Nang marinig ni Lana ang sinabi ni Jeremy, biglang nanigas ang kanyang ngiti at isang bakas ng pagkalito ang dumaloy sa kanyang mga mata. "Jeremy?"Nakita ni Jeremy ang pagbabago sa natatarantang ekspresyon ni Lana at kuntento siyang ngumiti.Dahan-dahan niyang sinaksak ang USB sa computer. Binuksan niya ang files at kinopya ang lahat ng nasa loob nito. Kinakabahang lumapit si Lana. "Jeremy, anong ibig sabihin mo roon?" Sumagot si Jeremy nang hindi tumitingin sa kanya, "Gusto ko lang makita ang reaksyon mo." "Ang reaksyon ko?" Hindi ito naintindihan ni Lana at nagpatuloy na makinig sa paliwanag ni Jeremy. "Nasa mga kamay mo ang buhay ko, at binigay mo sa'kin ang pinakaimportanteng bagay na gawin. Ngayon, hindi na tayo mabubuhay nang wala ang isa't-isa, tama?" Nang marinig ni Lana ang kanyang sagot, kaagad na naging saya ang kanyang kalungkutan. Isang nahihiyang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. "Jeremy, hindi ko na naisip na gagawa ka ng ganito katamis na biro. Natakot
"Linnie, sana kaya kitang yakapin ngayon." 'Pero mukhang hindi na ako mabibigyan ng isa pang pagkakataon na tumayong muli sa harapan mo.' ...Pag-alis ni Lana sa Whitman Corporation, sobra siyang nahilo sa sandaling makasakay siya sa kotse. Nagpunta siya sa ospital para magpasuri at hindi niya inaasahang malaman na buntis siya mula sa resulta ng mga pagsusuri. Sobrang natuwa si Lana. Gusto niyang tawagan kaagad si Jeremy para sabihin sa kanya ang magandang balita, pero pagkatapos niya itong pag-isipan, inikot niya ang manibela at pinaandar ang kotse papunta sa gate ng Whitman Manor bago pumasok. Nakaupo si Karen sa sala habang inaalagaan ang maliit na sanggol. Nakaupo si Jackson sa tabi ni pudding at tumutulong sa pag-aalaga sa kanya. Bigla na lang, nakita ng bilugang mga mata ni Jackson ang hindi imbitadong bisita na si Lana. Nakilala siya ni Jackson. Kinuha niya ang mansanas na nasa fruit bowl at binato ito kay Lana nang may seryosong mukha. "Masama ka." Mabilis itong na
Bumagsak sa lapag si Lana. Dahil nakasuot siya ng isang mini dress, nakitang dumaloy ang dugo mula sa ilalim. "Aray!" Kumunot ang noo ni Lana sa sakit at tinuro si Madeline na nasa phone. Mabangis siyang nagsabi, "Eveline, ikaw ang may gawa nito! Kapag may nangyari sa anak ko, dudurugin ko ang mga b*stardo mong anak! Aray…" Lumapit si Madeline kay Lana nang may malamig na mukha. Nang may mala-reynang aura, tinitigan niya si Lana na namamaluktot sa lapag. Bigla niyang iniunat ang kanyang kamay para hilahin ang kwelyo ni Lana. Matalim pa rin ang kanyang titig. "Kung hindi lang dahil sa inosenteng batang to, hindi sana ako tatawag ng ambulansya para sa isang taong kagaya mo. Isang trahedya para sa batang to na ikaw ang ina niya. Sa isang nanay na kagaya mo, hindi magiging masaya and anak mo!" "Eveline, ikaw…" Galit at nasasaktan si Lana. Gusto niyang lumaban pero wala siyang lakas. Gustong makita ni Jeremy ang mga bata at si Madeline sa pinakahuling pagkakataon kaya bumalik si
Tinignan niya ang lalaking tumulak sa kanya para ipagtanggol si Lana at para bang dinurog ng mga kamay ang kanyang puso. "Mommy!" Nag-aalalang tumakbo si Jackson kay Madeline at sinundan ito ni Lilian. Kahit na masakit ang tiyan ni Lana ay nagawa niyang ngumiti. Nagmadaling lumapit si Karen kay Jeremy. "Anong ginagawa mo, Jeremy? Paano mo nagawang itulak si Eveline nang ganito?" Walang pakialam ang mga mata ni Jeremy. Tinulak niyang muli si Madeline. "Bakit di ko siya itutulak? Pinadugo niya ang nobya ko. Hindi naman malakas ang pagkakatulak ko sa kanya.""Nobya mo? Ginamit ka ng malanding to para patayin ang mga magulang ni Eveline at paghiwalayin kayong dalawa! Bakit ka sumama sa ganitong klaseng tao at hayaan siyang ipagbuntis ang anak mo?!" Hindi maintindihan ni Karen ang pagbabago sa ugali ni Jeremy. "Jeremy, paano mo nagawa to kay Eveline?" "Bakit hindi?" Ngumisi si Jeremy. "Kasal na siya kay Ryan. Siya na si Mrs. Jones ngayon. Wala na siyang kaugnayan sa'kin. Kung gan
