Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1051 - Kabanata 1060

2479 Kabanata

Kabanata 1051

Interesado siyang tinignan ni Jeremy. "Ano yun?" Humakbang pagilid si Lana, nagsindi ng sigarilyo, at nagsimulang manigarilyo. Sandali siyang nag-isip bago biglang tinanong si Jeremy. "Jeremy, may kilala ka pa bang tao na may malaking impluwensya na palihim na prinoprotektahan si Eveline? Maliban sa mga magulang niya, syempre." Kaagad na nagbago ang mga mata ni Jeremy. "Bakit mo natanong?" "Kasi…" Binuga ni Lana ang sigarilyo at nagpatuloy, "Kasi mayroong misteryosong lalaki sa likod ng kuya ko. Mukhang medyo natatakot ang kuya ko sa taong iyon. Hindi niya ako pinapayagang kalabanin si Eveline dahil sinabi iyon ng lalaking iyon sa kanya. Kaya gusto kong malaman kung sino ba ang lalaking iyon." Nang malaman ni Jeremy ang sitwasyong ito ay sobra siyang nagulat. Kahit na sino pa ang misteryosong lalaking iyon, tinutulungan niya si Madeline. Mukhang isa tong magandang bagay. Pero, sino ang lalaking iyon na kayang paatrasin si Yorick? Habang pinag-iisipan ito ni Jeremy ay bi
Magbasa pa

Kabanata 1052

Hindi niya lang talaga inaasahan na may nakapasok na sa Stygian Johnson Gang at kayang pasunurin si Yorick. Kahit na sa impluwensya ng taong iyon, hingi pa rin niya maungkat ang ugat ng Stygian Johnson Gang, at pinapakita nito kung gaano katibay ang pundasyon ng organisasyon iyon. Pagkatapos umalis ni Jeremy sa cafe, nagmaneho siya papunta sa gate ng kindergarten kung saan nag-aaral sina Jackson at Lilian. Naghintay siya hanggang sa matapos ang klase pero hindi pa rin niya nakita ang magkapatid na lumabas ng kindergarten. Nagtaka siya. Bumaba siya ng kotse at nagpunta roon para tanungin ang guro na may hawak sa kanila. Nakilala ng guro ang mukha ni Jeremy at nagsalita nang may kaunting kaba, "Pasensya na talaga, Mr. Whitman. Hindi ko nabantayan nang maayos si Lilian kaya natakot siya."Sabi ni Mrs. Whitman ay hindi makakapasok si Lilian sa ngayon. Nagbigay rin ng notice of absence si Jackson. Pagkatapos marinig ang kanyang sagot, biglang naging mabigat ang pakiramdam ni Je
Magbasa pa

Kabanata 1053

Ang totoo, alam na ni Jeremy kung sino ang narito nang marinig niya ang pamilyar na mga yabag. Sa sandaling lumingon siya, si Madeline nga ang kanyang nakita. Ito ang babaeng hiniling niya na maihalo niya sa kanyang sariling dugo at buhay. Ngunit hindi man lang tinignan ni Madeline si Jeremy. Diretso siyang naglalakad papunta sa dalawang bata. Nang may malumanay at malambing na ngiti sa kanyang mukha, hinawakan niya ang dalawang kaaya-aya at mamula-mulang pisngi. "Jack, pumasok na kayo ng kapatid mo. Magluluto ng cake si Mommy para sa inyo mamaya." Masunuring tumango si Jackson. Hinawakan niya ang malambot na kamay ni Lilian gamit ng kanyang maliit na kamay at tinignan si Jeremy bago tumalikod. Pagkatapos niyang panoorin ang dalawang bata na pumasok sa bahay, unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Madeline. "Ang lakas ng loob mong pumunta para makita si Lilian." Sarkastiko siyang kinutya ni Madeline. "Nakita mo na ba? Hindi na makapagsalita si Lilian. Kuntento ka na ba sa
Magbasa pa

