Piniling mabuti ni Ava ang regalong ito. Bago niya ito bilhin, hiningi niya pa ang opinyon ni Daniel. Ngunit nang tignan ni Ava ang malagim na mukha ni Mrs. Graham ngayon, alam niyang nagkamali siya. Ihinagis ni Mrs. Graham ang kahon nang naiinis bago suminghal. "Hmph, Dan, saang basurahan mo nakuha ang girlfriend mong ito? Tingin mo ba makakasama siya sa Graham family sa ganitong ugali niya?" "Mom anong sinasabi mo?" Naiinis na tanong ni Daniel. Tumayo si Naya at marahang sinabi, "Dan, natural lang na magalit si Mrs. Graham." "Anong ibig-sabihin mo?" Naguluhan si Dan at maging si Ava. Bumuntong-hininga si Naya habang mukhang walang magawa. Itinuro niya ang kahong ibinato ni Mrs. Graham. "Dan, natural lang at wala kang alam sa alahas. Pero may alam si Mrs. Graham. "Mula ito sa isa sa mga international na luxury jewelry brand. Walang makakabili ng black diamong brooch sa kahit anong bilihan sa Glendale." Mukhang mayabang si Naya nang sabihin niya ito. Kasabay nito, may m
Matapang na sinabi ni Daniel at hinawakan niya ang kamay ni Ava bago sumumpa nang seryoso. "Makinig kayo, di ko susukuan ang babaeng mahal ko dahil sa pamilya niya. Kung gustong-gusto niyong maging biyenan ang mga Mendez, bahala kayo. Pero wag niyo akong isama sa mga di importanteng tao." "..." Nabigla si Mrs. Graham nang marinig niya ito. Noon pa mahinhin at matikas si Daniel. Ito ang unang beses na nagwala siya. Tapos hinawakan ni Daniel si Ava at umalis, iniwan ang lahat ng tao sa lamesa na nakatingin sa isa't isa sa gulat. Itinikom ni Naya ang kanyang bibig. Ito ang unang pagkakataong napahiya siya. Siya ang tanging babae sa Glendale na bagay kay Daniel, pero ngayon, natalo siya ng babaeng ito. Paano niya matatanggap ito? Matapos ihatid ni Daniel si Ava pabalik sa apartment niya, nanghingi siya ng tawad sa nangyari. Ngunit di nabahala si Ava. Sa halip, nakangiti siya nang masaya. Di maintindihan ni Daniel kung bakit nakangiti si Ava at hindi siya galit. Kabado s
Naramdaman ni Madeline na lumilipad ang puso niya nang makita niyang huminto ang lalaki. Tumatakbo siya palapit sa lalaki nang biglang dalawang bata na mukhang anim at pitong taong gulang ang lumitaw sa harapan niya. Gusto ni Madeline na iwasan ang mga bata nang isa sa kanila ang tumumba at nagsimulang umiyak. Narinig ng nanay na umiiyak ang kanyang anak at lumapit nang makita niyang tumatakbo palayo si Madeline, akala nito na siya ang nakabangga sa anak niya. "Nabangga mo ang anak ko tapos tatakas ka?" Galit na sumigaw ang nanay ng bata kay Madeline habang hinahawakan ang kamay niya. "Sasabihin ko sa'yo, kapg may nangyari sa anak ko, di kita palalagpasin!" Galit na nagbanta ang babae ngunit sa sandaling ito, nakapokus lang si Madeline sa lalaking papasok na ng gusali. Kumawala siya sa pagkakahawak ng babae at ibinato ang isang card sa mukha ng babae. "May security camera dito. Tignan mo muna ang security footage bago mo ano pagbintangan na binangga ko ang anak mo. Kung ako
"Lana!" Hinawakan ni Fabian ang kwelyo ni Lana. Isa lang siyang 18 taong gulang lalaki, ngunit sa sandaling ito, napakatalim ng mata niya at mukhang hindi siya natitinag. "Ikaw ang dapat mamatay! Pinapatay mo si Yorick at sinisira ang Stygian Johnsons." Itinulak ni Lana palayo si Fabian at minaliit siya. "Fabian, alam mo ba kung sino ang pumapatay kay Yorick at sumisira sa Stygian Johnsons? Si Jeremy!" "Anong kinalaman ni Jeremy dito? Ginalit mo lang siya kasi may gusto ka sa kanya! Pinatay mo ang mga magulang ni Eveline at sinira ang kasal nila ni Jeremy! Ngayon, may kapal ka pa ng mukha na sabihing siya ang sumira sa'yo?" Lumingon si Lana nang natatamaan at itinikom ang kanyang kamao. "Oo ano naman kung ako ang gumalit sa kanya? Kung di nila ako pinaukhang masama ni Ryan, paano hahantong sa ganito? Alam mo ba na si Jeremy at Ryan ay kasapi ng Interpol?" Nagbago ang mukha ni Fabian nang marinig niya ito. "Interpol?" "Hmph!" Suminghal si Lana. "Fabian, kalaban natin si Jeremy
Nanigas sa iisang pwesto si Madeline. Nagsimulang kumalat sa katawan niya ang kasiyahan. Ang madilim niyang mundo ay kaagaf na lumiwanag nang painitin ng liwanag ang naninigas niyang puso. "Jeremy, Jeremy…" Bibigay na si Madeline. Walang laman ang isip niya at nakatitig siya sa lalaki sa gitna ng maraming tao. Kasabay nito, narinig niya ang mga taong nagbubulungan sa paligid niya. "Si Mr. Whitman ba yan?" "Oo siya yan." "Bakit niya iniba ang itsura niya? Nakasuot ba siya ng colored contacts?" "Maganda pa rin naman siya tignan ngayon. Basta maganda siyang tignan, kaya niyang gawin ang kahit anong gusto niya sa itsura niya." Humigpit ang pagkakahawak ni Madeline sa kanyang baso nang marinig niya ang sinabi ng mga panauhin. Nagpakulay ba siya ng buhok? Nakasuot ba siya ng color contacts? Tinignan niya ang lalaki nang naguguluhan. Napakarami niyang iniisip na dumadaan sa kanyang isipan at gustong tumakbo papunta sa kanya. Ngunit pinigilan siya ng katinuan niya.
