Nanigas sa iisang pwesto si Madeline. Nagsimulang kumalat sa katawan niya ang kasiyahan. Ang madilim niyang mundo ay kaagaf na lumiwanag nang painitin ng liwanag ang naninigas niyang puso. "Jeremy, Jeremy…" Bibigay na si Madeline. Walang laman ang isip niya at nakatitig siya sa lalaki sa gitna ng maraming tao. Kasabay nito, narinig niya ang mga taong nagbubulungan sa paligid niya. "Si Mr. Whitman ba yan?" "Oo siya yan." "Bakit niya iniba ang itsura niya? Nakasuot ba siya ng colored contacts?" "Maganda pa rin naman siya tignan ngayon. Basta maganda siyang tignan, kaya niyang gawin ang kahit anong gusto niya sa itsura niya." Humigpit ang pagkakahawak ni Madeline sa kanyang baso nang marinig niya ang sinabi ng mga panauhin. Nagpakulay ba siya ng buhok? Nakasuot ba siya ng color contacts? Tinignan niya ang lalaki nang naguguluhan. Napakarami niyang iniisip na dumadaan sa kanyang isipan at gustong tumakbo papunta sa kanya. Ngunit pinigilan siya ng katinuan niya.
'Isa ka lang bang ilusyon? 'Hindi, hindi maaari. Malamang nandito ka lang sa malapit.' Nabahala si Madeline. Nagtingin siya sa paligid sa pag-asang makikita niya si Jeremy. Totoong-totoo siya tignan kanina lang, pero ngayon parang naglaho siya nang parang bula.'Jeremy.' Nagpatuloy sa paglalakad si Madeline habang nalilito. Nang lumagpas siya sa isang hagdan, isang pamilyar na kamay ang umabot sa kanya at hinawakan ang braso niya. 'Jeremy!' Naramdaman ni Madeline na huminto ang kanyang puso sa isang segundo. Bago pa niya makita nang maayos, hinila siya ni Jeremy papunta sa hagdanan. Ang matangkad na katawan ng lalaki ay umibabaw sa kanya habang ang ginintuang mata nito ay nakatitig sa naguguluhan at masayang mata ni Madeline sa ilalim ng dilim. Nanlaki ang mata ni Madeline at itinaas niya ang kanyang kamay para hawakan ang mukha na mas maayos na kaysa noon. "Jeremy, ikaw ba talaga yan?" Pinadaan niya ang kanyang daliri sa mukha nito nang nanginginig. Bago pa maka
Huminto si Madeline sa paglalakad para tignan ang lalaking mukhang seryoso. Umuwi. Sinabihan siya nito na umuwi kasama nito. Naramdaman ni Madeline na umiinit ang puso niya. Itinaas niya muli ang kanyang kamay at niyakap ulit ito. "Sige, uuwi ako kasama mo. Umuwi na tayo Jeremy." Naluluha siya nang ipalibot niya ang kanyang kamay sa leeg nito. Ang kanyang puso ay puno ng pag-aasam para dito. Hindi siya patay. Nagbalik na siya. Ayaw na niyang mawala pa ang lalaking ito sa kabila ng agwat nila dahil kay Eloise at Sean. Ngunit 'namatay' na nang isang beses si Jeremy. Ang sakit ng pagkawala nito ang nagturo sa kanya kung gaano niya kagustong makasama ito habang buhay. Pinadalhan ni Madeline si Ryan ng mensahe na sinasabing uuwi siya kasama ni Jeremy. Bukod sa pagmensahe pabalik ng [Okay.], wala nang iba pang sinabi si Ryan. Nanghinayang si Madeline nang makita niya ang maikling sagot na ito. Kahit na peke ang kasal nila ni Ryan at sinabi nito na pinakasalan lang siya ni
Idinilat ni Madeline ang tulala niyang mata nang naguguluhan at nakita niya si Jeremy na sinusuri siya gamit ng mata nito. "Anong problema Jeremy?" "Pagod ako," Sinabi nito nang walang bahala bago pumunta sa bagyo. Tapos narinig ni Madeline ang tunog ng tubig na nagmumula sa banyo. Humiga siya kama nang nagtataka. Bakit parang ayaw siyang hawakan nito? Dahil ba kay Ryan? Paglabas ni Jeremy ng banyo, di nito kinausap si Madeline bago humiga sa kama at maglaro sa cellphone. "Jeremy, matulog ka dapat nang maaga kung pagod ka." Kinuha ni Madeline ang kanyang pajama at maliligo na sana. Ngunit pagkatapos niyang sabihin ito sa kanya, di kumibo si Jeremy at umingit lang. Naramdaman ni Madeline na lumubog ang puso niya sa sagot na ito. Pakiramdam niya na tumagos sa puso niya ang malamig na hangin. Sa sandaling iyon, naramdaman niyang lumalamig nang sobra ang puso niya. Naligo si Madeline habang puno ng tanong at pag-aalala ang isipan niya. Nag-alala siya na di pa tulu