Kabanata 1054

Pagod siyang sumandal sa sandalan ng upuan habang nabasa ng luha ang gilid ng kanyang mga mata. 'Lilian, humihingi ng tawad ang Daddy mo. 'Sana bago ako mawala, maririnig ko pa rin ang matamis mong tawa at marinig kong masaya mo kong tawagin na 'Daddy'.' Hinawakan niya ang family portrait palihim niyang itinabi at hinayaang dumaloy ang kalungkutan sa kanyang katawan. Habang mas lumilinaw ang sakit, mas lalong lumalalim na maaalala niya na ang babaeng minamahal niya ay… Matagal na nanatiling nakatayo si Madeline sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya maintindihan ang kinikilos ni Jeremy. Umaasa pa rin siya na mayroon siyang sariling problema, pero napakawalang awa ng kanyang mga ginagawa––sobra sobra na hindi siya makahanap ng paliwanag para sa kanya. Sa susunod na tatlong araw ay ikakasal na siya kay Ryan. Binibilang rin ni Karen ang mga araw. Dalawang araw bago ang kasal, hinanap niya si Madeline habang sinasadyang dala-dala si Pudding sa kanyang mga braso. "Eveline, papak
Magbasa pa

Kabanata 1055

Kahit na madilim ang langit ay patay ang mga ilaw sa loob ay malinaw pa rin itong nakikita ni Madeline. Ang isang babae na may maikling buhok at nakasuot ng isang sexy na dress ay niyayakap at hinahalikan ang isang matangkad na lalaki. Syempre si Lana ang babaeng may maikling buhok, at ang lalaking ito, sino pa ba ito kundi si Jeremy? Kahit na sinabi ni Jeremy na may nangyari sa kanila ni Lana ay pinagdudahan ito ni Madeline. Pero sa sandaling ito ay nakita niya ang lahat at naniwala. Hindi niya ito gustong paniwalaan pero kailangan. Akala niya ay kaya niya itong harapin nang kalmado pero masakit ang bawat isang tibok ng kanyang puso habang nagulo ang kanyang paghinga. Sa sandaling ito ay nahirapan siyang huminga. Tinitigan ni Madeline ang hindi magandang eksena na nangyayari sa loob. Pagkatapos niyang marinig ang tunog ng tawa ng babae, bigla siyang tumalikod at naglakad papunta sa elevator. Pinindot niya ang mga buton ng elevator gamit ng kanyang daliri. Nagsimulang sumak
Magbasa pa

Kabanata 1056

"Jeremy, ano ba talaga ang iniisip mo?" Tinignan siya ng lalaki nang may kalmadong ekspresyon. "Eveline, kahit na ano pa ang iniisip ko, hindi na kita iisipin pa," malamig niyang sabi at nilabas muli ang kanyang ID card. "Kunin mo to kung gusto mo. Kung sa tingin mo madumi to, siguro hindi mo na kailangang magparehistro ng account para sa anak mo." "Anak ko? Anak ko lang ba siya?" Sarkastikong tumawa si Madeline. Lumakas ang pagbagsak ng mga patak ng ulan at nanlabo ang kanyang paningin. "Naalala mo pa ba kung anong sinabi mo noong lumuhod ka sa harapan ko? Ang sabi mo, 'Linnie, papapsayahin kita habang-buhay.' Pero nagkataon na maikli lang pala ang saya na binigyan mo sa'kin." Tinignan niya ang ID card na nabasa ng ulan. Pinigilan niya ang kanyang mga emosyon na malapit nang bumigay at tumangging lumuha. "Ikakasal na ako kay Ryan sa susunod na araw. Ibabalik ko ang ID card ko pag pumunta ka sa ceremony." Kinuha ni Madeline ang ID card at nagpasyang umalis. Nakatayo sa
Magbasa pa

Kabanata 1057

Nagulat si Jeremy. Hindi niya alam kung kailan lumitaw si Madeline sa kanyang likuran. Nabigla rin si Madeline dahil napaputla ng mukha ni Jeremy na para bang papel. Nagkatinginan silang dalawa at parang tumigil ang oras sa sandaling ito. Pinilit ni Jeremy na pigilan ang matinding amoy ng dugo at ang kati ng kanyang lalamunan. Nilihis niya ang kanyang mukha para maiwasan ang tingin ni Madeline at bahagyang umubo. Nagwawala ang puso niya sa sandaling ito. Natatakot siya na baka malaman ni Madeline na mayroong mali sa kanya at makita niya ang lahat. "Maddie, bakit ka nakatayo diyan? Oras na para sa pictures." Narinig mula sa malayo ang paalala ni Ava. Tinignan ni Madeline ang lalaki na nakaharap sa kanya mula sa gilid at iniabot ang ID. "Ibinabalik ko na to sa'yo," malamig niyang sabi habang iniunat niya ang kanyang kamay sa kanya. Hinigpitan ni Jeremy ang kanyang mga kamao, alam niyang hindi niya maiaabot ang kanyang kamay kay Madeline. Ang mga palad ng kanyang dalawan
Magbasa pa

