Isinilid ni Jeremy ang isang kamay niya sa bulsa niya at lumapit kay Ryan nang walang gana. "Papupuntahin ko ang lawyer ko bukas para kausapin ka. Di mo kailangang humakbang," Sinabi niya. Naasikaso na niya ang lahat nang perpekto. "Kapag nakaisip ka pa ng palusot para patagalin ang proseso, papatunayan nito na may iba kang motibo noong pinakasalan mo si Eveline noon," Idinagdag niya. Kalmadong tumingin si Ryan kay Jeremy. "Ang tunay kong motibo ay protektahan si Eveline. Jeremy, masyado kang nag-iisip." "Masyado ko itong di inisip. Kaya naibigay ko ang pinakamamahal kong babae sa'yo nang parang tanga," Sinabi ni Jeremy habang may bakas ng bangis sa kanyang mata. Tinignan niya ang kanang binti ni Ryan na nakabalot ng plaster cast. Mapanghamak ang tono ng boses niya nang magsalita siya, "Saktong-sakto ang oras kung kailan nangyari ang aksidente." Tapos lumapit siya sa tabi ng kama. Tinitigan niya ang napinsalang binti ni Ryan nang may duda. "Gusto kong makita ang sugat sa binti
Di inakala ni Madeline na gagawin ito ni Jeremy. Nagsimula siyang magpumiglas matapos matuliro saglit. Gayunpaman, sobrang lakas ni Jeremy. Binuksan nito ang ngipin niya at nilaliman ang halik nang sadya. Kaagad na uminit ang mukha ni Madeline. Nahiya at nailang siya ngunit wala siyang magawa. Tumikom ang bibig ni Ryan nang subukan niyang iwasan ang titig nito. Ngunit imposibleng mapigilan niya ang kanyang sarili na tignan sila. "Anong ginagawa niyo?!" Biglang sumugod papasok ng ward si Mrs. Jones. Itinaas ni Jeremy ang tingin niya at tinitigan nang masama ang nanay ni Ryan. Inalis niya ang sarili niya kay Madeline nang galit. Ngunit di niya tuluyang binitawan si Madeline at patuloy na niyakap ito. Nang mapansin si Madeline na yakap ni Jeremy, sumugod si Mrs. Jones sa tabi niya nang galit. "Eveline Montgomery, wala ka bang hiya? Nandito si Ryan! Ang kapal ng mukha mong gawin ang… nakakahiyang bagay na ito… sa harapan ng asawa mo kasama ang ibang lalaki?! Ikaw…" Nanggigi
"Noong nalaman ko na iiwan mo na ako habang buhay at mawawala ka na sa buhay ko, ayaw ko nang mag-isip pa. Di na ako takot. Takot lang ako na di na kita makakasama ulit." Nang pakinggan niya ang bawat salitang binanggit ni Madeline, kumislap ang mata ni Jeremy nang may pagsisisi at pagpapasalamat. "Kami ni Ryan ay ikinasal lang sa labas. Di niya ako pinilit sa kahit na ano. Di ko rin kinailangang kumbinsihin ang sarili ko na umasal na parang mag-asawa kasama niya. Dahil sa noon pa may lalaking pangalan ay Jeremy Whitman sa kailaliman ng puso ko." Ang pangungusap lang na ito ay umantig sa puso niya. Di nagtagal, narinig niya itong lumuha. "Hindi ko inakala na ang lalaking ito ay babalik sa tabi ko. Pero ayaw kong patuloy niya akong saktan sa paraang ito matapos bumalik sa tabi ko. "Jeremy, sobra ba na hilingin kong magkaroon ng isang simpleng pagmamahal at tahimik na buhay kasama ka? O sadyang di lang tayo para sa isa't isa?" Tumulo ang luha mula sa mga mata niya nang itanon
Pakiramdam ni Madeline nananaginip siya habang inaantok. May paulit-ulit na tumatawag sa kanya sa panaginip niya. "Eveline, Eveline gising na." Ang maamo ngunit nag-aalalang boses ng isang lalaki ay umingay sa kanyang tainga nang paulit-ulit. Kumunot ang noo ni Eveline at dahan-dahang idinilat ang kanyang mata. Dahan-dahan niyang naaninag ang mukha ni Ryan sa gitna ng malabo niyang paningin. "Eveline, gising ka na ba?" Tanong niya. "Ryan?" "Ako ito," Tumingin sa kanya si Ryan nang nag-aalala. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya. Ayos? Muling bumalik ang diwa niya. Naalala niya ang nangyari bago siya nawalan ng malay kanina. Tapos napagtanto niya na nakahiga siya sa kama. Umupo siya kaagad habang humuhulas ang kumot sa kanyang balikat. Napansin niya sa gulat na naalis ang kanyang damit. Ang suot na lamang niya ay isang kamiseta. Nagtaka lamang siya sa buong sitwasyon. Hinila niya ang kumot at ibinalot ito kaagad sa kanyang sarili. "Paano nangyari ito?" Nagtatakang tan
Biglang siyang sunubukng hawakan nu Ryan. Ngunit hinawi lang siya nang kusa palayo ni Madeline at kumawala ito sa pagkakahawak niya. Nang mapansin ang nagtatakang titig ni Ryan sa kanya, napagtanto ni Madeline na medyo sumobra ang reaksyon niya. "Sorry Ryan* Sinabi niya. "Ayos lang. Nagpadalos-dalos ako," Sinabi ni Ryan nang alalayan niya ang sarili niya gamit ng braso niya. Tumayo siya nang nahihirapan. "Alam kong mahirap para sa'yo na tanggapin na nangyari ito sa ating dalawa. Alam ko na ang tanging lalaking mahal mo ay si Jeremy Whitman. Mananatiling lihim ito sa pagitan nating dalawa. Di ko ito babanggitin kahit kanino," Sinabi niya. Naintindihan ni Madeline ang ibig-sabihin niya at alam na wala siyang masamang intensyon. Pero ang nangyari ay talagang nangyari. Walang kwenta kahit sabihin pa nila sa sarili nilang hindi. Di kailangang malaman ng iba ang tungkol dito pero imposibleng talunin niya ang konsensya niya. Di siya nagsalita, basta na lang tumango bago umalis.