'Isa ka lang bang ilusyon? 'Hindi, hindi maaari. Malamang nandito ka lang sa malapit.' Nabahala si Madeline. Nagtingin siya sa paligid sa pag-asang makikita niya si Jeremy. Totoong-totoo siya tignan kanina lang, pero ngayon parang naglaho siya nang parang bula.'Jeremy.' Nagpatuloy sa paglalakad si Madeline habang nalilito. Nang lumagpas siya sa isang hagdan, isang pamilyar na kamay ang umabot sa kanya at hinawakan ang braso niya. 'Jeremy!' Naramdaman ni Madeline na huminto ang kanyang puso sa isang segundo. Bago pa niya makita nang maayos, hinila siya ni Jeremy papunta sa hagdanan. Ang matangkad na katawan ng lalaki ay umibabaw sa kanya habang ang ginintuang mata nito ay nakatitig sa naguguluhan at masayang mata ni Madeline sa ilalim ng dilim. Nanlaki ang mata ni Madeline at itinaas niya ang kanyang kamay para hawakan ang mukha na mas maayos na kaysa noon. "Jeremy, ikaw ba talaga yan?" Pinadaan niya ang kanyang daliri sa mukha nito nang nanginginig. Bago pa maka
Huminto si Madeline sa paglalakad para tignan ang lalaking mukhang seryoso. Umuwi. Sinabihan siya nito na umuwi kasama nito. Naramdaman ni Madeline na umiinit ang puso niya. Itinaas niya muli ang kanyang kamay at niyakap ulit ito. "Sige, uuwi ako kasama mo. Umuwi na tayo Jeremy." Naluluha siya nang ipalibot niya ang kanyang kamay sa leeg nito. Ang kanyang puso ay puno ng pag-aasam para dito. Hindi siya patay. Nagbalik na siya. Ayaw na niyang mawala pa ang lalaking ito sa kabila ng agwat nila dahil kay Eloise at Sean. Ngunit 'namatay' na nang isang beses si Jeremy. Ang sakit ng pagkawala nito ang nagturo sa kanya kung gaano niya kagustong makasama ito habang buhay. Pinadalhan ni Madeline si Ryan ng mensahe na sinasabing uuwi siya kasama ni Jeremy. Bukod sa pagmensahe pabalik ng [Okay.], wala nang iba pang sinabi si Ryan. Nanghinayang si Madeline nang makita niya ang maikling sagot na ito. Kahit na peke ang kasal nila ni Ryan at sinabi nito na pinakasalan lang siya ni
Idinilat ni Madeline ang tulala niyang mata nang naguguluhan at nakita niya si Jeremy na sinusuri siya gamit ng mata nito. "Anong problema Jeremy?" "Pagod ako," Sinabi nito nang walang bahala bago pumunta sa bagyo. Tapos narinig ni Madeline ang tunog ng tubig na nagmumula sa banyo. Humiga siya kama nang nagtataka. Bakit parang ayaw siyang hawakan nito? Dahil ba kay Ryan? Paglabas ni Jeremy ng banyo, di nito kinausap si Madeline bago humiga sa kama at maglaro sa cellphone. "Jeremy, matulog ka dapat nang maaga kung pagod ka." Kinuha ni Madeline ang kanyang pajama at maliligo na sana. Ngunit pagkatapos niyang sabihin ito sa kanya, di kumibo si Jeremy at umingit lang. Naramdaman ni Madeline na lumubog ang puso niya sa sagot na ito. Pakiramdam niya na tumagos sa puso niya ang malamig na hangin. Sa sandaling iyon, naramdaman niyang lumalamig nang sobra ang puso niya. Naligo si Madeline habang puno ng tanong at pag-aalala ang isipan niya. Nag-alala siya na di pa tulu