Pagkatapos na isuot ni Madeline nang nagmamadali ang kanyang damit at naglinis, sumugod siya pababa. Nang nasa harap na pinto na siya, nakita niya si Jeremy na nakatayo sa bakuran. Nakasuot ito ng isang coat, at ang preskong kulay abong maikling buhok niya ay pumapagaspas sa hangin. Sa kabilang banda, ang kanyang nakangiting dilaw na mata ay nakatingin sa tulalang-tulala na Jackson. "Daddy?" Suot ni Jackson ang kanyang backpack nang tumakbo siya patungo kay Jeremy sa gulat at tuwa. Yumuko si Jeremy at dinampot si Jackson. "Daddy!.ikaw yan! Nakauwi ka na sa wakas!" Nanlaki ang magagandang mata ni Jackson. Sa kabila ng pagbabago ng itsura ni Jeremy, di man lang nagduda si Jackson. Ito ay ang daddy niya! Tinignan ni Jeremy ang kanyang anak at ngumiti. "Namiss mo ba ako?" "Syempre!" Sumagot si Jackson nang walang-alinlangan. "Bumaha ang saya sa gwapo nitong mukha. "Namiss ka din ni Lily." Sinabi ni Jackson habang tinuturo si Lilian na naglalakad palapit sa kanila. Nguni
Mukhang interesado si Jeremy sa kanyang anak kaya nagsimula siyang pumasok sa bahay. "Sandali." Pinigilan siya ni Madeline. Huminto si Jeremy sa paglalakad at nakita niya si Madeline na lumapit sa kanya nang malagim ang mukha. Inabot niya si Lilian kay Karen. "Mom, pwede bang dalhin mo kami ni Lily at Jack sa loob? May sasabihin ako sa'yo Jeremy." May naramdamang kakaiba si Karen sa paligid. Nag-aalala siya na baka mag-away si Madeline at Jeremy kaya pinaalalahanan niya sila. "Mag-usap dapat kayong dalawa. Kahit anong mangyari, mag-asawa pa rin kayo." 'Mag-asawa. 'Siguro. 'Mag-asawa, pero asawa na siya ng iba ngayon.' "Jeremy, bakit di mo pinansin si Lily?" Sinubukang itanong ni Madeline nang kalmado. "Binalewala mo na si Lily noong nakaraang espiya ka pa at sinusubukang pasayahin si Lana. "Kahit na bata pa siya, may damdamin pa rin siya at nalulungkot din. Pero sa kabila ng lahat ng ito, gusto ka pa rin niya. Bakit mo siya sinasaktan nang ganito? Anak natin siya."
"Tinatawag mo siyang 'Rye' nang matamis at malambing." Tinignan ni Madeline ang mata nito nang matapang. "Oo, tinatawag ko siyang Rye kasi tingin ko isa ko siyang matalik na kaibigan. "Noon, umalis ka nang walang pasabi at ayaw pang makipagkita sa akin bago ako iabot sa kanya. Naisip mo ba kung anong mararamdaman ko doon?" Nang sabihin niya ito, namula ang mata ni Madeline. Nagsimula siyang umiyak. "Noong wala ka dito, siya ang nag-aalaga sa akin at sa mga bata. Di niya ako hiningian ng kahit anong kapalit. Sinabi niya pa na kapag bumalik ka, hihiwalayan niya ako." "Jeremy, di mo karibal si Rye kaya wag kang masyadong mag-alala." Pinagaan ni Madeline ang nasa isipan ni Madeline. Pagkatapos marinig ng lalaki ang sinabi niya, unti-unting nawala ang lamig sa mata nito. Binitiwan niya si Madeline at hinawakan ito nang marahan. "Eveline, mamahalin mo pa rin ba ako kahit iba na ako?" Naramdaman ni Madeline na may kakaiba kay Jeremy pero hindi siya nagdalawang-isip na ipanatag
Nanggigil siya at gustong tipunin ang mga kaibigan niya para turuan ng leksyon si Jackson. Pero bago pa siya makapagsalita, naramdaman niyang may humawak sa kanya sa kwelyo. Kaagad pagkatapos nito, nakabitin na siya sa ere. Namutla ang mukha niya sa takot nang magsimula siyang pumadyak. Nang itaas niya ang tingin niya nakita niya ang isang nakakatakot at madilim na mukha. "S-Sino ka?" "Humingi ka ng tawad sa babaeng ito ngayon na. Kung hindi itatapon kita sa dagat pars ipakain sa mga isda," Banta ni Fabian. Di siya nagbibiro. Nanliit ang bata at naihi sa nakakatakot na tingin ni Fabian. Tinignan ni Fabian ang paa ng bata, tapos ibinato niya ito sa harapan ni Lilian. "Humingi ka ng tawad." "G-Gagawin ko! Gagawin no ito ngayon na!" Nautal ang batang lalaki at humingi kay tawad nang paulit-ulit. Tinignan ni Fabian ang kaibigan ng bata at kaagad nilang naunawaan. Tapos lumapit sila at nagsimula ring humingi ng tawad kay Lilian. Tumayo si Lilian sa likod ni Jackson. Tinignan