Huminto si Jeremy nang marinig niya ang tanong ni Madeline. Itinaas niya ang kanyang mahaba at bilugang mata nang dahan-dahan. Isang malamig at matigas na kinang ang lumitaw sa ginintuan niyang mata. Di mukhang tama ang itsura ng mata niya. Nagtaka nang sobra si Madeline. Lumapit siya dito para tignan kung anong tinitignan nito. Pero kaagad na itinabi ni Jeremy ang mga larawan at itinabi ito sa loob ng sobre. Tapos itinaas nito ang tingin nito at nginitian siya nang marahan. "Mga larawan lang ito mula sa aming collaborator. Wala lang ito," Sinabi nito. Ibinato niya sa aparador ang salansan at kinandado ito. "Bakit ka bilang pumunta dito? Namiss mo ba ako?" Tanong niya. Nagkaroon ng ngiti sa mata ni Madeline. "Napadaan ako matapos ihatid ang mga bata sa kindergarten," Sagot niya. "Nandito ka lang pala kasi malapit ka?" Tanong nito. "Oo, kasi malapit ako." Tumawa siya nang malambing. Ang totoo ay di siya nagpunta dito dahil malapit lang siya. Namiss niya talaga ito. Pag
Nang marinig ni Mrs. Jones ang sinabi niya, alam nito na siya ang tinutukoy niya. Gusto niyang magsalita pero pinigilan siya ni Ryan kaagad. "Mom, bumalik ka na sa kwarto mo," Sinabi nito. "Rye wag mong kalimutan na ikaw ang asawa ni Eveline!" Pinaalala sa kanya ni Mrs. Jones. "Wag mong pansinin na siya ang anak ng pinakamayamang pamilya ng Glendale. Tingin mo ba takot sa kanya ang Jones family?" Tanong niya. Tinitigan siya nang masama ni Jeremy. "Mabuti kung di kayo takot," Sinabi nito. "..." Natakot siya sa masamang titig nito at di na siya nagsalita pa. "Pumunta ka sa kwarto mo ngayon na," Sinabi sa kanya ni Ryan. Di na nagsalita si Mrs. Jones. Tumalikod ito at kaagad na tumungo sa hagdan. Pero nakaramdam siya ng dahas mula kay Jeremy. Mukhang nandito ito para pahirapan si Ryan. Pumunta siya sa hagdanan ng ikalawang palapag at pinanood ang pangyayari sa sala. Pagtalikod niya, ibinato ni Jeremy ang isang sobre kay Ryan. Nasa sampung larawan ang nalaglag mula sa sobr
Di pinansin ni Jeremy si Mrs. Jones at kinasa ito bago niya ilagay ang daliri niya sa gatilyo. "Akala mo ba ngayong patay na si Yorick, wala ka nang katatakutan Ryan?" Nagulo na ang eleganteng mukha ni Ryan nang mabanggit si Yorick Johnson. Napansin ng matalim na titig ni Jeremy ang pagbabago sa mukha ng lalaki at idiniin niya ang nguso sa dibdib ni Ryan. "Talagang magaling ka sa pagtatago nito." Mukhang naguguluhan si Ryan at di alam ang tinutukoy ni Jeremy. Sumagot ito, "Di mo ba naiisip na baka may problema sa'yo Jeremy? Mukhang di lang nabago ng lason ang itsura mo, nagulo na rin nito ang isip mo." Nagdilim ang mukha ni Jeremy. "Tama ka. Magulo ang isip ko, at sinasabi ng magugulong kaisipan kong ito na gusto nitang mawala." Bumalot ang manipis niyang daliri sa gatilyo. Itataas na ni Ryan ang kamay nito para pigilan si Jeremy nang maaninag nito ang anino ni Madeline. "Wag mong gawin yan! Jeremy!" Sumugod si Madeline para pigilan ito habang hinahawakan ang kamay ni