Kakadampot lang ni Ryan ng isang baso ng tubig nang marinig niya ito. Nabitin sa ere ang kanyang kamay. Mayroong maliit na ngiti sa kanyang gwapo at eleganteng mukha. "Jeremy, sa tingin ko nagkakamali ka ng pagkakaintindi." "Ganun ba?" Makahulugang ngiti ni Jeremy. Mayroong madilim na alon sa ilalim ng kanyang mga mata. "Kung ayaw mong magkamali ako ng intindi, ibalik mo sa'kin ang asawa ko." Naintindihan ni Ryan ang sinasabi ni Jeremy. Pagkatapos ay uminom siya ng tubig. "Kahit na sobrang nagbago ang itsura mo, mapang-angkin at arogante ka pa rin." "Isa ka rin sa mga dahilan kung bakit ako nagkaganito," sumbat ni Jeremy. Nanigas ang ngiti ni Ryan. "Sa tingin ko marami ka nang nalalaman. Pero, sa tingin ko hindi mo pa nakukuha ang lahat ng impormasyon. Mayroong mga bagay na hindi mo malalaman." Tinaas ni Jeremy ang kanyang kilay. Nang magsasalita sana siya ay bumalik si Madeline. "Anong pinag-uusapan ninyo?" Ngumiti si Madeline at nagtanong. Pagkatapos, naglakad siya sa k
Tiniis ni Madeline ang sakit sa kanyang pulso at kalmadong nagsabi, "Anong problema, Jeremy? Ako to, si Linnie." Linnie.Lumipad ang pangalan ng iyon sa tainga ni Jeremy papunta sa kanyang puso. Nawala ang kasamaan sa kanyang mga mata habang ang kanyang madidilim na mata ay naging maliwanag. Para bang napansin niya lang ngayon na hawak niya nang mahigpit si Madeline. Mabilis siyang bumitaw at hinaplos ang kanyang pulso. "Nasaktan ba kita?" Umiling si Madeline. "Hindi. Pero Jeremy, bakit ganyan ang reaksyon mo? Anong nangyari sa'yo nung nawala ka?" Nanatiling tahimik si Jeremy, nakakunot nang maigi ang kanyang noo. Ngunit wala siyang sinabi. Sa halip, inapakan niya lang ang accelerator at nagpatuloy na nagmaneho. 'Anong nangyari sa'kin noong nawala ako?' tahimik niyang tanong sa kanyang sarili. Para lang mabuhay at makabalik na kanya, kailangan niyang magdusa nang matindi. Maaga pa nang makabalik sila sa Whitman Manor. Nakaupo sina Lilian at Jackson sa rug malapit sa
Sinabi ito ni Madeline para seryosohin ni Lilian ang isyu na si Jeremy ang tunay niyang ama. Syempre, maganda kung magagawa niyang pasalitain si Lilian. "Lily, naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" Pasensyosong tanong ni Madeline. Kinurap ni Lilian ang kanyang malalaking mga mata na para bang naintindihan niya ito. Pagkatapos, pinadyak niya ang kanyang maiikling mga binti at naglakad pabalik sa sala. Tinignan niya si Jeremy, nasasalamin sa kanyang maliliwanag na mata ang anyo ni Jeremy. "Lily, ang handsome mister ang tunay mong ama." Inulit ito ni Madeline. Hindi niya alam kung naintindihan siya ni Lilian pero kahit papaano ay nakakita siya ng isang kislap sa mga mata ng batang babae. Siguro para makapagsalitang muli si Lilian at pagalingin ang kanyang trauma, baka kailangan niya ng higit pa sa counseling. Pagkatapos bumalik ng mga bata sa kanilang mga kwarto ay ganoon rin ang ginawa nina Madeline at Jeremy. Nagpunta sa banyo si Jeremy para makinig habang hinahanda n
"Jeremy, kahit hindi ko alam ang pinadaan mo sa nagdaang anim na buwan, alam ko na nahirapan ka. Pero, hinihiling ko rin na sana maniwala ka sa'kin. Walang ibang lalaki sa puso ko maliban sa'yo." Hinigpitan ni Madeline ang kanyang yakap. Kahit na wala siyang sinabi, alam niya na narinig ng lalaki ang kanyang sinabi. Kinabukasan ay nagising nang maaga si Madeline. Naghanda siya ng agahan at mga baon para sa mga anak niya bago sila ipahatid sa eskwelahan. Pagkatapos nito, pumunta siya sa kusina para maghanda ng pagkain para kay Jeremy. Nakatanggap si Madeline ng tawag mula kay Ryan nang matapos siyang kumain ng agahan. Sinabihan siya nito na makipagkita sa opisina ng abogado sa susunod na kalahating oras. Nang tinanong niya si Jeremy kung gusto niya siyang samahan, nagkataon na may kausap siya sa phone. Sinabi niya sa kanya na may nangyari sa opisina. Kaya mag-isang nagpunta si Madeline sa opisina ng abogado. Sa daan niya papunta roon, hindi niya mapigilang mapuno ng kakatuwa
