Nararamdaman niya na hindi na muling lilingon pabalik sa kanya si Jeremy. Siguro ito na ang kanilang huling pagkikita. Hinihiling niya na naririnig siya ni Jeremy na sabihin kung gaano niya siya kamahal. Natalo ng kanyang pag-ibig ang kanyang pagkamuhi na kanyang nararamdaman noon para sa kanya. Ngayon, ang natitira na lang ay malalim na pagmamahal. Tinignan ni Jeremy ang anino sa gitna ng ulan na unti-unting naglalaho mula sa salamin. Pagkatapos, sumuka na siya ng dugo na kanina pa niya pinipigilan. Habang tinitignan ang matingkad na pulang likido sa tisyu, sumandal siya sa upuan sa pagod habang nagsimulang mawalan ng pokus ang kanyang mga mata. 'Linnie, narinig kita. 'Salamat at hinayaan mo kong lisanin ang mundong ito nang walang pinagsisisihan.' Ngumiti ang kanyang maputlang labi at tinaas niya ang kanyang kaliwang kamay para tingnan ang wedding ring na muling nagbalik sa kanyang daliri. Sa gitna ng mga luha, nakita niyang kumislap ang singsing sa ilalim ng madilim
Naramdaman ni Jeremy na tumalon ang kanyang puso habang tinaas niya ang kanyang ulo para tingnan si Madeline. Ngunit hindi siya gising. Wala siyang malay na hinawakan ang kanyang kamay pero mahigpit pa rin ang kanyang kapit. "Jeremy, wag mo na kong iwan ulit…" sabi niya habang tulog. Hindi niya alam na katabi niya si Jeremy. Hinawakan ni Jeremy ang kanyang kamay ay hinalikan ang likod nito. May matinding pagmamahal sa likod ng kanyang gwapong mga mata. "Linnie, kahit saan man ako magpunta, ikaw pa rin ang natatangi ko." Umupo si Jeremy sa kama at kuntentong tinignan ang natutulog na mukhang iyon. Pinainom niya ng gamot si Madeline. Pagkatapos nito, nanatili lang siya roon at tahimik siyang pinanood. Nanatili siya roon buong maghapon. Nang maramdaman niyang hindi na gaanong mainit ang kanyang noo, sinukat ni Jeremy ang kanyang temperatura at napansin na bumaba na nga ang kanyang lagnat. Nakahinga na siya nang maluwag at nagpasyang umalis. Naglabas siya ng isang jewelry
Sinubukan ni Naomi na suyuin si Ryan gamit ng oportunidad na ito. "Rye, magbalikan na tayo okay? Ako ang tunay na nagmamahal sa'yo." Habang patuloy na ginugulo ni Naomi si Ryan, kalaunan napabitaw siya kay Madeline. Tumakbo palabas ng pinto si Madeline at patungo sa hangin at ulan ng taglagas. "Jeremy, Jeremy!" Sumigaw siya sa harap ng kawalan. "Kung di mo ako mapakawalan, edi bakit ka nagtatago sa akin? Tingin mo ba di ako masasaktan kapag pinagtaguan mo ako?" Nakatayo si Jeremy sa sulok at natuwang umuulan ngayon. Kahit paano di siya maaamoy ni Madeline. Tumakbo si Ryan palapit at hinawakan si Madeline nang makita niya itong nakadamit ng manipis sa habang nakatayo sa gitna ng ulan. "Eveline, kumalma ka." Pinakalma siya ni Ryan nang hawakan niya ang nagpupumiglas na Madeline bago ito dalhin sa loob. Di matiis ni Naomi kung paanong nag-aalala si Ryan kay Madeline. Dahil dito, sumingit siya sa harapan nila para pigilan sila. "Madeline, mang-aagaw ka! Inakit mo ang fi
Hindi nakalimutan ni Jeremy na gustong makuha ni Lana ang impormasyon an ito mula sa kanya, pero wala siyang pakialam. Ngayon, gusto na lang niyang mawala ang mga taong sumira sa relasyon nila ni Madeline. Habang nakatingin sa mukha ni Naomi na nagiging kulay lilak na, bigla niyang narinig ang natatarantang boses ni Madeline na sinasabi sa kanya, “Jeremy, tumigil ka na sa paggawa ng isa pang pagkakamali.”‘Hindi, Linnie. Hindi ko na gagawin pa an g mga pagkakamaling yun. “Kung ayaw mong gawin ko ang anumang bagay na labag na sa limitasyon, hindi ko gagawin.’ Malapit nang huminto sa paghinga si Naomi. Sa sandaling yun, naisip niya na malapit na niyang makita ang Diyos nang biglang binitawan siya ni Jeremy. Bumagsak sa lapag si Naomi at huminga ng malalim. Inangat niya ang kanyang ulo, at nang makita niya ang lalakeng nakatayo sa kanyang harapan na parang si Satanas, binaluktot niya ang kanyang sarili na parang bola. “Ti-titigil na ako sa panggugulo kay Eveline. P-pakiusap,
