Pagkabalik nila Madeline at Ryan sa pakikipag-usap sa mga bisita mula sa Jones family, nakita nila si Ava na namumula at lasing. Walang tigil siyang bumubulong, "Maddie, sa pagkakataong ito, dapat maging masaya ang kasal mo. Dapat…." Naantig ang damdamin ni Madeline si Ava ang isa sa ilang tao sa mundong ito na tunay na nagpahalaga at nag-alala para sa kanya. Sa sandaling ito, walang magawa si Madeline kundi sabihan si Daniel na iuwi si Ava sa kanila. Ngunit medyo lasing rin si Daniel. Pagkatapos niyang tulungan si Ava sa taxi, sinandalan niya si Ava nang inaantok. Gusto niyang dalhin si Ava pauwi noong una, pero hindi inaasahang huminto ang taxi sa entrance ng isang hotel. Nang may nakakaintinding tingin, binuksan niya ang pinto ng kotse para kay Daniel. Tinatamad si Daniel na alamin ang totoo at tinulungan si Ava na makababa ng kotse. Sobrang lasing si Ava na umabot na puntong hindi siya makatayo nang maayos. Para bang ang kanyang mga binti ay lumambot habang nanghihina s
Alam ni Jeremy na masasaktan lang siya sa pagpunta niya rito. Hindi lang talaga siya makabitaw. Hindi niya mabitawan ang babaeng nakabaon nang malalim sa kanyang mga buto. Sa gitna ng manipis at mabigat na ambon, nakita ni Jeremy si Ryan na nilapitan si Madeline mula sa mga kurtina. Lumapit siya sa kanya at nang niyuko niya ang kanyang ulo, halata na hinahalikan niya siya. Mahigpit na hinawakan ni Jeremy ang manibela at pakiramdam niya ay ang ulan na pumapatak sa bintana ng kotse ay bumabagsak sa kanyang puso. Malamig ito at nagyeyelo. Hindi na niya kayang ipagpatuloy ito. Ang tanging magagawa na lang niya ay umalis at pumunta sa Whitman Manor kung saan pwede niyang bisitahin nang tahimik ang dalawang bata na nakatulog na. Sa kwarto. Binigyan ni Ryan si Madeline ng isang yakap bago siya binitawan. "Alam ko hindi mo pa nakakalimutan si Jeremy sa puso mo. Hindi yon importante. Maghihintay ako." Nagsisi si Madeline sa mga salita ni Ryan. Siya na ang kanyang legal na asaw
Narinig siya ni Lana pero mukhang nag-aalinlangan siya. Ito ang unang beses na nakita ni Jeremy ang isang seryosong ekspresyon sa sinungaling na babaeng ito. Hindi niya gustong bigyan si Lana ng maraming oras para pag-isipan ito. Tumayo siya at nagpanggap na hindi natutuwa. "Dahil wala ka namang tiwala sakin, kalimutan mo na lang to." Nagmadali si Lana para pigilan si Jeremy nang marinig niya ang kanyang sinabi. "Baby, wag kang magalit. Bakit hindi kita pagkakatiwalaan?" Masuyong hinila ni Lana ang manggas ni Jeremy. Mukha siyang nag-aalala. Nang makita niyang hindi nakaharap sa kanya ang gwapong mukha ni Jeremy at malamig rin ang pakikitungo niya sa kanya ay nagbago ang isip ni Lana. "Baby, ang laking sakripisyo ng inaalok mo para hayaang tulungan ng isang multinational company na kagaya ng Whitman Corporation ang Stygian Johnson Gang na mag-launder ng pera. Magiging tanga ako kung tatanggi ako!" Bumigay si Lana. Nagpatuloy si Jeremy sa pagpapanggap na nagagalit siya
Nang marinig ni Ava ang boses niya, para bang nakuryente siya at hindi kumilos. Tok, tok. Kumatok siyang muli sa pinto. "Ava, nandiyan ka ba?" Marahang pumasok sa kanyang tainga ang boses ni Daniel. Nangiwi ang puso ni Ava at lalo siyang hindi mapakali. Ang lalaking kanyang minahal ay nakatayo sa labas ng pinto, pero siya… "Ava, kagabi…" "Dan, m-masyado akong maraming nainom kagabi. Medyo pagod pa ako at parang gusto kong matulog," pinigilan ni Ava ang kanyang emosyon ay pinigilan si Daniel habang nagpanggap siyang kalmado. Sa labas ng pinto, natagalan si Daniel na makasagot. Parang malungkot ang kanyang boses. "Magpahinga kang mabuti." "Salamat, Dan," sagot ni Ava. Nakasuot ng pantulog si Ava nang niyakap niya nang mahigpit ang kanyang katawan habang nakatulala niyang tinignan ang pinto. Pagkatapos niyang tumayo ng ilang sandali, mabagal na naglakad si Ava papunta sa pinto. Gusto niyang makita ang likod ni Daniel pero hindi niya inasahan na makikita niya siya sa sandal