Nang makatayo sila, sobrang nailang si Madeline nang mapansin niya ang kamay ka nasa kanyang baywang. Hindi rin siya makawala ngayon. Gusto niyang tulungan si Ryan na pumunta sa kama sa lalong madaling panahon. Ngunit pagkatapos marating ang gilid ng kama, hinigpitan ni Ryan ang hawak nito sa kanya na para bang ayaw siya nitong bitawan. Malungkot ang kanyang boses. "Sa totoo lang, ayaw talaga kitang pakawalan," sabi niya. Ano? Natulala si Madeline. Hindi nagtagal, nagpatuloy si Ryan sa pagtatapat sa kanya. "Eveline, napagtanto ko na nahulog talaga ako sa'yo," sabi niya. "..." Hindi makapaniwala si Madeline sa kanyang biglaang pagtatapat. Bahagya niyang hinigpitan ang kanyang yakap, nanatili sa ilong ni Madeline ang amoy niya. Hindi ito ang amoy na gusto niyang bumalot sa kanya. Binitawan siya ni Madeline at kalmadong nagsabi, "Ryan, umupo ka muna." "Eveline, hindi mo kailangang mag-alala. Hindi kita papahirapan. Nangako ako sa'yo na hahayaan kitang makipagbalikan ka
Isinilid ni Jeremy ang isang kamay niya sa bulsa niya at lumapit kay Ryan nang walang gana. "Papupuntahin ko ang lawyer ko bukas para kausapin ka. Di mo kailangang humakbang," Sinabi niya. Naasikaso na niya ang lahat nang perpekto. "Kapag nakaisip ka pa ng palusot para patagalin ang proseso, papatunayan nito na may iba kang motibo noong pinakasalan mo si Eveline noon," Idinagdag niya. Kalmadong tumingin si Ryan kay Jeremy. "Ang tunay kong motibo ay protektahan si Eveline. Jeremy, masyado kang nag-iisip." "Masyado ko itong di inisip. Kaya naibigay ko ang pinakamamahal kong babae sa'yo nang parang tanga," Sinabi ni Jeremy habang may bakas ng bangis sa kanyang mata. Tinignan niya ang kanang binti ni Ryan na nakabalot ng plaster cast. Mapanghamak ang tono ng boses niya nang magsalita siya, "Saktong-sakto ang oras kung kailan nangyari ang aksidente." Tapos lumapit siya sa tabi ng kama. Tinitigan niya ang napinsalang binti ni Ryan nang may duda. "Gusto kong makita ang sugat sa binti
Di inakala ni Madeline na gagawin ito ni Jeremy. Nagsimula siyang magpumiglas matapos matuliro saglit. Gayunpaman, sobrang lakas ni Jeremy. Binuksan nito ang ngipin niya at nilaliman ang halik nang sadya. Kaagad na uminit ang mukha ni Madeline. Nahiya at nailang siya ngunit wala siyang magawa. Tumikom ang bibig ni Ryan nang subukan niyang iwasan ang titig nito. Ngunit imposibleng mapigilan niya ang kanyang sarili na tignan sila. "Anong ginagawa niyo?!" Biglang sumugod papasok ng ward si Mrs. Jones. Itinaas ni Jeremy ang tingin niya at tinitigan nang masama ang nanay ni Ryan. Inalis niya ang sarili niya kay Madeline nang galit. Ngunit di niya tuluyang binitawan si Madeline at patuloy na niyakap ito. Nang mapansin si Madeline na yakap ni Jeremy, sumugod si Mrs. Jones sa tabi niya nang galit. "Eveline Montgomery, wala ka bang hiya? Nandito si Ryan! Ang kapal ng mukha mong gawin ang… nakakahiyang bagay na ito… sa harapan ng asawa mo kasama ang ibang lalaki?! Ikaw…" Nanggigi
"Noong nalaman ko na iiwan mo na ako habang buhay at mawawala ka na sa buhay ko, ayaw ko nang mag-isip pa. Di na ako takot. Takot lang ako na di na kita makakasama ulit." Nang pakinggan niya ang bawat salitang binanggit ni Madeline, kumislap ang mata ni Jeremy nang may pagsisisi at pagpapasalamat. "Kami ni Ryan ay ikinasal lang sa labas. Di niya ako pinilit sa kahit na ano. Di ko rin kinailangang kumbinsihin ang sarili ko na umasal na parang mag-asawa kasama niya. Dahil sa noon pa may lalaking pangalan ay Jeremy Whitman sa kailaliman ng puso ko." Ang pangungusap lang na ito ay umantig sa puso niya. Di nagtagal, narinig niya itong lumuha. "Hindi ko inakala na ang lalaking ito ay babalik sa tabi ko. Pero ayaw kong patuloy niya akong saktan sa paraang ito matapos bumalik sa tabi ko. "Jeremy, sobra ba na hilingin kong magkaroon ng isang simpleng pagmamahal at tahimik na buhay kasama ka? O sadyang di lang tayo para sa isa't isa?" Tumulo ang luha mula sa mga mata niya nang itanon