha na maskamukha ng isang multo kaysa sa tao, pagkatapos tumingin siya sa malinis at magandang mukha ni Madeline, biglang nagwala si Lana at nawalan siya ng kontrol sa kanyang sarili. Kumawala siya sa pagkakahawak ng mga guwardya sa kanya at sinugod niya si Madeline. Inangat ni Madeline ang kanyang paa at sinipa niya ang tuhod ni Lana. Pagkatapos, napaluhod si Lana sa harap ni Madeline. Nakaramdam siya ng matinding sakit mula sa kanyang tuhod. Nagngitngit ang kanyang mga ngipin at tiniis niya ang sakit. Noong mumurahin sana niya si Madeline, bigla siyang hinablot ni Madeline sa baba. Mas mataas si Madeline kay Lana, bumigat ang pakiramdam ni Lana dahil sa malamig na ekspresyon ni Madeline. Sa sandaling ito, puno ng gali
Naramdaman ni Madeline na sumakit ang kanyang ulo noong marinig niya ang sinabi ni Ryan. Gulat na gulat siyang tumingin sa lalaking nasa harap niya. Sa sandaling iyon, hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Mahinahong nagsalita si Ryan noong makita niya ang reaksyon ni Madeline, "Eveline, pwede mo akong tanungin ng kahit ano. Sasagutin ko ang lahat ng tanong mo." Kinuyom ni Madeline ang nanginginig niyang mga kamay. "Gusto kong malaman kung nasaan siya ngayon." Sumimangot si Ryan at umiling siya. "Ang masasabi ko lang sayo ay wala na siya sa Glendale." Pagkatapos niyang pakinggan ang sinabi ni Ryan, nanahimik si Madeline bago siya nagsalita, "Kung ganun, ang tanging dahilan kaya sumama siya kay Lana at nagpanggap siya na wala siyang pakialam samin ng mga anak niya ay dahil isa siyang spy?" May gusto sanang sabihin si Ryan, ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. "May ipapakita ako sayo."Tumingin si Madeline kay Ryan. Pakiramdam niya ay hindi na niya kayang magfocus
Noong maalala ni Ryan ang sinabi sa kanya ni Jeremy bago siya umalis, nangako siya kay Madeline, "Eveline, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mapasaya ka." Nahihiyang ngumiti si Madeline at pinigil niya ang lahat ng emosyon niya. Masayang lumapit si Karen kay Madeline noong makita niyang nakabalik na siya sa Whitman Manor. "Eveline, inaresto si Lana! "Miyembro siya ng sindikato, kaya hindi na nakapagtataka na napakasama niya! "Hmph! Bandang huli, hindi mananalo ang kasamaan sa kabutihan. Pagbabayaran niya ang lahat ng ginawa niya!" Halatang masaya si Karen. Subalit, naalala ni Madeline ang napanood niya sa video kanina. Si Jeremy mismo ang naglagay ng posas kay Lana, at sa sandaling iyon, nanlumo ang kasuklam-suklam na babaeng iyon nang maisip niya na makukulong siya. Alam ni Madeline na dapat siyang maging masaya, ngunit sa mga sandaling iyon, nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang puso. Madaling araw ng katapusan ng summer, bumili siya ng mga bulaklak at
Napansin ni Ryan na kakaiba ang kinikilos ni Madeline. Sinundan niya siya at nakita niya na may tinatawagan si Madeline sa phone. Pagkatapos, sa mga sumunod na sandali, narinig niya na tinanong ni Madeline ang tao sa kabilang linya ng phone, "Dr. Gordon, ako si Eveline Montgomery. Pwede ko bang malaman kung ano ang blood type ng blood sample na pinasuri ko sa inyo?" Narinig ni Ryan na nagmamadaling nagtanong si Madeline.Hindi niya alam kung ano ang sinagot ng taong kausap ni Madeline. Ang tanging nakita lang niya ay bumuntong hininga si Madeline at tila napanatag ang kanyang kalooban. Para bang nakuha niya ang sagot na gusto niyang marinig. Pagbaba niya ng phone, nakita ni Ryan na mas mahinahon na si Madeline ngayon. Pagkatapos ay pinagpatuloy niya ang paghahanda ng hapunan para sa kanilang dalawa. At noong makatapos siya sa pagluluto, umupo sila sa hapagkainan at kumain ng tahimik. May nararamdaman si Ryan para kay Madeline at gusto niya talaga siya. Subalit, alam din ni R