Bumilis ang tibok ng kanyang puso, pagkatapos ay kaagad niyang tinawagan si Madeline. Doon lang niya nalaman na inutusan niya si Daniel na ihatid siya pauwi kagabi. Sa halip na magising siya sa bahay ay nagising siya sa hotel. Hindi niya maalala ang kahit na anong nangyari sa pagitan ng mga oras na iyon. Ang tanging naalala niya lang ay nagising siya katabi ng isang lalaki. Hindi man lang niya nakita kung anong itsura ng lalaki. 'Posible kaya na nakita ni Dan ang nangyari? 'Nakita kaya niya kami ng lalaki na…' Pakiramdam ni Ava ay sasabog ang kanyang ulo nang bigla na lang ay tumunog muli ang doorbell. Akala niya ay si Daniel ang bumalik pero nang binuksan niya ang pinto, nakita niya ang taong hindi niya gustong makita… Hindi nakatulog si Madeline kagabi. Tumayo siya nang maaga, pinakain ang sanggol, at naghanda ng agahan para kay Ryan. Pagkaalis ni Ryan, dinala niya ang mga bata sa Whitman Manor. Hindi pa rin nakakapagsalita si Lilian kaya sinasamahan ko Jackson ang
Narinig nina Jeremy at ng lalaking nakaupo sa tapat niya ang tunog. Sabay silang lumingon. Nang makita niya si Madeline na nakaupo sa may hagdan habang hawak ang umiiyak na si Lilian ay sobrang nagulat si Jeremy. Mabilis siyang humakbang at gustong patahanin ang bata pero pinigilan siya ng lalaki. Umiling ang lalaki kay Jeremy at binigyan siya ng ideya gamit ng kanyang mga mata. Pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad papunta sa kabilang pinto. "Wag kang umiyak Lilian. Bad balloon! Tignan mo, ayos lang ang lahat. Tahan na, wag ka nang umiyak." Malungkot na niyakap ni Madeline ang maliit na bata. Ngunit hindi huminto si Lilian sa pag-iyak. Maliban sa pag-iyak, hindi gumawa ng ibang tunog si Lilian. Tinignan ni Jeremy ang munting prinsesa na tumutulo ang luha sa kanyang pisngi na para bang ulan. Sumakit ang kanyang puso sa kanyang nakita. Ngunit wala siyang ibang magawa kundi malamig na lumapit sa kanila. "Eveline, sinusundan mo ba ako?" Tinaas ni Madeline ang kanyang mata
Gusto niya itong ipa-laboratory test. Sa sandaling makaalis si Jeremy sa cafe, nakatanggap siya ng tawag mula kay Lana na nagtanong kung nasaan siya. Simple niyang sinabi na bumibili siya ng regalo para sa kanya at naloko siya. Dalawampung minuto ang lumipas, bumalik si Jeremy sa villa ni Lana na may dalang isang box ng chocolate ba binili niya sa daan. Sa sandaling makapasok siya ng kwarto, narinig niya ang hindi natutuwang boses ni Yorick na nagtanong, "Sinabi ko na sa'yo na bumalik ka na ng F Country. Bakit nandito ka pa?" "Yorick Johnson, kapatid mo ko. Bakit mo ko tinatrato ng ganito nang dahil lang kay Eveline?" Hindi natutuwang ngumisi si Lana habang nakaupo siya sa sofa. Nagsindi siya ng sigarilyo at bumuga ng maraming usok na para bang isang lady gangster boss. "Yorick Johnson, interesado ako. Sino ang lalaking pumipigil sa'yo na saktan si Eveline?" Walang pakialam si Yorick kung gaano kabastos siyang kausapin ni Lana ngayon na ginamit pa niya ang buo niyang pangal
Nang marinig ni Lana ang sinabi ni Jeremy, biglang nanigas ang kanyang ngiti at isang bakas ng pagkalito ang dumaloy sa kanyang mga mata. "Jeremy?"Nakita ni Jeremy ang pagbabago sa natatarantang ekspresyon ni Lana at kuntento siyang ngumiti.Dahan-dahan niyang sinaksak ang USB sa computer. Binuksan niya ang files at kinopya ang lahat ng nasa loob nito. Kinakabahang lumapit si Lana. "Jeremy, anong ibig sabihin mo roon?" Sumagot si Jeremy nang hindi tumitingin sa kanya, "Gusto ko lang makita ang reaksyon mo." "Ang reaksyon ko?" Hindi ito naintindihan ni Lana at nagpatuloy na makinig sa paliwanag ni Jeremy. "Nasa mga kamay mo ang buhay ko, at binigay mo sa'kin ang pinakaimportanteng bagay na gawin. Ngayon, hindi na tayo mabubuhay nang wala ang isa't-isa, tama?" Nang marinig ni Lana ang kanyang sagot, kaagad na naging saya ang kanyang kalungkutan. Isang nahihiyang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. "Jeremy, hindi ko na naisip na gagawa ka ng ganito katamis na biro. Natakot