Nang makita ni Lilian si Fabian, nagkaroon ng ngiti sa mukha nito. Kahit na hindi ito nagsalita, pinakita ng kilos nito na gusto niyang mapalapit kay Fabian. Binitawan ni Madeline ang kamay nito at hinayaan si Lilian na lumapit kay Fabian. Umupo si Fabian at kinarga ang nakakatuwang bata. "Lily, namiss mo ba ako?" Tumango si Lilian. Naramdaman ni Fabian na umiinit ang puso niya nang makita niya ang inosenteng mukha nito. Di tutol si Madeline kay Fabian. Naisip niya na rin na nakakaantig ang eksenang ito sa harapan niya. Nakikita niya ang pag-aalala ni Fabian kay Lilian. Dati makulit siya pero ngayon mukhang nagbago na talaga siya. "Fabian, nandito ka ba para sa akin?" Tanong ni Madeline. Tumango si Fabian. Ayos lang sa kanya na pinaglalaruan ng batang babae ang buhok niya. "Di magtatagal mapaparusahan na si Lana. Pero ayaw niyang umamin na siya ang nagsimula ng apoy sa Montgomery Manor. Pinipilit niya na si Jeremy ang nagsimula ng apoy. Tinawagan ng pulis ng F Cou
Sobrang lamig ng hangin sa maagang bahagi ng taglamig. Parang nababalot ito ng tinik habang bumabalot ito sa sugatan niyang puso, na nagpapalala sa nararamdaman niyang sakit. Inunat ni Madeline ang nanginginig niyang mga kamay para abutin ang kard na inaabot sa kanya ni Ken. Nang makuha niya ito, pakiramdam niya ay nahawakan niya ang malalamig na mga daliri ni Jeremy. "Kailan pa nangyari to?" Pinigilan niya ang kanyang kalungkutan at kalmadong nagtanong. "Ngayong araw ang ika-49 na araw," Sagot ni Ken at tinignan ang lapida na nasa kanyang harapan bago bumuntong-hininga. "Ang dahilan kung bakit pinili ni Mr. Whitman ang lugar na ito at ang rason kaya maiksi ang lapida ay dahil sa nagsisisi siya sa nangyari sa mga magulang mo. Kaya, kapag namatay siya, gagamit siya ng napakamababang uri ng pagluhod sa kanila sa pag-asa mapagbayaran niya ang mga kasalanan niya sa mga magulang mo." Hindi na mapigilan ni Madeline ang kanyang mga luha nang marinig niya ang sinabi ni Ken. Nagsimu
Matapos basahin ang liham, walang-tigil na lumuluha si Madeline. Itinaas niya ang kanyang namumula at luhaang mata para tignan ang walang pangalang puntod bago ito hawakan. "Paano kita malilimutan?" Ngumiti siya habang tumutulo ang luha sa kanyang mata. Ang malamig na hangin ay nanuot sa kanyang katawan at nakaramdam siya ng nababasag sa loob niya. Bigla siyang bumangon at tumakbo sa harap ng puntod ni Eloise at Sean bago lumuhod nang may kalabog. "Mom, Dad, pakiusap patawarin niyo si Jeremy, pakiusap…" Malungkot na nagmakaawa si Madeline. Walang ideya si Lilian kung bakit umiiyak nang sobrang lungkot si Madeline. Ngunit tumakbo din siya palapit at lumuhod gaya ng nanay niya. Lumuhod silang dalawa sa harapan ng puntod habang hinaharap ang malamig na hangin ng taglamig. Isa sa kanila ang umiiyak habang ang isa ay nakikiramay. Ang lalaking nasa itim na kotse sa pasukan ng sementeryo ay itinaas ang manipis nitong mata para tignan ang eksena sa harapan nito. Tapos inilayo n
Nagtaka si Madeline kaya sinundan niya si Lilian papunta sa salaming bintana sa kabilang gilid. Kakaiba ang kinikilos ni Lilian at paulit-ulit niyang tinuturo ang salamin. Tinignan ni Madeline kung saan ito nakaturo pero wala siyang nakita. "Lily anong gusto mong makita ko?" Ngumiti si Madeline at nagtanong. Kinurap ni Lilian ang kanyang mata at hinawakan ang kamay ni Madeline. Tapos dinala niya ito sa pinto. Sumunod sa kanila si Jackson nang nagmamadali nang makita niya ito. Hindi pa nakita ni Madeline na ganito ang ikinilos ng anak niya noon. Nagsimulang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang maramdaman niya may mangyayari kasunod. Hinawakan ni Lilian ang kamay ni Madeline at pumunta sa kabilang gilid ng kalsada. Tapos naglakad sila palabas ng gusali. "Lily, gusto mo bang pumunta dito?" Nagtingin sa paligid si Madeline at wala siyang napansing kakaiba. Kumikislap ang mata ni Lilian. Nagtitingin din siya sa paligid. Para bang may hinahanap siya. Ngunit di niya maha
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si