Walang bahalang ngumiti si Jeremy. "May kinalaman ba sa akin ang pangalan ng abak mo?" Walang-awa niyang sinabi bago lumingon nang walang bahala. "Eveline, mamuhay ka nang masaya kasama ang asawa mo. Wag mo nang isipin na may nararamdaman pa ako para sa'yo. Siguro dati may nararamdaman pa ako para sa'yo pero dati na yun." Tumingin sa malayo si Jeremy habang namumuo ang luha sa kanyang mata. Sa kabila nito, puno ng panghahamak ang tono niya. "Sana huli na ito. Ayaw na talaga kitang makita ulit." Ibinato niya ang malulupit na salitang ito kay Madeline at naglakad palayo. Hindi niya inakala na isang araw magkakatotoo ang mga salitang iyon. Ito ang magiging huling araw na makikita niya ito. Tumayo sa iisang pwesto si Madeline habang tahimik na pinapanood ang katawan ng lalaki nang para bang dumidilim ang lahat ng nasa harapan niya. 'Nangako tayo dati sa isa't isa na habang-buhay tayong magsasama. Sa mga nagdaang taon, nahiwalay tayo tapos nagkabalikan. Paulit-ulit itong nan
Itinikom niya ang kanyang labi at sinabi nang nanlalandi. Inalis ni Jeremy ang nasa isipan niya at nakita ang umaasang mukha ni Lana. Nangako siya dito at sinabing, "Lana, ipinapangako ko sa'yo na bukas ang araw na hindi mo malilimutan sa buong buhay mo." Matapos matanggap ang sagot na ito, pakiramdam ni Lana na parang nanggaling siya sa langit. Masayang lumipad ang kanyang puso. Sa sandaling ito, nasa Whitman Manor pa rin si Madeline. Mukhang masama ang timpla ni Lilian at Jackson at nahuhulaan ni Madeline kung bakit malungkot ang magkapatid. Ito ay dahil di pa rin nila maalis sa kanilang isipan ang pagiging masungit ni Jeremy sa kanila kanina. Ganoon din sa kanya. Di nagtagal, dumating si Ryan sa Whitman Manor. Sinabi ni Madeline na masama ang timpla ni Jackson at Lilian kaya nakiusap siya kung pwede bang samahan niya muna ang mga ito. Napakadaling kausap ni Ryan at sinabi nito kay Madeline na pwede niyang samahan ang mga bata sa lugar ng Whitman. Mabuting bagay ito
Tinignan ni Madeline ang bagay na iniabot ni Ava. Isa itong larawan nilang dalawa noong araw na nakapagtapos sila ng kolehiyo. Ang dalawang babae sa larawan ay may parehong magagandang ngiti. Ang saya na naramdaman nilang dalawa noong araw na iyon ay parang kahapon lang ito nangyari, ngunit sa isang iglap, pito o walong taon na pala ang nakalipas. "Maddie, nakikilala mo ba kung sino pa yung nasa picture?" Nang bigla itong itanong ni Ava, tinignan ito ni Madeline at nakita ang isang pamilyar na mukha sa madla sa itaas na kaliwang bahagi ng larawan. "Noong inaayos ko ang mga gamit ko kanina, nakita ko ang larawang ito. Bago ito, di ako naniniwalang minahal ka talaga ni Jeremy. Pero Maddie, naniniwala na ako." Mula sa tono ni Ava, naririnig ni Madeline na talagang pinakawalan na nito ang galit niya kay Jeremy. Bilang pinakamalapit na kaibigan ni Madeline, noon pa kinamumuhian ni Ava si Jeremy. Kahit na di na kinamumuhian ni Madeline si Jeremy, sa ginawa nito noong una, kinam
Ibinulong niya ang pangalan ni Madeline, hinaplos ang mukha nito sa larawan at umubo nang malakas. Kaagad siyang uminom ng painkiller pero di pa rin niya mapigilan ang lasa ng dugo na nagmumula sa kanyang lalamunan. Pinunasan ni Jeremy ang dugo mula sa kanyang labi gamit ng isang tissue at tinignan ang mantsa ng dugo. Isa itong madilim na kayumanggi at di ito mukhang normal na sariwang dugo. Bukod pa riyan, mayroon isang matinding sakit sa kanyang puso at ang daliri niya ay kusang nanginginig. Sa sandaling umabot sa huling bahagi ang lason na gawa ni Adam, di lang nito papahirapan ang katawan ng tao, ngunit papahirapan din nito ang pag-iisip ng tao. Pinalipas ni Jeremy ang gabi sa kwarto ng opisina. Sa sandaling bumangon siya kinabukasan, nakatanggao siya ng tawag mula kay Lana. Matapos makalabas ng ospital ng babae, kaagad at masigla nitong sinabi kay Jeremy na gusto nitong sumama siya para makipagkasundo. Ang totoo ay gusto talaga ni Jeremy na mag-isip ng dahilan para