Kabanata 1058

Pagkabalik nila Madeline at Ryan sa pakikipag-usap sa mga bisita mula sa Jones family, nakita nila si Ava na namumula at lasing. Walang tigil siyang bumubulong, "Maddie, sa pagkakataong ito, dapat maging masaya ang kasal mo. Dapat…." Naantig ang damdamin ni Madeline si Ava ang isa sa ilang tao sa mundong ito na tunay na nagpahalaga at nag-alala para sa kanya. Sa sandaling ito, walang magawa si Madeline kundi sabihan si Daniel na iuwi si Ava sa kanila. Ngunit medyo lasing rin si Daniel. Pagkatapos niyang tulungan si Ava sa taxi, sinandalan niya si Ava nang inaantok. Gusto niyang dalhin si Ava pauwi noong una, pero hindi inaasahang huminto ang taxi sa entrance ng isang hotel. Nang may nakakaintinding tingin, binuksan niya ang pinto ng kotse para kay Daniel. Tinatamad si Daniel na alamin ang totoo at tinulungan si Ava na makababa ng kotse. Sobrang lasing si Ava na umabot na puntong hindi siya makatayo nang maayos. Para bang ang kanyang mga binti ay lumambot habang nanghihina s
Magbasa pa

Kabanata 1059

Alam ni Jeremy na masasaktan lang siya sa pagpunta niya rito. Hindi lang talaga siya makabitaw. Hindi niya mabitawan ang babaeng nakabaon nang malalim sa kanyang mga buto. Sa gitna ng manipis at mabigat na ambon, nakita ni Jeremy si Ryan na nilapitan si Madeline mula sa mga kurtina. Lumapit siya sa kanya at nang niyuko niya ang kanyang ulo, halata na hinahalikan niya siya. Mahigpit na hinawakan ni Jeremy ang manibela at pakiramdam niya ay ang ulan na pumapatak sa bintana ng kotse ay bumabagsak sa kanyang puso. Malamig ito at nagyeyelo. Hindi na niya kayang ipagpatuloy ito. Ang tanging magagawa na lang niya ay umalis at pumunta sa Whitman Manor kung saan pwede niyang bisitahin nang tahimik ang dalawang bata na nakatulog na. Sa kwarto. Binigyan ni Ryan si Madeline ng isang yakap bago siya binitawan. "Alam ko hindi mo pa nakakalimutan si Jeremy sa puso mo. Hindi yon importante. Maghihintay ako." Nagsisi si Madeline sa mga salita ni Ryan. Siya na ang kanyang legal na asaw
Magbasa pa

Kabanata 1060

Narinig siya ni Lana pero mukhang nag-aalinlangan siya. Ito ang unang beses na nakita ni Jeremy ang isang seryosong ekspresyon sa sinungaling na babaeng ito. Hindi niya gustong bigyan si Lana ng maraming oras para pag-isipan ito. Tumayo siya at nagpanggap na hindi natutuwa. "Dahil wala ka namang tiwala sakin, kalimutan mo na lang to." Nagmadali si Lana para pigilan si Jeremy nang marinig niya ang kanyang sinabi. "Baby, wag kang magalit. Bakit hindi kita pagkakatiwalaan?" Masuyong hinila ni Lana ang manggas ni Jeremy. Mukha siyang nag-aalala. Nang makita niyang hindi nakaharap sa kanya ang gwapong mukha ni Jeremy at malamig rin ang pakikitungo niya sa kanya ay nagbago ang isip ni Lana. "Baby, ang laking sakripisyo ng inaalok mo para hayaang tulungan ng isang multinational company na kagaya ng Whitman Corporation ang Stygian Johnson Gang na mag-launder ng pera. Magiging tanga ako kung tatanggi ako!" Bumigay si Lana. Nagpatuloy si Jeremy sa pagpapanggap na nagagalit siya
Magbasa pa
PREV
1
...
104105106107108
...
248
DMCA.com Protection Status