Noong sandaling makita ni Daniel si Ava, kumislap ang kanyang mga mata. "Napakaganda mo ngayon." Pinuri siya ni Daniel. Naramdaman ni Ava na uminit ang kanyang mukha. Nahihiya siya ngunit nagpanggap siya na wala siyang pakialam. "Sinasabi mo ba na pangit ako dati?" Agad na nagpaliwanag si Daniel at namula ng husto ang kanyang mukha, "Syempre, hindi yun ang ibig kong sabihin. Sinasabi ko lang na mas maganda ka ngayon." Tumalikod si Ava at natuwa siya sa sarili niya. Ngayon lang niya naramdaman ang ganito. Pagsakay niya sa passenger seat, pinagmasdan ni Ava si Daniel habang nagmamaneho siya. Makisig ang itsura ni Daniel. Mukha siyang mahinahon at maamo, ngunit kasabay nito, masigla at buhay na buhay ang kanyang mga mata. Noong naging pula ang ilaw ng traffic light, hininto ni Daniel ang kotse at lumingon siya kay Ava. Walang oras si Ava para ilihis ang kanyang tingin bago nagtagpo ang mga mata nila ni Daniel. "Kanina ka pa nakatingin sakin." “...”"Noong gabing yun s
Pagkakataon nga naman. Pareho sila ng suot ng babaeng yun. Kahit na hindi masamang magsuot ng pareho sa suot ng ibang tao, mahihiya ang mas pangit sa dalawang taong yun. Subalit, hindi ito tungkol sa itsura. Ang problema ay isang limited fall edition dress ng isang mamahaling brand ang suot nila at nag-iisa lang ito sa buong mundo. Ngayon, pareho sila ng suot na damit. Ibig sabihin lang nito na peke ang suot ng isa sa kanila. Alam ni Ava kung saan galing ang damit niya. Noong mapansin niya na hindi nakatingin sa kanya ang babae, nag-isip muna siya bago niya binitawan ang kamay ni Daniel at tumalikod siya."Saan ka pupunta?" Nagtatakang nagtanong si Daniel. Nang marinig ni Old Master Graham ang boses ni Daniel, lumingon siya habang nakikipag-usap siya sa isang grupo ng mga tao. "Nandito na si Dan." Masayang lumapit sa kanila ang nanay ni Daniel. "Dan, di ba sabi mo may susunduin kang kaibigan? Nasaan sila?" Hinablot ni Daniel si Ava na sinusubukang tumakas at pinakilala n
Hindi nagpapigil si Mrs. Graham habang pinapahiya niya si Ava sa harap ng lahat. Ayaw makipagtalo sa kanya ni Ava. Ngunit nang iangat niya ang kanyang ulo, nakita niya na nakatingin ng masama sa kanya si Naya. Hindi rin nanahimik si Daniel. Agad niyang dinepensahan si Ava at sinabing, "Mom, sumusobra ka na. Pwedeng suotin ng girlfriend ko ang kahit ano at mananatili pa rin siyang girlfriend ko." "Dan, gusto mo bang galitin ang lolo mo ngayon?" Minaliit ni Mrs. Graham si Ava. "Ang tanging babae sa Glendale na nababagay na maging girlfriend mo ay si Naya." Nagmamataas na tumingin si Mrs. Graham kay Ava. "Ms. Long, saan ka grumaduate? Anong trabaho mo? Magkano ang kinikita mo sa isang buwan? May bahay ka ba o kotse?"Tumingin si Ava sa mga mata ni Mrs. Graham at ngumiti siya. "Grumaduate ako sa Glendale University at isa akong interior designer. At para naman sa sahod ko—" "Sige na, sapat na ang narinig ko," Nagsalita si Mrs. Graham. "Hindi kikita ng higit sa seven digits sa lo
Nang marinig iyon ng babae, hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Noong maalala niya kung anong ginawa niya, nakaramdam siya ng matinding hiya. Sa sandaling ito, tumunog ang doorbell. Ayaw nang magtagal pa ni Ava kasama ng babae, kaya binuksan niya ang pinto. Pagbukas niya ng pinto, nakita niya si Madeline. "Maddie, bakit ka nagpunta dito?" Nagulat si Ava. Napanatag ang kalooban ni Madeline noong makita niya si Ava. "Ang sabi ni Dan pinatay mo daw ang phone mo, kaya nag-alala siya sayo. Tutal nasa malapit lang naman ako, dumaan na ako dito para tingnan kung ayos ka lang." "Nandito pala ang kaibigan mo, Ava. Dapat siguro umalis na ako." Hindi na pinilit ng babae si Ava. Pagkatapos, umalis siya pagkatapos niyang tumingin kay Madeline. Ang hula ni Madeline, nanay ni Ava ang babaeng kasama ni Ava sa airport noong nakaraan, ngunit hindi niya inasahan na tama pala ang hula niya. Ilang taon na niyang kilala si Ava at mula noon, akala niya ulila rin si Ava gaya niya. Sa tu
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si